“Teka mga Mister, bago niyo kami patayin, pwede bang sabihin niyo sa amin kung paano niyo nalaman na users kami at wala pa kaming spell?” tanong ni Zerija sa kanila.
Ah buti naman. Nagkaroon din siya ang silbi. Buti siya na ang nagtanong. Masasayang pa kasi ang boses ko kung ako yung gumawa.
Bago sumagot ay nagkatinginan muna sila sabay biglang nagtawanan, which really irritates me. Mga sira ulong pakshet!
Anong karapatan nila para pagtawan kami? Lagot kayo sa akin mamamaya! Kayo ang kakalbuhin ko! Konti na lang Cirin. Pigil-pigil rin pag may time!
“Mga wala talaga kayong alam ano? Bwahahaha! Anyway, I’m sure na madali na naman kayong mapapatay dahil itsura niyo pa lang eh wala ng kalaban-laban. Sige, sasabihin namin sa inyo.” sabi nung isang lalaki na nakahawak sa buhok ni Zerija,
Amputa nila! Don’t judge a book by its cover, at mamaya lang ng konti, ipapamukha ko sa inyo na totoo ang quote na yan! How dare them to laugh at me?
'Me' lang talaga, wala akong pake diyan kay Zerija eh.
“Buksan niyo ang account niyo sa Nissassa, may bagong feature na inadd ang website, ang ‘DISPLAY’ button. Sa pagclick ng button na iyon ay tila magkakaroon ng bagong ability ang mga mata niyo. Sa tuwing makakakita kayo ng tao, may lalabas na floating bar something na kung saan nakalagay ang category niyo - kung assassin, user, or normal human ba ang kaharap niyo. Naroon din ang number of Spell kung siya ay user.” paliwanag sa amin nung lalaking may hawak ng kutsilyo na nakatutok sa leeg ko,
Oh? So may bagong command na naman pala. Bwisit na website, ang dami nilang pakulo! Saka bakit paisa-isa? Hindi ba pwedeng isang bagsakan! Mga madadaya!
Dapat pala palagi naming tinitingnan ang account namin sa Nissassabase kahit ayaw ko man lang makita ang itsura ng website na iyon. So parang ang kinalabasan ngayon eh na out-of-date na kami nitong si Zerija? Unbelievable.
“So paano ba yan mga Miss? Hindi niyo na naman magagamit yun eh, dahil…mamatay na kayo—“ pero hindi ko na pinatapos sa pagsasalita yung lalaking may hawak ng kutsilyo.
“Oh, kami papatayin niyo? That’s quite very impossible for the likes of you.” sabi ko sa kaniya in a very proud tone habang naka-chin up.
Mayabang ako eh. Pero may kaya ako kaya nagyayabang. Eh sila, wala!
“Ano? Ang lakas rin ng loob mo!” sigaw niya sa akin,
Ang baho ng hininga ng lalaking ito! Nakakamatay! Pwede ng pampatay ng tao eh! Sheett! Mabigay na nga lang dito yung tooth paste na binili ni Zerija, at para na rin mabawasan ang dala namin!
Kanina ko pa sinusukat ang height niya at ang posisyon din ng kanyang ulo. Saktong nasa ibabaw ng dulo nung bow ko ang baba(chin) ni Kuya.
Malas niya lang dahil yun ang napili niyang posisyon sapagkat itinulak ko lang yung bow ko galing sa ibaba at saktong napatama yung upper tip corner nito sa baba niya.
Hindi pa ito dito natapos dahil kaagad kong sunod na tinamaan gamit pa rin ang katawan nung bow ko ang braso niya na may hawak ng kutsilyo. Napatilapon yung kutsilyo papalayo sa sobrang lakas ng impact.
“Hindi sa malakas ang loob ko. Malakas lang talaga ako, Mister.” sabi ko sa kaniya habang binibigyan siya ng tingin na pang demonyo.
Sa sobrang tindi ng mga atake ko sa kaniya, ayan, diretso ang pagmumukha ni Kuya sa lupa. Buti nga! Bwahahah! Yan ang dapat sa mga mayayabang na tulad mo!
“Waaaa! Ang sakeeett! N-nabali yung buto sa baba at braso ko! Tang*na mong babae ka!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit at nagpapagulong-gulong.
Bwisit ito ah, minura ba naman ako?
Napansin kong si Zerija naman ay kasalukuyang binabalibang yung dalawang lalaki na nanabunot sa kanya kanina. Magkasabay niya silang inihahampas sa lupa! Mukhang nagalit yata dahil mahal na mahal ng babaeng iyan ang buhok niya!
Yung mga lalaki naman ay todo-todo na ang pagmamakaawa na itigil na ni Zerija yung pananakit sa kanila.
Wrong moves boys…
Mas lalo lang kayong sasaktan niyan!
“Shut up! Ang ayaw ko sa lahat ay yung marami pang salita! Mga bwisit kayo? How dare you hurt my precious hair? I’ll send both of you to hell!” sabi nito,
Oh di ba? Ako naman ay napangiti lang ng konti. Medyo nag eenjoy kasi ako sa mga pangyayaring nagaganap ngayon.
Dapat lang na parusahan ang mga lalaking ito! Mukhang marami na rin silang napatay na walang laban na users. Unfortunately, malas nila ngayon. Sapagkat ang laki ng laban namin.
Ibinaling ko muli ang attensyon ko dito sa lalaking binalian ko ng dalawang buto.
Pagkatingin ko ba naman sa kanya eh sinibukan niya akong duraan! Buti na lang hindi tumama sa akin kung hindi…baka napatay ko talaga ito eh!
Sa baho ng laway niya baka maging acid na ito at magkasugat ako! Eeeewwww! Buti na lang magaling akong umiwas.
Sa sobrang inis, pinagsisipa ko siya ng todo-todo! Tinapakan ko rin yung mga baling buto niya na nagpa sigaw sa kanya dahil sa sobrang sakit.
Ipinagpatuloy ko lang ito hanggang sa nagmakaawa siya sa akin na itigil na ang ginagawa ko.
“Hoy, akina cellphone mo.” sabi ko sa kaniya. Hindi ako holdaper ha, kailangan ko lang ng cellphone ngayon upang makapag log-in sa Nissassa at magamit yung bagong feature.
“A-a-c-cellphone, i-ito po!” kaagad namang ibinigay sa aking nung lalaki yung cellphone niya habang nanginginig ang katawan.
Hahaha! Natutuwa akong pagmasdan siya! Bow down to the very great Cirin! Nag log in ako sa Nissassa at usual, ang dami na naman death notifications. Nananatili rin na zero ang spell ko. Kaagad kong nakita yung bagong feature at kaagad ko itong pinindot.
Amazingly, may nag pop-out na lang na floating bar sa may ulo nitong kaharap ko. Nakalagay nga dito ang category niya, at kung ilan din ang kanyang Spell. s**t na lalaki, mayroon lang naman siyang 25 spells. Ilang tao na ang napatay nito?! Dapat sa mga ganito ay hindi na pinagbibigyan eh!
“Zerija, sambot!” sabi ko kay Zerija sabay bato sa kanya nung cellphone.
Alam na niya ang gagawin sa mga tingin ko pa lang. Nag log-in din si Zerija sa account niya, at mukhang napagana na rin niya yung bagong feature dahil bakas na bakas sa mukha nito ang pagkamangha.
Pero ang bagong command na iyon ay hindi dapat namin ikamangha. Isa lang iyon sa mga pakulo ng Nissassa upang mas mapilitan ang mga users na patayin ang bawa’t isa.
Ibinato niya iyon sa akin pabalik,
“Thanks Cirin.” sabi niya pero hindi ako nag react.
Pagkasalo ko nito ay kaagad kong itinapon yung cellphone sa mukha nitong lalaking nasa harapan ko! Nanginginig niya naman itong sinalo. Hindi naman obvious na takot na takot ang taong ito sa akin ano? Tama yan, fear me, because I am hell!Bwahahaha!
Kailangan na namin umalis dito. Baka mamaya eh may dumating pang Assassin! Hanggang sa maari, nais ko silang iwasan sapagkat alam kong hindi naman sila ang tunay na kalaban. Ang dapat naming hanapin ay ang gumawa mismo ng website na ito!
“Tatlong sira ulo, umalis na kayo sa harapan namin bago pa namin tuluyan kayong ipadala sa langit!” sigaw ko sa kanila,
Errr…parang ang baduy ng pagkasabi ko.
Automatic naman na nagsitakbuhan yung tatlo papalayo. Nakakatawa pa nga silang pagmasdan dahil pagewang-gewang sila sa pagtakbo dahil sa mga injuries na nakuha nila.
Naramdaman ko namang umakbay sa balikat ko si Zerija habang nagpapahid ng pawis niya sa mukha.
“Hoy, alis. Kadiri ka.” sabi ko sa kaniya.
“Hahaha! Nakakapagod din pala silang pagtripan ano Cirin! Malas lang nila dahil mali sila ng kinalaban!” sagot sa akin ni Zerija,
Epal. Hindi man lang siya umalis. Iniba pa yung usapan.Ang hina naman nito. Pinagpawisan kaagad? Samantalang ako eh wala man lang kapawis-pawis! Well, unexpected iyon because I'm just too awesome.
Maglalakad na sana ako papalayo nang biglang may humarang na naman sa harapan ko.
Pero this time, hindi ito Assassin o mga lalaking katulad ng kanina,
Isa siyang batang lalaki na hanggang balikat ko lang ang tangkad. Obvious na mas matanda kami ni Zerija sa kaniya. May katamtaman siyang lago ng buhok, at normal lang na jeans at shirt ang suot. Madumi rin ang kanyang mukha, at maraming galos sa katawan.
Nakatingin siya sa amin with that very motivated expression. Mukhang wala siyang balak na masama. Pero nagulat ako ng makita ang description niya na nakalutang sa may itaas ng kanyang ulo,
Isa siyang user ng Nissassa!
Well I mean, napakabata pa nito para pumatay at mamatay! Saka isa pa lang ang Spell command niya, which means na may napatay na siyang isang tao.
Anong ginagawa ng batang ito sa harapan ko?!
“Hoy bata, shu-shu! Alis! Busy kami!” sabi ko sa kaniya in a cold tone,
“Bawal bata dito, magtago ka na. Delikado.” Ang mahinahon na sabi ni Zerija dito.
Paalis na sana kami,
Pero bigla na lang humawak yung batang lalaki sa tela ng suot kong t-shirt sabay sabi ng…
“Please, please teach me how to fight!”
Sigaw niya sa akin habang napaka motivated ng itsura. Anu rawww? Teach him how to fight? So naging teacher na ako ngayon samantalang wala man lang ang trabahong iyan sa goals ko sa buhay?!
Saka mukha ba akong teacher? Mas bagay kayo akong maging lawyer! Ayaw ko rin sa mga bata! Maiingay at magugulo sila!
Pambihira, may weirdo na naman yata akong nakasalubong!
“Makakasali lang ako sa Dark Hand Order kapag marunong akong lumaban so, please mga Ate, turuan niyo ako!” dagdag pa nito na nagpatubo ng sungay sa ulo ko.
Ang kulit talaga ng mga bata! As if may oras pa kaming magturo ngayong nagpapatayan na! Seryoso ba ito author?!