“Zerija--” sabi ko,
“Takbo Cirin!” sigaw niya pabalik sa akin habang iniiwasan ang atake ng espada ng kalaban. Buti na lang martial artist si Zerija kundi...
“Pero professional assassin yang kalaban mo!” sigaw ko sa kaniya,
Eh? What is this feeling? Ano ka ba Cirin! Pinapatakbo ka na nga eh. Hayaan mo na siya!
Pero bakit hindi ko magawang iwan si Zerija?...
“Umalis ka na dito Cirin! Ako ng ba-” hindi niya naituloy ng matamaan siya ng espada sa may kaliwa niyang braso...hanggang sa bigla kong narinig ang kanyang umiiyak na sigaw nang sinaksak siya muli nito sa nasabing braso.
“Zerija!!!!” sigaw ko,
Gusto ko siyang tulungan…. kahit siya man lang, pero paano?
“Ci-Cirin...ta-takbo.” pilit nagsalita si Zerija habang unti-unting pinipwesto ng assassin ang kanyang espada upang tuluyan siyang patayin.
This is my first time, ngayon lang ako nakadama ng ganito katinding takot sa buong sa buhay ko.
“Pe-Pero, you'll die!” sigaw ko sa kaniya. Tila masisiraan na ako ng ulo, hindi ko na alam ang gagawin o isasagot sa kanya.
Pero may sinabi sa akin si Zerija na tila nagpalakas ng loob ko, at nagbigay ng mas matinding determinasyon upang lumaban at iligtas siya,
“Cirin...at least...even I die...you live.”
Ayaw ko nun! Ayaw kong ako lang ang mabubuhay habang ang weirdo na yan ang magiging hero ko! Pareho kaming makakaligtas! Pareho kaming mabubuhay!
Kaagad kong kinuha ang aking bow na ibinigay ni Zerija at isang arrow na nasa loob ng bag ko,
Ipinapagbawal sa archery na gamitin ang tao bilang target...
Pero...
This time,
I have an excuse.
Pinuwesto ko ang aking katawan sa shooting position. Inilagay ko ang arrow sa bow, at kaagad na hinila ito kasama ng string...
Nang sakto nang sasaksakin ng assassin si Zerija, sakto rin namang tumama yung palaso sa braso na may hawak nung espada.
Kaagad nabitawan nung assassin ang kanyang espada.
Tumakbo naman ako papunta kay Zerija, habang siya naman eh kaagad na binuhat yung assassin at inihagis sa may pader.
“Zerija tara..bilis!” sabi ko sa kaniya at kaagad ko siyang hinila papalabas ng room namin. Pero nang napansin ko na may iba pa palang assassin na nagkalat sa buong campus. Hindi ko itinuloy ang balak kong gamitin ang corridor sa pagtakas.
Tumakbo kami ni Zerija papunta sa may bintana. Kumuha ako ng upuan, hinampas iyon sa bintana upang mabasag ang bubog.
Nasa second floor lang ang room namin. Sa tamang posisyon, makakatalon kami galing dito pababa ng hindi nasasaktan.
Napansin ko yung assassin na inatake ko kanina na saktong ihahagis ang kanyang espada sa amin ni Zerija.
No you won't!
Sabi ko sa aking isipan, at sa mabilis na pagkilos, kaagad kong niready ang aking bow at palaso upang i-counter ang espada na mabilis na lumilipad papunta sa amin.
As expected, natamaan ko yung espada, at nabago ang trajectory niya.
Bakas sa mata ng assassin ang pagkagulat. Ngayon ay wala na siyang magagawa upang saktan pa kami.
Why don't you kill him? He killed many people.
May boses na nagsasabi nito sa aking isipan. Sa bugso ng damdamin, patatamaan ko na sana siya ng palaso ngunit pinigilan ako ni Zerija...
“No Cirin. Kapag ginawa mo yan, wala ka na rin pinagkaiba sa kaniya,” sabi niya sa akin na kaagad namang nagpabago sa isip ko.
Yeah. I won't kill him. Bahala siyang maubusan ng dugo diyan at mamatay.
“Tara Zerija, kaya mong tumalon?” tanong ko sa kaniya habang sabay kaming pumatong sa may pader ng bintana,
Napansin ko na patuloy ang pagtulo ng dugo sa kanyang braso. Kailangan na namin malapatan ng first aid kit ito. Baka maubusan pa siya ng dugo.
Nagulat ako ng si Zerija mismo ang humila sa akin pababa, at sinabi niya ito sa akin habang kami ay tumatalon...
“Ako pa! Thank you for saving me...Cirin.”
Medyo masakit sa paa ang impact nang makababa na kami. Dumaan kami sa masikip na eskinita upang kahit papaano eh makapag tago.
Hindi namin alam kung ilan ba ang nagkalat na assassin dito. Kahit saan kasi tumingin eh may dugo o may nagkalat na patay na katawan.
Kailangan mag ingat. Kailangan manatiling nakatago...kung ayaw namin muling makasagupa ng wala sa oras ang mga mamamatay tao na ipinadala upang patayin lahat ng users ng Assassinbase.com.
Patuloy lang kami sa pagtakbo. Tumatakbo kami ng walang eksaktong lugar sa aming isipan.
Madalang na ang tao sa labas ng bayan. Halos sarado na rin ang lahat ng establishments.
Nang may nakita kami ni Zerija na abandonadong bukas na building na tambakan ng bote at plastic, pumasok muna kami roon.
Balak ko kasing gamutin muna ang sugat niya at itong sugat ko sa braso. Buti na lang, palagi akong may dala na first aid kit.
Ginamot namin ang isa't-isa. Masakit ang process pero pasalamat pa rin kami dahil buhay pa rin kami hanggang sa ngayon.
“Hey Cirin, anong nangyari sa mundo natin? Within one day, and just because of one website...naging tila hunting ground ng mga assassins ang buong mundo. Pumapatay din sila ng tao sa dahilan na hindi natin alam. They are killing innocent users of assassinbase.com. Hindi naman tayo mga hayop para i-hunting di ba?” tanong sa akin ni Zerija. Pansin kong gustong-gusto niyang umiyak.
I thought before na maganda nga kung matetest mo ang skills mo sa isang natural environment, pero hindi naman ganito ka-brutal.
Killing people na wala man lang ka-alam alam sa nangyayari is not justice. Anong ginagawa na counter measure ng government?!
In the first place bakit hinahayaan lang nila na mamatay ang mga tao?!
Don't tell me na baka sila ay involve na rin dito?
What the heck is happening to this world?!
Anong benefit ang makukuha nila sa pagpatay ng halos isang bilyong user ng website na iyon?
“Zerija, walang magagawa ang pag iyak.” sabi ko sa kanya kahit deep inside eh gusto ko rin umiyak.
“But they've killed our classmates, at iba pang inosenteng tao. Wait...Cirin! I need to go home...yung kapatid ko...ang mama ko...si Daddy lang ata ang walang account sa website na iyon! Baka kung ano na ang nangyari sa kanila! Ikaw? May iba ka pa bang kilala na may account sa Assassinbase?” tanong sa niya sa akin,
Now that I've think of it...
“Merong isa, pero hindi siya part ng family ko.” sagot ko sa kanya,
“Sorry Cirin, dahil sa akin, nadamay ka dito.” sabi sa akin ni Zerija habang umiiyak,
“That won't change anything. Nadamay na tayo.”sagot ko sa kaniya,
“So paano na tayo ngayon? Mamamatay tayo. Mamamatay ang ilan sa mga importanteng tao sa atin.” sabi ni Zerija,
“No. Hindi tayo mamamatay. Hindi ako papayag. Wala akong benefit na makukuha kapag namatay ako.” sagot ko sa kaniya,
Nagpahinga lang kami ng konti at kaagad na kaming nagsimulang tumakbo upang makarating sa bahay nila Zerija.
I don't want to die.
Dati, I think it is ridiculous to fear death, dahil hindi naman siya maiiwasan. I also hate people who say these words. Para sa akin mga duwag sila.
Pero ngayon, na-realize ko na. Ang mga salitang iyan ay hindi excuse ng mga taong nawawalan ng lakas ng loob. Iyan ay resulta ng motivation na lumaban upang magpatuloy na mabuhay.
And right now,
“I don't want to die!” sigaw ko habang tumatakbo kami ni Zerija,
Napansin ko namang lumingon siya sa akin at ngumiti ng konti,
“No one wants to die!” sabi niya,
----------------------------------------------
February 20, 2020
Ito ang araw na kung saan tila naging hunting ground ang buong mundo.
Assassinbase.com, or mas kilala dati na Nissassabase.com, isang misteryosong website na nagparami ng users upang maisakatuparan ang isang hindi makaturangan na layunin: ang pumatay ng tao.
Inannounce nila sa buong mundo na lahat ng registered users ng website na ito ay ipapa assassinate. Inakala noong una na purong kalokohan lang ang broadcast na iyon, pero nasaksihan mismo ng aking mga mata na hindi sila nagbibiro.
I witnessed most of my classmates being killed by an unknown person dressed in black,
Ang weirdo na kasama ko ngayon ay muntikan na rin,
Even I almost died,
Pero dahil may kakayahan kami sa pagkikipaglaban...buhay pa rin kami ngayon.
Ako si Cirinthixa L. Hyde, mas kilala sa tawag na 'Cirin',
Napilitan lang ako na mag register sa Assassinbase.com, at wala pang isang oras ang lumipas, nadamay na ako sa walang katarungang masaccre na ito.
Ang pag register sa website na iyon ay parang pagpapadala ng isang notice note sa isang assassin upang patayin ka.
We've done that without knowing.
At sa kasalukuyan...almost billion registered users of this website around the world is being hunted and killed for unknown reasons.
It says that we live if we survive within 200 days of assassination...
Pero kakayanin kaya namin?
Bahala na...
I will try to survive....
Because I do not want to die like this.