[Tyrone's POV]
Musta guys? Miss me? Haha! I'm back, at eto pa may kasamang POV. Unfortunately, hindi masyadong cheerful ang chapter na 'to. Madrama ang chapter na mababasa niyo! Read well okay?
Ngayon ang isa sa mga konting araw na kung saan magaan lang sa loob ang lahat. On break kasi ako sa trabaho. Alam niyo na naman ang trabaho ko di ba? Trabaho kong pumatay, sapagkat ako ay isang Assassin.
Aaahh! Ayaw ko muna siyang isipin! Kaya nga break di ba? Kahit naman mamamatay tao kami, may break din paminsanminsan! Kung wala eh baka tuluyan na kaming nahulog sa impyerno!
"Oh, iho...long time no see ah!" tawag ng isang boses,
Hinanap ko ito, at nakita ang isang pamilyar na matanda habang ito ay nagwawalis at nakangiting nakatingin sa akin.
"Manong! Musta na? Anjan ba si Mrs. Sexy?" ang pabirong tanong ko habang palapit sa kaniya,
Sino si Mrs. Sexy? Asawa niya! Yeah righ! 'Sexy' kasi ang apelyido nila, kaya kung pormal kong tatawagin itong si Manong...hi Mr. Sexy. Hahahaha! Laughtrep talaga ako sa apelyido nila!
Ngunit maya-maya ay nagtaka ako kung bakit sa halip na sumakay siya sa biro ko, nagbigay siya ng napakalungkot na mukha sabay sabi ng..
"Ang asawa ko ba kamo iho? Patay na eh. Namatay siya noong isang araw lang."
Labis ko itong kinagulat! Idagdag mo pa na pakiramdam ko ang sama ng birong ginawa ko! Nakakalungkot din. Mabait pa naman ang Manang na 'yun. Kahit di nila ako kaano-ano, kung tratuhin nila ako para na nila akong tunay na apo.
"P-patawad po. Nakikiramay ako. *Sobs* Kung nung isang araw lang, hindi pa naman siguro nalilibing si Manang ano? Nasa loob po ba ang labi niya? Kung hindi niyo mamasamain, pwede ho bang makita? " sabi ko habang sinusubukan kong huwag ilabas ang emosyon na namumuo sa loob ko.
Para ko na silang magulang. Saka nung umalis ako dito, hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa kanila. To think na patay na si Manang...
"Pasensiya ka na iho. Inilibing siya kaagad matapos siyang mamatay. Masyadong brutal ang pagkakamatay niya. Hindi ko ito kayang makita kaya naman...pinasunog ko kaagad." ang dismayadong sagot nito habang hindi makatingin ng diretso sa akin,
"P-pinasunog? Doon ba sa sunugan sa Carze? B-bakit po ba? Ano ba ang ikinamatay niya? " ang nalilito kong tanong,
Maya-maya, napatingin ako sa basurahan na nasa tabi lang ng pintuan ng bahay nila. Kinutuban na ako nang makakita ng isang laptop na nakatapon doon. Mukhang bago pa lang ito. Sa itsura nito, impossibleng masira ito kaagad.
Matagal na hindi sumagot si Manong. Mukhang ayaw na niyang maalala. Ang tanga ko talaga! Bakit ko pa nga ba itinanong? Wala rin naman mababago eh!
"P-pasensya na po! Okay lang po kung ayaw niyo!" dagdag ko. Pero pilit lang akong ningitian ni Manong sabay buka ng kaniyang bunganga,
"Namatay si Lenny...dahil gumawa siya ng account sa Nissassa. May ipinadalang Assassin dito sa bahay at habang natutulog, pinagsasaksak siya nito. Walang ingay na nilikha ang kaniyang kamatayan. Kaya naman...kaya naman..." hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin dahil nagsimula ng tumulo ang kaniyang luha,
"...NAGISING NA LANG AKO NA NALILIGO SA DUGO HABANG PATAY ANG ASAWA KO TABI KO PA MISMO! Napakasamang bangungot! Napakasama talaga!" sigaw niya sabay yakap sa akin habang humahagulgol ng iyak.
Nang mga oras na ito ko naramdaman lahat ng konsensiya na noon ay pilit kong hindi pinapansin! Ang sakit ng dibdib ko! Maging ako ay napaiyak na rin!
Pero umiiyak ako hindi dahil sa kawalan ng mahal sa buhay. Umiiyak ako dahil galit na galit ako sa sarili ko! Parang...parang gusto ko na lang mamatay !
Pinatay ng grupo na kinabibilangan ko ang isang taong importante sa akin! Parang, pinatay ko na rin siya!
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!
"Tyrone hindi ko man lang siya nagawang protektahan! Wala akong ginawa kung hindi matulog! Bakit hindi ako nagising? Ang sama kong asawa!" dagdag pa ni Manong,
Ako naman, wala akong maisagot! Labis akong nakokonsensiya! Walang kaalam-alam ang taong ito na kabilang ako sa grupong pumatay sa asawa niya.
Mahabang oras bago kumalma ang lahat.
Pero bago ako umalis. Saglit akong humarap muli sa kaniya,
"Manong, mag iingat po kayo! S-salamat po sa lahat, at s-sana...MAPATAWAD NIYO AKO!"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis na akong nagtatakbo papalayo.
Ang sakit! Nararamdaman ko na naman ang parehong sakit na naramdaman ko noon!
Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako na naging parte ako ng Nissassa at walang anu-ano na sumusunod sa mga utos nila! Pero wala naman akong magagawa eh! Kung hindi ko na makaya, isa lang ang solusyon...ang mamatay! Pero hindi pa pwede! Hindi pa sa ngayon dahil marami pa akong kailangang gawin!
Bakit nga ba dalawa lang ang choices? At bakit ba...nag iisa lang akong nilalabanan ang lahat?
Hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa lugar na balak ko talagang patunguhan. Napaluhod ako sa lupa. Kasabay din nito ang pagbagsak ng malakas na ulan. Samantalang muling pumatak ang mga luha ko.
Wala na akong pakialam sa aking paligid. Walang anu-ano ay nagsisigaw ako na parang naloloko!
Nang medyo nahimasmasan, nagsimula na akong kausapin ang puntod na nasa harapan ko. Oo, hindi kayo nagkakamali. Nasa sementeryo ako sa ngayon.
"M-mukhang marami ka ng kasama dito, kuya." sabi ko,