Chapter 32

1003 Words
“Uwa hindi na! Ang galing naman niyang pain healer mo! Meron ka pa? Penge ako~~” request nito habang nakaupo sila sa semento, “Wala na pero gagawa ako ng kahit gaano karami. Request mo eh.” sagot niya at nagulat nang bigla na lang siyang niyakap ng kakambal na babae sabay sabi ng, “Yay! I love you Zerfes~~!” Hindi niya maintindihan kung bakit bumilis bigla ang t***k ng puso niya ng marinig ito. Ramdam din niya ang pamumula ng pisngi. Bakit kaya? Hindi niya alam. “Chun-chun, bakit bumilis heart beat ko?” “Eh?! Hala, baka inaatake ka na naman ng sakit mo!” “Ganun ba yun?” “Siguro. Wa di ko alam! Teka, tatawagin ko muna si Mama--”pero paalis pa lang ang kakambal niya ay kaagad na niya itong pinigilan sabay yakap muli dito, “Huwag na. Nawala na.” sabi nito sa isang takot na tono, “Pero para sigurado, tawagin na natin si Mama.” sagot naman ng kapatid niya, “Bahala ka chun-chun, kapag umalis ka baka mamatay ako.”sagot nito na parang nagbabanta, “No! Sige, di na ako aalis! Kaya wag kang mamatay, malinaw?” tanong nito sabay yakap ng mahigpit, “Un.” pagsangayon nito habang may malaking ngiti sa kaniyang mukha. Dumaan ang ilang minuto at muli siyang nagsalita, “Chun-chun, will you marry me in the future?” Iniangat ng kakambal ang mukha na nakabaon sa dibdib ng kapatid niya nang marinig ito, “Marry? Eh di ba bawal yun dahil magkapatid tayo?” tanong nito, “Kung bawal dito eh di…oh!...I will create a new world na kung saan pwede yun!” sagot niya habang nakangiti at kasalukuyang nag iisip ng paraan upang isakatuparan iyon. “Wow! Kaya mong gumawa ng bagong mundo? Astig! Kung magagawa mo then papayag akong magpakasal sa’yo!”sagot nito na nagbigay ng pag-asa sa kapatid niyang lalaki. Ipinangako ni Zerfes na gagawin niya ang lahat upang mapasaya ang kapatid niya. Hindi rin niya mapapatawad ang sino mang mag paiyak dito…kahit sino. Nang inakala nilang masaya na ang lahat, dumating naman ang isang pangyayaring sisira ng mundo ng kaniyang kakambal. Habang nasa byahe papunta sa trabaho ang mga magulang nila, na-holdap ang mga ito ng mga masasamang loob. Nagpumiglas ang mga magulang nila kaya naman napatay sila ng mga holdaper. Mas lumalala pa ang lahat ng kinuha ng makasarili nilang mga kamag anak ang kanilang ari-arian hanggang sa nauwi ang dalawang magkapatid sa bahay ampunan. Walang araw na hindi nakitang umiyak ni Zerfes ang kaniyang kakambal. Sa galit nito sa mundo, ayaw na nitong lumabas o kumain man lang. Hanggang sa isang araw sinabi nito sa kaniya… “Hey, gawan mo ako ng gamot na papatay sa akin kaagad.” Labis niya itong kinagulat. Sa oras din iyon ay sinimulan niyang isumpa ang lahat ng tao dito sa mundo maliban sa kakambal niya. This time he concluded one thing… That this world is a nasty place for the two of them since the beginning. “Please bear it for a while. Gagawa ako ng paraan para bumalik ka sa dati, chun-chun.” sabi niya dito. Pagkatapos ay naghanap siya ng mga materyales. Materyales na kailangan niya upang kumpletuhin ang isang formula na nagawa na niya noon. Mga simpleng chemicals lang yung karamihan ng ingredients na mabibili sa market, pero isa sa mga dahilan kung bakit niya ito itinigil ay nang malaman niya kung ano ang huling kailangan…5 liters of fresh blood ng kamamatay lang na tao. Which means na kailangan niya munang pumatay upang makumpleto ito. Pero kung papatay siya ng isa para mailigtas ang pinaka-importante para sa kaniya, masaya niya itong gagawin. Kaya naman walang anu-ano ay sinaksak niya ang isang kapwa-ampon sa leeg ng patago, at parang manok lang na kinuha ang mga dugo nito. “Chun-chun, ready na ang hinihintay mo…” tawag niya sa kakambal habang duguan ang kaniyang damit at mga kamay, “Ano yang kulay blue na yan? Saka bakit ka duguan?” ang walang buhay na tanong ng kakambal niya. He hates to see her like this very much, at dahil sa ginawa niyang ito…magiging maayos na muli ang kakambal niya. Nag isip siya ng magandang pangalan para sa bago niyang imbensyon, at dahil mahilig siyang magbaligtad ng pangalan…anagram ng pangalan niya ang ibinigay niya dito, “Ito ay ang sefrez, magiging maayos ka na kapag ininom mo ito.” sa pagkasabi niya nito ay kaagad na kinuha ng kanyang kakambal ang hawak niyang bote at ininom ang kulay asul na laman nito. Mayamaya ay halos mabaliw sa sakit ang kakambal niya, at dahil ayaw niyang siya lang ang nahihirapan ay uminom din ang lalaki ng ginawa niyang sefrez. “Tiisin mo, sorry dahil hindi ko magawang alisin ang painful side-effects nito. Iba ang sefrez na pinainom ko sa iyo dahil gusto ko na ako mismo ang magsabi ng mga bagay na dapat mong kalimutan…” nang masabi na nito ang mga bagay na gusto niyang ipalimot sa kakambal, muli siyang nagpatuloy, “…on my part maalala ko ang lahat sa oras na makita kita muli balang araw. I hope we may be able to meet each other again in the future.” Yan ang mga huling salitang narinig mula sa gumawa ng sefrez. Hanggang sa ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan, sino o kung buhay pa ba siya. Nabaon din sa lihim ang pagkatao ng kanyang kakambal. Ang gamot na bunga ng pagkamuhi sa mundo ang tangi nilang iniwan. Isama mo pa na ang nakakaalam lang na may napakaimportanteng storya sa likod ng sefrez ay tatlo lang: ang kambal, at ikaw. Kung may isang tao lang sana bukod sa tatlo ang nakakaalam ng storyang ito, marahil noong unang araw pa lang, noong February 20, 2020…mabilis nang napigilan ang kamatayang hatid nitong killer website. Meron kaya? Pero sa tingin ko…wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD