author's note: as you read on, you will encounter two characters: cirin and zerfes. though the characters & story-line in killer website might say/indicate the otherwise, cirin and zerfes are NOT blood-relatives / blood-related.
February 20, 2020
(2/20/2020)
Napansin niyo ba? Ang astig ng date ngayon ano? Dalawang numero lang ang bumibida sa kalendaryo...zero at two.
Maraming nagsasabi na swerte raw ang araw na yan. Para naman sa iba, malas raw. Pero kung ako ang tatanungin pakialam ko ba? Numero lang 'yan. Para namang may magagawa ang dalawang numero para baguhin ang kapalaran ng lahat.
'Yon ang inakala ko noon.
Nang pumasok ang taong 2020, marami ng nagbago sa mundo. Malayo na siya sa dati niyang anyo noon.
Andiyan na ang mga high-tech buildings na bagyo-proof, lindol-roof, apoy-proof, utot proof, alikabok proo-- ay basta! Aabutin tayo ng siyam-siyam kapag iniisa-isa ko pa ang mga defense mechanisms na naimbento ng tao.
Ito na lang ang isipin niyo, ang mga buildings sa panahong ito ay tila diamond dahil sa sobrang tibay. Hindi lang buildings, halos lahat na ng bagay na inimbento ng tao ay halos wala ng katapusan ang paggana.
Nariyan ang mga lumilipad na kotse, multiple roadways, underground and above ground cities, holograms, super-thin gadgets, vaccines to all diseases, at marami pang iba.
Ewan ko nga kung bakit sabay-sabay na lang nagsulputan ang mga bagong innovations na 'yan. Pakiramdam ko tuloy may sumulpot siguro na reincarnation ni Einstein o kaya may advance civilization of aliens na naligaw sa mundo natin at kanilang binigyan ng ideya ang mga scientist para imbentuhin ang mga out-of-earth innovations na matatagpuan sa kasalukuyan.
Obvious naman na marami ng pagbabago ang naganap sa aming teknolohiya. Kung sa kalikasan naman, unfortunately, halos wala ka ng makikitang preserve natural resources.
Puro synthetic na lang. Kung meron man, mabibilang mo sila sa daliri ng iyong kamay.
Pangarap ko nga ito sana, pangarap ko sanang makakita man lang ng isang natural environment na tadtad ng bulaklak at puno at kung susuwertihin, may mga gumagalang hayop rin. Mas mahahasa ang talento ko sa archery kapag nasa natural biome.
Nagsimula akong matuto mag-archery noong apat na taon pa lang ako. Sabi ni Papa, may talent daw ako, kaya ayon ipinagpatuloy ko hanggang sa hindi ko na napansin na isa na pala ako sa pinakamagagaling pagdating sa sports na 'to.
I just won the archery competition held last week. Trophies, certificates, and medals I gathered from all the previous archery competitions are all stored in my room. Kung sana totoong gold ang gold medal, matagal na akong yumaman.
Kung ako naman ang tatanungin kung may mga pagbabago na naganap sa aming mga tao, fortunately halos wala naman. I mean kung iniisip niyo 'yung immortality concept, wala pa namang nakakaimbento ng isang bagay na makapagbibigay sa'yo ng walang hanggang buhay.
Biologically, normal pa rin naman ang mga tao: naipanganganak, nagkakasakit, at namamatay pa rin kaming lahat. Ang mga pangyayari pagkatapos ng kamatayan ay isa pa ring sikreto na mga patay lang ang makakaalam.
Kung may nagbago man siguro eh marahil 'yon ay nasa social aspect ng bawat isa. Dahil sa epekto ng teknolohiya, mas naging anti-social ang karamihan.
Kasalanan kasi ng makapanyarihang si internet. Siya ang pasimuno ng mga pagbabagong nagaganap sa lahat ng bagay dito sa mundo.
Mas lalong naging sikat ang online dating. Meron na rin itong upgraded version, ang online marriage.
Mas pumatok rin ang mga online stores.
Ang mga library ay tuluyan ng naitumba ng upgraded version ng google search.
Mas umuso rin ang mga social networking sites,
Pero sa dinami-rami ng mga social networking sites na 'to, may isang nangingibabaw sa kanilang lahat...ang Nissassabase.com.
January 1, 2020 at exactly 12:00 AM on new years eve naging accessible ang website sa internet. Pero pagkatapos lang ng halos isang buwan, natalo ng walang kahirap-hirap ng website na 'to ang super sikat na f*******: at Twitter. In short, siya na ang nangunguna pagdating sa dami ng users sa buong mundo.
Kung ating ikukumpara ang Nissassabase.com sa ibang social networking sites, lalabas na parang copy-cat lang siya.
Wala itong originality, as in kung features lang ang pag uusapan, pwede mo siyang idemanda for cheating. Kinopya lang niya ang mga dati ng features ng mga naunang social networking sites katulad na lang ng chat, video call, like, share, comment and such.
Marahil nagtataka kayo kung bakit siya sumikat kung tila gaya-gaya lang ang website na ito?
Simple lang ang sagot diyan,
Ang social networking site na ito,
Ang Nissassabase.com,
Ay welcoming, available sa kahit sino...kahit saan...kahit kailan...
Higit sa lahat, kung sakaling gustong-gusto mong magkaroon ng account sa kanya pero hindi mo magawa dahil wala kang cellphone or computer man lang, sila ang gagawa ng paraan para magkaroon ka.
Kung hindi niyo pa na-gets, eto ie-explain ko...
Kung nagaalala ka dahil muli ka na namang magsisimula sa 'no friend' or 'no follow' zone sa website na ito, nagkakamali ka. Enter mo lang ang email na ginamit mo sa mga previous social net na napuntahan mo, at automatic na kung ilan ang followers or friends mo sa mga websites na iyon, basta na-trace ng Nissassabase.com program na may account na sila sa mismong website, ma-reretrieve mo ang ang mga friends at followers mo.
Kahit wala kang pera pang access ng internet, basta may cellphone o computer ka, iyo pa rin ma-aaccess si Nissassabase.com for free.
Kahit walang signal diyan sa isolated na island na pinuntahan mo, makakalog-in ka pa rin sa Nissassabase.com
Never ko rin nabalitaan na ng shutdown ni minsan ang mysterious server nito. 'Mysterious' dahil kahit gumamit ka pa ng extensions at plug-ins para i-trace ang location ng server...'unknown server' ang lumalabas.
At ang pinaka astig, at siguro ang main reason kung bakit dumami na parang virus ang users ng Nissassabase.com ay dahil namimigay sila ng free cellphone, tablet, or computers kung ipapangako mo na gagamitin mo ang website nila.
Hindi mo naman mababali ang pangakong ito sapagkat may auto-self destruct ang gadget kapag hindi mo na-access ang Nissassabase.com within two days.
Ito ang mga dahilan kung bakit naging sikat ang Nissassabase.com according to google search.
Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom. Nakaupo, habang nakapatong ang aking laptop sa desk na nasa harapan ko.
Wala akong interest sa mga social networking sites. May f*******: account ako dahil required sa isa kong subject, na kung saan accept lang ako ng accept ng friend request. Minsan nakikipag-chat rin pero hanggang doon lang.
Never akong nag check ng newsfeed or nag status. Pakialam ba nila sa buhay ko, at pakialam ko rin sa buhay nila?
Hindi ko man lang nga sana ireresearch itong Nissassabase kung hindi dahil sa computer subject ko. Assignment kasi namin ang history ng Nissassabase. Weird dahil ang daming information about the website itself. Pero ni codename man lang ng creator at program language na ginagamit, wala.
I pity the creator of this website. Wala man lang ata siyang benefits na nakukuha dito. Free ba naman ang lahat, mabilis rin ang connection, with no advertisements and banner ads pa? Tapos namimigay pa sila ng free unlimited gadgets! Wow lang, walang maggawa sa pera, 'tol?
Wala na sigurong magawa sa bilyon-bilyong pera niya ang creator ng website na ito. Naaawa ako sa kanya! Ang sinusukat ko kasi dito ay yung 'effort'. Oo, yung effort na gumawa ng isang bagay na wala ka naman makukuhang benefits. What the heck? Bakit may mga taong ganun?
Never akong gagawa ng isang bagay na hindi ako makakakuha ng benefits. I also never help people without anything in exchange. Ganito ako eh, I'm selfish, I'm ambitious, I think of nothing but myself alone and hell no I am not ashamed. If you think you don't like me, then I don't like you too. Ganoon lang kadali ang buhay. Huwag na nating pahirapin pa! Kaya maraming nagpapakamatay at nasisiraan ng bait eh!
"Hoy Cirin!" sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako ng nakasimangot sa pinanggalingan nito.
Kaagad kong nakita ang isa sa pinakamakulit na taong nakilala ko, Zerija ang pangalan niya.
Kaklase ko na siya simula noong first year high school pa lang ako at sa minalas-malas ko ba naman, kaklase ko pa rin siya hanggang ngayong fourth year.
Lahat na ata ng katarayan at pagpapahirap ay naggawa ko na sa kanya, pero never siyang nadala na lapitan ako.
Bakit ba may mga taong sobrang kukulit na katulad nito? Hindi ba pwedeng majority wins na lang para katulad ng marami eh ayaw rin dapat nila sa mga masasamang nilalang na katulad ko?
Weird people. They still cling to you even you push them away and I have too many of them. Lapitin ako ng tao kahit masama ang ugali ko, but for me, that's not a compliment. It is only trouble.
"Ano na naman? Lumayas ka nga! May ginagawa ako." ang pasigaw na sagot ko sa kaniya, at muli kong itinuon ang aking attensyon sa research na ginagawa ko.
Naramdaman ko siyang lumapit sa akin,
"Whoa, interested ka na rin sa Nissassabase? Bilis, gawa ka na rin ng account! I'm telling you, sobrang gandang gamitin ng website na yan!" sabi niya sa akin habang ginugulo-gulo ang buhok ko.
Tinulak ko siya at aking isinara ang aking laptop. Argh! Weird people are annoying! Troublesome! Pang abala! That's why I don't like to be acquainted to anyone!
"Don't misunderstood. Assignment natin yan kaya nireresearch ko. Hindi ako--" Pero hindi pa ako tapos magsalita eh kaagad na siyang sumingit,
"Ano ka ba Cirin! Kilala kita, basta lumaki yang butas ng ilong mo, it means na nagkaka interest ka sa isang bagay."sabi niya habang pinapalo-palo ang likod ko.
"Aray! Hindi ako punching bag!" sigaw ko sa kaniya. Sa lahat ba naman ng pag titripan na hampasin ay ang sensitive na likod ko pa!
"Haha, sorry. Sige na please? Gawa ka na ng account para maging friend na kita doon!" ang pilit niya sa akin sabay biglang upo sa desk ko.
Itinutulak ko siya sa abot ng aking makakaya para umalis sa desk ko pero dahil martial artist ang loka, hindi siya kayanin ng powers ko.
Zerija Xenon, the popular Aikido captain of our school. She is feared because of her brute strength and wise strategies during her fights. Kahit na ang pinakamalaman na lalaking kakilala ko, walang binatbat sa kaniya. Isa siyang real life amazona! Since I am her bad friend, her function is to push my car when it ran out of gas or...things like that. Kapag nagbabangayan kami, ako palagi ang talo, at asahan ng sa hospital ang hantungan ko kapag napapalala.
Ever since Nissassabase.com have been built, she never stop bugging me to join the website.
Kung nang mga panahon na 'yon ay napansin ko lang sana ang isang napakaimportanteng bagay, wala sanang masasaktan. Pero ako'y nakalimot, maraming nakalimutan. Lahat kami'y nakalimot, walang natatandaan, at ang tanging paraan para maibalik ang mga alaala...
ay magpatayan.