Napakadilim ng lugar. Sa kadiliman nito, hindi mo na malalaman kung silid o kung anong klase ba ng gusali ang kinatatayuan mo. Ang tangi lang nagpapaliwanag sa kapaligiran ay ang mga maliit na kandila na may kulay asul na apoy. Malapit na silang matunaw, minuto na lang siguro ang hihintayin.
Bumubuo ng isang malawak na bilog ang mga ito. Nakapatong sila sa pabilog na mesa. Samantalang sa bawa’t kandilang makikita mo matatagpuan ang mga hindi maitsurahang mga nilalang na nakaupo. Madilim ang lugar, ngunit tanging sila lang ang nakakakita sa kadilamang ito. Sapagkat ang mga hindi pinapahintulutang makita ang kanilang ‘tunay’ na pagkatao, ay sadyang binubulag dio.
Tahimik ang lahat nang may boses na bumasag ng katahimikang nagaganap,
“Kung kelan kayo narito, saka naman siya nawala.” pagkasabi niya nito ay gumalaw ng konti ang apoy ng kandila na nasa kanyang harapan. Isa itong malamig na boses na nag echo sa buong lugar.
Kasing lamig ng mga bansang may nyebe. Kasing lamig ng isang taong handang isakripisyo ang kahit ano kung para sa ikakatuparan ng kanyang mga plano.
“Sorry, alam mo namang abnormal kami di ba? Waa, pero kahit medyo matagal akong nag absent, never ko talagang na-miss ang lugar na ito.” sagot ng isang boses sa isang masiglang tono na may kahalo pang tawa. Halos mamatay ang asul na apoy sa harapan niya.
“Sino ba ang makakamiss sa isang lugar kung saan nag memeeting ang mga alagad ni kamatayan?” singit ng isa pang boses. Mapagmataas ang tono, ngunit ramdam dito ang pagnanais niyang matapos na ang pagpupulong na ito.
“Eh? Eh di si kamatayan mismo, right?” tugon ng masiglang boses kanina habang lumilingon sa kanyang kanan at itinuturo ang taong nakaupo doon.
Dito ay matatagpuan pa ang isang hindi kilalang nilalang. Naiiba ang disenyo na kanyang upuan. Nagpapahiwatig lang na may kataasan ang kanyang posisyon. Ngunit, hindi ito nagbigay ng sagot na nagpa-lumo sa taong kumakausap sa kanya.
“Pambihira talaga kayong dalawa. Wala tayong sinasanto, kahit myembro pa kayo ng round table.” sabi ng isang boses. Seryoso, pero halatang nag aalala.
“Oo nga. Kelan niyo ba ititigil yan? Maraming trabaho dito.” dagdag pa ng isa. Halatang magaling magdala ng responsibilidad, at may pagka-strikto.
“Ask that person, not me.” tugon nung masiglang boses sabay turo muli doon sa taong dinedma siya kanina. Gumalaw ang asul na apoy ng kandila ng taong ito. Pero isang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ito sumasagot,
“Hoy, alam mo namang walang saysay pilitin na magsalita yan?” singit ng unang boses na nagsalita kanina.
“ Mabibilang ng sampu kong daliri kung ilang beses natin siyang narinig na magsalita dito!” dagdag ng nag-aalalang boses kanina. Ngunit nagulat ang lahat ng halos mamatay ang kandila ng taong tinutukoy nila ng bigla itong nagsalita,
“…hanggang sa matalo ko ang sarili ko.” ang maikli pero nakakagulat na sagot nito. Alam ng lahat na late lang ang sagot niya. Alam din nila na ito ay ang kanyang tugon doon sa katanungan kanina na nais malaman kung kelan na nila iyon ititigil.
“Fine. I get it. Pero huwag mo kaming sisihin kung mamamatay ka.” sabi ng isang striktong boses. Bahagyang napangiti ang kinakausap nito.
“Ako? Mamamatay? Impossible, dahil ako mismo ang kamatayan.” sagot nito sa isang walang pangambang boses. Dahil dito ay nakampante ang kanyang mga kasama.
“Tama nga naman. Tayo ang kamatayan. So, bakit natin kakatakutan ang ating sarili?” ang pagsang-ayon ng isa sa kanila. Napalitan ang lugar ng isang napakalamig na hangin. Puno ng kalungkutan, ngunit walang dahilan upang humingi ng kapatawaran.
“Hoooy, malapit ng maubos ang oras namin, ano ba talaga ang pag uusapan ngayon?” tanong ng masiglang boses habang makulit na gumagalaw sa kanyang kinauupuan.
Mayamaya ay ramdam sa loob ang pagpasok ng isa pang tao.
“Ilan na ang napatay Assassin no. 2?” tanong ng isa,
“Halos magkakalahating milyon na po. Sakto lang sa target natin simula ng tayo ay magsimula.” sagot ng bagong presensiya.
Isa siyang Assassin. Bulag ang kanyang mga mata dahil hindi siya hinayaan ng mga taong nasa tapat ng kandila na malaman ang pagkatao nila. Narito siya upang mag-report. Mag report ng mga importanteng bagay na nangyayari sa Neuron.
“at sa atin, ilan na?” tanong ng ibang boses.
“K-kalahating m-milyon na po! Ipagpaumanhin niyo! May mga nagsulputang malalakas na user ngayong nitong nakaraang araw! Lalo na ang grupong iyon! Marami na po silang napapatay na Assassin.” halos lumuhod sa lupa ang Assassin dahil sa sobrang kaba na parusahan siya.
Kung ikukumpara sa mga users na napatay nila, mas marami na ang napapatay na Assassins. Lalo na ng sumulpot ang grupong iyon. Nagdaan ang mahabang oras ng katahimikan. Isang katahimikan na parang nakakalasong usok na unti-unting pumapatay sa diwa ng Assassin. Napakamalas niya sa araw na ito.
Ayaw na ayaw niyang pumasok sa lugar na kung saan naroon siya ngayon, pero dahil siya ang nakatalagang mag report ngayong araw, wala siyang nagawa. Ang silid na ito ay mas malala pa sa impyerno sapagkat narito ang mga taong nagdala ng impyerno sa kanyang mundo,
Ang mga utak sa likod ng tinatawag na Nissassabase.com.