Chapter 26

1395 Words
Ang mahinahong kulot na babae naman ay mukhang malapit ng bumigay. Samantalang todo-todo na ang pagwawala ng pokpok na si Fres. Etong smiling face lang talaga ni Rivaille ang hindi nagbabago! Epic face talaga! Ang malala pa, aaminin ko na nagbago talaga ang atmosphere sa loob. Mas ramdam ko ang mga nakakatakot na lakas at abilidad ng mga taong naririto ngayon na para bang sinasabi sa akin na kapag ipinagpatuloy ko pa ang hindi ko pag sang-ayon ay may masamang manyayari sa amin. “Pasensiya na kayo. Ako ng humihingi ng paumanhin para dito sa kasama ko pero mukhang hindi talaga siya sang-ayon. Wala naman sigurong dapat mangyari kung ayaw talaga namin di ba?” ang mahinahon na tanong ni Zerija. Kaagad naman na may nagsalita, si Daron. “Kamatayan.” sabi nito, na sa pagkarinig ko pa lang ay may kung anong malamig na hangin na bumalot sa katawan ko. Hindi ko sigurado kong takot o ano ba iyon. Ang alam ko lang, hindi siya nagbibiro. Mayamaya ay may nagsalitang muli, ngayon naman ay yung kulot na babae. “May naghihintay na kaparusahan para sa mga nilalang na sasalungat sa leader, at iyon ay kamatayan.” Pagkasabi niya nito ay ramdam ko ang pag higpit ng hawak ni Zerija sa mga braso ko. Nakita ko rin na pinagpapawisan na siya. Dahil dito ay medyo nakadama ako ng pagka-guilty. “Oho, oo nga pala ano? Hoy mga weak, kung ayaw niyo talaga eh pwede naman kayong mamatay! Hahaha! So convenient di ba? Saka kung ating iisipin eh matagal na naman talaga kayong patay kung hindi namin kayo iniligtas. So basically, you do not have the tiniest single ultimate right to go against Rivaille dahil utang niyo sa kanya ang buhay niyo. Just go to hell if you want, because it serves you right.” sabi nito sa amin. [AN: Upcoming Bad words WARNING! Super galit na si Cirin :0 ] F*ck! F*ck! F*ck! Sh*t talaga ang b***h pokpok na iyan! Anong karapatan niya para ibalik sa akin ang mga salitang ibinigay ko sa kanya kanina?! Sh*t talaga! “Cirin…” pinigilan ni Zerija ang kamay ko na padampot na sana nung bow na nakasabit sa likuran ko. Gusto ko na talagang patayin ang matapobreng putang babae na nasa harapan ko! Babasagin ko ang bungo niya, hihiwain ko ng maliliit na piraso ang utak niya, dudurugin ko ang puso niya at kung anu-ano pang kabrutalan hanggang satisfied na ako! Nakatulog lang ako ng konting saglit tapos ayan nagkautang na ako, at buhay ko pa itong nakasangla! Ay mga sh*t sila! “Cirin, kung ayaw mo talaga, then I think, we need to follow the consequences.” sabi ni Zerija habang pilit na ngumingiti sa akin. “I will become your new family, at promise kong hahanapin natin ang pumatay sa pamilya mo.” Hindi ko alam kung bakit pero muling nagbalik sa isip ko ang pangako kong iyan kay Zerija. Kung hindi ko napigilan ay muntikan na akong mapaiyak. Ayaw kong umiyak dito, mas lalo lang akong magmumukhang asar-talo! “Cirin, in order to win, you must learn how to play in any games” Sa oras din na yon ay bigla na lang akong nakalala na may isang taong mula sa nakaraan na nagsasabi sa akin niyan. Mukhang kilala ko kung kanino ang boses na ito, ngunit hindi ko matandaan. Ang alam ko lang, muli na naman nanginig ang mga katawan ko. Buti na lang kaagad ko itong nakontrol at nawala rin naman. So ibig sabihin, bagong laro ito ha? Sige, then I must learn how to play with it. Mukhang nakatadhana talaga sa akin na mangyari ito. Besides, I cannot die yet. Tumango na lang ako ng dahan-dahan kay Zerija which signifies na pumapayag na ako. Kahit na deep inside ay nagwawala pa rin ang other side ko na ayaw pa-kontrol sa iba. Mukhang na-corner ako sa ngayon. Pero hindi ako papa-corner sa kanila forever. Sa hinaharap hahanap ako ng butas at sisiguraduhin kong magbabayad sila. “P-pu-pumapayag na raw po si Cirin!” ang gulat na gulat na sigaw ni Zerija na para bang nang narinig ito ng lahat ay mukhang medyo gumaan ang hangin sa paligid namin. Samantalang nagsimula na namang magreklamo ang maingay na bibig si Fres. Alam ko kung bakit gulat na gulat ang babaeng ito. Ngayon lang niya ako nakitang natalo. Natalo ako. Hindi nga physically, pero mentally and emotionally, oo. And to think na ang taong nasa likod nito ay ang Rivaille na iyon, na halos wala man lang ka-effort effort na kinontrol ang buong sitwasyon sa pamamagitan ng paggamit sa mga alagad niya, what is he really? Hindi ako nagkamali, kailangan doble ingat kami sa taong iyan. Mayamaya ay nakamalay na lang ako na nasa tabi ko na pala si Rivaille habang hinahawakan niya ang iba’t-ibang parte ng katawan ko, ulo, balikat, kamay, baywang, dib— “MANYAK! What the hell are you doing?!” ang malakas na sigaw ko sa kaniya na may kasabay na tulak papalayo. Nawala lang ako sa sarili ng konting oras tapos muntikan na akong ma-rape?! Uwa! Talagang hindi nagkakamali ang instinct ko! Delikado talaga ang leader na yan! Naitulak ko na siya’t nasabihan ng manyak ay ni-hindi man lang nagbago ang ngiti sa kanyang mukha. Nakita ko rin ang nanlulumong si Fres, “May muscles naman siya, very suited for fighting. Malakas din ang braso, at mabilis kumilos. Tanggapin na natin sila, Ricter…Daron. Sige na!~~” sabi nito sa kanyang kasamahan na para bang wala lang sa kaniya yung sinabi ko! “Cirin, namumula ka.” narinig ko si Zerija. Pagtingin ko sa kaniya ay halatang kanina pa niya pinipigilan na matawa. What the--? Namumula raw ako? Napahawak tuloy ako ng wala sa oras sa aking mukha, at ngayon lang napansin na medyo mainit nga ang mga pisngi ko! “I’ll kill you. Sino bang hindi mapapahiya kapag minanyak ka ng isang baliw na lalaki habang nasa harapan ng maraming tao?!” ang mahinang sabi ko sa kaniya, “Sige, sige. I’ll accept that as an excuse. Pero aminin mo na kaya ka namula ay ngayon ka lang ulit nahawakan ng isang lalaki. I pity Tyrone.” sabi ni Zerija. No comment. Hindi yan totoo! “SHUT UP!” sigaw ko sa kaniya. Mayamaya ay ramdam ko ang paglapit ni Rivaille, “Ah, sorry. Pero wag mong pakaisipin yung ginawa ko Cirin, kailangan kasi ng patunay na malakas ka para makumbinsi natin sila Daron na tanggapin kayo dito sa grupo.” sabi niya sa akin. Wow, convincing sana pero imaginin niyo na may nagsabi sa inyo ng ganyan habang nakangiti. Maco-convince ba kayo? Hindi! Mas maiinis pa! “Shut up” sagot ko sa kaniya. Nakakaloka talaga ang Rivaille na ito! Paano nalalaman ng kasamahan niya kung seryoso siya kung ganyan palagi ang kanyang itsura? Mayamaya ay nakita ko si Ricter na may iginuhit na malaking bilog doon pader na walang taong nakatayo. Lumapit naman si Daron kay Zerija sabay sabi ng, “Itumba mo ako kung kaya mo.” Walang anu-ano ay mabilis na ginamit ni Zerija ang kanyang kanang paa upang i-sweep ang binti nito na nagpatumba naman sa taong nanghamon sa kanya. “Marunong mag karate, taekwondo, at magaling sa aikido. Sige, pasado ka na.” sagot ni Daron na parang wala lang sa kaniya kahit napatumba siya ni Zerija. Pero medyo humanga ako ng konti dahil tama ang sinabi niya. Marunong nga si Zerija ng tatlong martial arts na iyon. Yun nga lang, aikido lang ang kadalasang sinasabi niya dahil iyon ang pinaka-paborito niya sa tatlo. “At ikaw naman,” ngayon ay nakatuon na sa akin ang attensyon ni Daron, “What?” ang mataray na tanong ko sa kaniya. “Gamitin mo yang archery mo upang pataamaan ang gitna ng bilog na iginuhit ni Ricter.” utos nito na parang kung sino. Tsk! Napakagat lang ako ng labi. Ayaw na ayaw ko talaga na inuutusan! Kaagad kong kinuha yung bow at arrow ready for shooting position. Walang anu-ano ay ni-release ko ito, Pagkatapos ay muling umingay ang buong hide-out. Hindi ingay ng paghanga dahil sa ginawa ko, kung hindi ingay ng pagkadismaya, Paano ba naman, sa laki na nung bilog na iginuhit ni Ricter, ni hindi man lang pumasok sa loob yung pinakawalan kong arrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD