[Cirin’s POV]
“Bata, anong pangalan mo?” tanong ni Zerija dito sa nakakaiiritang surot sa harapan ko habang nakangiti.
Paalisin mo yan sa harapan ko Zerija. Mapipisa ko ang batang surot na yan eh. Ang kulit-kulit! Matigas lang ang bungo?! Sinabihan na nga na umalis eh, hindi pa rin sumunod?!
Nag puppy eyes muna yung bata bago sagutin si Zerija, na mas lalong nagpabwisit sa akin. May paganyan-ganyan pa siya, parang aso! Akala yata ng surot na yan nakakaawa, nakakabadtrip kaya.
“Lenon po. Sige na mga Ate, turuan niyo akong lumaban, please?” sambit niya habang binibira ang suot na pang-itaas ni Zerija.
Anu raw…Le..Lemon? Arrr whatever! Ano bang meron sa araw na ito? Sobrang nakakahigh-blood ha! May malas sigurong grocery na binili itong si Dora Zerija, kaya sandamakmak na weirdong tao ang nakakabanga ng landas namin ngayon!
Tumalikod ako upang kontrolin ang aking emosyon. Ipinaubaya ko na lang kay Zerija ang pagdidispatsya sa surot na malapit sa akin ngayon. Ayaw ko lang ng mga bata. I was never really good with them.
“Lenon, pasensya na pero wala kaming panahon para magturo. May importante kaming gagawin. Saka nagmamadali kami. Ang mabuti pa, humanap ka na lang ng iba, ok? Mag-ingat ka..bye—“ pahakbang pa lang si Zerija ay kaagad na siyang pinigilan nung bata.
Ay, pigilan niyo ako…pag ako ang nagsalita dito, salita ko pa lang, pisa na ang surot na ito.
“Maawa po kayo. Sige na po. Mag papaalipin po ako sa inyo kahit panghabang buhay basta tulungan niyo muna ako sa ngayon.” pagmamakaawa nito sa amin. Maya-maya ay bigla na lang siyang lumuhod na labis naming ikinagulat.
Magsasalita sana muli si Zerija ngunit inunahan ko na siya,
“Hoy batang surot, bakit ka ba sobrang desperado ha?” tanong ko sa kaniya sa isang malamig at marahas na boses.
Aaminin kong nagkaroon ako ng konti, konti lang naman, na interest nang marinig ko yung magpapaalipin daw siya sa amin habang buhay. Whoa! Ang laking benefit noon ha pag nagkataon. Itinaas niya ang kanyang mukha bago sumagot sa tanong ko. Medyo nagulat ako ng makita ang isang emosyon na hindi dapat ipinapakita ng isang user ng Nissassa…ang kaduwagan.
“Dahil kapag nagkaroon ako ng isang malakas na grupo, maililigtas ko ang aking buhay. Pero kailangan ko muna magpalakas para maging deserving na makapasok sa grupo nila. Kapag nangyari iyon, kapag ligtas na ang buhay ko, magiging masaya ako—“ hindi ko na pinatapos ang walang saysay na dahilan ng surot na ito.
Kaagad na tumama sa kanyang pisngi ang isang sampal na nanggaling mismo sa kanang palad ko. Itinaas ko ang kaliwa kong paa at ipinatong ito sa balikat nitong si surot. Yung akto ba na parang sisipain.
“O-oy Cirin…” pigil sa akin ni Zerija, ngunit hindi ko siya pinansin.
Bakas ang pagkabigla at takot nung bata sa ginawa ko. Hindi niyo naman ako masisisi, sapagkat alam kong ang ugaling tinataglay ng taong nasa harapan ko ngayon, ay hindi magliligtas sa kaniya. Ito ang papatay sa kanya.
Saka mas pipiliin ko pa si Dora kaysa sa mga duwag na katulad nitong si surot.
“Duwag.” ang maikli pero seryosong sabi ko.
