CARL A gloom too strong spread it’s fingers and reached out to Carl. Literal niyang nasaksihan ang pag-andap ng buhay sa mga mata ni Luc. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may bigat na dumagan sa dibdib niya. At sa isang iglap, tuluyang nawala ang ano mang bahid ng buhay sa mga mata ni Luc, na para bang apoy na binuhusan ng tubig. She spooned her ice cream almost absent-minded, bringing it to her mouth. May naiwang bakas ng sorbetes sa gilid ng labi ng dalaga. And the sight of the melting ice cream in the corner of her mouth tempted him. Kaya kusang kumilos ang kamay niya at pinahid ‘yon. Natigilan si Luc, mukhang nagulat din sa ginawa niya. Kahit naman siya ay hindi niya maintindihan kung ano ang sumapi sa kanya kaya niya nagawa ‘yon. “Para kang bata kung kumain,” komento ni Carl. Aw