Parang nag backflow ang lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo! Aaaaahhhh! Sumakit bigla ang ulo ko nang marinig ko 'yun?! Gusto ko na yatang makapatay!
Halos masuntok ko si Zerija, buti na lang naawat kami ni Leora.
"H-hoy! Huwag ka ngang mag imbento! He is not yet officially my fiance! Kelan pa na-attract ang mata ko sa manyak na Tyrone na 'yun? Saka pasalamat nga ako dahil hindi ko na siya nakikita! Gusto ko nang maging water vapor sa tuwing magkikita kami dahil ayaw na ayaw ko nga siyang makita!" sigaw ko. Waaa...ampagod! Napahingal ako dun ah! Yung kadebate ko naman ay walang ginawa kung hindi tawanan ako. Nakakainis ka talaga Zerija!
"Cirin, huwag ka ng mag matigas. Hahahah!Alam naman ng best friend mo ang nais mo talagang iparating. Ikaw kasi yung uri ng tao na kabaligtaran ng nasa puso niya ang lumalabas sa bunganga tuwing kinakabahan!
What you really want to say, let me rephrase everything...
He is officially my fiance! Sobrang attracted ang mata ko sa gwapong Tyrone na 'yun! Saka sobrang nalulungkot nga ako dahil hindi ko na siya nakikita. Gusto ko nang maging water vapor sa tuwing magkikita kami dahil sobrang kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siya
Am I right? Hahahaha!" sabi ni Zerija.
Argh! No! What the heck? Huwag kayong maniniwala sa kaniya! Gawa-gawa niya lang 'yan!
"SHUT UP!" ang tangi kong naisagot! Mas magiging malala lang ang lahat kapag pinatulan ko pa eh.
She gave me that 'You lost' face. So what? Let her think what she wants. What is important after all is what I think about myself! Other people's opinion are not important!
"Who is this Tyrone?" halos mapatalon ako sa gulat ng may bumulong malapit sa leeg ko.
"R-Rivaille?!" sabi ko nang makita ang sobrang lapit na Rivaille. What the heck? Bakit sumusulpot na lang ito kung saan? Galing ba siya sa ilalim ng lupa?!
"Yo! Sino nga si Tyrone?" sagot niya. Uwa! Two times na niya yung tinanong! Pakialmanin ito ah! Private business are private!
"Fian--mmmmm" sisingit sana ang baliw, ngunit kaagad kong natakpan ang madaldal niyang bibig.
"None of your busine--" -ako
"Fiance daw ni Cirin." hindi nga si Zerija pero si Leora naman yung nagsabi ng forbidden word! Argh! Magsama silang dalawa! Nakakabwisit! Palibhasa magkatunog ang mga pangalan!
Kaagad naman akong nagbigay kay Rivaille ng 'Not in a million of years' look.
"Heh, hindi na pala virgin si Cirin. Sayang." ang mabilis na sagot ni Rivaille while having that big smile on his face.
"What's with that conclusion bastarddd?! Gulo ba o gulo? Anong relate ng virginity sa pagkakaroon ng fiance?! Virgin pa ako! Hindi ako papagalaw sa manyak na 'yun!" ang galit na sagot ko!
Bakit napunta sa ganito? Why am I explaining myself for him?
"So inamin mo rin na may fiance ka. Hahahaha!" singit ni Zerija.
"It's not like that! Grrrr" ang naiiritang sagot ko sabay tingin kay Zerija ng sobrang sama.
"Ano ka ba Cirin? Biro lang. Hahaha! Kung maka-react ka naman eh parang may pinagtatakpan." paliwanag ni Rivaille na may halo pa ring pang aasar!
Bakit palagi na lang akong pinagtitripan ng mga taong nasa paligid ko? Mabait naman akong bata ah!
"I'm not good with jokes! May problema ka ba dun? Ha?" hirit ko naman na parang siga. Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Pssst. Kung maka-explain ka Cirin ha. Parang may something eh! Crush mo si Rivaille nu?" singit ulit ni Zerija.
"Saan mo na naman nakuha yan ha? Hindi ako katulad ni Fres!" sagot ko.
"Siya nga pala Cirin," napalingon kami nang marinig muli ang boses ni Rivaille,
"I want to meet this 'Tyrone' person soon. Magkikita naman talaga kami so...hehe. Nevermind. Just talking to myself." dagdag pa niya at dumiretso na sa paglalakad papunta doon sa maraming tao. Samantalang sumunod naman sa kaniya si Leora at iniwan kami dito.
Umakbay naman sa akin si Zerija pagkatapos.
"...oh baka naman si Rivaille ang may crush sa 'yo. Hahahaha!" sabi niya.
"Your way of thinking is weird. Halata namang he only sees me as a TOOL he can use. Katulad mo, katulad ng lahat ng taong nandito. Kung wala kang magawa, magbilang ka na lang ng buhok diyan sa ulo mo!" sagot ko. Pumalakpak si Zerija mayamaya.
"Buti alam mo" - Zerija
"Did you say something?" tanong ko. Di ko kasi narinig ng maayos. Paano ba naman, pabulong niyang sinabi.
"W-wala Cirin! Just talking to myself. Hehe~" sagot naman niya while smiling.
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking balikat,
"Hay, ewan ko sa'yo! Para kang si Rivaille! Magsama kaya kayo?" sabi ko sa kaniya at mabilis na maglalakad sana papalayo. Yun nga lang napahinto ako ng may kung anong humawak sa damit ko. Paglingon ko, nakita ko si Zerija na halos mapaluhod sa lupa habang nakahawak sa kanyang lalamunan at tila nahihirapang huminga.
"Z-Zerija, hoy, anong nangyayari?" tanong ko sabay lapit sa kaniya at tinutulungan siyang tumayo.
"O-ok lang ako. Pagod lang siguro. T-teka, mag c-CR muna ako." sabi niya at kaagad na bumitaw sa akin habang pagewang-gewang na naglalakad.
"Hooyy! Samahan na kita!" sabi ko,
"Huwag na. Mauna ka na. Saka mukhang may importanteng sasabihin si Rivaille." sagot niya without looking back.
Baka biglang natae yung baliw.
Hinayaan ko na lang. Mas malakas naman yun physically kaysa sa 'kin.
Hmmm...bakit may may konting feeling ako na nagkaganun siya dahil sa sinabi ko? Teka, ano nga ba ulit yung sinabi ko? Nnnnn....I can't remember! Nevermind.
She will be fine. She's always been.