Chapter 35

868 Words
[Cirin's POV] Hindi ko na namalayan kung kelan naubos ang mga kalaban naming Assassins. Nagulat na lang ako nang mamaya ay wala na akong maatake, at ang tanging natira ay ang mga patay na katawan nila na bigla na lang maglalaho maya-maya lang. Hindi ko alam kung bakit, pero nakadama ako ng konting lungkot. Konti lang naman. Sapagkat alam kong hindi nararapat na kaawan ang mga 'yan. Bakit nga ba kakaawan ang mga taong walang awa na pumapatay? "T-tulong..." sabi ng isang boses. Napatingin naman ako sa aking likuran kung saan ito nagmumula. Nakita ko ang isang lalaking may malalang sugat sa noo. Matitigok na siya anu mang oras kapag hindi kaagad nagamot. Alam kong miyembro siya ng kulto ni Rivaille dahil hindi naman siya nakasuot ng damit pang Assassin. "A-ah, t-teka l-lang, hindi ako nurse! H-hoy, kulot na babae!" sagot ko dito, at nang makita ang kulot na babae, kaagad ko siyang tinawag. First aid lang ang alam ko. Pero ang kailangan ng sugatang taong ito ay hmmmm...s-second aid? Oh whatever! Hindi ko alam kung anong tawag dun. Basta kailangan niya ng matinong manggagamot! Lumingon naman kaagad yung kulot, "Leora" sabay bigkas niya. I get it! Gusto niyang tawagin ko siya gamit ang matino niyang pangalan. Sorry naman! "Fine. Leora, may sugatan dito. Kailangan ng tulong!" sagot ko dito. Nagtaka ako kung bakit napakunot siya ng noo pagkatapos, at nagbigay ng nagtatanong na tingin sa akin. Problema nun? Bingi ba o tanga lang? Lumapit siya sa akin, at marahang pinitik ang noo ko. "W-what's that for?!" ang padabog na tanong ko. Bakit bigla na lang 'tong namimitik? Close ba kami?! Napahinga siya ng malalim bago sumagot, "Cirin, tingnan mo nga ng maayos kung sino yang nais mong ipagamot..." sabi niya. Anu raw? Ka-miyembro nila...syempre. Uwaaaaaa~! What happened?! Bakit n-naging...kanina lang siya ay... "Oh? Parang gulat na gulat ka yata? *Sigh*. Assassin yang taong tinutukoy mo. Bakit naman namin dapat gamutin yan? Stress ka na yata. Sumabay ka na sa akin papunta kay Rivaille. May importante raw siyang sasabihin sa lahat ng miyembro." saad ni Leora sabay hila sa akin. Whoa, whoa. I'm speechless. What just happened to my eye sight?! Sigurado akong normal na tao yung nakita ko kanina! Pero bakit nung saglit lang nawala ang tingin ko ay naging Assassin?! "Ci~~rinnnn!" sigaw ng isang pamilyar na boses na palapit ng palapit sa akin. "Oh, Zerija. Kaw lang pala." ang walang ganang bati ko sa kaniya habang siya naman ay sumusunod lang sa amin ni Leora. "Saan kayo papunta? Ang aaaasssstigg na labanan na naganap nu? Ang lalakas naman pala ng mga kaibigan ni Rivaille." Uh huh. Alam kong may sinabi si Zerija pero hindi ko na pinakinggan. Wala namang sense ang pinagsasabi niya for sure. Nasa nangyari pa rin kanina ang attensyon ko eh! Hindi pa rin ako makapaniwala. "Pinapatawag ni Rivaille ang lahat. May sasabihin daw." sabi ni Leora kay Zerija. Nagbigay naman ang kausap niya ng 'I get it' look. Oh! I just remember something! Matagal ng nasa tabi ko si Zerija. Matanong nga... "Hoy Zerija," "Why Shirin?" "Don't toy with my name. I'll kill you." "Hahahaha! Shorry! Sige seryoso na. Bakit ba?" "Uhh...may natatandaan ka bang oras noon na nagkamali ang mata ko?" ang seryosong tanong ko habang naglalakad. Matagal bago nakasagot yung kausap ko. Marahil ay nagtataka sa tanong. "Hmmm...nagkamali huh. 'Yang mata mong kahit na mabilis na langaw ay kayang asintahin? Hmmmm...parang wala naman yata." sagot niya sa akin na halatang pinag isipan naman kahit papaano. Tama siya. Masyadong powerful at astigin ang mata ko para magkamali? Saka kung depektibo ito, bakit magaling akong umasinta? Argh! Anu ba kasi yung nangyari kanina? Hindi tuloy ako mapakali. "Kung sa bagay. Maybe I'm just really imagining things." sabi ko sa kaniya sabay kamot ng ulo. "Bakit mo pala natanong? Huwag mong sabihing may nakita kang rated SPG?" ang pabirong tanong ni Zerija. "Ano ka ba? Hindi ganun! Wala ka na dun! Saka lilinawin ko lang ha...baka nakakalimutan mo na ang buong storya ng buhay natin ay rated SPG simula pa nung umpisa!..." sabi ko habang medyo napalakas yung huling sentence. Teka, saan ko hinugot 'yung last sentence? Ang drama ha! Isama mo pa na napaka emosyonal nung tono. Samantalang Rated B ang buhay ko noon. Rated Boring! Naweweirduhan na talaga ako sa sarili ko. Nagtataka rin ako kung bakit hindi nag react masyado si Zerija. Ngumiti lang siya sa akin na para ang tama 'yung sinabi ko. Well, I don't know anything about her past. Una ko siyang na-meet ay sa school na. Saka hindi naman ako interested. "Oh! May naalala akong isang beses na nagkamali 'yang mata mo! *Nod* *Nod* *Nod* Yun nga! Buti naalala ko!" ang nakakagulat na sinabi niya. Weh? Bakit ngayon lang niya naalala? Kung kelan nakumbinsi ko na ang sarili ko na walang abnormality na nagaganap dito sa mata ko...kainis "Kelan? Kelan nagkamali ang mata ko ha?" ang masungit na tanong ko sa kaniya, "Nang mga oras na sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, kay Tyrone pa na-attract 'yang mata mo! Ayieee! Teka, nasaan na ba ang fiance mong 'yun? Matagal ng hindi nagpapakita ah! Hahaha! Kawawang Cirin! Nambabae na yata si boyfie mo!" sagot ni Zerija.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD