Chapter 12

945 Words
“Waaaaaaaa!” pero hindi ko naituloy nang marinig ko ang sumisigaw na boses ni Zerija. Pasalamat ka Tyrone, kung hindi…natuluyan ka na talaga. Nagulat ako nang makitang sinasalag ni Zerija ang atake ng isang assassin gamit ang kanyang dalawang kamay. Walang anu-ano eh kaagad akong tumakbo sa kanya upang siya’y tulungan. Kelan pa sumulpot yang assassin na yan?! Waaaa Cirin! Anong ginagawa mo?! Wala ka na dapat business sa babaeng iyan! Pero for some reason, hindi nakikinig sa sinasabi ng utak ko ang aking katawan. “Zerija!” sigaw ko sabay sipa sa likod ng assassin. Napasubsob naman ito sa lupa. Pero alam kong hindi man lang ito nakagawa ng matinding damage sa kanya. “Cirin? Bakit?” tanong sa akin ni Zerija, “Tinatanong pa ba yan? Well…h-hindi ko rin alam kung bakit.” sabi ko. Maging ako ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko pa rin siya tinutulungan itong si Zerija sa kabila ng pagdududa niya sa akin kanina. Pero lumaki ang mata ko nang makita ang assassin na tila nag teleport sa may likuran ni Zerija habang nakatutok sa leeg nito ang kanyang espada. “Zerija!” sigaw ko at kaagad siyang hinila papunta sa may likuran ko. Bakit mo iyon ginawa Cirin?! Yan tuloy! Sa leeg mo na patungo ang trajectory nung espada! Waaaa…I do not know! Wala akong benefit na makukuha dito pero hindi ko alam kung bakit ginagawa ko pa rin! I will die here? Sabi ko sa aking sarili habang malapit ng tumusok sa leeg ko yung espada. No…I refuse to die here. Kaya naman pinilit kong iwasan kahit papaano yung atake. Fortunately hindi sa leeg ko tumama. Yung nga lang, nadaplisan yung braso ko kaya unfortunately pa rin. “Aaaaa!” napasigaw ako sa sobrang sakit. Daplis nga lang pero mukhang malalim. Napayuko ako at napahawak doon sa sugat. Ramdam ko ang dami ng tila tubig na umaagos. Ramdam din ng buong katawan ko ang sakit. Mas lalo akong natakot ng subukang tingnan ang aking kamay na humawak sa sugat at makita ang sobrang daming dugo. “Cirin!” nilapitan ako ni Zerija at nakita ko na umiiyak siya. Bakit niya ako iniiyakan? Hindi pa ako patay ano?! Nasugatan lang! “You bastard! Hindi kita mapapatawad!” sigaw niya doon sa Assassin na bakas ang ngiti sa mukhang balot ng itim na tela. Sinugod ito ni Zerija. Suntok diyan, sipa dito. Samantalang ang assassin naman ay dumidepensa sa kanyang mga atake. May mga tumatama naman, pero hindi iyon sapat para magbigay ng matinding damage. Mukhang magaling din ang kalaban niya dahil naiiwasan nito ang ilan sa mga atake ni Zerija. Not to mention na advantage ng assassin ang kanyang espada sa isang malapitan na laban. Maya-maya eh natamaan si Zerija sa kanan niyang paa. Napaluhod siya sa lupa habang nakahawak doon sa sugat. Itinaas ng assassin ang kanyang espada na balak saksakin sa leeg si Zerija. “No!” ang mahinang sigaw ko. Ngayon ko lang napansin na hindi na ako makapag salita ng maayos. Medyo nanlalabo na rin ang paningin ko. Hindi ko na rin maramdaman ang braso na kung saan natamaan ako kanina. Kapag wala akong ginawa. Pareho kaming mamatay dito! Kaya naman inubos ko na ang aking lakas upang kunin yung bow, at patamaan yung assassin na kasalukuyang nakatalikod sa akin. Halos mawalan na ako ng malay sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Feeling ko matatanggal na ang braso ko. Medyo nanginginig din ang aking kamay at hindi ko alam kung makakatira pa ba ako ng maayos. Pero…bahala na. Pinakawalan ko yung palaso pero habang ginagawa ko iyon eh tuluyan na akong nawalan ng balanse kaya napahiga sa lupa. Pinilit kong iangat ang aking mukha upang tingnan kung tumama ba man lang yung palaso na pinakawalan ko, at nagulat ng makitang dumaplis lang ito sa balikat nung assassin. Nakadama rin ako ng takot ng makitang papalapit siya sa akin habang nakataas ang espada. Lumalabo na ang paningin ko. Hindi na rin ako makarinig ng maayos. Pero alam kong may isinisigaw si Zerija. “Hoy! Pasaan ka?! Ako ang kalaban mo!” Ano kaya ang sinasabi niya? Hindi ko na mapakinggan ng maayos… Pero somehow, I’m glad na ligtas siya. Shit! Wala na. Hindi na ako makagalaw. Pero alam kong nasa harapan ko yung assassin habang nakatutok sa leeg ko ang kanyang espada. I will die like this? What a life. Hindi ko inakalang mamatay ako habang may inililigtas na ibang tao. When did I become like this? Kelan pa ako naging ganito katanga? Mamamatay ako…na walang makukuhang benefit. Pero nagulat ako ng makitang sumubsob sa lupa yung assassin. May nakabaon na tatlong shuriken sa kanyang leeg. Shuriken?... “Ta-Tyrone?” hindi ko alam kung may lumabas pa ba na boses sa bunganga ko. Hanggang sa may naramdaman akong umangat sa akin. Teka, bakit ako lumulutang? Kaluluwa na ba ako? Maya-maya, may naramdaman akong mainit malapit sa aking tenga, at may narinig na pamilyar na boses. “You’re now safe, Cirin.” =================================== 20/22/2020 Ang araw na kung saan may dumating na isa na namang weirdo, si Tyrone. Magkakilala na kami simula noong middle schooler pa lang ako, at walang araw na lumipas na hindi niya pinapainit ang aking ulo. Ang dahilan kung bakit siya narito ay hindi ko pa alam. Wala rin kasiguraduhan na okay na kami ni Zerija. Higit sa lahat, hindi ko alam kung buhay pa ba ako. So ganito pala ang feeling kapag malapit ka ng mamatay. Ayaw kong mamatay ng ganito… Mahirap, masakit, may kulang, at nakakatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD