Nang marating namin ang lugar, halos manlumo kami sa aming nakita. Sobrang nakakadepress tingnan ang mga taong ang kaya na lang gawin ay ang umiyak.
Not to mention…na kasama na rin kami rito ngayon. Si Zerija, ayan, umiiyak na naman. Ako…ewan ko ba? Gusto ko rin umiyak, pero for some reasons…walang tumutulong luha.
Pinapasok ang mga bangkay sa loob ng isang building. Hindi hinahayaang pumapasok ang kahit sino mang buhay sa loob nito kaya andito lang kami, tulala sa labas.
Naipasok na ang bangkay ng Mama, Papa, at Kapatid ni Zerija. Samantalang may malaking screen sa labas na kung saan makikita mo ang mga pangalan ng bangkay na kasalukuyang sinusunog.
Nang idisplay sa screen ang mga pangalan nila,
Doon na halos humagulgol sa iyak si Zerija,
At sa wakas…
Nagawa ko na ring lumuha.
“I WILL KILL, NO…I WILL KILL EVEN IN THE AFTERLIFE THE PEOPLE WHO DID THIS TO THEM. WALA AKONG ITITIRA SA KANILA. I WILL DEFINITELY LET THEM PAY FOR ETERNITY.” ang ma-ala animoy sumpa na sinabi ni Zerija. Kahit ako ay natakot rin sa pagkakasabi niya nito. Parang hindi ko kilala yung taong nagsasalita.
Mas lalo akong nagulat ng bigla na lang akong hinila ni Zerija. Ang higpit ng pagkakapit niya sa kamay ko. Sa sobrang higpit, feeling ko tuloy nadagaanan ako ng bato.
“Hoy! Aray! Huwag mo nga akong hilahin--” reklamo ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa paghila sa akin na para bang ako ay bagay na walang nararamdaman.
Rinig ko rin ang mga salitang ibinubulong niya ng pa ulit-ulit:
I will kill them…I will kill them…I will kill them--
Naputol ang kanyang mahabang tula ng akin siyang sipain ng malakas. Kaya ayon, napadapa na lang siya sa lupa.
“Ano ba?! I will kill—“ hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at kaagad ko ng nasuntok siya sa kanyang mukha.
Suntok dahil mas effective yan sa sampal.
Sa lakas ng pagkakasuntok ko, namula tuloy yung tinamaan na parte. Si Zerija naman ay hindi makagalaw dahil siguro sa sobrang pagkagulat.
Kaya ko rin sumuntok ano!
“You will die immediately kapag nagpatuloy kang ganyan. Reserve that anger kapag nahanap mo na ang mga tao sa likuran ng Nissassabase.’ sabi ko in a very serious tone. Ito na ata ang pinaka seryosong nasabi ko sa buong buhay ko.
Nang mukhang natauhan na itong si Zerija, hayan, umiiyak na naman.
“Sorry Cirin. You’re right.” sabi niya sa akin. Ako naman ay iniabot ang aking kanang kamay sa kanya upang bangunin siya.
“Let’s get back to work, Zerija.” sabi ko. Kaagad namang kinuha ni Zerija yung kamay ko.
“Yeah.”
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
Nang medyo nahimasmasan na kaming dalawa, kaagad kaming humanap ng isang safe na lugar upang gawin ang nakalagay sa death message ng Papa ni Zerija,
Log in
Maraming katanungan na pumapasok sa isip ko sa tuwing naalala ko yan. Hindi na namin naisip na buksan muli yung site dahil sa dami ng nangyari. Now that I think of it, baka nga may kung anong importante doon na hindi pa namin nalalaman.
Nakakita kami ng malalagong halaman at sumuksok roon upang magtago. Mas mabuti na rin na mag ingat. Hindi pa rin kasi kami sanay na makipaglaban unless na kailangan talaga.
Nakakapagtaka nga lang dahil hindi lumabas ang mga assassin kanina doon sa libingan. Ang akala ko kasi dati, mas lumalabas sila kung saan maraming tao.
Inilabas ni Zerija ang kanyang tablet. Now that I think of it, naiwan ko nga pala ang gamit ko sa classroom namin.
Argh! Sayang! Ang dami pa namang benefits na laman nun! Babalikan ko na lang pag nagkataon. Sana wala pang kumukuha.
Nanginginig pa ang kanyang kamay habang nag lo-log in sa Nissassabase.com,
Halos walang nagbago sa home page nito maliban sa pangalan ng website na nabaligtad.
-Welcome to Assassinbase.com!-
-Loading profile-
-…-
Pagkatapos mag load ng profile, sobrang nagulat kami sa aming nakita,
Wala ngang natanggal sa dati nitong anyo, pero may mga nadagdag.
Sa profile page mo ay nakalagay mismo ang iyong tunay na picture. Naroon rin ang mga tunay na information na ibinigay mo sa kanila katulad na lang ng b-day, address, blood-type, and etc.
“Hoy! Ikaw ba naglagay niyan diyan?” tanong ko kay Zerija,
“Hindi! Never akong naglagay ng tunay na information about me dito. Saka yang profile pic na yan…bakit nandiyan ang picture ko?!” ang pagtataka ni Zerija.
“Tingnan mo rin nga yung sa akin.” sabi ko sa kaniya. Kaagad naman niyang sinearch ang pangalan ko, at kabooom!
Nakadisplay rin ang aking tunay na pagkatao. Halatang stolen shots ang mga profile pictures naming dalawa. Not to mention na lahat ito ay kinunan sa classroom habang hindi maipinta sa takot ang aming mga mukha.
Tiningnan din namin yung profiles ng ibang users na friend namin sa chatbox. Ganoon din ang nangyari sa kanila.
At ngayon din lang namin napansin ang isang bagay,
Sa tabi kasi ng indicator button sa chatbox kung online ka or hindi ay may nakasulat na:
ALIVE
Ngunit mas marami ang nakasulat na:
DEAD
Hindi lang sa chatbox, nakaprint din ito profiles namin mismo.
So na u-update pala ang account mo kapag patay ka na.
Damn technology, paano nila nagagawa na malaman kung sino ang patay sa hindi?
“s**t! This website! Curse you!” ang galit na sigaw ni Zerija,
Inattempt rin namin na pindutin ang ‘close account’ button sa settings pero…
-Sorry. Command is not available-
Yan ang lumalabas no matter how many times namin na sinubukan.
Sunod namin na tiningnan ang notifications at nagulat ng makita ang nakasulat:
Lin Olivar is dead.
Sheimi Recara is dead.
Lei Masacara is dead.
………
At marami pang iba. Puro updates lang sa mga namatay ang nakalagay sa notification button. Ang request button naman na nag didisplay kung may nagrequest na friend sa iyo ay disabled na. Kapalit nito ang isang bagong button na sumulpot…
Ang SPELL button.
Kaagad namin itong tiningan dahil wala kaming ka-ide-ideya kung ano ito, at kaagad nadisappoint ng makita ang nakalagay:
-You have 0 spells-
What the heck? Wala man lang explanation kung para saan at paano makakakuha niyan?
In the first place…bakit disabled ang request button? Bakit kailangan pang idisplay ang private information ng bawat isa? And most of all…ano ba talaga ang goal nitong s**t na Assassinbase na ito at bakit sila pumapatay!?
Nakakagalit ng sobra! Pinaninindigan talaga nila, at parang proud pa! Nasaan na ang gobyerno?! Nasaan na ang magagaling na hackers?! Bwiset kayo, kung kelan kayo kailangan dun kayo hindi kumikilos!
Pero…
Napukaw ang attensyon namin ng may sumulpot na message sa message button. Sumulpot siya right after na i-close namin yung Spell.