Humarang sa aking unahan si Zerija habang pinupwesto ang katawan niya sa parating na labanan.
Argh! Bakit ba ang malas ko ngayon?! Bakit ngayon pa ako naging ganito? Hoy katawan! Umayos ka nga! Para kang shunga! Wala naman masakit, kaya huwag kang umiyak! Wala rin nakakatakot kaya huwag kang manginig!
Waaaa! Bakit ba ayaw sumunod nitong katawan ko sa sinasabi ng matalino kong utak? Anong benefit ang makukuha ko dito? Wala di ba? Huhuhu!
“Cirin, magtago ka muna.” bulong sa akin ni Zerija na mas lalong nag painis sa akin. Inuutusan ba ako nito? Saka ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa kanya, delikado yun pag nagkataon.
“Shut up. Kaya kong lumaba—“ kukunin ko pa lang yung bow na nakasabit sa likuran ko pero kaagad ko na itong nabitawan, kaya ayon nagdiretso sa lupa. Not to mention na umiiyak pa rin pala ako.
“Bilis na! Ang tigas ng ulo mo! Sa lagay mong yan, baka mapano ka lang--” hindi na naituloy ni Zerija sapagkat inatake na siya nung isang assassin.
Gamit ang kanyang dalawang braso ay sinangga niya yung mahabang espada ng kalaban.
“Cirin! Magtago ka na!” sigaw pa niya sa akin. Pero sa halip na makinig, yumuko ako upang kunin yung bow na nahulog.
Hindi ko inaasahan nang bigla na lang sumulpot yung isang assassin sa harapan ko at mabilis na sinipa yung bow papalayo. Napatingin na lang ako sa paglipad nito papalayo sa akin. Hanggang sa napansin ko sa pamamagitan ng anino na balak akong hatiin ng assassin sa pamamagitan ng kanyang espada.
Shit! What now?! Mamamatay na kaagad ako ng wala pa man lang nagagawa?! Buti na lang, bago pa ako matuluyan eh naihagis ni Zerija yung assassin na kalaban niya papunta doon sa isa pang assassin na balak akong patayin.
Sa sobrang lakas ng pagkahagis nito ay nadala yung isang assassin at napatilapon sila papalayo sa amin.
“Hoy Cirin! Makinig ka naman sa akin kahit isang beses, pwede?!” ang galit na sigaw sa akin ni Zerija habang muli siyang humarang sa unahan ko,
For some reasons, medyo natakot ako sa kanya. Ngayon ko lang kasi nakita itong sobrang nagalit sa akin eh. Hindi na lang ako sumagot at iniwasan ko ang kanyang mga nakakatakot na tingin.
Naiinis na ako ng sobra sa sarili ko! Bakit sa ganitong pagkakataon pa ako nagkaganito?! Napakatagal na noon! Nakaraan ko na lang ang taong iyon! Pero bakit hanggang ngayon…he can still influence my life?! Paano niya nagagawang kontrolin ang emosyon ko samantalang in the first place eh wala na siya sa mundong ito?!
Cirin, gusto mong maglaro?
Sabi ng isang ala-ala sa loob ng utak ko.
‘Stop! ayaw kong maalala ang kahit ano tungkol sa kaniya!’ sabi ko sa aking sarili.
But unfortunately, patuloy lang sa pag bulong sa aking utak ang isang pamilyar na boses na nanggaling pa sa aking nakaraan.
A-anong la-laro? H-hindi ba na-nakakatakot?
Mas lalo akong nag panic ng marinig ko mismo ang aking boses na sumasagot.
‘Huwag kang makipag usap sa kanya, Cirin! Layuan mo na siya hangga’t maaga pa!’ sabi ko muli sa aking sarili,
Syempre. Masaya ito. Sobra.
Sagot nung boses. Stop remembering Cirin! Ayaw na ayaw mong maalala ang mga susunod na maririnig mo!
Pero kahit ano pang pagpipigil ko sa aking utak na huwag makaalala, hindi man lang ito nakinig sa akin.
Talaga? Sige! Anong laro?
Ang masayang tugon ng batang boses ko.
Patayan tayo, Cirin? Kill me right now, I will kill you right now. Pero kung hindi natin mapatay ang isa sa atin then…
Let us hunt each other…forever.
Sabi nung boses. Pagkatapos nito ay nakita ko na lang ang aking mga kamay ng napapalibutan ng dugo.
Mayroon din isang katawan na nakahiga sa semento. Hindi ko alam kung patay na ba ito. At kung patay na nga ito, hindi ako sigurado kung ako ba ang nakapatay sa kanya. Saan ba kasi nanggaling ang mga dugo na nasa kamay ko.
Sino ka?
Tanong ng batang boses ko. Sino ba siya? Hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha sapagkat medyo madilim at natatabunan ng buhok ang parteng iyon. Nagulat na lang ako ng bigla na lang nagdilim ang buong paligid. Wala na akong makita na kahit ano.
Then suddenly, I felt as if somebody was touching my face…
Naramdaman ko rin ang isang malamig na hangin sa mukha ko hanggang sa may bigla na lang bumulong sa aking tenga…
You know me…because I will be your greatest nightmare.
Pagkatapos ay bigla na lang sumulpot ang isang mahabang salamin sa harapan ko. Nakita ko dito ang reflection ng aking sarili, noong 7 years old pa lang ako.
Sa pagkakaalala ko, memorya ko nga ito. Pero…may mga nawalang parte. Saka parang nagkagulo-gulo. Naghalo-halo sila.
Kumisap ang aking mata, at sa muling pagkamulat nito ay hindi na aking refection ang nasa salamin.
Mayroong isang batang lalaki na kasing tangkad at edad ko. May mga bakas ng dugo ang kanyang mukha. At ang nakakapagtaka sa lahat, he looks exactly the same as me.
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sumisigaw na boses ni Zerija.
“CIRIN!” napalingon ako bigla sa direksyon niya at nakita na nakahandusay na pala siya sa lupa habang nakatusok sa kaliwa niyang paa ang espada nung assassin na kalaban niya. Nakatapak rin sa mukha ni Zerija ang kanang paa nito.
My goodness! Ilang minuto na ba akong wala sa aking sarili? Parang ang dami ng nangyari! Maya-maya ay narealize ko kung bakit isinigaw ni Zerija ang pangalan ko,
May assassin kasi na nasa harapan ko, habang papunta diretso sa puso ko ang atake ng kanyang espada.
Shit! I want to move my body, pero ayaw pa rin nitong sumunod sa gusto ko!
Nang pakiramdam ko wala na akong magagawa, ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Ayaw ko man ng ganitong katapusan pero hindi ko na alam ang gagawin. Tila nawala lahat ang lakas ko dahil sa mga naalala ko kanina. Naririnig ko pa rin ang boses ni Zerija habang isinisigaw ang pangalan ko.