Chapter 7

1272 Words
Nang nakita ko ito, hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na tumakbo papunta sa elevator. Nasa third floor lang ang room namin. Pero kabwiset dahil sira yata yung elevator. Ayaw bumukas eh. No choice ako at kaagad na nagtungo sa hagdan. Ito na lang ang ginamit ko para makarating sa third floor. Naririnig ko na ang boses ni Cirin. May sinasabi siya sa akin. Pero masyadong occupied ang utak ko ngayon, Nanunuyo ang aking lalamunan, ang bilis ng pintig ng puso ko, pinapagpawisan ng malamig, at nanginginig ang buong katawan. Hindi ko ramdam ang pagod sa pag akyat sa hagdan. Patuloy lang ako, isang direksyon lang ang nasa isipan…room 31. Ang room na kung saan naroon ang Mama, Papa, at ang kapatid ko. Think positive Zerija. Narito ka na. Wala ng urungan. Buhay pa sila. Ganoon pa rin. Pagbukas mo ng pinto makikita mo ang kapatid mo na nanunuod ng TV sabay bato niya sa iyo ng teddy bear sa oras na makita ka niya. Ang mama mo naman eh nasa CR, at naliligo. Ganyan naman siya palagi eh, tuwing darating ka. Samantalang ang Papa mo naman ay nasa kusina at siya ang nagluluto in place of your mother. Tamad kasi ang mama mo, kaya nga galit ka sa kanya di ba? Yeah. Yan. Yan ang makikita ko sa oras na binuksan ko ang pinto. Sa wakas, nakarating na rin ako sa third floor. Kasalukuyang nakaharap sa pinto ng room 31. Naririnig ko ang labis na pag hingal ni Cirin sa aking may likuran. Kaagad akong humawak sa door knob, at kinabahan nang bigla na lang itong natanggal at nahulog sa semento. Ang mga tunog nito ay tila busina ng tren na nagpasakit ng tenga ko. Sinipa ko na lang yung pinto, at pumasok… Pero wala akong makita dahil patay yung ilaw. Tahimik sa loob. How unusual. Dapat nandito na sila sa mga oras na ito. Tulog na kaya sila? Kinapkap ko yung switch ng ilaw at lumunok muna ng laway bago ito buksan… Pero sa unang pagkislap pa lang ng ilaw ay kaagad ko ng nakita… ang nakasubsob na katawan ng aking kapatid. Nakadapa ito kaya hindi ko makita ang mukha. May dugo rin sa paligid ng kanyang katawan habang hawak-hawak niya yung teddy bear na suppose to be eh ibabato niya sa akin. Nilapitan ko siya, hoping na nag pla-play dead lang ang kapatid kong iyan. Pinagtitripan niya lang ako. Akala niya siguro maloloko niya ko. “Zo-Zora?” tanong ko habang unti-unting iniaangat ang katawan niya. At halos masiraan ako ng ulo ng makita ko ang basag na noo ng kapatid ko. Malamig na ang katawan niya. Pero sariwa pa rin yung dugo. Humagulgol na lang ako ng iyak ng makita ko ito. Wala na akong masabi eh. Iyak lang ang kayang ilabas ng pagod at halos baliw na katawan ko. Inihiga ko muli yung katawan ng kapatid ko upang tingnan ang CR namin. Hindi ko na maiexplain ang nangyari sa akin nang makita ang duguang katawan ng Mama ko. Hubad at basa, may sugat sa may leeg. Habang yung dugo naman eh umaagos sa tiles. “Ma-ma?” ang tanging salita na lumabas sa bunganga ko. Ang sakit. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko. Ang sakit na rin ng lalamunan ko. Feeling ko, sasabog na ako. Ang hagulgol ko sa habang umiiyak eh mas lalo rin lumakas. Mayamaya, automatic ng gumalaw ang katawan ko papunta sa kitchen. Hindi ko na nakaya nang aking makita ang duguang katawan ng Daddy ko. Samantalang yung kitchen knife namin eh nakabaon sa dibdib niya. “Ahhhhhhhhh!!!” sigaw ko, habang unti-unting bumabagsak. Buti na lang, naramdaman kong nasalo ako ni Cirin. Sabay yakap niya sa akin. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na rin pala siya. “Zerija…calm down.” sabi niya habang hinihipo-hipo yung likod ko. “Ci-Cirin…wala na. Wala na sila.” sabi ko sa kaniya habang mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya, “Yeah. Accept. Kahit masakit.” sabi sa akin ni Cirin habang ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Halos mabasa na rin ang balikat niya dahil sa luha ko na walang tigil sa pagtulo. “I’m all alone.” sabi ko. Nag iisa na lang ako. My whole family is dead. Siguro, mas maganda kung… mamatay na rin ako. “It is better to die.” dagdag ko pa. Pero kaagad na itinulak ako ni Cirin sabay sampal sa mukha ko, “Eh di nasayang lahat ng effort ko! Don’t think like that idiot!” sigaw niya sa akin. “Sorry. Pero, I do not have a reason to live anymore.” “Then…join me.” sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin, “Eh?” “Join me and be part of your new family.” sabi ni Cirin. Ang mga words na yan ay tila isang masilaw na star na sumulpot sa harapan ko. New family huh. That’s right. Kailangan ko lang mag move on. Mas lalo pa nga dapat akong magpatuloy na mabuhay dahil dito. I will find my revenge. If I give up like this, anong makukuha ko? Tuluyan lang mawawalan ng saysay ang buhay ng mga namatay na tao. Lalo na ng pamilya ko. I cannot let their death to be in vain. At least dahil dito, may isang feeling na nabuhay sa akin. That motivation to fight and kill the people behind this. Kinuha ko yung kamay ni Cirin at pilit na pinigilan ang sarili ko na umiyak. Instead of crying, i-preserve ko na lang ang energy ko para magpalakas muli at mapagbayad ang mga taong nasa likuran nito, “I will kill them. Hindi ako mamamatay hangga’t hindi ko pa napapatay ang mga taong nasa lukuran nito. Nissassabase…I will be the one who will kill this killer website. Will you join me, Cirin?” tanong ko. “Basta ba may benefit. Besides, hindi naman pwede na ganito na lang palagi. We need to survive. No, not only to survive, but also to seek for the mastermind and let them pay for this.” sabi ni Cirin na mas lalo pang nagpalakas ng loob ko, Ngayon ko lang napansin ang tila isang mensahe na nakasulat gamit ang dugo sa lamesa kung saan nakahiga ang walang buhay na katawan ng Daddy ko. Mukhang sinulat niya ito bago siya mawalan ng hininga… ‘Log in’ ------------------------------------------------ 02/20/2020 Ang araw na kung saan nagtapos sa pagkadiskubre namin ng patay na katawan ng buong pamilya ni Zerija, at ang oras rin kung saan nag desisyon kami na huwag mamatay hangga’t hindi napapagbayad ang taong nasa likuran ng lahat ng ito. Marami pa kaming hindi alam sa world wide m******e na nagaganap. Ang tanging alam lang namin ay ang mga taong nakasuot ng itim na damit ay kalaban habang ang kanilang target ay ang mga registered users lang ng Nissassabase.com. Alam kong may mga bagay pa kaming kailangang malaman. Mahaba pa rin ang lalakbayin namin. Nakakasurvive pa lang kami ng isang araw. 199 days pa ang parating. Ngayon pa lang eh halos malibing na kami sa aming hukay. Papaano pa kaya sa mga susunod na araw? Pero wala ng magagawa kung hindi ang lumaban… Dahil para sa akin…kahit naging hunting ground man ang mundo… Hindi pa rin mawawala ang posibilidad na matalo ng mga hina-hunting ang mga hunters nito. There must be a way out there to kill this killer website… at nandito kami para hanapin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD