“Whoa! See? Nakapasok ako!” sa sobrang gulat na natanggap yung form ko, di ko na nakontrol ang aking sarili, at ayon, masyado akong nag rejoice to the point na ang laki laki ng ngiti na nag reflect sa aking mukha.
Nang narealize ko ang kaweirduhan na nangyari sa akin...
Damn! That was so humiliating!
“Hahaha! Umpisa pa lang yan Cirin! Welcome to the world of--” hindi natapos ni Zerija ang sasabihin niya dahil napansin namin na may kasabay na boses na lumalabas galing sa loptop ko. Saktong sakto yung mga unang words sa sinasabi ni Zerija, pero may something na different doon sa bandang huli.
-Welcome to the world of Assassinbase.com-
Lahat kami ay nagulat,
Hindi lang sa loptop ko, sa lahat din ng electronic devices na nasa paligid ko ngayon...radio, TV, mga tablet ng kaklase ko, at maging doon sa broadcasting speaker na naka station sa room namin ay bigla na lang nagsalita.
Para lang virus na kumalat ang unfamiliar voice na iyon, hindi lang dito sa school ko kundi maging sa lahat ng electronic devices sa buong mundo. Kung paano, marahil gumagamit ang person behind this ng isang advance program. Hindi mo maintindihan kung babae ba o lalaki ang nagsasalita. May ginagamit rin siguro na voice changer program para itago ang identity ng pinanggagalingan ng boses.
Habang nagsasalita yung boses, may mga translation sa iba't-ibang language na lumalabas na parang hologram. Layon siguro nito na maiparating sa lahat ng lahi ang mensahe na nais niyang sabihin.
Naramdaman kong napakapit ng mahigpit sa akin si Zerija, sabay turo doon sa domain name noong website.
Kani-kanina lang eh napansin ko na may something na parang nagbago nga, at ngayon ko lang mas narealize kung ano iyon,
Ang dating domain name lang naman na:
Nissassabase.com
ay nabago at napalitan ng:
Assassinbase.com
Tila binaligtad lang ang mga letters. Bakit nga ba hindi ko iyon napansin kanina?
Assassin huh?
What the heck is happening with this website? Ka-lolog in ko lang eh tapos ito na ang isasalubong nila sa akin? Or baka naman welcome party ko ito? Ano ka ba Cirin? Exaggerated naman ata masyado kung gagawin nila ang ganyang ka-bothersome na bagay para lang i-welcome ka.
Maya-maya, narinig muli namin yung boses,
-We are very please to announce that this website had reached its maximum number of participants, and such, 'it' shall begin.-
Sabi nung boses na nag pose muna upang itranslate ang mga salita sa lahat ng registered languages sa buong mundo.
Arrrggghh!!! Ang weird na talaga nitong paligid ko! Kaya ayaw kong mapalapit sa mga weird na tao eh, yan tuloy nadadamay ako sa kaweirduhan nila!
Maximum number of participants?! What the heck?! Social networking site po ang website niyo, hindi online game! At saka bakit naka stress yung word na 'it'? What do you mean by that?!
“Hoy Zerija! Grabe ito ha, ganito ba mag welcome ng new members ang website na yan? Bongga!” sabi ko kay Zerija na nakakapit pa rin sa braso ko.
Bakit ba ito nakakapit sa akin? Para namang may masamang mangyayari sa amin.
“No Cirin. This has never happened before. Wala rin akong ka-ideya ideya sa pinagsasabi ng boses na iyan.”sagot sa akin ni Zerija,
Sabi ko na nga ba eh! Kaya ayaw ko na masangkot sa mga kahina-hinalang website na katulad nito. Nagsisisi na tuloy ako ngayon kung bakit nagpaloko pa ako sa block mail nitong si Zerija. Pwede ko namang pag tiyagaan na lang yung luma kung bow.
Dumaan ang ilang minuto, narinig namin muli yung boses,
-If you do not manage to survive within 200 days, then you will die. Starting right after this broadcast terminate, I hereby declare that all registered users of this website…shall be assassinated.”
Pagkatapos i-translate ang message na ito sa lahat ng languages, na-terminate na yung connection.
Tama ba yung narinig ko?
May assassination na magaganap, at sa lahat ng registered users lang ng Assassinbase?
Yung totoo, mga galing ba sa mental hospital ang mga may pasimuno nito?
Mga sira ulo. Anu namang benefits ang makukuha nila sa pagpatay ng tao?
Maya-maya, may sumigaw na isa sa mga kaklase ko,
“Ahhhhh! Ayaw ko pang mamatay!” sabi niya, sabay tila nawalan ng balance at napaupo sa sahig.
Takot na takot yung babae, nanginginig din ang kanyang katawan, habang pinagpapawisan.
What the heck?! Ganito ba katanga ang mga kaklase ko? Naniwala kaagad sila doon?
Hanggang sa napansin ko na halos karamihan na pala ng tao dito sa classroom namin eh ganoon din ang sitwasyon sa babae kanina.
Bakas ang takot sa mga mukha ng mga taong nakikita ko. Naririnig ko rin ang mga yapak ng mga taong nagtatakbuhan sa may corridor. Andiyan din ang mga nagpapanic na teachers.
Sa pagsilip ko sa bintana, may mga nakita akong pulis na pakalat-kalat sa paligid. Karamihan din ng tao sa labas ay nagpapanic na.
Well, expected na magpanic sila. Masyado naman kasing convincing ang play na ginawa ng kung sino mang loko-loko ang nag pasimuno ng pananakot na iyan. Marahil, mga sindikato lang yan diyan sa tabi-tabi na walang magawa sa buhay.
Unfortunately, hindi nila ako maloloko. Hindi ako tanga ano? Hindi kagaya ng karamihan diyan sa tabi.
Maya-maya, naalala ko si Zerija. Siguro naman hindi rin ito tanga katulad ng karamihan ano? Obvious naman na spam lang ang mga narinig namin kanina. At saka sa high-tech ng teknolohiya ngayon eh kayang-kayang ma-track kung sino man ang nag-umpisa nito.
“What? That’s impossible, bakit hindi nila ma-track kung saan ang location ng nagpakalat ng broadcast na iyon?” Narinig ko na sinabi ito ni Zerija,
Lumingon ako sa kanya, buti na lang, kalmado pa rin ang aura nitong kasama ko kundi…katulad ng tingin ko sa iba eh baka bumababa rin ang tingin ko sa kanya.
Mukhang nagse-search siya gamit ang kanyang cellphone. Nakitingin naman ako sa search results. Namangha ako ng aking nakita ang libo-libong balita tungkol sa spam broadcast na wala pang ilang minuto ang nakakalipas eh naglabasan na kaagad sa internet.
Andiyan din ang powerful tracking website ng government, pero according sa kanya…
-Location not found- daw,
Nagulat din ako ng makita ko iyon. Nung minsan kasi ay nasubukan ko na ang program na iyan upang malaman ang identity ng stalker ko sa f*******:. I almost bowed down to the creator of this tracking website dahil doon. Pero bakit hindi niya ma-track ang location ng nagpakalat ng spam na ito ngayon?
Pagkatapos nito eh kaagad na nag browse sa ibang news website si Zerija,
Halos pare-pareho lang din ang mga nakasulat. Kumalma lang daw dahil mukhang spam lang ang broadcast na iyon.
May iba naman na nagsasabi na sanhi lang daw iyon ng virus na balak sirain ang reputasyon ng assassinbase.com.
Yung iba naman eh pilit na hina-hack ang assassinbase.com dahil sa tindi ng galit dahil sa pananakot na kung saan sangkot ang pangalan ng website.
“Hoy Cirin, ano sa tingin mo? Totoo kaya ang pinagsasabi ng broadcast na iyon?” tanong sa akin ni Zerija habang patuloy pa rin siya sa kaka-browse sa internet.
Bago ako sumagot ay tiningnan ko muna ang aking paligid. Nainis ako ng aking muling nakita ang mga nagpapanic na tao sa harapan ko.
I hate people who are easily fooled.
Naririnig ko rin ang mga usapan nila,
“Sabi ko sa iyo eh, malas ang araw na ito.”
“I want to go home! Mommy!”
Pero sa lahat ng nakakainis na pinagsasabi nila, ito ang pinaka nagpainit ng dugo ko,
“I don’t want to die.”
Hindi ko napigilan ang aking sarili at kaagad na nagsalita. Nilakasan ko ang aking boses upang marinig ng lahat.
“Ano ba kayo? Ganyan na ba kahina ang mga prinsipyo niyo?! Huwag kayong papaloko sa sira ulong nagpakalat ng pananakot na iyan. As if naman may mga assassins na bigla na lang susulpot diyan sa harap niyo upang patayin kayo ano!”
Mukhang medyo kumalma ang lahat ng narinig nila ang sinabi ko.
Buti naman. Hindi sa gusto ko silang i-comfort. Gusto ko lang maging payapa ang paligid ko. Nakakainis na kasi makakita ng mga taong nagpapanic.
“Tama si Cirin.” sabi ng isa,
Uwa, I like this feeling. Pakiramdam ko tinitingala ako ng mga tao.
“Wow ha! May sense ka rin palang tao!” ang sigaw sa akin ni Zerija habang nakangiti,
“Shut up. Nakakaawa na kasi ang mga state niyo.”sagot ko sa kaniya,
“Eh, palusot? Tigilan mo na nga yang pagpapanggap mo as villain.”sabi niya,
“Ha?! Hindi ako nagpapanggap! Ganito lang talaga ang ugali ko.” sagot ko. Ako? Nagpapanggap as villain?! Why will I do that kung masama naman talaga ang ugali ko in the first place?!
Maya-maya, may narinig ulit akong boses na tila pini-praise ang sinabi ko,
“Medyo kumalma ako dahil sa sinabi ni Cirin,” sabi niya
“Oo nga eh, it is not as if may technology na kayang magpalabas ng hardcore assassins sa harapan ko. Hahaha!” sabi ng isang boses na may kasamang tawa pa,
“Cirin…” narinig kong may tumawag sa akin, lumingon naman ako at aking nakita na galing pala iyon sa president ng klase namin.
“Thank you-“ sabi niya na kaagad namang naputol dahil may something na nagyari na hindi ko inaasahan.
Ngiti na sana ang lalabas sa mukha ko, pero sa halip na ngiti, horror ang naipinta nito.
Hindi lang sa akin, halos lahat ng tao sa classroom namin eh nagsigawan ng makita ang nangyari sa president namin…
Eh paano ba naman…
May isang balot na tao ng itim na tela na bigla na lang sumulpot sa unahan niya…
at kaagad siya nitong…
Pinugutan ng ulo gamit ang isang mahabang espada.
For the first time in my life, I saw a person being killed brutally right in front of me.
Nung una nagsisigawan lang ang lahat maliban sa akin at kay Zerija na tulala lang. Pero ng tumingin sa amin yung tao na pumatay sa aming presidente, doon na nagsimula magpanic ang lahat.
Nagsitakbuhan ang mga kaklase ko hoping na makakalabas sila gamit yung pinto. May iba rin na nagtago sa ilalim ng kanilang lamesa habang for some reasons, hindi pa rin kami makagalaw sa aming pwesto ni Zerija.
We just watched in horror habang isa-isang pinapatay ng itim na taong iyon ang mga kaklase ko. Wala naman kaming magawa kahit pilit silang sumisigaw at humihingi ng tulong…
“Assa-ssin.” narinig kong nagsalita si Zerija,
Ngayon lang din nag register sa akin na mukhang assassin nga ang taong iyon. Not to mention na bigla na lang siyang sumulpot kung saan at pinagpapatay ang mga tao dito.
Pero may isang nangyaring kapansin-pansin. May hinawakan siyang isa sa mga kaklase ko na
nagtatago sa ilalim ng mesa, pupugutan na niya sana ng ulo. Pero, binitawan niya ito at hindi niya itinuloy sabay sabi ng…
“Person not registered.”
Pagkarinig ko nito, nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Bigla rin akong pinagpawisan ng malamig.
Don't tell me...natatakot na rin ako?
Ito na ba yung assassination na sinasabi ng broadcast kanina? Hindi ba ako nanag inip?
Totoo ba ang nakikita ko?
I again watched in horror habang patuloy niyang pinapatay ang ilan sa mga kaklase ko habang halatang may mga tao rin siyang hindi ginagalaw.
Mukhang totoo nga na ang papatayin lang ng assassin na ito ay ang mga registered users ng Assassinbase.com!
Mas lalo akong tinubuan ng takot ng aking napansin ang kulay ng paligid. It is not green or white anymore. Mas nakakaangat na ang kulay pula...ang kulay ng dugong nagkalat sa pader...sa blackboard...sa pinto...sa lamesa.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng aking makita ang halos karamihan sa aking mga kaklase na wala ng buhay. Nakakasuka rin makita ang mga sugat na natamo nila.
Habang ang iba naman na safe dahil wala silang account sa Assassinbase.com eh halatang nasa malalim na trauma.
Ngayon lang din pumasok sa isip ko na hindi ako safe,
Hindi kami safe ni Zerija,
Parehas kaming may account sa nasabing website which means na...
Target din kami ng assassin na-
Naputol ang aking pag iisip ng naramdaman kong itinulak ako ni Zerija, habang may something na masakit sa may kanang balikat ko,
Nang tiningnan ko kung ano iyon, nagulat ako ng makakita ng malaking hiwa sa braso ko.
Hinanap ko si Zerija, at mas lalo akong sinakop ng aking takot nang makita ko siyang pilit na nilalabanan ang assassin na may balak na siya ay patayin.