"May f*******: na ako! Sapat na yun!" sagot ko sa kaniya. It's too bothersome to create a new account. Besides, hindi ako gagawa ng isang bagay na wala akong benefit.
"Eh? Sayang naman. Kung gagawa ka kasi ng account ay ibibigay ko pa naman sana itong brand new bow sa iyo. Luma na ang archery bow mo di ba? Wala ka kasing perang pambili ng bago. Naawa naman ako. Kaya ayan, binilhan kita. Sayang naman ito. I guess, puputulin ko na lang. Atleast nagamit ko siya as practice buddy 'di ba?" ang block mail niya sa akin habang ipinakita ang isang bagong bow sa harapan ko.
Uwaaaa, bago nga. Steel ang buong material. At saka mukhang matibay. Mamahalin! Well, expected dahil mayaman itong si Zerija.
At saka tama siya, luma na yung bow ko. Baka matalo pa ako dahil sa kalumaan nito. That's disgusting! Napaisip tuloy ako,
"Teka, pag iisipan ko." sabi ko sa kaniya. Kaagad naman niya akong binigyan ng isang makahulugang ngiti.
Halimaw! Lahat gagawin niya para masunod ang gusto niya. Kung hindi niya kayang idaan sa dahas...ang iaalok niya ay pera.
"Ok. I give you 5 seconds para mag-isip." sagot niya. Whaatttt?!! Ang bilis naman 'nun!
"Hoy, anong five seconds?! Sira ulo-" hindi pa ako tapos pero kaagad na siyang nagbilang,
"5...4...3..-" bilang niya habang unti-unting binibend yung bow. No! Baka maputol! Stop that! Deep inside, I really like that bow. Pero dahil nga mapride akong tao,
"H-Hoy wait lang!" sigaw ko. s**t! Hindi pa ako makapag decide ng maayos. Ang mga bagay na ganito ay dapat matagal na pinag iisipan.
"2..wa-"bago pa mag 'one' eh automatic ng sumang-ayon ang salita na inilabas ng bunganga ko.
"Sige na!!! Oo na!!! Takte naman oh!" sigaw ko sa kaniya. Kaagad naman siyang yumakap sa akin habang ibinigay sa kamay ko yung bow.
Shit! This is so frustrating! Na-block mail ako!
"Sabi ko na eh, basta bagay na tungkol sa archery, hindi mo matatanggihan Cirin!" sabi niya sa akin.
Sa higpit ng pagka yakap niya eh halos matigakan na ako. Hindi naman ako makapag salita dahil nga hindi ko magawa. s**t ka Zerija! Kung pwede lang maging target ang tao sa archery, ikaw na yung unang tinarget ko eh!
Nang napansin niyang namumutla ako, doon niya lang narealize na kanina pa niya ako nasasakal.
Kaagad niya akong binitawan, habang ako naman ay todo ang kahihingal.
Tiningnan ko siya ng masama, pero ang ibinalik niya lang sa akin ay peace sign habang nakangiti.
Gusto ko siyang sakalin pero alam kong that's not a good move dahil ako ang masasakal!
"Zerija, yung totoo, balak mo ba akong patayin?!" sigaw ko sa kanya habang medyo nangigninig pa ang boses.
"Hindi ah! Na-excite lang ako ng sobra kanina nung sumang ayon ka na gumawa ng account sa nissassa. Yipppeee!!!" sabi niya habang kinakaway kaway pa ang kanyang mga kamay.
"Shut up. I'll never do that without benefits." sagot ko habang muli kong binuksan yung laptop.
"Haha, 'yan ang weakness ng mga taong katulad mo. Hoy, tulungan na kita gumawa ng account." sabi niya sa akin sabay kuha ng isang upuan at inilagay iyon sa may tabi ko. Naupo siya dito at kaagad na inagaw ang laptop ko.
"Hoy! May mamaya pa naman ano?! May gagawin pa akong research! Hoy!" reklamo ko pero hindi niya ako pinapansin.
Focus lang siya sa pag open ng browser at saka sa pag type ng link ng nissassabase.com doon sa address bar.
Bwiset talaga. Sa tuwing ito ang kasama ko palagi na lang akong nababadtrip.
Sa huli, wala na akong nagawa at hinintay ko na lang na ibalik niya sa akin yung laptop.
Ngayon ko lang din napansin na halos lahat pala ng kaklase ko ay busy sa Nissassa. May mga nag kukwentuhan tungkol dito. Mayroon din naman na nakaopen ang tablets at naka online sa website mismo.
There's currently an advertisement on the television about the website. Yung totoo?! Bakit puro Nissassa ang nakikita ko sa paligid?!
Kahit itong makulit na kasama ko Nissassa ang bukangbibig, at kung iisipin, kahit ako ay Nissassa rin ang pinagkakaabalahan simula kanina dahil sa bwiset na assignment ko sa Computer!
Arrrggghhh! Buti na lang may kapalit na bow ang lahat ng ito kung hindi, I'll hate you Nissassa, I swear!
"Oh ayan Cirin, sagutan mo lang yang form na yan, tapos click mo yung create account at tadaaaannn! Welcome to Nissassa world na!" Nagulat naman ako ng biglang nagsalita itong si Zerija. Hyper talaga kahit kelan! Parang hindi nauubusan ng energy sa katawan.
Tiningnan ko yung screen ng aking laptop upang makita kung ano bang klaseng form itong fi-fill up-an ako at nabigla sa aking nakita.
Eh paano ba naman, sobrang haba nung form! Tapos halos lahat na yata ng private information sa sarili mo tinatanong nila!
"What the hell is with this form?! Job interview ba ito?! Lahat na yata ng private information about sa akin malalaman nila eh! As if naman ilalagay ko yung totoo. Ma-fake nga." sabi ko. Naramdaman ko lang na biglang ngumiti si Zerija.
Ang weird talaga ng babaeng 'to! Para namang may nakakatawa?!
Saglit lang at natapos ko rin 'yung form na tadtad ng pekeng impormasyon tungkol sa akin.
I clicked the submit button at halos malaglag ang panga ko nang may lumabas na:
-Checking for validity-
What the heck? Ano daw?!
Mayamaya, may sumulpot na message sa screen:
-Sorry. The information you entered are fake. Try again.-
Huh?! What the hell is with this website?! Paano nila nalaman iyon?! Paano nila nalaman na fake?!
Nang napansin ni Zerija ang uyamot na namumuo sa mukha ko, kaagad siyang nagsalita,
"For some mysterious reason, gumagamit daw ang website na yan ng isang super advance na program upang malaman kung totoo or fake ang mga informations na inenter ng mga gagawa ng account. Kaya, kapag fake yang nilagay mo, never kang makakapag log-in. Mag papagod ka lang Cirin."
"Are you joking me?! Sinong genius ang naka invent ng program na 'yon?!Ano bang meron sa website na ito?! Nakakainis na, ang arte!" reklamo ko kay Zerija. Tinawanan niya lang ako na mas lalo namang nagpainis sa akin.
Shit! I'm loosing my temper. Tumingin na lang ako doon sa bow na hawak ni Zerija.
Oh archery, kung para sa iyo, gagawin ko ang lahat.
Hay, bahala na! It's not as if may magkaka interest sa buhay ko. Subukan lang nila at ipapakita ko sa kanila ang impyerno!
Sinagutan ko yung form, now with real informations,
Name: Cirinthixa L. Hyde
Age: 16
Permanent Address: 123 Hindimatagpuan St. Unknown City of Unknown Land
Email add (Please use your existing email for social net sites): cirindambitious@yahoo.com
Gender: Female
Status: Single
Blah...Blah...Blah...
Nang natapos kong sagutan, nakadama ako ng sobrang pagod. Anong haba ba naman! Buti na lang walang credit card informations kundi mapagkakamalan ko talaga na phisher ang creator nito eh!
Pinindot ko ang submit button. Lumabas ulit 'yung nakakaasar na message:
-Checking for validity-
Ang weird nga lang kasi medyo kinakabahan ako. Paano kung mag mulfunction ang program na ito at idisplay niya na fake na naman yung nilagay ko?! Edi mag uulit na naman pala ako?! Huwag niya akong susubukan! Sa lahat ng ayaw ko ay ang nagsasayang ng efforts! I don't do same things twice! Maiksi lang ang buhay tapos sasayangin ko lang para ulitin ang isang bagay? No way!
-Congratulations! Welcome to Nissassabase.com!-
Nakahinga ako ng malalim.
Nang mga oras na 'yon, wala akong kaalam-alam na ang simpleng pagsali sa isang social networking site ang magdadala sa akin sa isang mundo na kung saan ang lahat ng inakala kong totoo ay pawang mga kasinungalingan lang.