Chapter 9

1704 Words
HEAVEN Napanguso ako sa sinabi ni kuya Arnold. Naku! Kung magaling lang ako na hacker hindi ko na kailangan ang tulong nila ngunit I only know enough unlike them that they can hack any system they wanted kung gustuhin nila. "Yeah, Princess, what it is this time?" I playfully glare at Aiden. Dumagdag pa ang kaibigan ko na una pa nga nagmessage sa kanya kanina dahil nakita nila agad ang viral video ko kagabi, ang masama pa ipinasa nito sa akin at nakita ko na edited na ang lumalaganap na video na iyon. "Yeah. Tell us!" Napasilip ako sa nagsalita at napakagat labi nang makita ko ang aking kuya Rafael na nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib habang naghihintay ng aking sagot. Napasulyap din ako sa katabi nito, tulad ni kuya naghihintay din si Miguel sa magiging sagot ko at blanko lang na nakatingin sa amin ni kuya Arnold. I dramatically sighed. "Can we talk about this in Chameleon after lunch? This is not the place to say it." Syempre kailangan ko maghanda sa sasabihin ko mamaya dahil siguradong ulanin nila ako mamaya ng tanong, lalo na itong si Miguel na lahat na lang yata ng galaw ko ay mali, kaya ang sarap niyang asarin kaso nagkataon lang na lapitin ako ng malas kapag ang bruhilda na Gladys ang nasa lugar kung saan ako. Hindi talaga maiwasan na mag-abot kaming dalawa kahit umiiwas ako. Nabuntong hininga si kuya Rafael. "Fine. You better tell us that you didn't start it again, sis. We can't always cover your mischief." "Of course not. I only did things once I'm provoked," rason ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Napatango si kuya Rafael at lumapit sa akin para halikan ako sa noo. "See you later then." Naglakad si kuya patungo sa kanyang sasakyan kasama si kuya Arnold kasunod nila si Miguel. "Miguel!" di ko maiwasang tawagan ito. "Brat!" tugon niya sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Naiinis talaga ako kapag tinatawag niyang brat kahit hindi naman ako ganoon, tapos nagpaalam siya sa aking best friend na parang walang nangyari. Isang araw makaganti din ako sa lalakeng iyon. "See you at Collin's restaurant, ladies," paalaala ni Aiden bago umalis. Napatango lang kami ni Dianna at naghanda na rin sa pag-alis. "Let's go, sissy. Ihatid muna natin sa bahay ko ang bagahe mo bago natin sunduin si SJ para mananghaliaan kasama ang mga kolokoy na 'yon," tugon ko sa aking kaibigan at sumakay sa aking sasakyan. Hinintay ko siyang makasakay bago pinaandar ang makina at tuluyang umalis sa tarmac ng Luisa Airlines. Forty-eight minutes later, pumasok kami sa Angel's Haven Subdivision at dumeretso ako sa aking bahay. Napasulyap ako sa aking side mirror at nakita kong nakasunod lang ang sasakyan nina kuya Ariel sa likuran ko. Agad na lumabas si Claire para batiin si Dianna at tulungan siya sa kanyang mga bagahe. "I'll be in the living room, sissy. Tawagan ko muna si Shera kung nakahanda na siya," sabi ko kay Dianna habang kinukuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag upang tawagan ang aming best friend sa kabilang bahay. "Okay, sis. I'll be quick," sagot ni Dianna at tuloy-tuloy na umakyat sa taas ng bahay. Hinintay ko na sagutin ni Shera ang aking tawag. "Hi, sis! Handa ka na ba? Narito na si Di kaya daanan ka na lang namin after few minutes." "Hi, Heav! I'm coming but Rence is joining us too," tugon nito. I imagine her pouting and glaring at her husband in the other line. "Urgh! Why do they have to join us, it supposes to be ladies' day out eh." "I know, kaya lang parang linta din kung makadikit itong pinsan mo, daig pa ang anak niya kung umasta minsan eh," tugon naman ni Shera. Nasa boses nito ang pang-aasar kay Lawrence. Naririnig ko ang pagtanggi ng aking pinsan sa tabi ni Shera. Napailing lang ako dahil kung makaasta ang mga ito ay parang magbarkada lang kapag wala si Renzo sa kanilang tabi. "Masanay ka na lang, sis lalo na at asawa mo na yan." Sila ang mag-asawa ng ilang taon na walang kanuwang-nuwang na mag-asawa sila dahil sa kagagawan ko. Kitang-kita ko noon sa mga mata ng pinsang kong si Lawrence ang intensyon na sakalin ako for deceiving them. At sinisi pa ako na sana sinabi ko sa kanya na asawa nito si Shera at kung saan siya nakatira. Lalo lang siyang naasar sa'kin nang magkibit-balikat lang ako at sinabi na may limitasyon din naman ang manipulasyon ko. "See you at the restaurant, sis, hinihintay ko pa si Dianna na bumaba para makaalis na rin kami." "Sure, Heav. We'll be going now," sagot ni Shera kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Knowing na matagalan pa si Dianna sa kanyang kwarto, I decide to open the television and watch some random fashion show. We have an incoming show in Italy and I'm looking forward to seeing the creation of my junior designers. I want them to have an opportunity to show off their talents to the world. After an eternity of watching... I mean few minutes, I heard the sound of Dianna's footsteps on the stairs kaya napalingon ako. "Ready to leave?" tanong ko sa kanya at napatango ito kaya pinatay ko na ang tv para muli kaming makaalis. Ipinaalam ko sa kanya na nauna na si Shera sa restaurant kasama si Lawrence. I also informed her that my parents are expecting her on our family dinner tonight. Gusto siyang makausap ni papa, which I already have an idea why. At habang sa byahe we continue to talk about what we left off. Wala akong tinatago sa aking best friend kaya aware siya sa mga nangyayari sa akin kahit malayo kami sa isa't isa. "That sucks! Sana magkaroon nang news sa CSA kung sino ba talaga ang lalakeng iyon. Napatayo talaga ang balahibo ko noong malaman ko ang ginawa niya sa kaibigan mo. We dont know kung ano pa ang kaya niyang gawin, lalo na sa iyo oras na makuha ka niya." Napangiti ako sa boses ng aking kaibigan, the concern she feels for my safety at sa accent niya habang nagsasalita ng tagalog. No one would believe kapag tinanong nila kung half-pinay si Dianna at sinagot namin na hindi dahil ang galing nito magsalita ng tagalog. Syempre magaling ang guro niya, which is me. "Iyan nga ang kinakatakutan kong mangyari but I'm trying to put on my brave face right now and go on with my normal life. Ayaw kong magpaapekto sa nangyari sa'kin doon sa Hawaii," matapang na tugon ko kay Dianna. "That's what I love and admire about you, sis. Matapang mo na hinaharap ang problema at hindi ka takot na magpatuloy sa iyong buhay. I wish I have that courage," masuyong saad ni Dianna. Masuyo ko siyang nginitian dahil iyan lang talaga ang magawa kong gawin, I understand her situation and I've been with her throughout the years she struggles, supporting her. "You are strong too, Di. You survive those years with your evil madrasta and step-sister at nagawa mo na tumayo sa sarili mo na desisyon laban sa kagustohan ng iyong ama kaya ipagpatuloy mo lang ito at sinisigurado ko na at the end of this ikaw ang magwawagi," I honestly said. Malakas ang kanyang loob na suwayin ang kanyang ama ay ipaglaban ang kanyang karapatan na magkaroon ng malayang desisyon sa kanyang sarili. And I will always be there to support my best friend. HIndi namin namalayan nakarating na kami sa Collin's Restaurant na pag-aari ng pinsan ni Alvin at isa rin sa RDA members. Agad kaming sinalubong ng magiliw na hostess at dinala sa room kung saan naroon na ang iba pa naming kaibigan. Mabilis kong niyakap si Shera dahil miss ko na rin ang kaibigan ko. Dahil sa may kanya-kanya na kaming kinaabalahan ngayon madalang na lang kaming magkasama, but I did my best na makauwi palagi para makabonding sila. "Excited talaga ako sa pagdating ng triplets. Looking at Lianna sometimes makes me wonder how could she carry three people in her womb. Mahirap paniwalaan na tatlo agad ang naibunga ni Alvin," Blake said before continue eating. Napatango kami. "Kaya madalin nyo rin na masundan na si baby Renzo para makahabol kayo." Pinandilatan ako ng kanyang mga mata ni Blake habang namumula naman si Shera sa aking sinabi. "We are trying but we are more focus on going through our wedding preparation para maging pormal ang pagpapakasal namin, di ba Heav." Napangisi lang ako sa pasaring ng pinsan ko sa'kin. Mukhang hindi pa rin siya makaget over sa ginawa ko. Napuno ng kantyawan ang mesa dahil sa sinumulan ko. Nawili kami sa kwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan ang oras kung hindi pa tumawag si kuya Arnold para i-remind ako na may appointment ako sa CSA. Saka lang nag-ayang umalis ang mga kaibigan namin habang kami ni Dianna ay dumeretso sa CSA. "I'm going to do something crazy, sis to piss off Miguel," nakangisi kong saad habang hinihintay ang pagkakataon sa stunt na gagawin ko. "Ayan ka na naman, Heav, kaya palagi kayong nag-aaway ni Miguel kasi binibigyan mo ng dahilan na maasar siya sayo eh," Dianna said unapprovingly. Kinindatan ko lang siya at nagkibit balikat. Seeing my chance, pinaharurot ko ang aking kotse lampas sa speed limit at ngumiti sa CCTV nang makita ko ito. Malakas ang hula ko na nakamonitor sina Miguel at kuya sa akin ngayon. But of course, sinigurado ko rin na walang traffic enforcer sa dinaanan ko para walang hahabol sa amin. The last thing I want right now is to be held in jail for my reckless plan. Inihanda ko rin ang aking sarili sa scolding mamaya ng aking mga security personnel, kuya Rafael and Miguel. I slow down the car when I find the street towards the CSA and act normal. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dianna sa tabi ko. "Sometimes I wonder how you and I become best friends, sis. You are so bad influence on me," Dianna bluntly said ngunit natawa lang ako. I'm used to her words dahil tama naman siya, masyadong malayo ang personality naming dalawa ngunit we are best of friends... she is my soul sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD