Kanina ko pa napansin ang mabilis na pagdami ng nakalibing dito. Nabalitaan ko na rin na sarado na ang sementeryong ito mula sa mga taong nais pang maglibing.
Ang nakalibing sa harapan ko ngayon ay ang nag iisa kong nakakatandang kapatid. Ang Kuya ko, si Kuya Shintaro, naging mabuti siyang tatay, kaibigan, kalaro, at...lahat na yata! Paano ba naman, ipinanganak kami na hindi man lang namin nakilala ang aming mga magulang.
Iniwan lang kami ng mga ito sa tapat ng bahay ampunan ng sanggol pa lang kami. Fraternal twins kami, kaya hindi kami magkamukha. Mas gwapo syempre ako. Ito rin ang dahilan kung bakit malaki ang pagpapahalaga ko sa tema ng pamilya. Sapagkat kung may pamilya lang sana ako simula nung una pala lang, siguro hindi ako naging ganito.
"Sorry kung ngayon lang ako napadalaw. Busy kasi. Maraming misyon na ipinapagawa. Parang wala na itong katapusan."
"Kuya, may gusto nga pala ako sa isang babae. Binata na ang kapatid mo! Nung una balak ko lang talagang pag tripan siya. Pero nang tumagal, nahulog ako! Hahahaha! Mahabang kwento! Problema nga lang eh masungit ang babaeng 'yun! Saka pakipot pa eh halata namang may gusto rin sakin! Kung di niya ako seseryosohin, baka maghanap ako ng iba! Sabuhin pa naman ako ng chiks! Ang gwapo ko kasi! Hahahaha!"
Nang pinilit ko ang sarili kong maghanap ng masasayang memories, yan kaagad ang pumasok sa isip ko. Ang lalaking in love nga naman. Hahaha!
Unti-unti kong inalis ang mga dumi na tumatakip sa mga salitang nakaukit sa puntod ng Kuya ko at dahil dito, mas nabasa ko ang mga nakasulat:
Shintaro Kisaragi
Born on April 3, 2004 - Died on February 20, 2014
"It's been six years since then. Konting hintay pa. Matatahimik ka na rin."
Namatay siya anim na taon na ang nakakaraan. Pero mas tama yatang sabihin na pinatay siya sa edad na sampung gulang sa loob mismo ng ampunan.
--Flashback--
Ano 'to? Pinapasali mo ako sa killer website na 'yan?! Pasensiya na pero hindi ako mamamatay tao katulad niyo..
Sumali ka na. Malakas ka. May angking talento. Kailangan namin ng mga taong katulad mo. Maari kang magkaroon ng mataas na posisyon pag nagkataon. Sumali ka, Kisaragi.
Maghanap na lang kayo ng iba. Sorry pero kahit anong sabihin niyo, hindi mo talaga ako mapapasali. To think na kasali ka sa website na 'yan, hindi ko aakalaing mamamatay tao ka pala.
Kahit ano ha? Babawiin mo ang mga salitang 'yan.
Kilala mo ako. May isa akong salita. Bahala ka na nga diyan!
Paano kung sabihin ko sa'yo na...ang tao ng pumatay sa Kuya mo ay nasa loob mismo ng Nissassabase? Anong gagawin mo Kisaragi?
N-nagbibiro ka lang. S-sabihin mong nagbibiro ka lang.
Hindi ako marunong magbiro. Alam mo 'yan. ANG TAONG PUMATAY SA KUYA MO, MAKIKITA MO SIYA SA ORAS NA SUMALI KA SA NISSASSA. Hinihintay ka niya. Ito na ang pagkakataon mo para makapaghiganti.
Dahil sa'yo kaya napilitan akong sumali sa Nissassa. Dahil sa babaeng mahal ko, nagkakaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang aking nasimulan.
Kayong dalawa ang pinaka-importanteng tao sa akin. Hindi ko naprotektahan noon yung isa. Pero sisiguraduhin ko ngayon na mapoprotektahan ko yung natitira.
"Kuya Shintaro, alam kong kung nakikita mo ako, hindi mo magugustuhan ang mga pinagagawa ko. Patawad."
Patawad pero...hindi ko ito ititigil hangga't hindi ko pa napapagbayad ang taong gumawa nito sa'yo. Sa kasalukuyan, at gamit na rin ang impormasyon ng aking kaibigan, medyo mahaba na ang nararating ko.
Marami na akong clue na magdadala sa taong pumatay sa'yo. Balita ko may mataas siyang posisyon. Medyo mahihirapan akong patayin siya pag nagkataon. Pero sorry na lang siya, kahit ano gagawin ko...mapagbayad lang siya!
DALAWA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAPILITANG SUMALI SA NISSASSA. UNA AY DAHIL GUSTO KO SIYANG PROTEKTAHAN. AT ANG PANGALAWA...AY DAHIL PAPATAYIN KO PA ANG TAONG NAGNAKAW NG MAGANDA SANANG HINAHARAP MO!
Ipapadama ko sa kan'ya KUNG PAANO BA MAWALAN NG MAHAL SA BUHAY! PAPATAYIN KO MUNA ANG PINAKA-IMPORTANTENG TAO SA KANIYA! SAKA KO SIYA ISUSUNOD MISMO!
MALAPIT NA AKO. MALAPIT KO NG MALAMAN KUNG SINO ANG PUT*NG
!N@ NA YON!
"Aba, mukhang napakasama niyang iniisip mo ah.." naputol ang lahat nang may narinig akong boses.
Nagulat na lang ako ng katabi ko na ang isang pamilyar na lalaki na halos kasing edad ko lang!
"Kung may sakit ako sa puso, baka naatake na ako! Pambihira ka!" reklamo ko sa kaniya,
"Hahaha! Sensya na! Alam mo namang mahilig akong mangulat di ba? Long time no see pala, Kisaragi." sagot nito sa akin,
Marahil nahulaan niyo na kung sino ang taong ito. Siya lang naman ang nag iisang tao sa mundo na tumawag sa akin sa pamamagitan ng aking apelyido. Isa siyang kaibigan. Ang kaibigang nagdala sa akin sa Nissassa.
"Long time no see ka diyan? Kaya tayo hindi nagkikita eh hindi ka lumalabas diyan sa lungga mo! Buti lumabas ka." sabi ko pa dito,
Saglit muna siyang nagdasal sa harap ng puntod ni Kuya bago sumagot,
"Kailangan ko na rin kasing makipaglaro eh! Kamusta pala ang palaro na sinalihan mo Kisaragi?" tanong nito,
"Malapit na akong manalo, Shun." ang seryosong sagot ko sa kaniya,
"Masaya akong marinig 'yan, Kisaragi." ang mabilis na sagot ni Shun.
Isa lang ang dapat isipin, ang manalo. Sapagkat kung iisipin mong matatalo ka, wala iyong maidudulot na maganda sa mga plano mo.