Chapter 21

1614 Words
[Tyrone’s POV] Papunta na sana ako upang iligtas si Cirin. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang wala siya sa kondisyon upang makipaglaban sa ngayon. Samantalang si Zerija naman ay halatang hindi na kayang lumaban pa. What the heck are these people doing? Nakalimutan na ba nila na si Zerija ang Domina? Tsk! May misyon sana ako na dapat puntahan ngayon, pero nang aksidenteng napadaan ako dito at nakita ang lagay ni Cirin, kusa na lang napatigil ang katawan ko. Gusto ko siyang tulungan kahit sa kasalukuyan ay nakapang assassin ako. Patalon na ako mula sa rooftop ng building na kinatatayuan ko ngayon nang bigla na lang may humawak sa braso ko. “You cannot do that. Pwede rin tayong magpatayan kung gustuhin natin. Pero mahigpit na ipinapagbawal ang pakikialam sa misyon ng iba.” sabi ng assassin na kasama ko. This person is a close friend. Alam niya halos lahat ng tungkol sa akin. Ganun din naman ako sa kaniya. Kadalasan na nalalagay kami sa parehong misyon. Sa rami na ng beses na nakasama ko siya, alam ko rin na ayaw na niyang pumatay katulad ng marami sa amin. Pero hindi pwede sapagkat kapag hindi namin sinunod ang ipinapag utos ng Neuron…papatayin nila pinakaimportanteng bagay sa amin. Lahat ng tao ay may pinakaimportanteng bagay para sa kanila, kaya naman ito ang ginamit ng Neuron upang kontrolin kami. Paano nila iyon nalaman, well…siguro dahil sa high-technology na ginagamit nila. “Pero she will die if I don’t do anything.” sagot ko. Kahit hindi ko kita alam kong she is smiling behind that black mask. “Siya ba ang pinakaimportanteng tao para sa iyo? The one you want to protect, right?” tanong niya sa akin. Hindi na lang ako sumagot. “If she die, then wala ng saysay ang manatili pa sa Neuron. Pero if you die dahil sa paglabag mo sa batas natin, I think hindi rin siya magiging masaya kapag nawala ka. Death awaits no matter what path you choose.” sabi niya sa akin. “Hindi mo kilala si Cirin, she won’t care even I die. Kaya naman atleast, I want her to live.” sagot ko sa kaniya habang may malungkot na ngiti sa mukha ko. “Heh, sayang, idiot Tyrone.” sabi niya habang hinuhulog ko ang sarili ko pababa ng building. “Sorry, Ilya.” sagot ko sa kaniya. Pero nagulat ako ng mayamaya eh bigla na lang niyang hinawakan ang isa sa mga kamay ko. Hinila niya ako papataas kaya naman naudlot ang pagbaba ko. “What the?! Hoy! Paano ko maiiligtas si Cirin kung ibinalik mo ako dito?” ang naiinis na sigaw ko sa kaniya, Tinanggal niya ang mask na bumabalot sa kanyang mukha. Aking nakita ang mahaba niyang pulang buhok at ang artistahin niyang mukha. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, “Seducing me at time like this won’t give you any hopes.” sabi ko habang nakasimangot. Tinawanan niya lang ako, at may itinuro siya sa akin. Tumayo ako at tinanggal din ang aking mask upang sundan ang itinuturo niya. Nanlaki ang mata ko, at medyo nakadama ng konting pagkadismaya nang makita ko kung ano ito mula sa rooftop ng building na kinatatayuan namin. Mayroon lang namang isang lalaki na bumuhat kay Cirin. May dalawa namang babae na tumulong kay Zerija. Samantalang ang dalawang assassin na ipinadala sa kanila ay nakasabit sa puno, wala ng buhay. Hindi ko nasaksihan kung paano sila pinatay. Ngunit isa lang ang alam ko, magagaling sa mga ganitong gawain ang mga taong gumawa noon sa kanila. User sila ng Nissassa, marami rin ang kanilang spell. Ramdam ko rin ang iba pang taong nasa paligid. Nakatago nga lang. Mukhang konektado sa isa’t-isa ang mga taong iyon. “Another Prince appeared. Ouch, kawawa naman si Tyrone.” ang pang asar pa sa akin ni Ilya. “Who are those people?” tanong ko. Bihira kasi akong makakita ng ganitong eksena, mga grupo ng user na nagkakasundo at magkasama. Karaniwan kasi nanamantala sa kahinaan ng bawa’t isa at nagpapatayan sila. Sobrang nakakapagtaka rin kung bakit tinulungan nila sila Cirin, samantalang sigurado akong walang kaugnayan ang babaeng iyan sa kanila. “Hindi ako sure kung sila iyon.” sagot sa akin ni Ilya habang hindi ko maipaliwanang ang expression ng kanyang mukha. “’Sila’?” tanong ko. Gusto kong linawin niya sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin. “May nakarating na balita nung kelan sa main base na may lumitaw raw na grupo ng users na nagtutulungan laban sa Nissassabase. Skilled at malalakas lahat ng miyembro nila. Kaya nilang ipaglaban ang sarili kahit na mag isa lang. Maraming nagnanais na sumali sa grupong iyon ngunit piling tao lang ang pwede.” paliwanag niya sa akin. Nang maintindihan ko ang nais niyang iparating, nagbago rin ang expression ng aking mukha at naging katulad na ng kay Ilya. Masaya ako dahil iniligtas nila si Cirin, pero it feels like my life as an assassin is being threatened by them. Mukhang mahihirapan ang sino mang assassin na makatapat nila. “Ang leader daw ng grupong iyon ay kayang pumatay ng limang assassin sa isang tira lang. What a scary, despicable, and admirable group. Tara na Tyrone, may misyon pa tayo.” sabi ni Ilya habang ibinibalik ang mask niya sa kanyang mukha. Tumingin muli ako sa kanila bago umalis. Mukhang nawalan ng malay si Cirin at Zerija. Pero halata rin naman na wala silang balak na masama sa kanila. But I know what are they up to. “Hoy, yuko!” bulong sa akin ni Ilya sabay bira sa kamay ko kaya naman napadiretso ang mukha ko sa semento. “Bwisit naman oh, bakit mo ako binira?” ang naiinis na tanong ko sa kaniya. Isinuot niya pabalik sa mukha ko yung mask. “He is about to stare at this place, that guy carrying your most important person.” sagot niya sa akin sa isang childish na boses. What? So nararamdaman niya ang presensiya namin. Hindi ko inaasahan na such person exist. I mean assassin kami, we are trained to have very little presence. Pero pwede rin naman na nagkataon lang na napatingin siya dito, “Alam ko.” palusot ko, “Weh? Liar! Selos ka ano?” ang pang asar pa niya sa akin. “Hindi ah! Tara na nga! We still need to dispatch five users.” sabi ko sa kaniya. Naunang nag teleport si Ilya, sumunod naman ako. Teleportation, at napakabilis na pagtakbo ang ginagamit naming mga assassin upang mapabilis ang aming pagkilos. Ang teleportation ay tumatagal lang ng pitong segundo, at pwede namin itong gamitin ulit pagkatapos ng limang segundo. Sa mode na yan ay tuluyang naglalaho ang presensiya namin at napupunta ito sa isang separate space na ginawa ng Neuron. Sa mga oras na hindi namin ito magamit, tumatakbo lang kami ng sobrang bilis habang iniiwasan na gumawa ng kahit anong ingay. Ang mga assassin ay nadamay lang din sa layunin ng Nissassa. Hindi naman talaga nila gustong pumatay. We just have no choice, at katulad din ng mga user, may nais kaming protektahan. “They call themselves…Dark Hand Order.” narinig kong sinabi ito ni Ilya habang nasa teleportation mode kami. “Pangalan pa lang, I don’t know kung kakampi sila nila Cirin or kalaban.” sabi ko dito. Maya-maya ay nawala na ang epekto ng teleportation at nagsimula na kami sa pagtakbo, “That must not be your business anymore.” sagot ni Ilya which is right, si Cirin na ang bahala diyan to decide. Maging assassin or user ka man, kontrolado ka pa rin ng Nissassa. Pero sa pagkakaalam ko, hindi nila ineexpect na magagawa ng mga user na bumuo ng isang grupo kahit na activated na ang spell. Obvious naman na ginawa ang spell upang iwasan ang mga ganitong pangyayari. Pero mukhang may mga tao nga lang talaga na hindi mo inaasahan, lalo na ang mga taong kabilang sa Dark Hand Order. Malalakas sila, kaya nilang pumatay ng maraming low-level assassin ng hindi nanganganib ang kanilang buhay. Ngunit, it is just unfortunate for them… Kahit na ilan pa sa amin ang kanilang patayin, Hindi kami mauubos. Sapagkat ang registration lang para sa ‘user’ ang tuluyang isinara ng Nissassabase, pero ang ‘assassin’…hindi. Ang mga sinwerteng tao dito sa mundo, ay naging users. Ang mga minalas katulad namin ni Ilya ay naging Assassin. Sabihin na nating swerte ka na rin kapag gumawa ka ng account sa Nissassa, at malas mo kapag hindi ka gumawa. “All users are ignorant. I can’t help but to laugh at them.” sabi ni Ilya, mukhang nababasa niya yata ang nasa isip ko sa ngayon. “Yeah. Iniisip pa rin siguro nila na may mga ‘normal’ na tao pa dahil sa bagong ability na dinagdag ng website.” sagot ko dito, Ang bagong abilidad na makita ang status ng kaharap mo kung user, assassin, o normal na tao siya ay isang bitag lang ng website para takpan ang katotohanang nagaganap. Hindi ko man gusto pero wala akong kakayahang pigilan ito, kahit na alam ko kung ano ang totoo. Pero ang mga users, siguro merong konting pag asa. I hope they figure it out soon, Wala ng normal na tao dito sa mundo. Wala ng normal na tao ang makakasurvive sa loob ng 200 days. Sapagkat hangga’t nariyan ang Nissassa at nagtatagumpay ang mga plano nila, sa huli… Lahat ng buhay na matitira ay mabibilang lang sa isang grupo… mga KILLERS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD