[Cirin’s POV]
“Zerija…Cirin, from now on, parte na kayo ng Dark Hand Order, okay?” sabi pa nito.
Halos matanggal sa pagkakabit ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon! Si Zerija naman ay nagmukhang batang kindergarten na walang maintindihan sa itinuturo ng teacher niya.
Nang medyo nahimasmasan na ako eh kaagad akong sumugod papunta dito kay Rivaille. Inakala ng mga kasamahan niya na babanatan ko ng suntok ang leader nila kaya naman kaagad nila akong hinarangan. Samantalang si Zerija naman ay kinapitan ang mga balikat ko.
Well, tama naman sila dahil kung wala lang talagang sagabal ay kanina ko pa nabasag ang pagmumukha nito!
“Hoy leader ng kulto! Huwag kang magdesisyon in advance! Wala akong natatandaan na pumayag kami na sumali sa grupo niyo!” ang malakas na reklamo ko habang isiniswing ang mga free feet ko!
Mas naasar pa ako nang hindi man lang talaga nagbago ang nakangiting mukha nitong si Rivaille. Ang mas malala pa eh, mas lalo pa siyang ngumiti!
Wa! Baliw na lalaki! Alam kong smile is a good medicine pero mukhang drugs na yata ito para sa kaniya! Baka naman talagang naka-drugs yan kaya nagkakaroon na ng kung anu-anong delusion!
“Saka Rivaille, hindi tayo nagsasali ng mga lampa dito sa grupo! Di ba mga weak nga sila kaya muntikan na silang mapatay nung mga Assassins? Hindi ako makakapayag na isali mo sila dito.” singit ni Fres habang hinihila-hila ang damit na suot ni Rivaille na parang batang inaaway.
Waaa! Kung hindi lang makakatulong ang pinagsasabi niya para makaalis na kami dito eh kanina ko pa siya sinalungat! Weak ka diyan? Wala lang ako sa kondisyon makipaglaban ng mga oras na iyon!
“Rivaille, hindi ko alam kung natutulog ka pa rin ba pero pag isipan mong mabuti ang mga pinagsasabi mo. Tandaan mo na nakasalalay sa iyo ang kapakanan ng Dark Hand Order.” dagdag pa nung kulot na babae.
Ayaw ko mang isipin pero mukhang ang dating namin dito ay mga lampang tutang pakalat-kalat sa daan. Naku, kontrolin mo ang nag aapoy mong galit Cirin! Mas mabuti sa ngayon na magmukha kayong mahihina upang makalayas na kayo sa bwisit na lugar na ito!
Pero ang lokong si Rivaille, mukhang hindi papayag na magpabago ng desisyon niya. Nakangiti lang ito na parang shunga habang sinesermonan ng kanyang kasamahan! Anong klaseng leader yan? Hindi talaga ako makapaniwala sa mukha niya Nagpa-botox ba yan, oh baka naman na-stroke kaya pag-ngiti lang ang kayang gawin?
“Leader,” mayamaya ay may narinig akong bagong boses. May isang lalaking humakbang papauna, malapit sa kinatatayuan ni Rivaille.
Mayroon itong matikas na katawan, at halatang malalaking muscles. Seryoso ang mukha niya, at siya ang taong sa unang tingin ay aakalain mo talagang nag iisip muna bago magsalita.
“Oh Ricter? Good morning!” sagot ni Rivaille habang nakangiti pa rin. May sira na yata talaga ang taong ito. Kanina pa ito bati ng bati ng good morning!
Natigil ako nang bigla na lang lumingon sa amin ang lalaking nagngangalang Ricter. Tiningnan kami nito mula ulo hanggang paa na parang may hinahanap na kung ano sa postura ng aming pangangatawan.
“Leader, kung gusto niyo talaga silang isali sa grupo, kailangan muna nilang patunayan ang kanilang sarili katulad ng marami. Para na rin maging patas sa iba.” ang seryosong sabi nito.
Magsasalita sana ako, pero si Zerija na itong nauna at nagtaas ng kamay niya.
“Paumanhin pero wala kaming naalala na pumapayag kami na sumali. Kaya naman hindi namin kailangan na patunayan ang aming mga sarili. Sana maintindihan niyo rin iyon.” ang magalang na sabi niya.
Napansin ko lang, bakit kapag kay Zerija nakatingin ang mga tao dito ay mukhang ambabait nila? Samantalang kapag ako ang nagsalita ay nagmumukha silang mamamatay tao? Discrimination and mga racist lang mga ‘pre?! Normal naman ako ah!
Pero good work Zerija, napakaayos ng pagkakasabi mo. Pag hindi pa yan nagets ni Rivaille ay ewan ko lang! Magsasalita na sana si Rivaille ng may isa na namang hindi kilalang lalaki ang humakbang papauna.
“Leader, hayaan niyo na pong ako ang magpaliwanag sa kanila…” ang sobrang galang na sabi nito kay Rivaille with matching bow pa.
“Sige, Daron.” sagot naman nito.
Pagkatapos ay kaagad itong humarap sa amin at biglang naging bayolente ang pagmumukha na para bang kanina pa kami gustong patayin.
“Hoy mga walang alam na nilalang! Sa hide-out namin ito ay tanging ang mga salita na nagmumula lang sa bibig ng leader ang tanging masusunod! Walang kapangyarihan ang mga sentimento ng mga nilalang na katulad ninyo! Sa ayaw niyo man o sa hindi, kapag sinabi ni Rivaille na sumali kayo, isa lang ang pwedeng sagot, at yun ay ang ‘oo’!” ang sunod-sunod na leksyon sa amin nito na wala man lang pause.
Halos maghabol ng hininga si Daron pagkatapos. Grabe, ngayon ay napatunayan ko ng hindi ako ang pinaka-high blood na tao dito sa mundo!
Anong klaseng batas yan? Masyadong hindi makatao! Hindi tama! So ano yun, nawawalan kami ng freedom of speech sa lugar na ito? Ay tang-*na! Bwisit na bwisit na talaga ako!
“Ay gago pala kayo eh! Walang katarungan ang pinagsasabi niyo!—“ magmumura na sana ako ng todo-todo nang si Zerija na ang pumigil sa akin.
Cirin, kalma! Ako ng bahala.
Bulong niya sa akin habang nakahawak sa braso ko. Noon ko lang napansin na mas nanlisik pa ang tingin ng mga tao dito sa amin, particularly sa akin. Pati yung lalaking nag ngangalang Ricter ay mukhang may galit na rin! Si Daron naman ay halos tubuan ng mga ugat sa mukha.