Chapter 13

1380 Words
[Cirin’s POV] Nagtataka ako kung bakit kanina pa ako sa katatakbo. Takbo lang ako ng takbo na hindi alam kung saan ba ako patungo. Parang pamilyar na hindi ang lugar na kung saan nasaan ako ngayon. Hindi rin ako napapagod kahit kanina pa ako sa pagtakbo. Ang weird naman nito. Nasiraan na ba ako ng ulo? Maya-maya, nagulat na lang ako nang biglang nagbago yung scene! Itim, asul, at puti lang ang mga kulay na nakikita ko sa paligid. Ang mga kulay na ito ay bumuo ng tila liko-likong linya na walang katapusan sa paghaba. Now that I thought of it, parang ito ay katulad nung mga scenes na napapanuod ko sa sci-fi movies. Tila nasa loob ako ng computers! Nasisiraan na talaga siguro ako ng bait! How come na napunta ako sa loob ng computers? Hanggang sa nakamalay na lang ako na may mga tao na pala akong kasama. Weird. Bigla na lang silang nagsulputan. Baka may nakakaalam sa kanila kung nasaan ako. Makapag tanong nga. May nakita akong isang babaeng nakatigil lang sa kanyang pwesto. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Siya lang ang nag iisang taong nakahinto at walang ginagawa. Kaya naman napag pasiyahan kong siya na lang ang lapitan. “Ahm excuse me. Ano pong lugar ito? Nasaan po ako?” tanong ko sa kaniya, Naghintay ako sa sagot ng babae. Pero dumaan na ang ilang minuto eh hindi pa rin siya sumasagot. Loko ito ah! Dinidedma ako! “Ahem! ANO PONG LUGAR ITO? NASAAN PO AKO?!” muli ko siyang tinanong sa malakas na boses. Baka bingi lang kaya hindi ako narinig kanina. Nakita kong gumalaw yung balikat nung babae. Sa wakas! Narinig na siguro ako! Ang hirap palang makipag usap sa bingi? Doble-doble ang kailangan na effort! Humarap siya papunta sa akin habang nakatungo ang kanyang ulo. Ngayon ko lang nalaman na ang haba pala ng bangs niya. Hindi ko pa rin tuloy makita ang kanyang mukha. Saka bakit siya nakatungo? Grabe, sobrang ka-weirduhan na talaga ang nagaganap! Not to mention na ang suot ni girl ay isang napakahabang black dress. Hindi naman obvious na out of fashion na siya ano? “Alam niyo po ba kung nasaan ako?” inulit ko yung tanong ko kanina, at na-excite ako ng mapansin na magsasalita na siya. Grabe effort ko makakuha lang ng sagot ha. Tatlong beses ko ba naman pinaulit-ulit yung tanong ko. Dapat lang na bigyan niya ako ng matinong sagot, kung hindi, papatulan ko na talaga ito. “H-he…”ang mahina niyang sagot. Sa sobrang hina, ‘he’ lang ang napikanggan ko! Argh! Medyo nauubos na yata ang pasensiya ko. Mukhang wala akong benefit na makukuha sa pakikipag usap sa babaeng ito! Pinilit ko na lang ngumiti at nagtanong ulit sa kanya, “Pwedeng pakilakasan boses niyo? Hindi ko kasi marinig eh! Feeling ko nagsasayang lang ako ng ora-“ pero napahinto ako ng bigla na lang inilipit nung babae ang kanyang mukha sa mukha ko, at halos mapasigaw ako ng makita… na wala siyang mukha. I mean wala siyang mata, ilong, at bibig. Just plain flat surface lang ang nakikita ko! What the heck?! Oh my god?! Totoo ba ito?! Gusto ko man sumigaw pero wala namang boses na lumalabas. Ang alam ko lang takot ako pero wala akong magawa. Nanatili lang akong nakatayo at naninigas ang katawan. Mas lalo akong dinatnan ng kaba ng bigla na lang may tumulong dugo galing sa pwesto na kung saan dapat naroon ang mata niya! Ano ang babaeng ito?! “Na-nasaan a-ako?” pinilit kong magsalita. Gusto kong malaman kung nasaan ako! Dahil I’m pretty sure na wala ako sa mundo na kinagisnan ko! This is not my world! Pero nagsisi ako kung bakit pa ba ako nagtanong. Mas lalo lang kasi akong natakot ng biglang may lumabas na labi sa plain na mukha nung babae, at unti-unti niya itong binubuka. Don’t! Balak kaya ako nitong kainin?! Pero medyo narelieve akong magsasalita lang pala siya. Normal lang naman ang kanyang mga ngipin. Akala ko kasi unknown alien na ito with sharp teeth na nangangain ng tao. Yun nga lang, hindi ako nasiyahan sa sinabi niya sa akin. Nang marinig ko ito, mas lalo lang akong nakadama ng takot. Sinabihan niya lang naman ako nang… “You are in HELL.” Sa pagkirinig ko nito ay automatic ng gumalaw ang mga paa ko at nagsimulang tumakbo papalayo sa kanya! I am afraid! Mukha man akong matapang pero deep inside duwag ako kahit hindi kapani-paniwala yung sinabi niya. Ang lakas kasi ng impact sa akin eh! Nakapikit ang aking mata habang tumatakbo. Natatakot kasi ako na baka mamaya eh makita kong hinahabol ako nung babae! Pero napatigil ako ng may narinig na humihingi ng tulong. Iminulat ko ang aking mga mata at hinanap yung pinangagalingan nung boses. Hanggang sa nakakita ako ng mga taong sinasaksak ng maraming matatangkad na tao na nakasuot ng itim! Assassins! Oo nga pala! Bakit ngayon ko lang naalala! May nagaganap nga palang malawakang m******e na pinasimunuan ng Nissassabase! Nasisiraan na ako ng ulo, tapos ngayon nagiging ulyanin na rin ako?! Papatakbo sana ako sa kanila upang sila ay tulungan, ngunit gagawin ko pa lang eh may humawak sa kanang balikat ko. Lumingon ako upang tingnan kung sino, at nagulat nang makakita ng isang taong nakahood ng kulay pula. May suot siyang mahabang robe na kulay pula rin. Pero wala siyang suot na tsinelas o sandals man lang. Dahil balot ang buo niyang katawan, hindi ko malaman kung ano ba ang kanyang kasarian! Pero relieve ako dahil obvious na may mukha ito, hindi katulad nung nakakatakot na babae kanina. “Don’t go.” sabi niya sa akin. Nakakamangha lang nga dahil dalawang boses ang naririnig ko. May boses ng babae, at may boses rin ng lalaki! Mukhang ako na yata ang may problema. Kung anu-ano na ang naririnig ko. Don’t go ka diyan! Kailangan kong tulungan yung mga tao! “But you will die.” sobrang nagulat ako ng bigla siyang sumagot kahit hindi naman ako nagsasalita. Pero sakto yung sagot niya sa iniisip ko. Ano na namang kaweirduhan ito? Don’t tell me binabasa niya ang nasa isip ko! Argh! Bahala na, kailangan ko pa rin silang tulungan! “Anong benefit ang makukuha mo sa pagtulong?” nagsalita na naman yung misteryosong tao na hawak pa rin yung braso ko. Shit! Mukhang nababasa niya nga ang nasa isip ko! Anong klaseng nilalang ka? Tao ka ba? Nagsisimula na naman tuloy akong matakot. Ang creepy kaya nito! Wala man lang privacy ang utak ko. Pero napaisip ako sa tanong niya. Ano nga ba? “Wala kang makukuha.” dagdag niya. Waaaa! Hindi pa rin ako sanay! Ang malas ko talaga! Lapitin ako ng mga weirdo! “Paano mo naman nasabi?!” ang galit na tanong ko sa kaniya. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung mga taong nagpapamukha sa akin na wala akong makukuhang benefit sa isang bagay na nabigyan ko na ng efforts! Nanlaki ang mata ko, ng binigyan niya ako ng maliit na ngiti, “Dahil…walang makakapigil sa mga layunin ng Nissassa. All must die, except-” sabi niya habang naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa balikat ko. Nagsisimula na naman akong tubuan ng goose bumps! Ayaw ko na! Ayaw ko na dito! Pero kung tama ang pagkakarinig ko, may sinabi siyang except. Except what? Ngumiti lang siya ulit sa akin, “You will find out…if you survive, Cirin.” sagot niya sa akin. Teka, teka! Paano niya nalaman ang pangalan ko?! Sino ba ito? Sino ba talaga itong taong kaharap ko?! Binitawan niya ang braso ko, at saktong maglalakad na papalayo. Pero nagulat na lang ako ng automatic na gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang mahabang robe niya, sabay tanong ng… “Who are you?!” Binigyan niya lang ulit ako ng ngiti. s**t naman oh! Sira ulo rin ba ito?! Involuntary action ba ang pag ngiti niya? Wala kayang nakakatawa! “I am…”sagot niya. Napalunok ako ng laway dahil na eexcite ako na ewan na marinig yung kasunod niyang sasabihin. Who the hell is this person?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD