Chapter 7

1332 Words
Chapter 7 HEAVEN Minsan sa buhay natin hindi natin maiwasang magkaroon ng kaaway, lalo na noong kabataan natin, manatiling parte na lamang ng kabataan natin. Sadly, hindi nangyari ito sa akin dahil hanggang sa pagtanda namin magkaaway pa rin kami. Mula pagkabata hanggang ngayon iisa lang mortal kong kaaway, dahil wala itong ginawa kundi ang awayin ako kahit napakababaw na dahilan na minsan ay humahantong sa sabunutan. The worst thing I did to her sa sobrang inis ko ay sunugin ang kanyang buhok noong kami ay nasa Grade-seven, na naging dahilan para i-transfer ako ng aking mga magulang sa boarding school doon sa France. Na siyang dahilan kaya nakilala ko ang aking best friend and soon to be sister in law, Dianna, kung magustuhan din siya ng aking panganay na kapatid. Gladys Ann Singson is my enemy number one sa babae. Walang pagkikita namin na hindi kami nagpapalitan ng maaahanghang na salita. She always gave me a reason to fight back, and us end up into catfight, at pagpyestahan infront of social media. Hindi nito kasi matanggap-tanggap na magawa ko siyang higitan. Not that I'm competing with her, sadyang bitter lang siya sa buhay kaya palagi ako inaaway. "Thank you, b***h. Kaya kung ayaw mong makulam kita, get lost at baka gawin pa kitang pangit na palaka," mataray kong sabi sa kanya. Iwan ko ba sa babaeng ito, hindi ko na nga siya pinapansin pero siya pa rin itong lapit ng lapit sa akin para awayin ako at kung labanan ko siya, siya pa itong may ganang magalit. "What do you want, gladiator?" Matalim niya akong tiningnan kaya napangisi lang ako. Bumaling ang kanyang atensyong sa aking mga kasama at napataas ang kanyang mga kilay. "Wala ka na talagang makitang kaibigan at mababang empleyado na lang ang nakakasama ko. Then again I'm not surprise, sa alta-sociodad walang gustong maging kaibigan ka." Malamig na tingin lang ang iginawad ng aking mga tauhan sa kanya. Hindi na sila naapektuhan sa sinasabi nito dahil alam nila kung gaano kasama ang ugali ng babaeng ito. Napaismid ako sa sinabi ni Gladys. "Ganoon ba, kaya pala hanggang ngayon succesfull ang aking negosyo dahil sa rason na sinasabi mo. Sabagay, ang kaibigan ko kasi hindi mo magawang kaibiganin paano alam na alam nila ang likaw ng bituka mo. Kung makaasta ka kasi akala mo ikaw na ang pinakasikat na model sa larangan ng modelling. Tsk! Ni hindi ka nga naging model ng sikat na clothing line ko eh." "Shut up, b***h! Kasit kailan hindi ako magiging model mo at never akong bibili sa cheap mong products!" mataray na sagot ni Gladys sa akin. "Your loss!" kibit-balikat kong sabi sabay talikod sa kanya at ipinagpatuloy ang pagsasayaw kasama ang aking mga empleyado. "Hey, b***h! I'm still talking to you!" galit na sigaw sa'kin ni Gladys sabay hablot sa aking balikat para harapin siya. Iwinaksi ko ang kanyang kamay sa aking balikat at hinarap siya sabay tapon ng matalim na tingin sa kanya at sa kanyang tatlong anino. "We are done talking, Gladys. Sawa na ako makipag-usap sa walang kwentang bagay sa iyo para kang sirang plaka. Grow up! Not everything revolves around you." Isang malakas na tunog ang narinig sa kinatatayuan namin kaya nagulat akong napatayo ng maayos ngunit unti-unting nagbago ang aking ekspresyon. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa lakas ng pagkasampal niya at ang pagmamanhid nito dahil sa impact. Nakarinig ako ng malakas na singhap sa paligid pero naging bingi ako ng ilang segundo. Nagulat din ang aking mga kasamahan at ilan sa mga taong nasa paligid namin na noon ay nakikinig. 'Oh, s**t!' 'She's dead!' 'Did she just slap, Heaven?' 'Double s**t, b***h!' Iyan ang ilan sa mga naririnig ko sa aking paligid ngunit nanatiling nakatutok ang aking mata sa babaeng malakas ang loob na sampalin ako ng walang anu-ano. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. I give her a credit, hindi man lang siya natinag, nanatili itong nakatayo sa kanyang kinatatayuan naghihintay sa aking gagawin. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit niya ako sinampal kaya sa aking inis hindi ko napigilan ang aking kamay na suntukin siya. Napatili ang mga alipores ni Gladys ng tumama ang aking kamao sa mukha ng kanilang kaibigan habang si Gladys ay napapahid sa dugong nagmula sa kanyang pumutok na labi bago ako tiningnan ng masama. "Wala ka talagang kadala-dala, Gladys, at kapag pinatulan kita, umaakto kang ikaw pa ang biktima. Hit me again at sisiguraduhin ko na manghiram ka ng mukha sa aso," pagbabanta ko. Pakiramdam ko nanginginig ang aking katawan sa galit sa kanya. Buong pagkamuhi niya akong tiningnan at parang toro siyang sumalakay sa akin kaya wala akong magawa kundi i-defend ang sarili ko. Halos nawalan ako ng hininga ng tumama ang matigas na ulo ni Gladys sa aking sikmura. Sa aking inis hinatak ko ang kanyang ulo gamit ang kanyang buhok. Gigil ko siyang sinabunotan at tinulak palayo sa akin ng ilang ulit dahil bumabalik pa rin ito sa'kin. Mabilis siyang pinigilan ng kanyang mga alipores bago pa man siya muling makalapit sa akin nang itinulak ko siya ng malakas. Gulung-gulo na ang buhok nito dahil sa aking pagsabunot sa kanya, habang ako naman ay hingal na hingal dahil sa ilang beses na din na inuntog ni Gladys ang kanyang ulo sa aking sikmura. I compose myself and nod to my employers when they ask me if I'm okay. Pumagitna sa amin ang aking mga security personnel at ang bouncer ng bar na kinuha sa gitna ng dance floor si Gladys para paalisin sa bar. Saka ko lang namalayan na wala ng music na tumutugtog at lahat ng mga nasa bar ay nakatutok ang atensyon sa amin, maging ang kanilang mga cellphone. Lihim akong napamura ng makita ang kanilang mga cellphone dahil iisa lang ang ibig sabihin nito, another scandal for the press na pagpyestahan. "Tapos na ang palabas!" malamig na sabi ni Kuya Eric sa mga taong naroon bago ako inakbayan at dinala sa aming VIP room. "How did this happened?" Nagkibit balikat lang ako kasi maging ako ay nabigla sa naging behaviour ni Gladys ng bigla niya akong sampalin out of no where. Mababaw na dahilan ang sampalin ako dahil sa pang-iinsulto ko sa kanya ng ganoon, minsan nga mas matalim pa roon ang salitan namin ng salita eh. "Thank you!" sabi ko kay Patricia ng inabutan niya ako ng baso ng whiskey na maraming yelo. I press the cold glass in my swollen cheek at napangiwi ng nakaramdam ako ng hapdi. Tahimik akong nakikinig sa paliwanag ng aking mga kasamahan sa nangyari kina Kuya Eric. Nasa mukha din nila ang hindi pagkapaniwala sa naging takbo ng sitwasyon kanina. "Well, we can't do anything about it anymore. Nakapost na ang nangyari sa social media, at ilang minuto pa lang itong naupload ay umani na ito ng libo-libong views at comments," napabuntong hininga na sabi ni Ariel sabay abot sa akin ng kanyang cellphone upang ipakita ng scene na inupload ng mga nakasaksi sa ilang website. "Tanging sina Miguel na lang ang makakatanggal nito sa mga site, Heav. Good thing, walang balak magreklamo si Gladys sa nangyari." "Bakit naman siya magrereklamo, eh siya naman itong unang nagbuhat ng kanyang kamay sa akin," rason ko. " Not that I'm afraid if she will." Napatingin ako sa aking mga kasamahan. "Sorry, guys, I ruin our night." "Wala kang dapat ikahingi ng sorry, miss Heav, hindi naman ikaw ang sumira ng ating gabi at isa pa maaga pa naman eh. We can still enjoy more dahil wala na rin ang asungot pero okay lang po, miss Heav, kung uuwi na tayo," tugon ng aking fashion expert. Napatango naman ang iba bilang sang-ayon. Napangiti naman ako sa kanilang reaksyon. "Then let's enjoy more, guys," masaya kong sabi sa kanila. Napangisi ako sa aking mga security personnel dahil hindi nila ako mapauwi ng maaga sa desisyon ng aking mga kasama. Napailing na lang sila at nagpaalam na babalik sa kanilang pwesto. "Drinks, guys. Sky is the limit!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD