Chapter 24

1405 Words
“Rivaille, bakit ba natin tinulungan ang mga ito? Yan tuloy, nasira ang mga kuko ko! Kainis naman oh!” reklamo ng isang babae na naka pig tail ang buhok. Maikli ang kanyang suot na pambaba, at manipis na sando lang sa itaas. “Shhh! Natutulog pa si Rivaille! Ang arte mo, tumigil ka nga Fres!” ang marahan ngunit naiiritang sagot ng isa pang babae na may maikling kulot na buhok habang tinatabunan ang madaldal na bibig ng kasama niya. Siya ay si Leora. Padabog namang tumigil si Fres, at ibinalik ang kanyang mga tingin kayna Cirin at Zerija na wala pa rin malay habang nakaupo sa may gilid ng hide-out nila. Marami pang tao maliban sa kanila ang nasa loob ng hide-out na ito. Iba-ibang anyo, at marami rin dalang iba’t-ibang armas. Naalerto ang lahat ng sabay na gumalaw ang nakapikit na mata ng dalawang taong malapit ng magkamalay. [Cirin’s POV] Teka, saang lupalop ako napadpad?! Bakit ang daming tao dito? Ang sasama pa ng tingin! Sino ang mga strangers na iyan? “Cirin, nasaan tayo?” tanong sa akin ni Zerija na mas lalong nagpaasar sa akin. As if naman alam ko ano? Obvious ba na alam ko? Nakakabadtrip talagang kausap ang mga bagong gising. Kaagad akong tumayo habang inoobserbahan ang ang kapiligiran. Mukhang long lost brothers and sisters ko ang mga nandito, ang aangas ng dating eh pero halatang may laban! Ang alam ko lang ay malapit na kaming mapatay nung mga Assassins kanina…kahapon…or nung isang araw? Wa! Hindi ko na rin alam kung anong araw na ba. “Buti nagkamalay na kayo—“ may lumapit sa amin na babaeng kulot ang buhok at sinabi ito. Ngunit hindi ko na siya pinatapos at kaagad akong nagsalita, “Nasaan ang exit?” tanong ko sa isang malamig na tono, “H-h-hoy Cirin,” narinig ko si Zerija. Alam ko ang nais niyang iparating, na dapat ay gumalang at magpasalamat ako dahil iniligtas nila kami. As if I’ll do that! Hindi ako magpapasalamat sa mga taong hindi ko kilala! Sino bang nagsabi sa kanila na iligtas kami? Wala di ba! So wala akong obligasyon na magpasalamat! Saan na ba yung exit na yun? Nang makakita ako ng pinto, ay kaagad akong naglakad papunta rito. Pero humarang sa pinto ang napakaraming strangers habang mas lalong sumama ang tingin nila, particularly sa akin! “Maupo ka muna. Si Rivaille lang ang pwedeng magdesisyon kung sino ang lalabas at papasok sa lugar na ito.” sabi nung babaeng kulot. At sino naman yang Rivaille na yan? “Oo nga naman Cirin. Dapat magpasalamat man lang tayo dahil sa pagliligtas nila sa atin.” singit ng anghel na si Zerija. Ay naku Zerija, mamamatay ka kaagad sa mundo kung ganyan kabait ang ugali mo! Mayamaya ay may babaeng tila pokpok na lumapit sa amin. Inilapit nito ang mukha niya sa aming dalawa habang halata sa mukha niya ang labis na pagkamuhi. “FYI, never namin kayo ililigtas kung hindi dahil ipinag utos ni Rivaille. Huwag kang pabida dito babae!” ang mataray niyang sinabi sa amin, to be specific, to me. Aba, hinahamon ba ako nito sa labanan ng salita? Bwahaha! Game! “Never magiging bida ang pokpok kaya you don’t have the tiniest single ultimate right to say that to me. Saka pakialam ko ba kung aso kayo niyang Rivaille na yan? Pero, serves you right.” sagot ko habang naka-tilt ng konti ang mukha at naka smirk. Halos mamula sa galit yung mukha nung babae. Dama ko rin ang nanlilisik na tingin ng mga taong nasa paligid ko. Sensya na, sino ba ang naunang mang asar? Kahit ilang libo pa kayo, walang tatalo sa akin sa asaran. “How dare you piece of s**t---!” babanatan niya sana ako ng sampal nang biglang pinigilan siya nung kulot na babae. Narinig ko ang palihim na pagtawa ni Zerija. Yan lang naman ang kaisa-isahang abnormal na taong tumatawa sa tuwing nang aasar ako. “Calm down Fres! Huwag mo siyang patulan.” awat nung kulot na babae. “Nilait niya tayo, si Rivaille, Leora! I can’t forgive her!” reklamo pa nung babaeng nagngangalang Fres. I’m not asking her forgiveness anyway, at kelan ko nilait ang mga kasamahan niya? Siya lang kaya! Ang tanga naman nito. “Hindi matutuwa si Rivaille pag nakita niya ito! Suit yourself Fres!” sagot ni Leora. “So, nasan na yang si Rivaille para makaalis na kami?” ang normal kong tanong kay Leora. Ningitian niya ako which is kinagulat ko dahil bihira ang mga taong katulad niya na matimpiin. Kung ako kasi sa kanya, kanina pa ako nakapatay ng tao. “Natutulog pa siya.” ang mahinahon nitong sagot, “You’re joking me.” akala niya siguro maloloko niya ako. Sinong tanga ang magkakaroon ng afternoon nap habang nagpapatayan na sa labas? “I’m serious. Hobby ni Rivaille ang matulog.” sabi ni Leora na mukhang hindi talaga nagbibiro. For some reasons, wala namang masama na matulog. Kahit ako ay pabor din sa pagtulog. Pero ngayon, talagang nabwisit ako dahil doon. “Nasaan yang leader niyo? Gigisingin ko!” reklamo ko habang lumilingon lingon. “No, nagiging halimaw si Rivaille kapag ginising ng wala sa oras!” ang mabilis na tugon ni Leora. So what? Halimaw din naman ako so okay lang. “Ang angas mo talaga babae! Subukan mong gisingin si Rivialle, kakalbuhin kita!” sigaw ni Fres. Ah bwisit talaga ang pokpok na ito ah! Talagang gusto yata ng away at gulo. Uunahan ko na sana, at siya itong kakalbuhin ko ng biglang may nagsalitang malamig na boses ng lalaki. “Hindi bagay sa babae ang kalbo.” Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko na malakas ang isang ito sa boses pa lang niya. May kung ano na hindi ko maipaliwanag, na nagpatigil mismo sa paggalaw ng katawan ko. Maging ang mga bulungang naririnig ko kanina ay nagsitigil. Napatigil din ang madaldal na si Fres. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan nung boses at nakita ang isang lalaking halos kasing edad lang namin ni Zerija. May istura, parang si Tyrone lang. W-wait, bakit pumasok si Tyrone?! Ang panget kaya ng lalaking iyon! Bigla rin dumating sa akin ang alaala na nakita ko na ang mukhang iyan habang nawawalan ako ng malay. Siya ang taong nagligtas sa akin. Pero wag siyang mag expect na magpapasalamat ako. “Rivaille~~!” Ang matinis na sigaw ni Fres habang nagtatakbo papunta doon kay Rivaille. Pagkarating nito ay kaagad niya itong niyakap. Kadiri. Motel ba ito? “Oh Fres, good morning!” bati nito habang nakangiti. Anong good morning? Tanghali na kaya! “Good morning din Rivaille!” sagot naman nung Fres. Mukhang baliw yata dito sa lalaking kayakap niya. Yuucckk! Nakakasuka talaga ang mga ganitong eksena. Walang anu-ano ay lumingon sa amin ang lalaking nagngangalang si Rivaille, “Oh, good morning Zerija…Cirin!” bati nito. Pambihira, pati ba naman ako binate ng good morning! May sira ba ang utak ng lalaking ito? Saka paano niya nalaman ang pangalan namin? “Sorry pero, hindi na morning, at kung morning man, hindi ‘good’ ang morning ko. Lead us to the exit. We need to go.” ang cold na sagot ko sa kaniya. Ngunit wala akong nakitang pagbabago sa good mood nito, and what’s more? Mukhang wala siyang pakialam sa sinabi ko! “Oh? Welcome nga pala, welcome sa Dark Hand Order!” sabi nito sa amin sa isang masigla na boses! What the hell is he saying? “Hoy, nakikinig ka ba?! Saka ano yang pinagsasabi mo?” tanong ko. Anong Dark Hand Order? Pero mukhang pamilyar. Parang narinig ko na dati. Ang creepy ng pangalan, parang kulto ng dark magic lang! “Rivaille!” sigaw ni Fres, “Ano yun, Fres?” tanong nito habang nakangiti pa rin. This person shows the same expression. Ang mga taong ganyan, ay maraming sikreto. “Don’t tell me, isinasali mo sila sa grupo?!?” tanong nito, “Yes. Kaya nga natin sila iniligtas di ba?” sagot nito at muling lumingon sa amin. What the~~?! Sino siya para magdesisyon ng hindi man lang hinihingi ang side namin? “Zerija…Cirin, from now on, parte na kayo ng Dark Hand Order, okay?” sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD