Chapter 11

1268 Words
“Anong ginagawa mo dito, Tyrone?” tanong ko sa lalaking halos kasing edad lang namin ni Zerija na nakatayo sa bubong ng katapat na bahay. Hindi ko inakala na makikita ko siya sa ganitong pagkakataon. Not to mention na nakakainis ang view. Bakit niya ako hinagisan ng shuriken ha?! Saka sa lahat pa talaga ng lugar diyan pa niya napili pumwesto sa bubong! Sana marupok yung yero para mahulog. Hindi ko siya tutulungan no pag nangyari iyon, tatawanan ko pa. Most of all…this guy… Waaaaaaa!!! Isa lang naman siya sa mga weirdo na kilala ko! Mga kalahi yan ni Zerija, at mukhang nagsisimula na… Bigla lang naman siyang tumawa. Hindi yung tawang matahimik. Yung tawang bagay sa mga evil villain na napapanuod ko sa sine. “Bwahahahahahahaha!” ang malakas na tawa ni Tyrone. Grabe, totoo palang may ganyang tao. “Hoy, baliw! Tinatanong kita!” sigaw ko sa kaniya. Nagulat na lang ako nang sa isang kisap ng mata ko eh bigla na lang siyang naglaho doon sa pwesto niya, “Ay palaka! Tyrone naman, nakakagulat ka!” narinig ko ang malakas na boses ni Zerija na halatang nagulat. Nang saktong napatingin ako sa kanila… Sakto rin namang huling-huli ng mata ko na hinahalikan ng baliw na si Tyrone ang kanang pisngi ni Zerija. “Lo…Lo…” may nais sabihin si Zerija pero hindi niya maituloy. Labis kasi ang pamumula ng mukha. Mukhang nawala sa sarili dahil doon sa halik. “Love?” dagdag ni Tyrone habang nakangiti. Grabe, alam ko yang mga ganyang tipo ng weirdo eh. Kung itong si Zerija ay ang super kulit type, ito namang si Tyrone ang super playboy type. At para sa kaalaman ng karamihan, alam kong weirdo rin ako, at kung may type man ako na kabibilangan, ako yung…super awesome type. Ineenjoy ko na ang pagpuri sa aking sarili ng bigla akong nakarinig ng isang sobrang malakas na kalabog. Nang tiningnan ko kung ano iyon, inihagis lang naman ni Zerija papunta kay Tyrone ang kanyang tablet. Unfortunately, hindi tumama sa target, kaya ayon nagkadurog-durog dahil sa lakas ng impact. “Loko! Gago!” sigaw ni Zerija habang sinusubukang matamaan ng suntok at sipa si Tyrone. Si Tyrone naman eh ni hindi man lang matamaan at tawa lang ng tawa. Waaa…nakita niyo yun? Sayang naman yung tablet. Saka nagpapagod lang siya diyan ng lakas sa kasusuntok at kasisipa kay Tyrone. Nagsasayang lang siya ng effort eh samantalang wala naman siyang benefit na makukuha. Ayaw ko man aminin pero ninjutsu expert yang si Tyrone. Dahil sa kabaliwan niya sa ninja noong bata pa ay nag aral yan ng ninjutsu sa ibang bansa. Sa kanya ko rin nalaman na totoo pala ang ninjutsu. Akala ko kasi dati, gawa-gawa lang iyon ng mga batang adik kay Naruto. Don’t go near me! Muli na naman pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Zerija kanina. Wa, I almost forgot. Paalis nga pala ako. Papunta saan? Hmmm…hindi ko alam. Siguro maghahanap na lang ako ng safe na hide-out na kung saan ligtas ako sa mga assassins. Bibili na rin ako ng maraming canned food and long life groceries, at hihintayin ko na lang lumipas ang 200 days spending my time sa pagtulog at pagkain. Grabe, ang genius ko talaga! Bakit ngayon ko lang yun naisip? Nagsimula na akong maglakad papalayo. Weird nga lang dahil may weird na feeling akong nararamdaman. Ano ka ba Cirin? Dapat magsaya ka dahil malalayo ka na diyan sa weirdong si Zerija. Pero napajerk ako ng bigla na lang sumulpot sa aking harapan si Tyrone. Automatic na lang na gumalaw ang kamay ko para i-ready sa shooting position yung bow. “Subukan mong may gawing di kaaya-aya, at wala pang isang minuto eh matatanggalan ka na ng tenga.”babala ko sa kanya habang nakatutok diretso sa kanyang tenga yung bow ko. Si Tyrone naman eh napataas ng kamay. “Whoa whoa! Relax ka lang Cirin. Kakamustahin lang naman kita eh.” sabi niya sa akin habang pilit na ngumingiti. “Shut up. Baliw lang na katulad mo ang magpapaloko sa iyo.” sabi ko. “I’m telling the truth. Eto nga oh, may regalo ako sa iyo.” sabi niya sa akin habang may iniaabot na box na naka wrapped sa gift wrapper. Oh my, that is a…benefit. Pero wait Cirin! Wag kang basta-basta paloloko diyan sa lalaking iyan. Mamaya hali- gyaaaaaaaa!!! No! No! No! I don’t want to remember! Hindi iyon nangyari! Panag inip lang iyon! “Baliw! Lipas na birthday ko!” sagot ko sa kaniya. Tama yan Cirin. Resist the temptation of having a benefit na walang kapalit. “Eh? Sayang naman. I guess itatapon ko na lang ito. Haiyyy…sayang talaga. BE-NE-FIT pa naman ito.” nang marinig ko na manggaling iyon mismo sa kanya eh wala ng anu-ano at kaagad kong kinuha yung regalo. I cannot believe it! I’m having a benefit for free! Tumingin muna ako sa kanya bago ko buksan. Nakangiti lang si Tyrone. Kaya siguro naman eh hindi ako nito pinagtitripan. Waaa…a benefit for free. Dahan-dahan kong binuksan yung box habang medyo bumibilis yung t***k ng puso ko dahil syempre, medyo excited. Pero… Sa kaagad na pagbukas ko ay may tumalon na something sa aking mukha. Hindi ko pa masyado maitsurahan noong una kung ano iyon. Basta ang alam ko lang eh medyo mabaho at madulas siya sa pakiramdam habang nakadikit sa mukha ko. Dahan-dahan ko siyang tinanggal at nang makita ko kung ano iyon… “Kyaaaaaaaa!!!!” ang malakas kong sigaw habang kaagad na itinapon yung palaka. Kaagad ko rin kinuha yung bow ko at pinatamaan yung palaka habang lumilipad sa ere. Si Tyrone naman ay todo-todo ang katatawa! Waaaaa! Huhuhu! Takot ako sa palaka. May masama akong experience sa kanya noong bata pa lang ako. Nang medyo nahimasmasan ako, kaagad akong humarap kay Tyrone. “Bwisit ka. I will kill you.” sabi ko sa kaniya. Mapapatay ko talaga ang lalaking ito. Bakit ba hindi na ako nadala sa kanya? Dapat matagal ko ng alam na Trojan horse ang lalaking ito! Naamoy ko pa yung palaka sa mukha ko. Waaa..feeling ko nababaliw na ako. Hinawakan ko yung collar ng suot niyang damit ng sobrang higpit. Bwisit na lalaki! Bakit ba kasi lapitin ako ng weirdo! Pero ang weirdong ito ang pinakamalala sa lahat. “Relax ka lang Cirin! Alam ko namang hindi ka takot sa palaka eh.” sabi niya sa akin na alam kong pang aasar lang. Sa imbis na mag sorry eh mas lalong inasar pa ako. “Ah ganon? Thank you ha?!” sabi ko sa kanya sabay sipa gamit ang aking tuhod sa p*********i niya sa ibaba. Hindi nakasagot si Tyrone, at nangitim lang ang mukha habang napayuko at namimilipit sa sakit. Kulang pa nga iyon kung tutuusin. Isa pa nga… “Wa-wait Ci-cirin! Sorry na!” sabi niya sa akin bago ko pa sipain siya muli. Binigyan ko lang siya ng isang smirk. Ano ka sinuswerte? Pwes, nagkamali ka ng taong kinalaban. Gagantihan kita hanggang magsawa ako. “Wala akong pakialam kung mabaog ka man o mabasag yang baba mo, Tyrone.” sabi ko sa kaniya, “Eh? Paano na tayo magkaka baby niyan?” sagot niya na mas lalo pang nag painit ng ulo ko. “Tyrone…” “Cirin?” ang nanginginig niyang tanong sa akin, “GO TO HELL!” ang malakas kong sigaw sa kaniya habang aktong sisipa muli,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD