Chapter 8

1370 Words
HEAVEN Friday morning, the sun is early to rise, agad akong nagising dahil sa sikat nito. Napaungol ako sa sakit ng aking ulo dahil uminom ako kagabi kasama ang aking mga empleyado. Ilang minuto pa bago ako tuluyang bumaba sa aking kama at tumungo sa banyo upang maligo. Mamayang alas-deis pa naman ang pagsundo ko sa aking bestfriend sa terminal kaya may oras pa akong mag-ayos at gawin ang morning routine ko. "Magandang umaga, Miss Heaven!" bati sa akin ng aking kasambahay. "Magandang umaga, Claire. Umalis na sa si Ariel?" bati ko sabay tanong sa kanya. Umupo ako sa mesa at nagtempla ng paborito kong kape. "Mahigit isang oras na po siyang umalis, Miss," sagot ni Claire kaya napatango ako. "Salamat, Claire. Kumain ka na ba? Sabayan mo ako." Nahihiya siyang umiling sa akin. "Kumain na po ako, Miss. Salamat na lang po." "Mabuti naman kung ganoon. Basta huwag kang mahiyang kumain ng gusto mo ha." "Opo, Miss. Salamat." "Okay na ba ang kwarto ni Dianna, Claire?" "Opo, Miss. Lalagyan ko na lang ng paborito niyang bulaklak iyon mamaya." Napatango lang ako at ngumiti sa kanya. Sa bahay ng parents ko talaga nagtatrabaho si Claire ngunit pinapadala sya ng aking ina dito sa bahay ko kapag narito ako. Hindi nagtagal narinig ko ang ugong ng aking kotse na papasok sa garahe, napangiti ako ng malapad dahil namiss ko ng sakyan ang aking paboritong kotse. Nginitian ko si Ariel nang pumasok ito sa kusina at ibinigay sa akin ang susi ng kotse. "Thanks, Ariel! How's my baby?" "Still in good condition. Nagpachange oil lang ako at nagpagasolina. She's ready to go na," sagot niya habang nagtitempla ng kanyang kape. "Good to hear that. Can't wait na sunduin si Dianna gamit ang baby ko," excited kong sabi. Napailing si Ariel sa akin. "Just be careful when you drive, Heav. May pagkareckless ka pa naman kung makahawak ng manibela. Malalagot na naman kami kay Rafael at Miguel niyan eh." Napangisi lang ako kay Ariel habang patuloy sa pagkain. "Did you see your stunt last night at the bar? It was gaining a lot of views and hateful comments for your nemesis." Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Ariel. Napataas din ang aking kilay sa kanyang sinabi. "May natira pa rin talaga sa mga nai-delete nyo na?" "We are not that expert to delete all those copies, babe. You really have to ask for Miguel's help when it comes to that," sagot ni Ariel. "So far, your fans is more outrageous sa ginawa ni Gladys sayo." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Ariel. "Do you have a choice? Hayaan mo kausapin ko na lang si Miguel mamaya. Si Edward ba hindi makagawa niyan?" Pinaningkitan ako ng tingin ni Ariel. "Istorbohon mo na naman ang tao eh halos marami na ngang trabaho iyon kaysa kay Miguel. Alam mo naman kung gaano ka workoholic ang kaibigan mo." Ang tinutukoy ko ang pinsan ni Miguel na si Edward Mondragon at head ng Beta Department ng CSA. Kababata ko talaga ito tulad ni Jake. Saktong pumasok si Kuya Eric at umupo sa tabi ni Ariel. "What are your plans today, Heav?" "So far, ang una kung gagawin ay sunduin si Dianna sa terminal. After that, hindi ko alam kung ano ang magiging plano namin. I will inform you again kapag may plano kami after lunch date naming magbest friend, before facing Miguel at his office in CSA," tanging sagot ko. Hindi ko kasi alam kung sino pa sa mga kaibigan namin nina kuya Rafael ang sumama na lumuwas dito sa lungsod mula sa RdA Island. "Sure, Heav. Make sure to tell Miguel the truth. Alam kong may ideya na sila sa nangyari kagabi sa bar," sagot ni Kuya Eric. "Opo, kuya," sagot ko at pinagpatuloy ang aming pagkain. Makalipas ang kalahating oras, bumaba ako sa aking kwarto na nakabihis na at handa ng magbyahe papunta sa terminal. Excited akong pumunta sa kung saan nakapark ang aking Lexus RX350. Iniregalo ito ng aking ama noong ako ay fifteen years old pa lang noong natutu akong magdrive. Bumili din ako ng ilan pangsasakyan mula nang lumago