[Tyrone’s POV]
Kaagad kong nakita si Zerija sa pagbalik niya sa loob ng bahay ko. Ako naman ay kasalukuyang tinatanggal sa pagkatusok yung arrow na inihagis sa akin ni Cirin kanina.
Ang babaeng iyon…seriously, balak niya ba akong patayin? Ginawa ba naman akong ang darts board.
“Tyrone, ano yung nakalimutan ko?” tanong sa akin ni Zerija,
Humarap naman ako sa kaniya at ibinigay yung arrow ni Cirin.
“Sayang yan. Kakailanganin niya yan ng sobra sa mga susunod na araw.” sabi ko habang seryosong tinitingnan ang babaeng nasa harapan ko.
Domina, minsan talaga nadadala ako sa mga pag papanggap niya. Paano niya nagagawa iyon sa harap ni Cirin?
Domina, anong binabalak mo?
“Si Cirin talaga. Pagpasensyahan mo na Tyrone. Sige, see ya!” nagulat ako nang sinabi niya ito sa akin habang naglalakad papalabas.
Seriously, I really cannot understand her! Alam ba niya ang ginagawa niya? Binigyan ko na nga siya ng perfect opportunity upang makapag usap kaming dalawa! Tapos aalis lang siya ng wala man lang sinasabi.
Matagal na rin siyang hindi nag rereport sa Neuron! Balak niya ba kaming takasan? Tambak kaya ang trabaho! Marami pang hindi nagagawa!
Don’t tell me…kailangan ko munang gumalang bago niya ako kausapin at itigil yang pagpapanggap niya.
Fine, misyon ko rin naman na malaman ang mga balak niya eh.
“Domina, pinapabalik ka na po sa Neuron. Hindi ka na dapat magtagal dito.” sabi ko sa kaniya habang nakayuko at nakalagay ang kaliwa kong kamay sa aking dibdib.
Ang ginagawa ko ngayon ay tinatawag na ‘ayatolla’. Isang uri ng paggalang na ibinibigay lamang sa mga matataas na miyembro ng Neuron.
Ang Neuron ay isang sikretong organisasyon. Marami kaming miyembro. Ngunit konti lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin.
Pareho kaming myembro ni Zerija. Ngunit magkaiba kami kung rank ang pag uusapan. Ang babae kasing iyan ay parte ng Round Table. Siya rin ang Domina, ang pinakamakapangyarihang babae sa Neuron.
Ang layunin ng aming organisasyon ay isang sikreto na kami lang ang nakakaalam. Kaagad na mag seself-destruct ang katawan ng sino mang magtatangkang ipagkalat ang layunin na ito.
Kahit isipin ito ay mahigpit na ipinapagbawal. Isang beses lang namin ito sinaisip at iyon ay noong araw na kung saan naging parte ako ng organisasyong ito.
Hindi ko alam kung anong high-tech na teknolohiya ang gamit ng mga mataas na myembro ng Neuron at kanilang kaagad na natutukoy ang sino mang lumabag sa batas na ito.
Marami na kasi akong nasaksihang kapwa myembro na sumabog ang katawan dahil sa paglabag ng utos na ito.
To think na ang daming free time ng Domina ng Neuron. Paano niya nagagawa ang mga iyan? Mas lalo niya lang pinapahamak si Cirin.
Dahil sa mga ginagawa niya, yan tuloy, mainit na ang mga mata ng Round Table sa fiancée ko!
What is she trying to do?!
“Tyrone? Anong joke ito? Saka anong tawag mo sa akin, Domina? Ano yun? Nasisiraan ka na ba?” tanong sa akin ni Zerija.
Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay bigla na lang akong napatayo, at napatingin sa kanya.
I think she’s playing with me. Kung hindi lang siya ang Domina, kanina ko pa ito napatulan eh.
“Don’t play dumb Domina. Maraming trabaho ang naghihintay sa iyo. Hinahanap ka na rin ng Dominus.” dagdag ko.
Nagbabaka sakali ako na kapag sinabi ko ang pangalan ng Dominus, ang pinaka leader ng Neuron ay matauhan itong si Zerija.
Pero sa halip na matauhan ay mas lalo niya lang akong binigyan ng ‘what are you talking about’ look.
Siya ba talaga ang Domina?! Pero kung hindi siya, dapat kanina pa ako sumabog dito!
“Tyrone, are you by any chance mistaking me for somebody else? I do not have any idea what you are talking about.” sabi niya sa akin sa isang napaka seryosong boses.
Seryoso siya. Unbelievable. Anong kalokohan ang nagaganap? Mukhang hindi alam ng babaeng ito kung sino siya! Wala rin siyang ka-alam alam sa Neuron!
Well, hindi ko pa naman siya nakita ng personal sa Neuron noon. Pero I’m sure na hindi ako nagkakamali. Si Zerija ang Domina!
Bakit ganyan ang pinagsasabi niya? May amnesia kaya ito? Kung anu-ano na sana ang iisipin ko nang biglang may dumating na mensahe sa utak ko galing sa wireless telepathic communication ng base namin.
--Number 41, stop that. Hindi ka nagkakamali. Ang babaeng kaharap mo ang Domina. We forgot to tell you. She’s currently under the effects of sefrez. It’s her own doing. May permiso rin siya na nanggaling sa Dominus. Medyo nag alala lang dahil napapatagal yata ang effect ng gamot. Your mission no. 57 ends right there. Ipapadala na namin ang mission no. 58. Hayaan mo muna ang Domina…sa ngayon.—
Sabi sa akin ng base connector namin. That explains everything. Ngayon alam ko na kung bakit tila may amnesia ang babaeng ito.
She’s under a amnesiatic medicine, ang sefrez. Pansamantalang binubura ng gamot na iyan ang mga bagay na gusto mong kalimutan. Pansamantala. Ang haba ng epekto nito ay depende mismo sa gumagamit.
--Got it—
Sagot ko.
Unbelievable. To think na nakayanan niya ang sakit ng pag intake ng gamot na iyon. Saka bakit niya in the first place kinalimutan ang lahat ng bagay about sa organisasyon?! Nasisiraan na ba siya ng ulo?!
“Tyrone? Hoy, baka iwanan na ako ni Cirin!” reklamo niya sa akin,
“Ah sorry! Hahaha! Nag papractice lang ako ng lines na narinig ko doon sa pelikulang pinanuod ko last week. Sige. Ingat kayo.” palusot ko sa kaniya.
Nauto ko naman si Zerija at kaagad siyang umalis habang nag wa-wave hands sa akin.
Ang mga myembro nga naman ng Round Table, hindi ko sila maintindihan! Buti na lang tumanggi ako maging isa sa kanila. Mukhang napaka bigat ng mga trabaho ng mga taong iyon.
Marami na rin akong narinig na balita ng mga nag pakamatay na miyembro ng Round Table. Nagulat nga ako nang malaman na itong si Zerija ay kasali rin pala. Anong binabalak niya? She’s too complicated for me to guess.
Nakakainis rin ang imbentor ng sefrez! Kapag kumalat yan sa market, pwede mo ng paglaruan ang pag iisip mo! Malaking kaguluhan yan pag nagkataon. Hindi mo na alam kung ano ang iyong paniniwalaan.
Zerija, ano ang balak mo? Saka bakit sinasama mo rito si Cirin? Kapag may ginawa ka sa kaniya,
Kahit ikaw pa ang Domina…hindi kita mapapatawad.
Hanggang sa may sumulpot na lang na taong balot ng itim na kasuotan sa unahan ko.
Mission no. 58 huh. Kelan kaya ito matatapos?
May ibinigay sa aking itim na sobre yung tao. Binuksan ko ito at kaagad na binasa ang bago kong misyon.
So balik na naman sa dati.
Ang weird ng mission no. 57 ko. Iba siya compared doon sa mga nauna at sa ngayon. Pero pasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nakita ko si Cirin. Pero natatakot rin ako at the same time.
Nakalagay mismo ang pangalan niya sa misyong iyon which means na nakatuon ang attensyon ng organisasyon sa mga kilos niya. Idagdag mo pa na nasa tabi niya ang Domina.
Napanag inipan na kaya niya?
Ewan ko kung masama o mabuti ang panag inip na iyon. Pero iyon ay isang mensahe mismo na nanggaling sa Neuron. Ginamit nila kay Cirin ang Dream Maker. Isang high tech machine na kayang imanipulate ang panag inip ng tao.
Pero kung ano man ang nilalaman ng panag inip na iyon,
Sigurado kong may masama silang intensyon.
I hope she will be alright.
“No. 41, pinadalhan ka ng bagong damit. Ito na ang isuot mo simula ngayon.” sabi sa akin ng taong nakaitim na nasa harapan ko,
Kinuha ko naman yung damit na iniabot niya,
Ang mga damit na ito…
Symbolizes death.
“Thanks. Pakisabi na papunta na ako sa lugar na ito. I will eliminate this after 4 hours from now on. Pakibigay na lang ulit sa akin yung kasunod na misyon pagkatapos, assassin no. 38.”
“Roger!” sagot sa akin nung assassin at kaagad na nagteleport papalayo.
Naiwan akong nakatitig doon sa hawak kong itim na damit at napaisip muli na…
This is a costume of death.
I become one without knowing.
Sorry Cirin. I lied.
Wala talaga akong spell, hindi dahil sa hindi ako pumapatay. Ang totoo nga niyan marami na akong napatay. Nakapatay na ako ng maraming tao, at papatay pa ako ng mas marami in the future.
Hindi lang talaga para sa amin ang spell command dahil…
Hindi ako katulad mo o katulad ng ibang user…
Sapagkat ako ay isang…
Assassin.