Chapter 5

1857 Words
[Cirin POV] Buti na lang pala, pumayag akong ipagpalit yung notes ko sa Science kapalit ng isang brand new skateshoes. May isa kasi akong kaklase …pero I think he’s dead by now dahil nakita ko siyang napatay kanina. Tamad siyang magkopya ng notes, at nang nalaman niyang exam namin bukas, na di ko alam kung tuloy pa ba dahil halos patay na ang lahat ng estudyante…pinilit niya akong ipahiram sa kanya yung notes ko kapalit ng skateshoes. Buti na lang may kapalit kung hindi, never ko talagang ipapahiram sa kanya iyon. Pero ngaun na wala na siya, medyo na gi-guilty ako. Saka, paano yung notes ko sa science? Paano iyon maiibalik? Haiyyyh…medyo lugi yata ako sa palitan namin. Pero pasalamat na rin ako dahil nagamit ko itong skateshoes. Oh, nga pala. Skateshoes ay ang mga bagong uso na sapatos na may sariling fuel upang umandar. Madali lang silang gamitin kung marunong kang mag bike. Para ka lang nag a-ice skating, yun nga lang ito ay pwede mong gamitin kahit saan. Lubak man o pantay. Ginagamit ko ito ngayon as a mode of transportation. Originally meron naman si Zerija nito kaya ayon, parang nag a-ice skating lang kami sa daan. Nasa Zone Argos pa naman ang bahay nito, at aabutin kami ng gabi kung maglalakad lang. Saka, madalang ang public transpo. Hindi rin namin pwedeng gamitin ang main roads dahil nag iingat kami. Mas pinili namin dumaan sa mga shortcuts na kung saan eh mas ligtas dahil maliliit ang daan. Para sa kaalaman ng karamihan, ang mundo na pwedeng tirhan ng tao ay nahahati na sa tatlong bahagi: Zone Argos, Zone Bicil, at Zone Carze. Ang Zone Argos ay naitayo noong isang taon lamang kasabay ng Zone Carze. Tinatawag din ito na upper ground dahil nakalutang ang ground na ito. Papaano? Well, that high technology. Kadalasan, ang mga taong naninirahan sa Zone Argos ay iyong may posisyon or nagtatrabaho sa gobyerno. Sapagkat naroon nakatayo ang Filindria Palace (opisina ng presidente) at iba pang buildings na ginagamit para sa pamamahala ng mundo. Hindi katulad noon, mayroon lang isang taong namumuno sa lahat ng bansa. Siya ay si Estefia Xiracea…E.X. kung tawagin. Nakita ko na siya isang beses. Noong archery competition namin. Isa siya sa mga judges eh. Sabi ng iba, kamukha raw siya ng isang diyosa, pero para sa akin, wala naman siyang dating. Si EX lang naman eh isang matangkad na babae with long hair na laging naka braid, always kulay blue ang suot, laging naka high heels, at ang pinaka nakaka intriga para sa lahat…hindi mo mahuhuluan kung ano ang tunay niyang edad. Sa halos pitong taon niyang pamumuno, halos hindi man lang siya tumanda. Minsan nga ay may balitang kumalat na immortal daw si EX. Pero para sa akin, kalokohan lang yan. Kung immortal siya eh di sana nagkalat na sa market ang immortal vaccine. Gumagamit lang yan ng mamahaling beauty products kaya mukhang hindi tumatanda. Take note na babae ang pinakamakapangyarihang tao sa panahong ito. Wala na kasing inequality between men and women. Tuluyan ng natibag ang pader na iyon. Sa Zone Bicil naman kadalasang makikita ang busy na industriya ng mundo. Tinatawag din itong middle ground. Ang ground na kung saan originally nakatira ang tao. Narito ang mga pabrika, malls, restaurants, universities, banko, at iba’t-ibang establishment na parte ng kalakalan ng pera at development ng tao. Bihira ang mga nakatira sa zone na ito. Kung meron man eh siguro yung mga taong pinili manirahan sa mga hotel at condo. Kasalukyan din na nasa zone na ito pa lang kami. Kailangan pa naming sumakay ng zone elevator upang makarating sa Zone Argos. Ang elevator na ito ay isang straight passage extending from Zone Argos hanggang Zone Carze. Minuto lang para makalipat from one zone to another. Samantala, ang Zone Carze naman o ang lower ground, ay ang pinakamalalim na zone sa tatlo. Nakalubog ito sa lupa, hanggang lower mantle. Medyo mainit sa lugar na ito dahil malapit na nga sa core ng mundo. Walang panahon dito sapagkat nakalubog nga sa lupa. Puro batong buildings lang at concrete na pader ang nasa paligid. Ang zone na ito ay exclusive para sa tirahan ng mga tao. Nagrereklamo nga ako eh kung bakit dito itinayo ang mga residences. Ang init kaya, tapos halos wala pang fresh air. Pero sabi nila, para raw ito sa safety mula sa bagyo. Umaabot na kasi ng signal no. 10 ang mga bagyo sa kasalukuyan. Kung sa lindol naman eh walang problema, dahil lindol proof nga ang lahat ng establishments dito. Medyo pagabi na, at buti na lang, wala pa kaming nakakasagupa na assassins. Nakakapagtaka nga eh. Kung ikukumpara hours ago, wala ng mga nagsisigawang boses kami na naririnig. Tahimik na ang buong paligid. Kung may nakakapanindig balahibo man na nagaganap eh siguro yun ang iyakan ng mga nawalan. Nag aalala rin ako sa mga magulang nitong si Zerija. Buti na lang pala katulad ko rin na walang interest sa mga social networking site ang pamilya ko, kaya eto…siguro okay naman sila. Kung ibang tao lang eh never ako mag eexert ng ganitong katinding effort na mag skate papunta sa zone elevator na konti na lang eh mararating na namin. Mababait kasi ang mga taong iyon. Malapit rin silang kaibigan ng pamilya namin. Ang kapatid naman niya ay ang nag iisang taong pwede mong ipartner sa akin. Kakampi ko kasi iyon laban dito sa ate niya tuwing may away kami. I hope they are okay. Sa wakas eh nakarating na kami sa elevator. Yun nga lang… “What the heck?! Ang daming tao!” napasigaw ako bigla nang aking nakita ang mga taong pilit na nagsisiksikan makapasok lang. Halo-halo…may mga estudyante na katulad namin, mangagawa, pulis, at iba pa. Pero may isang kapansin-pansin sa bawa’t isa. Bakas ang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. Ang iba nga eh sugat-sugatan at may bahid pa ng dugo ang katawan. Pero wala kaming pinagkaiba sa kanila. Napatingin ako sa konting tubig ulan na nasa ibaba ng paa ko at aking nakita ang reflection ng aking mukha. I have no idea…na bakas din pala sa mukha ko ang pangamba. Mas lalo na si Zerija, kung ako nga eh ganito ang sitwasyon, paano pa kaya siya na nag aalala sa kanyang sariling pamilya? Ang dami ng kunot sa kanyang noo, tapos halatang maiiyak na rin. Palakad na ako upang makipagsiksikan sa elevator nang biglang aking naramdaman na parang may natumba sa may likuran ko… Tumingin ako, at kaagad na tumakbo ng makitang ito ay si Zerija… “Hoy! Ano? Masakit pa rin ba yung sugat mo?” tanong ko sa kaniya. Pero umiling lang siya sa akin sabay lagay ng mga kamay sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang bigla na lang siyang umiyak, “H-hoy! Huwag kang umiyak! Nakakahiya sa mga tao!” dagdag ko habang pilit siyang inaangat, “Nakakahiya? Bulag ka ba? Wala na silang pakialam sa ibang tao. Ang iniisip na lang nila…natin…ay ang ating mga sarili.” sagot niya sa akin habang patuloy pa rin ang pagtulo ng sipon at luha. Tama nga ang sinabi niya. Wala man lang nag atubili na pansinin ang kadramahan namin dito. Yung iba nga eh halos mabungguan at matapakan pa kami. Nagkakasakitan na rin ang mga tao sa pagpasok doon sa elevator. Hanggang sa tuluyang lumala at umabot sa suntukan at sabunutan, “Tumabi ka diyan! Mamamatay ako dito!” sigaw ng isang middle aged na babae habang itinutulak ang isang estudyante. Nang hindi pa ito nakuntento eh kanyang hinampas ng bag ang kawawang estudyante hanggang sa ito ay napatumba at natapakan ng ibang tao. Akala ko may isa man lang na tutulong, pero wala eh. Hinayaan lang nila na matapakan yung tao habang ito ay todo-todo ang kaiiyak at kahihingi ng tulong. Gusto ko rin sana siyang tulungan pero… Wala naman akong mapapala… Marahil, ito rin ang iniisip ng iba. Alam kong ito ay tama kung sa akin lamang. Pero…nasa tama rin kaya iyan kapag ibang tao ang pinag usapan? Parang nawala na sa kanilang sarili ang lahat. Mga nawalan ng lakas para lumaban…mag alala sa kapwa…at pag-asa. Wala pang isang araw ang nakakalipas eh naging ganito na ang reaksyon namin mga tao. Paano pa kaya kapag tumagal? Ano ng mangyayari sa mundo? Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, “Let us go back Cirin.” sabi ni Zerija habang nakahawak sa kamay ko, “Eh? Akala ko ba pupun-“ pero hindi na niya ako pinatapos at kaagad na siyang nagsalita, “They are probably dead…by now.” ang malungkot na sinabi niya sabay luha ulit, This person…she’s not acting acting like herself. Kahit ako man eh mukhang hindi na rin. Pero…wala akong benefit na makukuha kung mawawala ako sa sarili at mag papanic. Maghuhukay lang ako ng sarili kong hukay kapag nangyari iyon. Pero paano kami makakapasok niyan sa elevator kung parang mga langgam na nagsisiksikan sa isang butas ang mga tao?! Baka mamaya eh hindi assassin ang makapatay sa amin, baka kapwa tao pa. Mawawalan na rin sana ako ng pag asa…nang biglang may dalawang tila meteorite na naglanding malapit sa mga taong nagsisiksikan sa may elevator, at kanilang sinimulang pagsasaksakin ang mga taong nandoon. Sa isang kisap mata, nabahiran ng dugong nagkalat ang paligid...muling narinig ang mga iyak ng paghihinagpis...at aming muling naramdaman ang takot at kawalan ng kapangyarihan. Nagkagulo ang lahat. Maraming nagsitakbuhan papalayo sa elevator. Yung iba naman na swerte eh nakaabot at nakaligtas dahil sa pag andar nito. Ngunit ang iba na naiwan ay kasalukuyang naghahanap ng paraan upang makaligtas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit nauwi sa ganito ang lahat. Hindi ko pa rin tanggap na ako ay nasa realidad. Sana nanaginip lang ako, at kung panag inip man ito, sana ni kelan man ay hindi ito manyari sa mundo. Pero ang lahat ng aking nakikita ay pawang katotohanan. Ng dahil sa isang website... Naging hunting ground ang buong mundo. Kaming mga tao ang hayop, samantalang ang mga assassins na ito ang hunter. “Assassin! May dalawang assassin!” sigaw nila habang nagtatakbuhan. Pero unfortunately, ang pagtakbo ay hindi sapat upang sila ay makaligtas. Wala pang isang minuto eh halos limang tao na ang kayang patayin ng mga assassin na ito. “Spare me! Please spare me! Wala akong account sa Nissassa!” sabi ng isa na hawak-hawak ng isa sa mga assassin. Pero walang anu-ano eh kaagad siya nitong sinaksak sa leeg sabay sabi ng… “You cannot lie to us, nor you can escape.” at pagkatapos nito eh kaagad na siyang nagapatuloy upang patayin yung iba. Samantalang obvious na meron silang hindi pinapansin…ang mga taong safe dahil wala silang account sa Nissassa. Pero kahit safe ka…meron kang isang hindi matatakasan, Ang trauma na tiising makita ang mga kapwa taong namamatay sa iyong harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD