“…NOTHING.” at pagkasabi nito eh bigla siyang naglaho na parang bula sa harapan ko. Ngayon rin lang ako nagising sa pagkakatulog.
So panag inip lang pala lahat ng yun?! Argh! Badtrip naman oh! Masyado namang detailed at kapanipaniwala para maging isang panag inip lang! Saka may ending eh! Kadalasan ng panag inip ko walang ending! Feeling ko talaga totoo!
“I AM NOTHING KA DIYAN! WHAT THE HECK?!” sigaw ko sabay tapon ng isang unan papalayo sa akin! Naalala ko kasi yung sinabi nung mysteryosong tao sa panag inip ko?! Nakakainis! Walang NOTHING sa mundo ano!
Ito na ang pinaka worst na panag inip ko sa buong buhay ko!
“Waaa…ang rude mo naman Cirin! Masakit yun ha!” may narinig akong boses, at nakita si Tyrone na nakatayo habang may unan na nakatabon sa kanyang mukha. Ooops, mukhang naging shield ata siya ng pader labang doon sa unan na itinapon ko.
That reminds me…ano nga ba ang nangyari sa akin? Saka, nasaan ako?
Maya-maya ay nagulat ako ng nasa harapan ko na ang mukha ni Tyrone. Moreover, nakapatong siya sa nakahiga kong katawan.
“What the?!” itutulak ko sana siya papalayo kaso nga lang hindi ko nagawa dahil nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking kanang balikat.
Sa sobrang sakit eh napapikit ako at napahawak dito. Napansin ko rin na may benda pala yung braso ko, at may something na pula na lumalabas galing sa loob.
Ngayon ko lang napag tanto na nawalan nga pala ako ng malay dahil sa sugat na aking natamo ng nakikipag laban kami sa isang assassin.
“Yan tuloy, dumugo na naman ang sugat mo. Ikaw talaga oh. Hindi ka na nagbago.” sabi ni Tyrone. Bumaba siya sa kama at kumuha ng medicinal kit doon sa drawer sa tabi ng kama.
“What do you mean by that?!” ang masungit kong tanong sa kanya.
“You are still impulsive as always, Cirin.” sagot sa akin ni Tyrone habang nakangiti na alam kong pang asar lang niya.
“Sino ka para sabihin yan?” sagot ko sabay iwas sa tingin niya.
“Oh, baka nakalimutan mo na…you are my fiancée Cirinthixa. Bibigyan mo pa ako ng maraming anak in the future upang ipasa sa maraming generasyon ang royal blood ko.” sagot niya sa akin sabay hawak niya sa aking chin at inilapit ang mukha ko sa kanya.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko nang marinig ko ito. Argh! Huling beses ko yata ito narinig eh eight years old pa lang kami! Saka fiancée ka diyan?! Napagkasunduan lang iyon ng mga magulang natin, hindi pa ako sang ayon! Most of all, I will never make children with this kind of person!
“Fiancee your face! Ikaw lang ang may gusto nyan ano!” sigaw ko sa kaniya habang saktong itutulak ko siya muli. Pero epal yung braso ko dahil sumakit na naman. Naramdaman kong tinanggal ni Tyrone yung benda, at pinalitan niya ito ng bago.
“Hahaha! Don’t worry Cirin. Matagal pa naman yun eh. Saka…as if naman matatakasan mo ako? I know your smell, size ng body mo, at lahat ng bagay tungkol sa iyo. Maging kulay ng underwe—” kaagad kong pinigilan yung sunod niyang sasabihin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko,
“Subukan mo yang ituloy. I’ll kill you!” babala ko sa kaniya. Nakakainis nga lang dahil tinawanan lang ako ni Tyrone.
“Okay honey, alam ko naman na masyado kang mahiyain para pakinggan ang mga sweet words ko. I’ll stop. Request ng Cirinthixa ko eh.” sabi niya sa akin habang ipinapatong ang ulo niya sa unan na nasa tabi ko, at diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Bakit ba malas ako sa mga taong nasa paligid ko?! Bakit lapitin ako ng mga weirdong tao?! Saka bakit ang tindi ng asar ko dito kay Tyrone?! Mas pinili ko na lang na wag na siyang patulan at ibahin ang usapan.
“So, nasaan si Zerija? Saka bakit narito ako sa bahay mo?” tanong ko sa kaniya,
“Oh, bumibili lang si Zerija ng gamot para diyan sa sugat mo. Kailangan pa kasi natin ng disinfectant. Dinala kita rito dahil syempre, hindi naman kita matitiis na mamatay kahit binugbog mo ang future ng lahi natin kahapon.” ang pang asar na naman niyang sagot sa akin.
Bwisit talaga itong si Tyrone. So anong gusto niya ha? Mag sorry ako sa kanya, at mag thank you pa? Ibig sabihin ba nito eh I owe him one?! No way! In his dreams! Saka alam ko namang may ibang motibo ang taong ito.
Kilala ko na siya. Inutusan niya na bumili si Zerija ng gamot para maiwan kaming dalawa dito na mag isa. This person…
“Just be direct to your point. Alam kong may binabalak ka.” sabi ko sa kaniya,
Tumayo naman siya at naupo sa tabi ko,
“Kaya gusto kita eh, kung kilala kita, kilala mo rin ako. Mas lalo tuloy akong na-turn on Cirin.” sabi niya sa akin habang hinihipo-hipo ang buhok ko.
Kung hindi lang sana masakit ang braso ko, kanina ko pa ito nabugbog. Oh, may ngipin nga pala ako. Hinanap ko yung kamay niya na humahawak sa buhok ko at sakto sanang kakagatin kaso…nakaiwas eh.
“Ahahaha! Grabe ka talaga Cirin! Lahat ng weapon mo eh handa mong gamitin! Unfortunately, nakagat mo na ako dati. The same thing won’t happen to me twice. Pero kung labi ko ang balak mong kagatin, hinding-hindi kita pipigilan.” sabi ni Tyrone sabay kindat sa akin.
Malapit ko na talaga itong mapatay eh. Pasalamat lang talaga siya ganito ang sitwasyon ko ngayon!
“Hindi nakakatawa. Shut up, at sabihin mo na sa akin ang balak mo. I have no interest in your foolish talks.” ang cold kong sagot habang iniiwasan ang mga tingin niya,
“Ok sinabi mo eh,” sabi ni Tyrone sabay biglang tayo at naglakad papunta sa may bintana. Binuksan niya ito at ako ay nasilaw sa liwanag na nangagaling sa labas.
May araw pa pala? Ilang araw nga pala akong natutulog? Grabe, hindi ko na matandaan ang araw. May nakita akong kalendaryo na nakasabit sa dingding at nalamang February 24 na pala.
Nagulat ako, dalawang araw na pala akong natutulog. Well, hindi na nakapagtataka na nakapanag inip ako ng ganun ka-detailed.
“Cirin, don’t you know? Marami na ang nagpapatayang players nang dahil sa spell.” narinig kong nagsalita si Tyrone.
Bigla ko tuloy naalala ang bagong feature na iyon na tila magic na magliligtas sa iyo from assassins.
Hindi na rin ako nagulat masyado na marinig ang p*****n na yan sa kanya. Halos wala na sa sarili nila ang karamihan ng users ng Nissassa. Hindi na nakakagulat na maraming kakagat sa spell.
Hindi ako sumagot kay Tyrone, pero alam kong nababasa niya ang expression sa mukha ko.
“and Cirin, don’t you know? Mayroon akong fifty spells sa account ko.” napa jerk ako, at napaupo nang marinig ito sa kaniya.
Fifty spells?! Nakukuha lang ang spell kapag pumatay ka ng kapwa users! Don’t tell me pati itong si Tyrone eh kumagat na rin?!
“at out of fifty, 25 spells na ang nagamit ko. Gusto ko nga sanang gamitin iyon para iligtas ka kahapon, pero hindi siya gumagana sa ibang tao eh. Kaya no choice ako at nakipag laban na lang para sa iyo.” dagdag pa niya habang napaka peaceful ng mukha.
Paano siya nakakagawa ng ganyang mukha habang sinasabi ito sa akin?!
“Tyrone, bakit? Bakit kailangan mo pang pumatay kung kaya mo namang iligtas ang sarili mo sa pamamagitan ng pakikipaglaban?!” ang galit na sigaw ko sa kaniya. Ngunit mas nagalit ako ng ningitian niya lang ako.
Magaling naman siya sa ninjutsu! Aaminin ko iyon! Hindi na niya kailangan pumatay! Kaya niyang protektahan ang sarili niya!
Hindi ko napigilan ang aking sarili at kaagad na pinilit na tumayo. Sinubukan kong maglakad papunta sa kanya. Unfortunately, hindi ko pa talaga kayang gumalaw kaya na-out of balance ako at muntikan ng masubsob. Buti na lang, nasalo ako ni Tyrone bago pa ako bumagsak.
Pagkasalo niya sa akin, kaagad niya akong niyakap.
What the?! What the?! Pinagsasamantalahan niya ang weakness ko! s**t ka Tyrone! Pero hindi yan ang main issue dito Cirin.
“Ang spell ay para lang sa mga mahihina! Hindi siya bagay sa mga taong katulad mo! Hindi ka dapat pumapatay ng kapwa user!” reklamo ko sa kaniya,
“Cirin…pwede sana yan kung applicable ang sinasabi mo sa lahat ng users ng Nissassa. Pero…hindi awa ang magliligtas sa iyo dito. Hindi mo maiiwasan na protektahan ang sarili mo gamit ang maruming paraan. Wala kang benefit na makukuha kapag puro awa ang iniisip mo. Mamamatay ka lang.” ang mahinahon niyang sagot sa akin habang hini-hipo hipo ang buhok ko.
Sa sinabi niyang ito ay bigla kong naalala yung tao na nasa panag inip ko. Halos pareho sila ng sinabi.
“Pero..pero…kapag ginawa natin yan, wala na rin tayong pinagkaiba sa kanila.” sabi ko sa kanya sabay baon ng mukha ko sa dibdib niya.
Nakakahiya man pero naiiyak ako. Ayaw kong mapansin niyang umiiyak ako! Bakit nga ba ako umiiyak?
Dahil ayaw mong pumatay.
No, mas may tamang sagot...
Dahil ayaw mong maging katulad nila.
“No. Ang ginagawa natin ay self-defense. Samantalang ang sa kanila naman ay purong pag patay. There is a difference Cirin. Saka dapat mong tandaan na may pinoprotektahan kang napaka importanteng bagay.” sabi ni Tyrone,
Napaka importanteng bagay? Ako? May importanteng bagay?
“Ano?” tanong ko sa kaniya habang iniaangat ang ulo ko at tumitingin sa kanya ng diretso.
“Ang buhay mo.” sagot niya sa akin habang nakangiti. Buhay ko? Ang labo naman ng sagot nito!
“Bakit naman napaka importante ng buhay ko?” ang parang ewan kong tanong sa kaniya,
“Dahil may mga taong nag aalala sa iyo. Isipin mo na lang ang mga magulang mo. Ang mga weirdo mong kaibigan, at…ako. Ano kayang mararamdaman naming kapag nawala ka? Huwag kang selfish Cirin.” sabi niya sa akin.
Ang mga sinabi niyang ito ay tila flash light na nag paliwanag ng madilim kong paligid. Ngayon ko lang na-realize na may mga tao nga palang nag aalala sa akin. Most of all, isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay yung nagiging alalahanin ng iba!
Ang side na ito ni Tyrone…
Ah nevermind.
“Shut up. I know.” ang maiksi kong sagot. Alam kong alam niya na maliwanag na sa akin ang nais niyang iparating….
…na dapat handa akong pumatay kung kinakailangan para sa sarili kong kapakanan.
Oo nga naman, this is a matter of fighting or be killed. Yan ang tila main message na nais iparating ng Nissassa.
“Buti naman. Now assured na ako na magpapatuloy ang dugo ko in the future.” ang epal na sagot ni Tyrone habang nakangiti.
Argh! Nang aasar na naman oh!
“…pero seryoso ito Cirin, please don’t die. You cannot die.” dagdag niya sa isang seryosong tono ng boses.
Minsan talaga, hindi ko magets ang nasa isip nitong si Tyrone. Paulit-ulit?! Na-gets ko na nga di ba ang nais niyang iparating?!
“Oo na! Pero wag kang basta-basta papatay ha, baka mamaya…” sabi ko sa kaniya, at pinalo niya lang ako ng mahina sa may likod.
“Ano ka ba? Syempre! Kung kinakailangan lang.” sagot niya sa akin.
“Wow! Ang sweet naman nila.” narinig ko ang boses ni Zerija, at ngayon ko lang ulit na realize na magkayakap nga pala kami ni Tyrone!
Kaya naman kaagad akong napajerk papalayo sa kanya.
“Ahh mali ka ng iniisip Zerija.” sabi ko habang nakatungo at pabalik sa kama.
“So obvious Cirin.” sabi ni Zerija. Tapos narinig ko lang na tumawa si Tyrone. Sa sobrang hiya eh nagkulumbot na lang ako ng kumot.
Lokong dalawang weirdo yun! Pero…I’m somewhat glad na narito sila.
Iminulat ko ang aking mata at narelax sa putting kulay ng kumot na aking nakikita. For some reasons, natatakot ako sa kulay na naroon sa panag inip ko.
Ang panag inip nga naman na iyon…
parang totoo.
Pero that’s impossible. As if naman may psychic powers ako para gawin yun.
“Wow Cirin! Tama ka! Mananalo nga tayo sa kulay na ito!”
“Uy Cirin, ang galing mong mag tutor! Lahat ng itinuro mo sa akin lumabas sa exam!”
“Cirin...bilib na ako sa iyo…ang lakas ng intuition mo!”
For some reasons, naalala ko ang mga iyan na sinasabi sa akin ng mga tao noon. Hmmmm…uhh nevermind.
Panag inip lang iyon, nothing more.
==========================================
20/24/2020
Ang araw na kung saan ay tila nagbigay ako ng promise kay Tyrone na huwag mamatay. Mukhang nakagawa ata ako ng indirect promise ng hindi ko napapansin.
Ito rin ang araw na kung saan nagising ako sa tunay na mundo mula sa isang nakakatakot na panag inip, isang panag inip na sobrang detailed ay mukhang totoo. Sa panag inip na iyon ay may nakita akong dalawang misteryosong tao. May isang babaeng walang mukha, at may isang taong nababalot ng purong mysteryo.
Ayaw ko ng makapag inip na katulad noon.
At sana, manatili lang siyang panag inip forever.