Chapter 15

985 Words
20/25/2020 [Cirin’s POV] “Eh?! Aalis ka na? Ikaw rin Zerija? Ang sasama niyo! Iiwan niyo akong mag isa! Huhuhu” reklamo ni Tyrone habang nag iiyak-iyakan. Obvious naman dahil wala namang tumutulong luha. Saka ano siya bakla para umiyak dahil lang doon? Ang lalaking ito talaga… “Yah, stop that pwede? Nakakadiri ka!” sigaw ko sa kaniya, at kaagad namang itinigil ang ginagawa niya sabay bigay sa akin ng nakakadiring ngiti. Yan ang umiiyak ha, ang bilis naman yata maka-recover. Saka sinong babae ang makakatagal dito sa maruming pamamahay niya? Parang hindi nga ito tirahan ng tao eh. Sa sobrang gulo ng mga gamit, mga nabubulok na hugasin, at maduming paligid, mas pipiliin ko pa ang tirahan ng baboy kaysa dito! Seriously, hindi man lang marunong maglinis ang taong ito! Palibhasa napaka tamad! Tumalikod ako, at nagsimula ng maglakad papalayo. “Siya nga pala Cirin, okay na ba yang sugat mo? Kaya mo na ba? Hindi mo naman kailangan magmadali.” sabi ni Tyrone. Hindi na ako lumingon papunta sa kanya dahil wala naman akong benefit na makukuha. Mangangalay lang ang leeg ko. “Yeah. Gasgas lang iyon. No big deal. Thanks anyway.” sagot ko sa kaniya habang saktong bubuksan yung pinto. “Hoy Zerija, bakit nakatigil ka pa rin diyan? Paalis na si Cirin oh. Maiiwan ka na.” narinig kong sinabi ito ni Tyrone kay Zerija. Dahil nga tinatamad akong lumingon, pinakiramdaman ko lang kung nasaan ang babaeng iyon. Nalaman kong hindi nga siya gumagalaw. Mukhang may pumipigil yata sa kaniya na sumunod sa akin. Don’t tell me…iniisip pa rin niya iyon. Don’t come near me! Ay anu ba yan! Nag echo na naman sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin noon. Well, aaminin kong affected ako nung una! Pero wala naman akong benefit na makukuha kapag nagpa apekto pa rin ako sa mga sinabi niya ngayon. Dagdag isipin na, magmumukha pa akong baliw! “I---I cannot follow Cirin anymore, after the things I’ve done to her.” ang malungkot na sinabi ni Zerija. Buti alam niya! Ehem. I do not care anyway. Buhay niya yan, wala akong pakialam kung ayaw niya akong sundan. Mas mabuti nga iyon eh, wala ng weirdo sa buhay ko! “What? Ang drama mo Zeri.” sabi ni Tyrone sa kanya. Madrama naman talaga yan eh. Nothing to expect. Binuksan ko yung pinto at saktong aalis na sana without Zerija. Pero may bigla na lang pumasok sa isip ko… Bigla kong naalala yung pangako ko sa kaniya… Noong araw na mawalan siya ng pamilya. Napakamot ako sa ulo ng maalala ko ito. Argh! May pangako pala ako sa kaniya na tutulungan ko siya upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang niya. Not to mention na sinabi ko rin na ako ang magiging bagong pamilya niya from that day onwards! Ano ba yan! Hindi ko alam kung nabibwisit ba ako, o kung ano! Why did I promise something too troublesome like that na wala man lang hinihinging kapalit? Nang dahil diyan, no choice ako at naglakad pabalik sa kaniya. Ngayon ay nasa harapan ko ang isang gulat na Zerija. Nagtataka siguro kung bakit ako bumalik. Well, this is really not my nature! Nakakainis tuloy, “Hoy, you’re wasting my time. Ano pang hinihintay mo?” ang masungit kong tanong sa kaniya. “Eh? I-isasama mo ako? P-pwede pa rin akong sumama sa iyo?” tanong niya sa akin habang tila maiiyak na. Argh! Awkward tuloy! Ayaw kong makakita ng naiiyak sa harapan ko! Feeling ko nagiging baduy na drama ang buhay ko, which is I hate so much! “Ayaw mo? Bahala ka!” sigaw ko sa kaniya habang nagsimula na muling maglakad papalayo. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Zerija mula sa likod. Epal pa dahil nakahawak siya ng mahigpit sa leeg ko, nalilitik ako s**t! Balak ba akong patayin nito?! “H-hoy! Stop! N-nalilitik ako!” reklamo ko sa kaniya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko. “Waa! Sorry Cirin! Sobrang saya ko lang talaga! Ang bait talaga ni Cirin! I love you Cirin! You’re the best Cirin! I will—” bago pa maging nobela ang mga sinasabi niya ay kaagad ko na siyang pinigilan. “Shut up! Nasasayang oras ko!” sigaw ko, I’m sure na hindi niya ako titigilan sa pagsasabi ng kung anu-ano kapag hindi ko siya sinungitan. “Ikaw naman oh! Hahaha! Nagtha-thank you lang eh!” ang masayang sagot ni Zerija habang nakahawak ng mahigpit sa kanang braso ko. Thank you daw samantalang wala namang ‘thank you’ doon sa mga sinabi niya. Ang babaeng ito talaga! Bakit ba tila lapitin ako ng mga weirdong tao! “Oo nga naman Cirin! I love y—“ singit ni Tyrone na kaagad ko namang pinigilan sa pamamagitan ng pag hagis sa kaniya ng isa sa mga palaso ko, Argh! Dumadagdag pa sa sakit ng ulo ang isang weirdong ito! “SHUT UP! Sira ulo!” ang cold na sabi ko sa kaniya. Tinawanan lang ako ni Tyrone. Grabe na talaga ang buhay ko. Simula ng masangkot ako sa killer website na ito eh mas lalo pang nagkagulo ang buhay ko! “Itatago ko itong arrow mo Cirin! Thank you ha!” sabi ni Tyrone na nagpainit ng ulo ko habang papalabas sa bahay niyang bulok. Hindi na lang ako sumagot. Mas maiinis lang ako pag nagkataon. “Teka pala Zerija, may nakalimutan ka. Balik ka muna dito!” narinig kong tinawag ni Tyrone si Zerija galing sa loob ng bahay nila. Si Zerija naman ay kaagad na bumitaw sa pagkahawak sa braso ko at nagsimulang bumalik sa loob. “Wait lang Cirin! Sandali lang ito, promise!” sabi niya sa akin habang tumatakbo, Dapat lang, kung hindi, iiwan ko talaga siya dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD