Chapter 6

1637 Words
May isang ideya na pumasok sa isip ko, at kaagad kong hinila si Zerija, “H-hoy! Wait Cirin! Delikado diyan. Baka makita nila tayo. Saan mo balak pumunta?!” sabi niya sa akin habang nanlalamig ang kamay, Ako naman eh lumunok na lang ng laway. Bahala yan. Ang importante ngayon eh samantalahin namin ang sitwasyon upang makapasok sa elevator. Sa oras na naroon na kami. Medyo safe na. Hindi ko siya sinagot dahil obvious na kung saan kami papunta, “Let’s stop here Cirin. Baka mas mapahamak pa kita. Ok lang.” narinig kong sinabi ni Zerija, “Sira ka ba?! Anong okay huh? Ok lang sa iyo na mamatay ang pamilya mo?!” sigaw ko sa kaniya, Grabeng babae ito, ang daling mawalan ng lakas ng loob. Ako pang hindi man lang kaanu-ano nila ang may lakas ng loob na magpatuloy. “S-syempre h-hindi. I desperately want to see them.” sabi niya sa akin in a tone na alam kong umiiyak, “Then…keep on fighting.” sagot ko sa kaniya. Para sa information ng marami, hindi ako nagpapakabayani dito. Hindi lang ako duwag upang tumakbo na lang at saka ma-pride akong tao. Idagdag pa natin ang benefit which is peace of mind kapag nakita namin na ligtas ang pamilya nitong si Zerija. Dahil dito…kailangan magpatuloy. “Cirin..” tawag sa niya sa akin, lumingon naman ako ng konti “Ano?!” sagot ko, “Sabi ko na nga ba eh. You’re a good girl after all.” sabi ni Zerija sa akin habang nakangiti. Wow ha. Nagawa niyang ngumiti sa lagay niyang yan. Abnormal talaga. Anong good girl? *Evil laugh* Kung alam mo lang, “I’m not doing this without benefit. Malaki ang utang mo sa akin pagkatapos nito.” sabi ko sa kanya Pero hindi na magawang sumagot ni Zerija dahil nagpagulong-gulong kami upang iwasan ang atake ng isang assassin. Shit! Napansin niya kami. Patay. Kaagad itong kumilos pagkatapos ng una niyang atake. Samantalang kaagad namang kumuha si Zerija ng isang bar ng bakal na nagkalat at inihampas ito sa kanya. Unfortunatey, daplis lang yung tumama. Wala itong nagawang malaking epekto sa kalaban kaya patuloy lang ito sa pag atake gamit ang kanyang mahabang espada. Habang si Zerija naman ay obvious na nahihirapan na. Masyado kasing mabilis kumilos ang kalaban. Mahawakan man niya ito at gamitan ng aikido eh hindi malaki ang epekto dahil nanghihina na kami. Kanina pa kami sa katatakbo at not to mention na may nakalaban na kami kaninang umaga. Hindi pa rin kami nakakakain ng kahit ano simula kanina. Kaagad kong inilabas ang bow at arrow ko. Hinanap ko yung isang assassin at medyo na-relieve nang makitang ito ay busy sa pa sa pagpatay sa iba. Sinubukan kong patamaan yung assassin na kalaban ni Zerija. Pero hindi ito tumama dahil mabilis ang galaw niya. Idagdag mo pa na kailangan kong mag ingat dahil magalaw rin itong kasama ko. Baka siya pa yung matamaan. Bumilis ang t***k ng puso ko ng muntikan ng matamaan si Zerija ng espada sa mukha. Buti na lang daplis lang kung hindi, tagos yun sa utak niya. Shit! Gabi pa naman kaya hindi ako makakita ng maayos. Nahihirapan na rin itong kasama ko. I need to do something. [Zerija’s POV] Ang bilis niyang kumilos. Makakasabay pa sana ako kung hindi lang sana ako pagod at gutom, isama mo pa na depress na rin ako. Sumasakit na rin muli ang mga sugat na nakuha ko kanina. Feeling ko bumuka na naman yung sugat. Mahirap naman asahan si Cirin. Hindi siya makakita ng maayos sa ganitong dilim. Mayamaya, nagulat na lang ako ng aking nakita ang espada ng kalaban na malapit ng humiwa sa leeg ko. Shit! Tuluyan ng nawala ang attensyon ko! Napapikit na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Mukhang mamatay na ako dito. Pero nagtaka ako kung bakit medyo matagal na eh wala pa rin yung impact. Iminulat ko ang aking mata at nagulat ng aking makita na sinalag pala ni Cirin yung atake gamit ang bow na ibinigay ko. At may ibinulong siya sa akin… Ako naman eh hindi na nagreklamo at sinunod ang sinabi niya. Nagpalitan kami ng pwesto. Ako na yung dumipensa at pilit na itinulak yung assassin malapit doon sa may pinto ng elevator katulad ng sinabi ni Cirin. Wala akong idea kung bakit ipinapagawa niya sa akin iyon. In the first place, hindi ko na siya maramdaman na malapit lang sa tabi ko. Uwaa…Cirin! Saan ka na nagpunta? Wala akong back-up nito kung nagkataon! Well, bahala na! Basta raw dapat madala ko yung assassin sa may tapat ng pinto nung elevator! Pilit ko siyang itinulak habang nakasalag sa isa’t-isa ang bakal ko at ang espada niya. Pero hindi ito madaling trabaho, not to mention na halos wala na akong lakas. But I have decided, dito ko na ibibigay lahat ng natitirang energy ko. Bahala na si Cirin pagkatapos…dahil alam kong may plano siya. “Umurong ka!!!” sigaw ko sabay bigay ng lahat ng makakaya ko. Buti na lang umiipekto naman at naiitulak ko yung assassin. Hanggang sa… Napunta rin siya sa tamang lugar na sinabi sa akin ni Cirin. ‘Sa oras na mapunta siya doon, dumapa ka kaagad.’ Ito ang sinabi niya na kaagad ko namang sinunod. Hanggang sa…ngayon ko lang naramdaman na nasa likuran ko lang pala si Cirin, at narinig kong sinabi niya na… “Die.” Kasabay rin nito ang tunog ng lumipad na palaso, at ang tunog ng impact nito na tumama sa kung saan. Kahit masakit ang ilong ko dahil sa pagbagsak nito sa lupa eh pilit kong iniangat upang tingnan kung ano ng nangyari, at labis akong namangha ng makitang nakahiga na pala yung assassin sa lupa habang yung palaso na nanggaling kay Cirin eh nakabaon sa noo nito. Hindi na ako naka-react dahil kaagad na may sumipa sa akin. Sakto namang napapasok ako sa loob ng elevator at naramdamang nagsimula itong umandar. “Cirin?!”sabi ko nang pumasok sa isip ko kung nasaan na siya. Narelieve naman akong makita siya na nakasandal sa saradong pinto ng elevator hawak-hawak yung bow na ibinigay ko habang medyo namumutla pa at todo-todo ang kahihingal. “H-hoy! A-ano? Woooo…ang pagod! A-ayos ka lang?” pilit niyang tanong sa akin, Uwaaa…ako naman eh pinilit ang sarili kong bumangon man lang at umupo kahit ang sakit ng buo kong katawan. “Oo…salamat.” May sasabihin pa sana ako pero hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Umiiyak ako hindi dahil nalulungkot, ito ay dahil nakaligtas na naman kami. “Ang galing mo nga pala. Paano mo nagawa iyon?” tanong ko sa kaniya na kasalukuyang naupo rin upang magpahinga. Nagulat talaga ako ng maramdaman na nasa likod ko na siya. Tapos yung moment na sinabi niya yung die, uwaaaa…epic. Halos manindig balahibo ko sa buong katawan. Parang nanunuod lang ako ng action movie eh. “Wala akong benefit kapag inexplain ko pa.” as expected. Iyon ang sagot niya. Pero dahil mapilit ako… “Ehhh? Sige na please? Mahina radar ko kaya i-explain mo..ui…ui…ui..ui..” sabi ko habang itinutulak siya, “Wa!!! Fine! Argh! Nakakapagod ka talaga! Para naman may silbi yang aikido skills mo, ipinatulak ko sa iyo yung lalaki papunta sa posisyon na iyon kung saan may ilaw. Kailangan ko ng liwanag upang masapol ng tama yung target. Habang ginagawa mo yan. Ni-ready ko yung posisyon ng katawan ko, ready to shoot anytime. Buti na lang hindi mo nalimutan yung huli kong sinabi kundi natamaan ka rin sana. FYI, hindi ako magdadalawang isip na tamaan ka. Bwahahah! Ano? Gets na niyang mahinang utak mo?” tanong niya sa akin, Grabe talaga ito, kahit mabuti yung ginawa niya eh pilit na sinasamahan ng kasamaan. Well, villain in her dreams kasi itong si Cirin. Pero kahit ganyan yan, mabait yan deep inside. Kinakaila lang niya dahil siguro eh nahihiya. “Whoa! Thank you Cirin.” sabi ko. Kung hindi lang ako pagod, at kinakabahan eh makikipag daldalan pa ako dito ng todo-todo. Pero tila sinisipsip ng pag aalala ko ang energy ko para gawin ito. “Shut up.” ang mahinang sagot ni Cirin. Pagkatapos nito eh hinintay na lang namin na makarating sa Zone Argos itong elevator. Mula roon, madali na dahil malapit lang ang nag iisang hotel roon na kung saan nakatira kami ng pamilya ko. Sana nga lang, wala na kaming makasagupang assassin, kung hindi…mapapasabak na naman kami nito. Mahirap na dahil halos wala na kaming lakas upang lumaban. Mayamaya ay nakarating na kami sa upper zone. Sa pagbukas ng pinto eh kaagad kaming nag skate ni Cirin. Ako ang nangunguna, samantalang siya naman ay nasa may likuran ko. Well, halos hindi ko na nga siya maalala kung masyado ba akong mabilis or ano. Ang gusto ko lang eh makitang buhay pa ang pamilya ko. I do not know what I will do without them. Nakarating kami sa Argos Hotel, ang hotel na kung saan ako nakatira. Pero there was this rapid heart beat nang makita kong sira yung pinto papasok. Basag yung bubog eh. Kaagad kaming pumasok ni Cirin habang iniiwasan yung bubog na nagkalat. Nagulat din ako na wala na yung security guard at ang nagbabantay sa may cashier. Wala rin akong housemates na makita sa paligid. Tamang building ba itong napasukan namin? Sobrang tahimik eh, halos walang katao-tao. Patay sindi pa yung ilaw. Mas lalo akong kinabahan nang aking makita ang bahid ng dugo sa mga pader. Lalo na nang makakita ako ng mga patay na katawan malapit sa waiting area. Nakasalansan lang sila roon na parang gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD