bc

Husband for Hire: Carl Iago Dela Paz (The Driver Mechanic)

book_age18+
997
FOLLOW
3.8K
READ
contract marriage
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
city
like
intro-logo
Blurb

She was nothing but a last assignment for Carl Iago Dela Paz, aka Jiro Amar. Sa walong taon niya sa RnJ Services, panghuli na niyang kliyente si Naia Lucresia Santocildes, ang tagapagmana ng higanteng Ethos Mining and Steel Corporation. Bulag ang babae at eccentric ang dating, dahil siguro isa itong alagad ng sining. Luke has been partially blind for two years following her parents' death in a car accident. Prior to her accident, she was a well-known painter and sculptor, celebrated in the local and international art scene.

Noon una, nahirapan siya sa babae dahil hindi ito nagre-react kahit anong gawin niya. But they became friends eventually. And something more Jiro knew could jeopardize him and his retirement plans. Pero sadyang may sayad ang tadhana. Sa huling gabi nilang dalawa, pareho nilang nalabag ang patakarang inilatag ng RnJ. He left the next day to face the consequences on his own.

Naparusahan man ay natuloy ang retirement ni Jiro. Dahil wala nang kontratang nagtatali sa kanya sa RnJ, malaya na siyang gawin ang ano mang gusto. But then there's Camille who needs his attention and the baby. Kailangan niyang mamili. Because there's Luke again appearing like a goddess' apparition, with the fire and determination in her eyes which has the power to bring him to his knees.

His Luc. Steely and so achingly beautiful. She was beauty and madness personified, and regretfully off-limits.

chap-preview
Free preview
Naia Lucresia Santocildes
LUC Darkness has become her friend. Noong una, nag-iiyak pa siya nang magkakilala sila. But now? It’s comforting. And she looks forward to finally being with it totally. May sagabal lang. Sobrang laki. Walang iba kundi ang Uncle Jaime niya. The first time she decided to embrace the total darkness, it was Jaime who stopped her. Since then, Jaime always made sure she’s supervised. Kung hindi lang sa tigas ng pagpoprotesta niya ay gusto pa nitong samahan siya ng private nurse sa loob ng kuwarto. Kung hindi pa niya pinagbantaan ang tiyuhin na hindi siya titigil sa pagtatangka ay hindi ito papayag. At this point, they both reached an impasse. But Luc believes she’ll have her way sooner or later. Hindi habang-buhay ay nakabantay sa kanya si Jaime. Pasasaan ba at makakalingat din ito. At ‘yon ang sasamantalahin niya. Sa ngayon ay magtitiis na muna siya. Kaya niyang maghintay hanggang sa makalaya siya nang tuluyan sa kalungkutang naging kulungan niya sa loob ng dalawang taon. Nag-angat ng tingin si Jaime. Halata sa mga mata nito ang disapproval sa inaasal ng pamangkin na tahimik lang na kumakain. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para magbago ang isip nito? Luc is the only one left to him. Hindi siya makakapayag na pati ang huling kadugo niya ay sumunod sa mga magulang nito. “Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Luc?” untag ng tiyuhin sa dalaga. “I heard you loud and clear, uncle. ‘Wag kayong paulit-ulit. Sobrang layo niyo pa sa ulyanin age,” matabang na sagot ni Luc. “Since naririnig mo naman pala ako, naghihintay ako ng sagot mo.” She dropped her utensils. Kumalansing ang magkasamang kutsara’t tinidor nang sabay itong tumama sa plato niya. One even slid off the table and landed on the tiled floor. Kung ano man sa dalawa ang nahulog ay hindi na niya pinagkaabalahang alamin. She won’t get down on her knees and feel the floor for that fallen utensils. “Bahala na ho kayo,” matabang na sabi ni Luc. Maingat niyang dinama ng mga daliri ang mesang gawa sa salamin. Malamig sa pandama ang materyal na hindi nakapagtataka dahil malamig naman talaga sa Tagaytay. She knew somewhere on her right there sat her glass of lukewarm water. True enough, her fingers bumped on the said glass. Dinampot ‘yon ni Luc at saka uminom. Napakurap siya, sinusubukang sanayin ang mga mata sa unti-unting pagbabalik ng liwanag sa paningin. Things came to her in blurry focus, giving her a semblance of clarity of how things are. Her uncle’s blurry figure sat across her. Kung maayos niyang nakikita ang tiyuhin ay sigurado siyang nag-aaway na ang perpektong mga kilay nito. That’s the classic Jaime Santocildes’ look whenever his patience is dangerously thinning. Pero kahit kailan ay hindi siya nakadama ng takot sa tiyuhin, anoman ang maging bukas ng mukha ni Jaime. Somehow, it comforts her in some twisted way. At least, may isa pa sa kanila ang enthusiastic mabuhay. Because she’s tired of her life. There is nothing left for her to live for. “Wala ka man lang bang ibang reaksyon maliban diyan, Luc? You love children and it’s your yearly tradition to visit orphanages and spend time with them. Halos thirty percent ng kinikita mo, sa kanila napupunta.” “You can give away all my money to them if you want, uncle. And spare some for the stray dog shelters across the metro,” dagdag pa niya na walang pagbabago sa tono ng boses. Mahilig siya sa aso. Pero sa lagay niya ngayon, wala siyang kakayahang mag-alaga. Sarili nga niya hindi niya maasikaso. “And your eyes,” dagdag ni Jaime na para bang walang narinig sa hayagang pang-aasar ng pamangkin. “My eyes are my business. Stay out of it.” “How can you say that? Baka nakakalimutan mong habang tumatagal ay palala nang palala ang kondisyon ng mga ‘yan? Aminin mong mas mahaba na ngayon ang periods kung saan wala kang nakikita.” You don’t need eyes when you’re dead. Pero hindi niya ‘yon isinaboses. Jaime would fly off the handle once she does that. Ilang beses na ba nilang pinagtalunan ‘yon? It’s her life and she has the final say what to do with it. Kontrabida lang talaga itong tiyuhin niya. “I want her fired,” she said instead. Kahit hindi na siya mag-elaborate ay alam niyang nakuha na ni Jaime kung sino ang tinutukoy niya. That damned nurse! Una pa lang talagang mabigat na ang loob niya kay Zenia. Hindi ito marunong sumunod sa simpleng instruction. Palibhasa nagpapa-impress kay Jaime. Nakalimutan na yata ng nurse na galing sa kanya ang perang sinasahod nito tuwing akinse at katapusan ng buwan. “Luc, Zenia is just doing her job. Responsibilidad niyang i-monitor ang kalagayan mo, pati na ang siguruhing maayos ka. She’s just doing what you’re paying her for,” katuwiran ni Jaime. “Exactly, uncle. Binabayaran ko siya para asikasuhin ako, hindi upang itsismis ang kalagayan ko sa inyo. Wala rin sa job description niya ang magpa-cute sa ‘yo.” Tumayo na siya. Wala na siyang gana. Maita, her other nurse, handed Luc the walking stick. Hindi na siya nagpaalam sa tiyuhin. “Maita, take care of her until such time na makahanap ako ng ipapalit kay Zenia. Please stay with her until then,” bilin ni Jaime kay Maita. “Walang problema, sir. Itatawag ko na lang ho sa bahay na hindi muna ako makakauwi pansamantala.” “Thanks. I’ll double your rate.” “Maita! Gusto kong bumaba sa garden,” tawag ni Luc. “And call Zenia. Kamo ‘wag na siyang bumalik. Ayaw kong maamoy ang pabango niya sa bahay ko. Have someone pack her belongings. Doon niya kamo kunin sa guard ang mga gamit niya.” Hindi siya likas na masungit pero nag-iinit talaga ang ulo niya ngayon kay Zenia. “Y-Yes, Ma’am.” Sinamahan nga siya ni Maita sa garden. Alam ng lahat sa buong kabahayan na ayaw niyang inaalalayan siya na parang inutil. Kaya nakaabang lang sa kanya si Maita sa tabi niya. Paminsan-minsan ay umaalalay sa kanya si Maita. Kaya mas madalang niyang sungitan ang beinte kuwatro anyos na babae kumpara sa kasama nitong nurse na si Zenia. And Zenia has other agenda other than working as her nurse. Lumalandi ang hitad sa Uncle Jaime niya. Napaismid siya. As if her Uncle Jaime would give Zenia even a passing glance. Hindi niya alam kung saan kumuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob ang babae para puntiryahin si Jaime. Jaime was fifteen when Luc was born. Lumaki siyang malapit sa tiyuhin kahit pa malaki ang agwat ng edad nila. Jaime is her father’s only sibling. Hindi pinalad na madagdagan ang ama at tiyuhin dahil mahina ang puso ng lola niyang si Esmeralda. Sadly, both her grandparents passed away when Luc was seven. Looking at the blurry yellow roses in the garden, it reminded her of her mother. Paborito kasi ‘yon ng ina. Naalala rin niyang sa tuwing nagigising siya sa umaga ay mabubungaran niyang may nakapatong na isang pinitas na rosas sa dresser niya. Luc would wear that same flower on her ear when she comes down for breakfast with her family. And her mother would always compliment her. Tapos aasarin siya ni Jaime. She always wear her hair short like a boy. Ayaw niya kasi sa mahabang buhok dahil sagabal sa pagpipinta niya o sa paglililok. Her mother would defend her against Jaime’s bullying then. Laging sinasabi sa kanya ng ina na maganda siya, maiksi man o mahaba ang buhok, at bagay na bagay sa kanya ang nakaipit na rosas sa tainga. Her father would then kiss her cheek. Joaquin would whisper promises that he always fulfills no matter how busy he gets. At lahat ng bagay sa mundo niya ay maayos, masaya at maaliwalas sa tuwing kasama niya ang mga magulang. Makakalimutan niya ang pang-aasar ni Jaime at buo na ulit ang self-confidence niya sa tuwina. Then she’d be inspired to create something beautiful, be it on canvass or stone. Her blurry vision clouded once more. Namalayan na lang ni Luc na pumatak na pala ang luha sa mga mata niya. Nag-uunahan ang mga ‘yon na naglandas sa kanyang maputlang pisngi, para bang nagpapaligsahan. Napasigok ang dalaga, ramdam ang masakit na bara na namuo sa lalamunan. Two years. It has been two years since her parents left her. But time failed to numb the pain. Masakit pa rin. Dalawang taon na pero parang kahapon lang nang tuluyang bawiin sa kanya ang mga magulang. Kasama nilang nawala ang lahat ng liwanag, kulay at saya sa buhay ni Luc. Now she’s nothing but an empty husk of an orphaned daughter and a useless niece to her Uncle Jaime.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
429.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
524.8K
bc

Reckless Hearts

read
258.8K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
277.9K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
239.9K
bc

Marrying My Fiancee

read
462.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook