20/21/2020
[Cirin’s POV]
“Bingi ba kayo?! Puno na nga ang libingan na ito! Alis!” sigaw sa amin ng isang middle-aged na babaeng may katabaan.
Kasalukuyan kaming nasa sementeryo na matatagpuan sa Zone Carze. Nagalit kasi si Manang dahil masyado kaming mapilit ni Zerija kahit sinabi na niyang puno na ang sementeryo.
Hindi naman siya nagsisinungaling, dahil kitang-kita namin ang lampas taong patong-patong na nitso. Ang natitirang space na lang ay para sa daraanan ng tao. Sobrang sikip pa nga nito kung tutuusin.
“Sige na po. Maawa na pa kayo sa akin…sa pamilya ko! Lahat po sila patay na, at kahit man lang maayos na libing gusto kong maibigay sa kanila!” ang pagpupumilit ni Zerija habang umiiyak na halos mapaluhod na kung hindi ko siya pinigilan.
Grabe, wala na talaga sa sarili. Kahit anong sitwasyon ka pa naroroon, huwag kang luluhod sa tao! Hindi yan Diyos!
Maya-maya, medyo napanindigan ako ng balahibo ng aking mapansin na karamihan ng nitso na nakalibing dito ay bago pa.
Halata kasi sa pagkakagawa at sa mga materyales na ginamit. So ganito na pala karami ang namatay…isang araw pa lang ang nakakalipas.
Ang sementeryong ito ay tila naging libingan…ng mga users ng Nissassabase.
“Ang tigas talaga ng ulo mo!” sigaw ng babae habang saktong hahampasin si Zerija ng hawak niyang payong.
Pero bago pa siya mahampas, kaagad ko namang iniharang ang bow ko sabay sabi ng…
“Baliw na nga yung tao gaganyanin mo pa. Sige, ituloy mo...at ako mismo ang magbabalik niyang hampas mo sa iyo!” babala ko sa kaniya,
Waaa! Grabe! Effort kong makipag usap sa isang taong wala man lang ka kwenta-kwentang kausap! Ganito kasi yan. Tandaan niyo itong sasabihin ko ha,
May tatlong uri actually ng tao sa mundo. Alam kong medyo obvious na kung ano yung dalawa.
Yung una ay ang mga taong mangagamit, at kabilang ako sa kanila. Proud akong maging isa dahil yan ang nagbibigay sa akin ng benefit.
Sunod ay ang mga taong ginagamit, ang mga kauri nitong si Zerija. Buti na lang may mga taong ganyan dahil kung wala sila…eh di wala akong makukunan ng benefit.
Samantalang ang huli naman…ay ang mga taong hindi man lang deserving na gamitin o manggamit ng iba. Si Manang lang naman na nasa harapan ko ay kabilang diyan. In short, sila ay ang mga walang silbing nilalang na nandito sa mundo na pang display lang.
Halata ang takot sa mukha ni Manang. Wow, ganito ba katindi ang impact ng mga sinabi ko?
Kaagad siyang pumasok sa loob, at isinarado ang gate. Kaagad namang tumakbo rito si Zerija upang pigilan ang pag sara.
“Wa-wait! Maawa na po kayo!” sigaw niya. Pero hindi nakayanan ng kanyang lakas na pigilan yung gate sa pag sara.
“Hoy! Wala na ba talagang space diyan?” dagdag ko naman.
Pero ng humarap muli sa amin si Manang, nakakapangilabot na ang tingin sa kanyang mga mata.
“Kahit magpakamatay pa kayo diyan oh kahit isang libo pa ang patay na nais ilibing, hindi na ako tatanggap ng libing dito. Ito ang batas. Makakasira sa system ng Carze kapag nadagdagan pa sila. Saka mga sira ulo, tumingin kayo sa likod niyo.” utos niya sa amin. Anu raw?! Sira ulo?! Yabang nito ha!
Pero dahil curios kami kung ano ang nais niyang ipakita sa amin, sinunod namin ang sinabi niya.
At nang makita ko kung ano ito…
Halos mapaluwa ang mata ko…
Ngayon lang namin napansin na…
“Hindi lang kayo ang nais maglibing. Hayan, ang daan-daang tao sa likuran niyo. Sa oras na tumanggap ako ng isa, sigurado na hindi magpapatalo ang iba.” narinig kong sinabi ito ni Manang.
May point nga naman siya doon. Kahit nga ako ay nagulat sa sobrang dami. Hindi naman kasi ganito karami ang tao dito kanina. Nagsulputan siguro sila ng mapansin ang pagpupumilit namin.
Ito lang ang senyales…
Na parami pa ng parami,
Ang namamatay.
“BWISIT KANG MATANDA KA?! SO ANONG GUSTO MO HA?! HAYAAN NA LANG NAMIN NA MABULOK ANG MGA MAHAL NAMIN SA BUHAY DIYAN SA TABI-TABI? f**k s**t!” narating na yata ni Zerija ang kanyang limit kaya ayan, hindi na napigilan ang galit. Not to mention na ang lutong ng huli niyang sinabi.
Sinigaw niya iyan sa babae habang sinusuntok ang mga bakal ng gate. Ako naman ay pilit siyang pinapakalma pero ayaw paawat.
As if may makukuha siyang benefit sa pagsuntok niya ng gate. Sakit lang ng kamay ang resulta niyan eh. Tao nga naman.
“Unfortunately Iha, hindi mo kayang masira yang gate. Saka may ni-ready na naman ang government na mabilis na paraan ng paglilibing eh. Mas madali, for free, at never kayong mauubusan ng slots. Kahit nga kayo pwede pang isama doon eh. Hindi niyo ba alam?” tanong niya sa amin,
Whe? Kung alam namin eh di sana hindi na kami nagpupumilit dito! Walang common sense!
And what is with that rude attitude? Nakakainis na ang babaeng ito ha! Parang walang pakialam sa iba!
Napatigil si Zerija ng marinig ito.
Ako naman eh na-relieve rin katulad niya. Ano ba yan? Kung sinabi niya yan sa amin nung umpisa pa lang eh di sana solve na ang problema!
“Ano?” tanong ko,
“Burning. Sa kabilang dulo ng Carze ninyo ito matatagpuan. Lahat ng mga bangkay na hindi kasya dito ay ipapasunog na lang. Fast, free, and always available. See you sa kamatayan, mga iha.” pagkasabi niya nito ay kaagad na siyang nawala sa aming paningin.
See you sa kamatayan huh,
KAMATAYAN your face! Hindi kami papayag na mamatay no?! May araw ka rin sa akin! Sa sunod na makita ko yang pag mumukha mo…patatamaan ko yang ng isang libong palaso!
Aaminin kong labis akong nagulat sa sinabi niya. Ang iba naman na nais rin na maglibing eh walang magawa kung hindi ipasunog na lang ang mga bangkay na dala-dala nila. Kaysa naman daw mabulok at magpang lason pa dahil sa amoy.
Maya-maya, nagulat na lang ako ng makita si Zerija na hila-hila ang tatlong bangkay ng pamilya niya.
“Hoy! Shunga ka na ba?! Talagang ipapasunog mo sila?! Wait, gagawa ako ng paraan-“ hindi ko na naituloy dahil kaagad siyang sumingit,
“No need. Fast, easy, and always available nga naman ang method na ito. Set that aside, mas marami pa tayong problema na kailangan harapin. We cannot afford to waste more time here.” ang malamig niyang sagot sa akin habang nakapagtatakang expressionless ang mukha.
Nagpatuloy lang siya sa pag hila sa kanila.
“Zerija, sure kang ayos lang sa iyo?” tanong ko sa kaniya,
Kaagad naman siyang lumingon pabalik sa akin sabay pilit na ngumiti,
Pero alam kong ang ngiting iyan ay sobrang fake.
“Walang magagawa Cirin. We have a very cruel world out here.”