[Zerija's POV]
Hay, ewan ko sa'yo! Para kang si Rivaille! Magsama kaya kayo?
Hay, ewan ko sa'yo! Para kang si Rivaille! Magsama kaya kayo?
Hay, ewan ko sa'yo! Para kang si Rivaille! Magsama kaya kayo?
Aaaaaaaahhhhhhh! What's happening?! Ang sakit-sakit ng lalamunan ko! Ang gulo-gulo ng utak ko! Maraming boses na nagsasalita! Marami akong nakikita na kung anu-ano na hindi ko alam kung memorya ko ba o hindi! Buti na lang umabot pa ako dito sa CR. No one must see me like this!
Kapag nalaman ng mga users, magdadalawang isip silang patayin ang mga Assassins. Pero huwag mong kalimutan na hindi magdadalawang isip na pumatay ang mga alagad mo. Besides, alam mo naman kung gaano katindi ang galit ko sa mga users di ba? Mas pipiliin kong mas mauna silang mabura dito sa mundo kaysa sa iba.
Ri-rivaille? Bakit naririnig ko ang boses niya? Saka ano ang ibig niyang sabihin? Tsk! Ang sakit talaga! Hindi ko na yata kaya. Parang sasabog ang utak at lalamunan ko!
Pambihira talaga kayong dalawa. Wala tayong sinasanto, kahit myembro pa kayo ng round table.
Oo nga. Kelan niyo ba ititigil yan? Maraming trabaho dito.
Sa oras na matalo ko na ang sarili ko.
What are these voices? Kanino sila? Sino sila? W-what the f*ck! Kagagawan ba ito ni Rivaille? Bakit ako nagkakaganito?!
Nanlalambot na ang mga tuhod ko kaya ayan, napaluhod na ako sa semento.
Be sure...to return to me safe okay?
S-si-sino ako?
Pinilit kong makatayo, at nang makita ko ang aking reflection sa salamin. Walang anu-ano ay sinuntok ko ito. Kaya ayan, nagkabasag-basag habang may tumulong dugo mula sa kamao ko.
I curse the five of you! I will curse all of you until the end of the world! Sisiguraduhin kong hinding-hindi kayo magiging masaya!
This voice...I know this voice.
Then suddenly it's all black...
And that's when everything becomes quiet.
[Author's POV]
Saglit na hindi kumibo si Zerija mula sa kaniyang kinatatayuan habang nasa basag na salamin pa rin ang kanang kamay nito.
Ngunit ilang minuto lang ay bigla na niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Pero hindi na ito tulad ng dati. Iba na ang tingin, iba na ang nais nitong iparating. Maging ang kulay nito ay nag iba na rin.
Mga umiilaw na asul na mata na may matalas na tingin. Mga matang tanging limang tao ang nagtataglay.
Iginalaw niya ang kamay papunta dito.
"The effect went off. Bullsh*t! Kasalanan ng Rivaille na 'yun. Kasalanan din ni Cirin. Tsk! Ginusto tuloy ng mangmang na sarili ko na maalala ang lahat! I need to return, immediately." sabi nito sa isang seryosong boses na wala ng nararamdaman na kahit anong sakit.
Sa isang kisap mata ay naglaho siya sa loob ng CR, at napadpad sa isang hardin na punong puno ng asul na rosas.
Pagkarating dito ay muntikan nang mapatama ang kanyang mukha sa lupa. Unti-unti na ring nawawala ang kaniyang malay. Buti na lang...may nakasalo sa kaniya,
Nagulat siya. Pero naging komportable rin ng tumagal.
"I know that is you." sabi niya na may kasamang ngiti, at tuluyan ng nahimatay.
"Yeah. To think that I will see you again in a situation like this...you've become careless. I told you to return safely...best friend." sabi ng isang boses. Isang boses na mayroong napakaimportanteng parte sa storyang ito.
Humangin ng malakas sa hardin. Sa bawa't ihip nito ay nalalaglag ang mga petals ng asul na rosas na tila ulan na pumapatak sa dalawa.
"Assassin no. 1" sambit ng misteryosong boses
"Your orders, your Highness?" tanong ng isang Assassin na bigla na lang sumulpot kung saan.
"Another bottle of sefrez for her." utos nito,
"Masusunod, Dominus." sagot ng Assassin na mabilis namang naglaho. Hinaplos nito ang mukha ng walang malay na Zerija sabay sabi ng...
"Naiinggit ako sa iyo Zerija. Maalala mo ang lahat kahit anong oras mo gusto, pero ako kahit gustuhin ko man hindi ko magawa. I wonder when will I get everything that I lost?"
Mas namutla ang balat nito nang masinagan pa ng liwanag ng araw. Ngunit hindi nawala ang liwanag sa mga asul na mata na may isang bagay lang na nais makuha...
ang makuha ang lahat ng bagay na nawala sa kaniya.