Chapter 5

1762 Words
HEAVEN Kinabukasan maaga akong nagising upang pumasok sa aking opisina. Kailangan kong i-check ang development ng aking mga designer at empleyado. Maliban sa damit ni Shera at kanyang mga abay tulad ko kailangan ko rin malaman kung ready na ang newest designs na i-represinta namin sa public on December nationwide. "Good morning, Kuya Eric. Dumating na ba si Claire?" tanong ko kay kuya nang makita ko ito sa kusina na nagluluto ng agahan namin. Kumuha ako ng tasa sa kabinet at nagtempla ng aking kape. "Good morning, Heav. Oo, nasa palengke ngayon kasama si Eric eh. Pupunta ka na ba sa opisina mo?" Umupo siya sa harapan ko at kumuha ng plato, nilagyan niya ito ng ilang pirasong mainit na pandesal, dalawang pirasong sunny-side-up na itlog, sausage at bacon saka ibinigay sa akin. Tinawag nito ang dalawa ko pang bodyguards para kumain kasama namin. Mabilis kong inabot ang pagkain na kanyang hinanda. "Thank you, kuya." Napaungol ako sa sarap ng kanyang niluto kahit simpling ulam lang ito paborito ko naman saka sinadya ni kuya Eric na lutuin ito sa butter dahil ito ang gustong gusto ko. Nasanay ako na kasama si kuya Eric at ang aking mga bodyguard sa pagkain kapag narito kami sa aking bahay. I don't treat them lower than me kaya maging sila komportable sa pagtatrabaho sa akin, though CSA agents found it boring when guarding me. Magalang akong binati ng aking mga bodyguard na sina Max at Alfred, halos magkasing edad lang kami ngunit matagal na silang nagtatrabaho sa CSA bilang agents, they been working as my bodyguards mahigit tatlong buwan na rin bilang parusa sa kanilang palpak na ginawa noong may mission sila sa Middle East. Walang namang casualties kaso nagalit ang kanilang head dahil naging pabaya sila at kampante na kamuntikan na nilang ikapahamak at pagkasira ng mission. Bilang parusa, binaba sila sa kanilang tungkulin bilang bodyguard ko hanggang sa sila ay matuto sa kanilang pagkakamali. "Kuya, how's my Porsche 911?" Napaangat ng tingin si kuya at nilunok muna ang kanyang kinakain bago sumagot sa akin. "Ariel will take it in the casa later dahil mukhang may problema ang makina nito." "Sad, hindi ko pala ito magamit ngayon. Dalhin niya agad mamaya ha, bukas gagamitin ko ito sa pagsundo kay Dianna eh." "Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya." Tumingin ito sa kanyang relo bago inubos ang kanyang kape. "Hintayin ko na lang kayo sa kotse ha. Mauna na ako." Hindi na hinitay ni kuya Eric ang aming sagot, tumayo na ito at tuluy-tuloy na lumabas. May pagmamadali ang kanyang kilos. Napailing lang ako dahil alam ko kung ano ang dahilan. "Tsk! Excited lang kamo siya na makausap si James." Max and Alfred chuckle. "Natural lang naman yata yan, Heav," tugon ni Max. Tinaasan ko siya ng kilay. Kilala siyang babaero at ni minsan hindi ito nagkaroon ng seryosong relasyon. "Anong alam mo tungkol sa bagay na yan, Max?" Nginisihan niya ako. "May alam naman ako pagdating sa bagay na yan, Heav." "Really. Akala ko pacharming lang ang alam mo eh." "Ouch!" Madramang nitong sinapo ang kanyang puso at napanguso sa akin. "You're cruel, sis. Syempre hindi ko naman sila naging girlfriends kung hindi ako nag-effort." "Ang sabihin mo, dinaan mo sa bola kaya sila naniwala sayo," sabat naman ni Alfred. Napailing na lang ako. "Isa ka pa, Alfredo ha. Kung babaero itong si Max, segunda ka rin. Yung mga models ko kung wala lang ang rules nyo, iwan, baka tig-dadalawa kayong ligaw ng babae." Napangisi naman ang dalawa pero hindi na nagsalita. Sabay kaming tatlong tumayo pero nag-umpisang magligpit ng aming kainan si Alfred kaya bumalik na lang ako sa aking kwarto upang magsepilyo at magretouch ng aking make-up. Kinuha ko ang aking bag bago lumabas sa aking kwarto after ko magfreshen up. Naghihintay sina kuya Eric nang dumating ako sa harapan ng bahay. Agad akong sumakay sa kotsing ipagmamaneho ni kuya Eric habang sa kabilag kotse naman sina Max at Alfred. Hindi pa rin kasi dumating sina Ariel at Claire. Napasulyap ako sa bahay nina Shera at Rence ngunit sarado na ito, nangangahulugan na pumasok na sila sa kanilang trabaho. Mahigit kalahating oras ang nakalipas narating namin ang aking kompanya sa Makati, medyo matraffic pa rin ang daan kahit tanghali na. Sa parking lot kami dumeretso at sumakay sa elevator papaunta sa 14th-floor ng building na pagmamay-ari ng pamilya ko. My company is occupying the 12th-floor for production, 13th-floor for designers office and open space showroom, and 14th floor for management in the 20th-floor Velasquez Enterprise building. Masaya akong sinalubong ng aking mga empleyado nang bumukas ang elevator kaya masaya ko rin silang binati bago dumeretso sa aking opisina dito. Nakangiting naghihintay sa akin ang aking branch manager na si Miss Patricia May Guazon. Samantala, tumuloy naman sina Kuya Eric sa aking security room upang magbantay sa seguridad ng kompanya. "Glad to see you again, Miss Heaven," masayang bati ni Patricia habang hinihintay ako na lumapit sa aking mesa. Sa eroplano pa lang natawagan ko na siya na sa aking opisina muna ako magmamanage ng HsCreation worldwide kaya dapat malinis na ito ngayon. "Glad to see too, Patricia. How's everyone here?" tanong ko sabay lapag ng bag ko sa mesa. Umupo siya sa harapan ng mesa ko at ibinigay ang isang box na may nakasulat sa taas na galing ito sa staffs ko. Welcome gift nila sa akin. Nagpasalamat ako at agad itong binuksan, lalo akong napangiti ng malapad nang makita ko ang laman ng box. "Everything is great here. We are still busy with production. We have plenty of orders and need to deliver overseas. We have had great deals these past weeks, Miss Heaven, causing our profit to go higher than we expected," paliwanag ni Patricia na aking ikinatuwa ng husto. Napakaswerte ko rin dahil nagkaroon ako ng mga diligent employees, kaya naging smooth ang pamamalakad ko sa kompanya. "Then you and our staff expect a bonus this end of the year, Pat. Well done! And thank you for these delicious cookies! Alam na alam niyo talaga ang weakness ko," tugon ko habang panay ang aking nguya sa masara na homemade cookies and cream na kanilang ini-order sa paborito kong bakeshop. Lumiwanag ng husto ang kanyang mukha sa aking sinabi at ngumiti ng malapad sa akin. "Wow! Thank you so much, Miss Heav! Sguradong matutuwa ang lahat sa sinabi mo." "Ako man ay natutuwa sa sinabi mo, Pat, dahil ang success ng kompanya ay para sa ating lahat kaya tulong-tulong tayong palaguin ito," tugon ko. Dito sa Pilipinas ang main production ng aking mga produkto kahit sa Paris ang main branch ng aking kompanya. Hangad kong makatulong sa aking kapwa Pilipino kaya sila ang priority kong binibigyan ng trabaho kahit saang bansa. "We will do our best na tulungan ka, Miss Heav." Natayo na siya. "Maiwan na kita sa work mo, Miss. Babalik na rin ako sa aking trabaho." "Sure, Pat. Let's head the club tonight kaya ipaalam mo sa mga heads natin na magkita-kita tayo sa Mon Paradis bar diyan sa Ayala mamayang alas-otso ng gabi. My treat sa dinner na rin." "Siguradong matutuwa ang mga heads sa sinabi mo, Miss. See you tonight!" Napabow ng slight si Patricia bago tuluyang umalis sa aking opisina after kong mapatango bilang sang-ayon sa kanya. Napagpasyahan kong magtrabaho na rin. Dahil bukas kailangan kong pumunta sa CSA upang makausap si Miguel. Isang pagkakataon na aking hinihintay dahil may chance na naman akong asarin siya. Hindi ko maiwasang mapangisi habang nag-iisip ng kalokohan upang lalong maasar sa akin si Miguel. Iwan ko ba pero bet na bet ko talaga na asarin siya. Sa akin lang kasi siya matipid kung magsalita, minsan nagtatanong ako sa aking sarili kong nasobrahan ko ba sa asar si Miguel kaya ganoon na lang ang pagtitipid niya ng salita sa akin. Napakibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Naging busy ako maghapon at ang tangin pahinga ko ay pagkain na pinadala ni kuya Eric sa paborito kong restaurant. I chose to eat in my office kapag busy ako sa trabaho. Aaminin ko, I'm kind of a workoholic once nakaupo na ako sa aking mesa. Hindi ako tumitigil hanggat hindi ko matapos ang aking gawain sa loob ng isang araw. Hindi ko namalayan ang oras kung hindi pa pumasok si Kuya Eric upang ipaalam sa akin na alas-sais na ng hapon para umuwi. Wala akong secretary or assistant man lang dito dahil nanatili lang ang aking secretary sa Paris, doon sa aking main office. She will only arrange my meeting and send it to me via my email. I could work my business where ever I go because of it. Wala na ang mga tauhan ko nang lumabas ako sa aking opisina dahil hindi ako nagpapaovertime hanggat ontime ang kanilang pinapasang reports. Kung sa production, three shifts ito sa buong araw kaya 24-hours itong bukas dahil sa dami ng orders para sa aking mga boutique shops in different countries. Dumaan muna ako sa 12th-floor upang bisitahin ang production department. Dito formal wears lang ang kanilang ginagawa. Ang casual wears at iba pang product na gawa ng aking kompanya ay nasa malaking pabrika sa Quezon province kung saan doon may tatlong building na pagawaan. Dati rin iyong pagawaan ng damit ngunit ipinagbili sa akin dahil walang gustong magmanage ng kanilang negosyo sa kanyang mga anak. Magalang akong binati ng aking mga dressmakers and designers nang makita nila akong pumasok sa loob. The whole 12th floor is widely open pagbukas pa lang ng elevator. Tunog agad ng mga sewing machine at music ang maririnig sa buong palapag. Ikalawang shift of workers na ang narito. Their work will end at 11 pm tapos the 3rd shift ang papalit sa kanila hanggang alas-siete ng umaga. Hindi rin ako nagtagal sa loob, binisita ko lang talaga ang work places ng nagtatrabaho at nakipag-usap saglit sa mga designer ko tungkol sa mga damit namin para sa kasal ni Shera at Rence. I'm impressed dahil almost fifty percent na ng mga damit ay kanilang nagawa, maari ko nang i-check sa wardrobe section ang mga ito. I'm satisfied sa outcome ng aking trabaho ngayong araw, maging sa trabaho ng aking mga empleyado kaya dapat lang na i-treat ko ang aking sarili at mga heads ng kompanya nang dinner at night out kahit may pasok bukas. Like I care. I love to party every time I got a chance to do it. Hindi ang pananakot ng obsess stalker ko ang makakapigil para i-enjoy ang buhay ko. Nah. I'm Heaven Velasquez. I was called a "wicked witch" for nothing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD