HEAVEN
The gate of my house is already open and there's already someone waiting for us. My smile widen when I see my mom and dad na lulumalabas sa pintuan para salubungin kami. Mabilis ring tumatakbo mula sa kanilang likuran si baby Renzo na agad naagapan ni dad upang pigilan ito sa pagtakbo patungo sa sasakyan ko. Nag-aalalang best friend ko naman ang sumusunod sa kanyang anak, napailing na lang ako nang pinagalitan nito ang makulit kong pamangkin.
"Ang pasaway talga minsan ni Renzo," napailing na komento ni Jake kaya napatango ako.
"Ganyan ka rin naman at sina kuya at ama ni Renzo noon, bro, kaya hindi na nakakapagtaka na maging ang pamangkin ko ay may kakulitan din," pagtatanggol ko sa aking pamangkin.
Napangisi lang si Jake sa akin at bumaba sa sasakyan dahil saktong huminto ito sa harap ng garahe. Nagpasalamat ako kina Ariel at kuya Eric bago tuluyang bumaba sa kotse.
"Tita Mommy!" masayang sigaw ni Renzo. Agad siyang tumakbo sa akin at masaya akong niyakap sa aking mga hita. "You are here, Tita Mommy!"
Suminyas siyang buhatin ko kaya mabilis ko siyang binuhat at pinugpog ng halik sa pisngi. Isang mabilis na kiss sa labi ang kanyang iginawad sa akin. Natawa na lang ako sa kanyang ginawa dahil mula pagkabata nakasanayan na niyang halikan kami ng mommy niya at ni Dianna sa labi ng mabilis.
"Yes, love. Why don't you go to kuya Eric. I bought something for you in my bag," utos ko sa kanya. Tuwang-tuwa naman siyang nagpababa sa akin. Napahello ito kay Jake at napafist bump sa kanya bago pumunta kay Kuya Eric upang kunin ang regalong dinala ko para sa kanya.
Lumapit naman kami kina mommy at masaya silang binati. My parest doesn't know about my situation, ayaw ko silang mag-aalala kaya hindi ko na sinabi ang nangyayari sa akin.
After me and kuya Eric talk kanina sa plane tumawag din si kuya Rafael at napagkasunduan namin na ilihim sa aming mga magulang ang sitwasyon ko. Kuya is coming here with my best friend, Dianna upang dumalo ng meeting namin ni Miguel sa friday.
"How long are you going home, princess? Madalas ka ng sa ibang bansa namamalagi eh," malambing na tanong ni mommy sa akin.
Hindi ko naman masisisi ang mga magulang ko kung minsan nagtatampo na rin sila dahil madalang na lang kaming magkita. Simula noong nag-aral ako sa France, halos kada-bakasyon lang ako makauwi or sila ang pumupunta doon para dalawin ako, mga panahon na makasama ko sila. Mas lalong naging madalang mula noong nagpatayo ako ng negosyo.
"Magtatagal ako rito, Mama kaya magsasawa talaga kayo sa mukha ko. Dito na branch muna ako ang magfocus lalo na at nalalapit na rin ang kasal nina Shera." Napakindat ako sa aking best friend s***h kapit-bahay ko na rin dahil sa kaharap ko lang ang bahay nila. Napailing ngunit may ngiti sa labi ni Shera nang magtama ang aming mata.
"Mabuti naman kung ganoon, Princess. Kahit paano ay malapit ka na sa amin. Mas madalas ka pa sa Spain, France at RDA Island kaysa dito sa lungsod eh. Pero proud na proud kami ni Mommy mo sa iyo," tugon ni Papa.
"Si Papa talaga, doon na nga ako plagi dumederetso sa bahay natin kapag dito ako umuuwi sa lungsod eh. Tsaka sa mga lugar na binanggit mo lang naman ako may peace of mind."
May sarili akong condo unit sa Spain and France kaya mas gustuhin kong manatili doon. Given na may villa ako sa Hawaii, I made it as bahay bakasyunan ng aking mga pamilya, kaibigan at kamag-anak na gustong pumunta ng Hawaii upang makaless na sila ng gastusin. Plus most of summer photo session namin ay sa Hawaii ginagawa at sa villa namamalagi maging ang mga staff ko.
"Sabagay, Princess, naintindihan namin," mapang-unawang sabi ni Papa. Napatingin ito kay Jake. "May pinagtakpan ka na naman bang kasalanan ng anak ko, Jake. Mukhang tahimik ang press tungkol sa kanya ngayon."
"Papa!" sabay naming saway ni Mama. Nakatikim pa si Papa ng palo mula kay Mama. Napangisi naman sina Papa, Jake at Shera sa reaksyon namin na ikinanguso ko.
"Nothing, Tito. Namiss ko lang ang best friend ko kaya ako na ang sumundo sa kanya sa airport," pagsisinungaling ni Jake sa aking ama. Napatango-tango rin ako.
"Mabuti kong ganoon. Ikamusta mo ako sa iyong ama kapag makita mo siya," tugon ni Papa, na ikinatango ni Jake.
We talk ramdom topics while waiting for our lunch na ipinadeliver na lang ng aking mga magulang. Hindi naman ako pagod sa byahe kaya game ako sa mga chikahan na nangyari sa isla habang wala ako doon. Updated din si Mommy sa mga nangyayari doon na ikinatawa na lang namin. Hindi nagtagal dumating na rin ang aming lunch kaya doon namin sa hapag-kainan ipinagpatuloy ang kwentuhan. Ngunit hindi rin nagtagal sina Jake at ang aking mga magulang sa bahay dahil matapos maglunch ay umalis din sila.
"Kailan kayo uuwi ng isla, sis?" tanong ko kay Shera habang nagbibihis ako ng damit. Nasa lapag si Renzo at naglalaro ng kanyang bagong toy car habang si Shera naman ay nasa aking kama at nakahiga.
"Bukas ng hapon, sis, mula sa aming trabaho ay dederetso na kami sa isla. Iiwan namin si Renzo kina tita Beatrice."
"Mabuti hindi nagpumilit na sumama si Renzo. Gustong-gusto niya pa naman magstay sa isla." Tumabi ako kay Shera sa kama at napabuntong hininga. Nakahinga ako ng maluwag ngayon na narito ako sa aking bahay. Hindi basta-basta makapasok ang mga tauhan ng stalker ko dito sa subdivision na pagmamay-ari ni Miguel dahil CSA personnels din ang nagbabantay dito.
"Gusto niya nga rin sanang sumama kaso sinabihan namin na gusto siyang makasama ng kanyang grandparents at tita Laura kaya hindi na siya nakatanggi."
"Himala nga, pumayag eh halos hindi na nga yan umalis sa tabi ni Lawrence mula ng makilala niya ang kanyang ama."
Masaya talaga ako sa naging kapalaran ni Shera at ni Renzo. Mabuti na lang ay muli silang nagkabalikan ni Lawrence sa kabila ng nangyari.
"Isa rin iyon, sis. Kahit itali mo na lang ang dalawa na iyan, okay lang." Nakanguso si Shera habang nagsasalita, nasa boses din nito ang selos sa connection nang mag-ama. Nababawasan na kasi ang atensyon ni Renzo sa kanya.
"Gumawa ka kasi ng bago para naman may kakampi ka rin sa susunod, lugi ka ng mag-ama mo eh," nakangisi kong suhesyon.
Inirapan naman ako ng aking best friend ngunit kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi pa talaga ito sanay sa mga ganoong klasing biro kahit madalas ko itong ginawa sa kanya. Sabagay masasabi ko na inosente pa talaga si Shera kung hindi lang ito nagkaroon ng anak sa pinsan ko.
"After our wedding, Heav, nagpasyahan namin na i-enjoy ang stage na ganito ng buhay namin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa amin ni Rence eh."
Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Pumasok sila sa isang relasyon na biglaan kahit sabihin na natin na mahal nila ang isat-isa at may anak sila. They never enter in courting kaya talagang pinahalagahan ni Lawrence ang relasyon nilang dalawa ngayon.
"No worries, sis, hindi matapos ang inyong honeymoon stage at makabuo kayo sa ganda ng iyong isusuot sa mga araw na iyon," nakakaloko kong tukso sa kanya. Nakatikim naman ako ng mahinang hampas sa braso sa kanya at lalong namula ang kanyang pisngi.
"Ikaw talaga, Heaven, puro ka kalokohan," namumulang saway niya sa akin. "Ikaw ang maghanda, sis, sa nangyari sayo sigurado bantay sarado ka na naman at hindi ka tatantanan ni Miguel. He despise your lifestlye pa naman."
Napangisi ako sa kanyang sinabi. "I'm looking forward on our encounter, sis. Alam mo naman gaano ako nag-eenjoy na mausap si Miguel palagi."
Paano, I love pissing him off.