“H-hindi ako duwag! G-gusto ko lang matuto!” ang kaagad na sagot nito sa akin kahit natatakot.
May lakas ng loob na sumagot, pero walang lakas na alalahanin ang kapakanan ng iba bukod sa sarili niya. Mga bata nga naman.
“I have encountered before a person like you, pero hindi pa man nasisimulan ng Nissassa ang killing website nila, namatay na ang taong iyon.” sabi ko sa kaniya habang naka evil smile.
Nais ko siyang takutin, na mukha namang umipekto. Nabuhayan ako ng makakita ng pag aalangan sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang aking sasabihin…
“Sige bata, tuturuan kita. Pero nais kong ipaalam sa iyo, I am not a good teacher. If you are seeking for safety from me, I might give you the otherwise…your nightmares, and most of all…your death. Same applied to this person, hindi man halata pero halimaw rin ang isang ito. For short, ang mga duwag na lalapit sa amin ay walang mapapala na kahit ano. So, ready ka ba?” tanong ko sa kaniya habang binibigyan siya ng nakakatakot na aura.
Napaurong yung surot hanggang sa hindi na abot ng paa ko ang balikat niya. Pinapagpawisan siya ng todo, napatayo na lang bigla at tuluyang nagtatakbo papalayo sa amin.
“Ang sama mo Cirin. Bakit mo naman tinakot yung bata?” tanong sa akin ni Zerija habang naglalakad kami patungo sa kabilang direksyon.
“Heh, hindi yun pananakot. Saka mahina ang loob ng surot na iyon. Makasarili. Two of the most despicable traits of human.” sagot ko kay Zerija.
“Wah, ang lalim! Ang aminin mo, you’re just not good with children.” ang pang-aasar sa akin ni Zerija.
Pagkasabi niya nito ay bigla na lang akong napahinto. Tila kusang tumigil ang aking paa, sapagkat biglang pumasok sa isipan ko ang isang masamang alala na ayaw ko ng matandaan pa.
“Ci-cirin?” ang nag-aalalang tanong niya. Nang medyo nahimasmasan ako, muli akong nagpatuloy sa paglalakad.
“Oh my god Cirin, did I hit a point?” dagdag pa ni Zerija na may kasamang konting tawa. Akala niya siguro nakakatawa at joke lang itong topic na inopen niya sa akin.
“Yeah. I’m not good with them.” diretsong sagot ko sa isang seryosong tono.
“Cirin?! Why are you crying?!” nagulat na lang ako sa sinabing ito ni Zerija. Noon ko lang din napansin na talaga palang umiiyak ako.
What the—huwag kang umiyak sa harapan ng iba Cirin! Kaagad kong pinahiran ang mga luhang kusang pumapatak. Maya-maya ay nagulat ako ng hinawakan ni Zerija ang mga kamay ko.
“Oh no Cirin, you are shivering too.” bigkas niya at sabay tingin ko naman sa kamay at braso ko. Nanginginig nga sila…ulit.
Kelan nga ba ito huling nangyari sa akin, oh…last year lang pala. During that death anniversary.
I shivered…I cry…kahit na ayaw ko everytime I will remember that day.
Pero hindi iyon ang big issue dito sapagkat mawawala din naman ito mayamaya. Sana lang walang dumating na kalaban, assassin man yan or kapwa user na matatakaw sa spell.
Dahil kapag ganito ang sitwasyon ko, when my hands, no, my whole body is shivering…hindi ko magagamit ng matino ang bow and arrow ko. Wala naman akong pisikal na lakas katulad nitong si Zerija.
I completely became useless for short at times like this.
Pero kapag minamalas ka nga naman,
Kung kelan ka alanganin, doon ka dinadalaw ng kalaban.
Bwisit na yan!
May dalawang assassin lang naman ang nagsulputan sa harapan namin. Gagong website ito, maging kahinaan yata ng katawan mo kaya nilang madetect!