ang negosyo ko pero ang pinakapaborito ko ay ang aking Lexus RX350. "Be careful when you drive, Heav," muling paalala sa akin ni kuya Eric. "I will, kuya," sagot ko bago tuluyang pumasok sa aking kotse. "I miss you baby!" tugon ko habang hinihimas ang manibela. I insert the key in the keyhole making the ingine to ignite. Napapikit ako sa ganda ng tunog ng makina nito. Napangiti ako ng malapad at tuluyang pinaandar ang aking kotse palabas ng aking garahe patungo sa terminal. I saw the car of my security personnel following me behind. I'm trying to act normal now that I'm here in the Philippines even though in the back of my mind naroon ang takot at pag-aalala sa nangyari doon sa Hawaii. Hindi ko pa rin mapigilang manginig ng bilang pumasok sa alaala ko ang pagbabanta ng stalker na iyon. Given that I am beautiful pero hindi dahilan iyon para maobsess siya sa akin dahil marami namang babae ang nakakahigit sa ganda ko at patunoy na noon ang mga naging karelasyon niya. Sa lalim ng aking pag-iisip hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa Luisa Airlines Terminal. Ipinakita ko sa guard ang aking ID para makapasok ako sa tarmac upang doon hintayin ang paghinto ng private plane ni kuya Rafael, na siyang sinasakyan nila mula sa RdA Island. Nakita kong nakaparada na rin ang ilang sasakyan sa tabi ng tarmac, isa na doon ang sasakyan ni kuya at maging ang kay Miguel ay naroon din. I park my car in the available space next to the cars and turn off the engine. Lumabas ako sa aking kotse at humilig sa pintuan nito. Hindi nagtagal nakita ko na paparating na rin ang private plane ni kuya. Kung saan kami nakapwesto ay doon talaga ito huminto at ilang minuto ang lumipas tuluyan ng bumukas ang pintuan ng eroplano. Napangiti ako ng malapad ng makita ko Dianna na pababa ng hagdan papunta sa aking pwesto, agad kaming nagbalitaan at nagyakapan na dalawa. I miss my bestfriend. "I miss you, sissy!" masayang sabi Dianna sa akin sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at hinalikan sa kanyang pisngi bago bumitaw sa kanya upang salubungin ang mga binatang excited akong mayakap. Tsk! As if, they are only my cousin, my friends and of course my belove brother. "Glad to see you again, Princess!" sabi ni Craig sabay yakap at halik sa aking noo. "Me too, couz!" sagot ko sabay halik sa kanyang pisngi. "See you tonight everyone. Mauna na ako!" nagmamadaling sabi ni Craig. Ang loko mabilis nagpaalam sa amin at nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan. Bago pa man ako makatanong sa kanila. Isang asungot na naman ang yumakap sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. He playfully glare at me na sinukliaan ko lang pagtaas ng kilay ko sa kanya. "You owe me a lunch, Princess, and Jake too." "Fine. Kasama kayo mamaya sa lunch date naming magbestfriend, at ibig sabihin noon libre ang pagkain namin," nagakangising tugon ko. May balak kasi kaming maglunch date nina Dianna at Shera ngayon kaya kung gusto nilang sumama, dapat sila ang manlibre sa amin. Mabawasan man lang ang kayamanan nila para sa akin. "What? Ikaw nga ang dapat na manlibre kasi ikaw ang may utang sa amin eh," madramang sagot ni Aidan sa akin ngunit lalo lang akong ngumisi sa kanya. "You're such a gentleman, Doc. Thank you!" pinal kong sabi sabay kindat sa kanya. Napatingin ako sa kanyang likuran at nakita ko si Kuya Arnold na papalapit sa akin kaya sinalubong ko siya at yumakap sa kanyang bewang. I feel him stiffen for a second before he relax and hug me back. "Hello, kuya Arnold! Alam kong gentleman ka din kaya may favor sana akong hihilingin sa iyo," malabing kong sabi sa kanya. Napatingala ako upang tingnan ang kanyang reaksyon ngunit tanging pagtaas lang ng kanyang kaliwang kilay ang ginawa niya. Mukhang hindi na ito nagulat sa sinabi ko. "I miss you too, firefly." hinalikan niya ako sa noo at niyakap lalo. "What did you do this time?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD