[Cirin’s POV]
“Cirin, h-hoy ang bilis mong maglakad! H-hintay!” sigaw ni Zerija sa akin. Sa halip na bagalan ko ang paglalakad eh mas lalo ko pang binilisan.
Nakakainis kasi ang babaeng iyan eh! Ang tagal na nga akong pinaghintay sa bahay nila Tyrone kanina, tapos nagawa pa niyang dumaan sa mga grocery stores upang mamili?!
Buti sana kung kasing bilis siya ni superman na kumilos!
Eh kasing bagal siya ni Dora! Alam niyo ba yung scene ni Dora na magtatanong pa kung alin sa mga choices ang tama kahit obvious na naman kung ano?
As if we don’t know Dora, as if we don’t know!
Amputa! Sorry sa mga fans nito pero asar na asar ako sa cartoons na iyon! Ang gandang basagin ng TV kapag yun ang palabas.
Maya-maya ay naabutan niya rin ako, dahil lakad ko ay takbo niya. Bahala siyang mapagod! Suppose to be kasi free na dapat ako ngayon sa mga weirdo eh, kung hindi lang sana ako gumawa ng pangako.
Grrrrrr…yan ang napapala ko kapag nakakalimutan kong isipin ang mga benefits ng gagawin ko!
“Cirin tingnan mo, ang dami kong nabili! May shampoo, toothpaste, tissue, cologne, lotion, face powder, sanitary napkins natin kapag nagka meron tayo—“ hindi ko na siya pinatapos dahil malapit na talaga akong maubusan ng pasensiya sa babaeng ito.
Humarap ako sa kaniya, at feeling ko umuusok ang mukha dahil sa sobrang inis.
“Ano ba yang pinagbibili mo?! Kung pagkain pa sana yan eh matatanggap ko pa! Hindi ka ba nag iisip? Ano namang silbi niyan? Mga gamit yan ng maarteng palaka eh!” reklamo ko sa kaniya.
Si Zerija naman sa imbis na magtampo sa akin ay tinawanan lang ako, sabay balot ng mga kamay niya sa kanan kong braso.
Errrrrr! Ang weird talaga ng babaeng ito! Pinapagalitan na nga eh mas lalo pang ngumingiti! Masyado rin siyang magastos! Mauubusan kaagad kami ng pera nito!
Mga walang kwentang arganas pa ang pinagbibili niya sa halip na survival tools! Pambihira! High-blood na lang ako palagi kapag ito ang kasama ko eh!
“Ikaw naman Cirin! Palagi ka bang meron? Ang init palagi ng ulo mo eh! Bakit, hindi ka ba nag to-toothbrush, naliligo, nagmemens—?“ pigilan niyo ako, malapit ko ng hampasin ang ulo nito!
“That’s not what I mean! Pambihira ka talaga! Bahala ka sa buhay mo, basta huwag mo akong bibigyan ng additional sakit ng ulo dahil diyan sa mga kalokohan mo. Saka huwag mo nga akong hawakan, hindi ako pumapatol sa babae hoy!” reklamo ko ulit sa kanya. Pero hindi pa rin siya bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
Para na siyang linta sa kadidikit sa akin! Kung may ibang choice lang sana ako eh iiwan ko talaga itong babaeng ito!
“Don’t worry Cirin! Si Zerija ay laging handa na paglingkuran ka! Saka hindi ako pumapatol sa mga taong may high-blood palagi ano? Hahahaha!” ang pang asar niya sa akin.
Ako pa talaga itong naasar ngayon! Kainis talaga! Nagsisi na tuloy ako ng sobra kung bakit ko pa isinama ang babaeng ito. Pwede naman na hindi ako tumupad sa isang pangako eh.
Isang beses lang naman. Pero nagawa ko na, wala ng atrasan! Kahit nakakahalimaw ang ugali nitong kasama ko ay pagtatiyagaan ko na lang.
Patuloy lang ang asaran namin ni Zerija nang biglang may humarang sa dinaraanan namin. Noong una ay inaka kong Assassin kaya napahawak kaagad ako doon sa bow na nakasabit sa likuran ko.
Pero nagkamali ako, mga normal na tao yung nasa harapan namin. Tatlo silang lalaki. Matatangkad, malalaki ang build-ups ng katawan, ang dami rin nilang scars at tattoo.
Errr…siguro mga drug addicts lang ito na nagkalat diyan sa kanto. Hindi ko na lang sila pinansin at nag iba ng direksyon upang malampasan ang panghaharang na ginagawa nila.
Obvious naman na wala akong makukuhang benefit sa mga sira ulong iyan. Si Zerija naman ay sumunod lang sa mga galaw ko.
“Aray! Ano ba? Buhok ko!” narinig ko ang pagrereklamo ni Zerija.
Napatingin tuloy ako sa aking likuran at aking nakita na hila-hila nung dalawa sa tatlong lalaki yung buhok ni Zerija.
Pakshet! Mga walang galang ito ah!
“H-hoy mga Miss! Ang lakas ng loob niyon dedmahin ang mga diyos ng black spider! Oh, ang sarap sigurong kalbuhin ng buhok niyo.” sabi nung isang lalaki na may hawak sa buhok ni Zerija habang nakangiti at nakalabas ang bungi niyang ngipin.
Diyos daw ng black spider? Ano naman yun? Saka baka ang ibig nilang sabihin ay Diyos ng mga Bungi ang Ngipin! Mga bungi kaya sila tapos ang papanget ng mga itsura! Pwede ng ipahiram sa aso ang mga mukha nito eh!
Maya-maya ay nakaramdam ako ng something na matilos sa may leeg ko. Pagkatingin ko…may kutsilyo na nakatutok dito!
Mayroon din tao na nasa likuran ko. Siya yung may hawak sa kutsilyo. Kasama ito nung dalawang lalaki.
For the information of many, kanina ko pa alam ang lihim niyang pagpunta sa may likuran ko. Hinayaan ko lang dahil sigurado akong wala itong binatbat sa akin kapag pinatulan ko siya mamaya.
Naisip kong maganda rin siguro minsan na pagtripan ang masasamang tao na tulad nila. Not to mention na kanina pa ako naghahanap ng pwedeng pagbuntungan ng inis.
“Ang tahimik ng mga dalagang ito ah! Hoy Miss na nakasimangot, pasensiya ka na ha. Ayaw naman naming patayin kayo kaso alam niyo naman siguro na ingredients kayo para sa Spell di ba, mga users ng Nissassa?” tanong niya sa amin,
Whoa…paano nila nalaman na users kami ng Nissassa samantalang hindi naman namin sila ka-close? Totoo nga ang sinabi ni Tyrone, usong-uso na ang p*****n between users ngayon.
Aaminin ko napataas ako ng kilay doon.
“Pambihira, mga anghel! Wala pa silang spell command oh! Ay naku mga Miss, never kayong makakasurvive! Pero…hindi niyo na naman kailangan pa ng spell command dahil mamamatay na kayo ngayon.” sabi ng isa sa mga may hawak kay Zerija.
Kita ko sa mukha ni Zerija ang unti-unting pag init ng ulo. Ganun din naman ako.
Loko sila ah, paano nila nalaman na wala pa kaming spell command?!
Mga stalker ba namin yan? Pero hindi eh. Kita ko ang mga galaw ng mata nila. Tila may binabasa sila sa may itaas ng ulo namin. Siguro may something doon na hindi pa namin kayang makita!
Take advantage ko nga ang sitwasyon upang tanungin ang mga hunghang na ito kung paano nila nalaman na users kami?
“Teka mga Mister, bago niyo kami patayin, pwede bang sabihin niyo sa amin kung paano niyo nalaman na users kami at wala pa kaming spell?” tanong ni Zerija sa kanila.