Kaagad namin itong tiningnan at binasa ang nakasulat…
-You have checked the SPELL button. Be glad that you did that prey! This message will tell you what it is for, and how can you accumulate your spells. Spell button is one of the added features of Assassinbase (new features will be uploaded in the future). It is a gift given to you prey. A tool which will aid you in your survival.
USE: It gives you the POWER to PREVENT an assassin from KILLING YOU. It cannot be use for saving other people.
COST: One spell for one use.
HOW TO USE: Just think or say this word --> SHIREN.
And this is the most important reminders of all, prey. Be sure to remember this…
HOW TO GAIN: You just need to use your own power by any means to…KILL a fellow registered user of Assassinbase.com. One person=one spell.
Easy right?
Enjoy…
Exterminate…
Be a demon to save yourself…
Because while you use this…
You will become…
and you won’t be able to escape…
The fact that you are now our accomplice
To kill your FELLOW USERS.
BE A KILLER TO SAVE YOURSELF.
-assassinbase.com-
Nang matapos namin itong basahin, halos hindi kami makagalaw o makapag salita man lang. Malinaw ang nais nilang iparating…binigyan nila kami ng kapangyarihan na iligtas ang aming sarili pero ang kapalit naman nito ay pagpatay ng isang kapwa user.
Ngayon malinaw na sa akin kung bakit nakadisplay ang halos buong pagkatao namin dito sa website…
Para madali kaming i-hunting ng ibang users.
Ibang users
Napalingon ako kay Zerija at sakto rin naman na lumingon siya sa akin. Unti-unting lumayo kami sa isa’t-isa,
One of us can kill each other and the winner get the spell
“Don’t go near me!” sigaw niya sa akin,
Ang tindi ng dating sa akin nung message, at mas matindi kay Zerija dahil halos manginig ang buong katawan niya. Nang mabasa ko iyon, parang hindi ko na kilala ang sarili ko katulad na lang ng nangyayari sa akin ngayon.
Nagiging duwag na ako. Ang mas malala pa, natatakot ako sa sarili kong kaibigan.
“Zerija…hindi kita papatayin para lang makakuha niyan.” sabi ko,
“We do not know Cirin.” ang kaagad niyang sagot sa akin,
Yeah. Tama nga naman. We do not know. Kung sa bagay, mas importante para sa bawa’t isa sa ngayon ang kaligtasan ng sarili. Mahirap isipin sa kasalukuyan ang kaligtasan ng iba. Walang sinuman ang gustong mamatay. Lahat…gustong lumaban at humanap ng paraan para makalaban.
Pero…
Kahit na selfish akong tao,
Hindi ako ganoon kasama para…
Pumatay ng isang malapit na tao sa akin…
“So sa tingin mo kayang kitang patayin? Sige, desisyon mo yan. Bahala ka. Kung ganyan din lang pala, then it is better….
if we part from here.” sabi ko sa kaniya,
Paalis na sana ako ng biglang may naghagis ng animoy shuriken ng ninja sa aking harapan na dahilan kung bakit ako napatigil.
Hindi ito galing kay Zerija dahil maging sa kanya ay may naghagis din,
Don’t tell me…may Assassin?!
Pero hindi assassin ang nakita ko,
Tumingin ako sa itaas at nakita na nakatayo sa bubong ng isang bahay ang isang pamilyar na lalaki…
“Merong isa. Pero hindi siya part ng family ko.”
Aking natandaan ang mga sinabi ko nang tanungin ako ni Zerija kung may kilala pa akong ibang user ng Nissassa…
“Long time no see Zerija, lalo na sa iyo…
Cirin.” sabi niya.
===========================================
20/21/2020
Ang araw na kung saan aming nadiskubre ang bagong pakulo ng Assassinbase.com, ang SPELL.
Isa itong misteryosong command na nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan na pigilan ang isang assassin na patayin ka. Ngunit may kapalit…
Kailangan mo munang pumatay ng kapwa user mo sa Nissassabase.
You will become one of their accomplice by using this command. Pero bukod dito, may isa pa…
Ang SPELL ay ang sisira ng tiwala at namumuong teamwork sa bawa’t user ng Nissassa.
Dahil diyan, mas hihirap sa iba ang survival. Pero may ilan din siguro na mas mapapadali ang buhay…at yan ang mga taong kayang mag sakripisyo ng buhay ng iba.
Isa lang ang dalang mensahe na nais iparating sa amin ng SPELL…
Be a killer to save yourself.
Maraming kakagat sa offer na yan for sure.
Pero kahit may benefit akong makukuha…
Never akong tatanggap ng benefit sa ganyang paraan.