[Cirin’s POV]
Nang nakarating kami sa labas ng hide-out ng parang ewan na kulto ni Rivaille, pare-pareho kaming nagulat na makita na marami ngang Assassins! Sa sorbrang dami nila, kailangan na tig-dalawa ang kalaban ng mga alagad ng patawang leader na ‘yun!
Kaagad na naunang sumabak sa laban sina Zerija at Leora. Nanatili lang akong nakatayo dito dahil mas maganda na manuod muna. Yun ang pinaka effortless sa lahat ng pwede kong gawin eh. Dagdag mo pa na wala akong maisip na benefit kapag nakipaglaban ako. Tch.
Hindi naman pala talaga puro salita ang mga alagad ni Rivaille. Aaminin kong magagaling nga silang lumaban. Pero mas astig pa rin ako. Bleh.
Nakita ko si Ricter, at medyo nagalingan na makitang magaling pala siya pagdating sa paghawak ng kutsilyo. Parang naghahati lang ng karne eh! Buti sana kung edible ang laman ng tao nu? Edible naman siguro pero…eeeww! Teka nga, bakit napunta dun ang usapan? Whatever.
Ang high-blood na si Daron naman ay para lang si Zerija kung makipaglaban. Pareho silang maraming alam na martial arts. Ang sarap siguro ng feeling na magbalibang ng mga tao? Pero dahil sa ayaw ko ng mga bagay na nangangailangan ng matinding effort, never kong sinubukan ng mag aral ng ni-isa mang martial arts.
Pagdating kay Leora…nnnnn…what the? Yoyo ba ‘yung mga hawak niya? Wow. I never thought na pwede pala yun na makapatay! Nakakapatay ba yan? Eh baka langgam nga hindi niyan kayang patayin! Bangag na ba ‘tong alalay ni Rivaille? Pero laking gulat ko nang bigla iyang ni-release yung dalawang yoyo na hawak niya sa magkabilang kamay at sa isang iglap, magkasabay na lumagapak sa lupa ang tatlong ulo ng mga kalaban.
Ok. I’m speechless. Halos bumagsak din sa lupa ang mga panga ko eh. I take back my words, and I’ll stop commenting about that killer yoyo.
Teka, nasaan kaya ang pokpok na ‘yun? Yeah, you should know who am I talking about. That b*tch called Fres. Ikinalat ko ang aking tingin pero hindi siya matagpuan ng radar ko. Anyway, who knows? Malay mo masyadong lampa o kaya naman talentless ang taong ‘yun kaya wala dito sa battlefield.
Pero bigla ko na lang siyang nakita and guess what kung anong klaseng fighting technique meron siya. Teka, in the first place, fighting technique ba yan? Oh baliw lang talaga si pokpok? Hindi siya martial artist. Hindi rin kutsilyo ang specialization niya.
Wala rin siyang weird na laruan na katulad nung kay Leora. She is just dancing believe it or not. Para talagang baliw lang sa unang tingin. Pero nang napatumba niya kaagad ang dalawang kalaban sa isang galaw ng katawan, aaminin kong na-amaze ako ng konti. Konti lang ha! Kasi naman ngayon lang ako nakakita ng taong katulad niya.
Yung iba naman na hindi ko kilala, ayun, may mga laban din. Hindi ko na gusto pang pag isipan kung ano ba yung mga pinagagawa nung iba dahil ang daming variety ng fighting styles ang napapanuod ko sa kasalukuyan. Kung ganito sila kagaling bakit pa nila kailangan mag recruit ng mga bago? I really cannot understand the stupid brain of that person.
*Sigh* Ako ang bida rito so bakit nakatunganga lang ako sa isang sulok? Tch. Sakina si spotlight! Bwahahaha! The all hail mighty Cirin is now ready to fight!
Kumuha ako ng isang arrow, then ready to send this sharp piece of metal from death to anyone. Bwahahah—tch. Bigla akong napa-smirk dahil mukhang masyadong normal na ‘tong ginagawa ko. Baka mamaya ay magsawa na ang mga fans ko. Nooooo! Baka hindi na’ko maging favorite ng mga readers! That can’t be! Tsk! Mga mangaagaw pa naman ng spot light ang mga characters created for melee combat!
At dahil hindi na satisfied si Cirin sa ginagawa niya, dinagdagan pa nito ng apat arrow yung
bow. Kung paano niya ‘yun ginawa? Please use your wide imagination.
Heheee~~I will hit five birds with one stone! First time ko itong gagawin! Walang practice ‘to mga bro and sis! Ang mga kasunod na kaganapan ay purong talent lang! Bwahahahaha!
Hanap hanap muna ng target at…ayun! Bingo! Limang magkalapit ng Assassins. Walang anu-ano ay magkasabay kong pinalipad lahat ng arrow at one strike papunta sa kanila.
1…2…3…4…sapul ang apat! Teka, bakit kulang yata? Di ba dapat lima? Saan na napunta yung isang arrow na pinakawalan ko, at ayun, nakita ko rin! Tsk! Malas! Doon siya napatusok sa puno. Samantalang pansin ko ang isang Assassin na nagkasugat dahil dito!
Uwa! Why the heck it is not perfect?! Bakit dumaplis yung panlima? 5 hits at one strike failed. Tch! So ganun pala, sa kakayahan ko sa kasalukuyan…I can manage only four. Grrrr. Irritating!
Napakamot lang ako ng ulo with matching padyak ng paa dahil sa matinding inis. For the first time, my archery skills failed me.
Mayamaya ay saglit kong nakita na pasugod sa akin yung Assassin na nadaplisan ng tira kanina. Pero nawala ang tingin ko dito ng makarinig ako ng pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko…
“Ate Cirin!~”
Nang makita ko kung sino ‘yun…
“Lenon?!” ang malakas na sigaw ko,
“What the f*ck are you doin’ here?! Get out from here stupid dumbass surot!” dagdag ko pero hindi umalis si surot! Argh! I told him not to go out but what is his business with me now? Ngayon pa talagang oras na ‘to. Tch.
“Eh kasi Ate…” sabi niya,
Ahrrrgghh, ambagal!
“Ano?! Bilis!” tanong ko sa kaniya. Damn! Hindi ko na tuloy alam kung nasaan na napunta yung pasugod na Assassin kanina!
“…ano nga pong tawag doon sa huling kick na itinuro mo sakin kanina? Nakalimutan ko kasi. Hehe~” sagot nito with matching laugh of disappointment.
What the heck?! Dahil lang dun? Pambihira talaga!
“Kaw talagang surot ka! TPO!” ang galit na tugon ko,
“TPO? Parang wala naman ka naman yata na tinuro na ganun!” sagot nito.
Syempre wala! Hindi naman kick yung TPO! Acronym yun! Argh! This surot is getting on my nerves really!
“Know your Time, Place, and Objective. TPO for short! Tanga! Oh, gets mo na? Sh*t.” okay. I hit my limit. Napamura na ang lola niyo.
Kasi naman eh! Hindi ito ang oras para sa tanungin ‘yun. Hindi rin ito ang tamang lugar para pag usapan yun! Ang higit sa lahat, ang babaw ng objective niya para abalahin ako dahil lang dun!
“Ouch Ate Cirin. Sorry na.” sagot niya sabay kamot ng ulo!
Nakung bata ka! Mabubugbog kita niyan eh!
Then suddenly nagulat ako ng bigla na lang may tumulak sa akin. Sa sobrang lakas ay napabagsak ako diretso sa matigas na lupa.
What the---ouccchhh! Napatama pa yata pwet ko sa bato!
Pero nakalimutan ko ang sakit nang makita ko kung anong kaganapan ang naging dahilan kung bakit ako napatumba.
May dalawang tao lang naman sa harapan ko. Yung isa Assassin, at yung isa…si Rivaille! At anong posisyon nila? Nakatutok lang naman sa ibaba ng panga nung Assassin ang isang baril na hawak niya habang may konting usok na lumalabas dito.
Itinaas ni Rivaille ang kanang kamay niya. Pinitik sa noo gamit ito yung Assassin sabay sabi ng…
“You have no right to touch my most important possession.” pagkasabi nito ay napatumba yung kalaban. Alangan? Patay sigurado yun dahil sa ginawa niya.
Although I have no idea what is he talking about.
This guy…dahil sa kaniya nabugbog ang pwet ko. Tch!
Humarap siya sa akin, at nagulat nang bigla niyang iniabot yung isa niyang kamay.
Huh? Para saan yan? Dapat ko ba yang kagatin? O baka naman dapat kong tadtarin?
Nakita ko si Zerija na may sinesenyas na kung ano. Anong ginagawa nun? Itinataas lang naman niya yung kamay niya tapos aktong may hahawakan na something na imaginary? Huh?
Oh!
Yun siguro!
Walang anu-ano, I reach for his hand then I take his palm towards my forehead.
“Mano…hmmm…po?” sabi ko,
Pambihirang lalaki! Dapat sinabi niya nung una pa lang na kailangan kong mag mano! Tsk. As if I will know eh matagal ko ng hindi nagagawa yan. Nagmamano na rin pala sa mga kaedad mo lang ano? Akala ko sa nakakatanda lang. Talagang nagbago na ang panahon.