Chapter 3

1551 Words
HEAVEN Alam mo iyong pakiramdam na may kinakatakutan ko, nagiging paranoid na. Pakiramdam mo sa iyong paglalakad ay may sumusunod sa iyo na ano mang oras ay may hihinto sa iyong harapan upang ikaw ay hablutin. Iyon ang aking pakiramdam, matapos kong makatanggap ng sulat mula sa aking obsess stalker. I thought it was simply stalking but not at all, lalo na nang malaman ko na kaya nitong manakit ng ibang tao dahil lang sa selos. Nangyari ang lahat noong nakaraan gabi, I had a date with someone I knew from my travel in New York. He invited me for dinner when he found out na narito ako sa Hawaii. I agreed and I enjoy my night with him. Masaya kaming maghiwalay na dalawa matapos naming magdinner. We travel in separate way that only lead him into trouble. "Heav, ipinaalam ko kay Miguel at Rafael ang iyong pagbalik sa Pilipinas." Naputol ang aking pagmumuni-muni at nilingon ang aking head of personal bodyguards. Papalapit siya sa aking pwesto. "Thank you, kuya Eric. Anong sabi ni Miguel at kuya Rafael nang ini-report mo sa kanila ang nangyari?" Umupo si kuya sa kabilang umupuan kaharap ng aking inuupuan dito sa private plane ko. Napabuntong hininga siya ng malalim at napasandal sa kaniyang upuan. Ngayon lang ito nakapahinga ng maayos at nakapagrelax, tudo bantay kasi sila sa akin simula ng makatanggap ako ng sulat galing sa baliw kong stalker. Lahat kami naging paranoid dahil sa nangyari. "They both approve your decision to go back home. Ikinatuwa nila ang kaalaman pauwi ka ngayon doon. Ipiniaalam din ni Sir Miguel na gusto ka nilang makausap sa Friday doon sa opisina ng CSA tungkol sa sitwasyon mo. Nagpaabot din sila ng tulong doon sa kaibigan mong binugbog. May nagbabantay na rito ngayon ng palihim maliban sa pulis na kinuha ng kaibigan mo." Napahinga din ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Although I'm not please of what happened, it become a lesson to me. Kailangan kong maging maingat sa mga desisyon ko upang maiwasan ang ikapapahamak ng iba dahil sa akin. Seeing my friend yesterday in the hospital shaken me, hindi ko akalain na may taong gagawa noon sa kanya, at dahil sa akin. Hind ko akalain na may taong mananakit dahil sa selos. Naawa ako sa aking kaibigan na bugbog sarado at nagpapagamot pa rin sa hospital nang iniwan ko, at hindi nito alam na ako ang dahilan nang kanyang pagkabugbog. Siniguro ko lang bago ako umalis sa Hawaii na maayos ang kanyang pagstay sa hospital. Media and police tried to investigate different angles of reason why he was hurt but my stalker make sure na hindi madawit ang aking pangalan sa nangyari. "Mabuti naman at may extra protection ang kaibigan ko doon, hindi ko talaga akalain na dumating sa ganoon punto ang pagiging stalker niya, like seriously, he don't own me!" naiinis kong sumbong sa kay Kuya Eric. "How about my brother, kuya?" "Not please but relieve na walang mangyaring masama sa iyo. Kung pwede lang daw na itago ka niya sa isla gagawin niya," sagot ni Kuya Eric sa akin. I just rolled my eyes. Given that I was shaken when I received the threat but now I am more pissed that my plans are ruin because of some pathetic man. "Pahupain ko lang muna ang issue for a while but it doesnt mean I have to stop living because of him," matarya kong sagot ko na ikinatuwa ni kuya Eric. Sanay na sila sa ugali ko. Hindi ako ang tipo ng babae na madaling matakot at uupo na lang sa sulok kapag tinakot. No! I will fight back in time. Wala akong panahon na umupo lang sa sulok hanggang matapos ang gulo. "Good luck, Heav, siguradong hindi lang kami ang maging gwardiya sibil mo oras na dumating tayo sa Pilipinas," sabat naman ni Ariel; isa sa tatlo kong bodyguards. Tulad ni kuya Eric matagal na ring bodyguard ko si Ariel, kasing-edad nito sina Kuya Rafael at Miguel. Sila lang ni kuya Eric ang permanente kong bodyguards talaga dahil mostly ang kasama nila ay mga pasaway na agent ng CSA, at bilang parusa ni Miguel sa kanila, pinapadala nila ang mga ito sa akin bilang taga-bantay ko. Para sa kanila bilang agent, isa itong parusa lalo na at hindi nila maaring galawin ang aking mga model or else pareho silang matatanggal sa trabaho. Napalitan akong ipamanage muna ang Heaven's Creation sa aking COO, and I'm planning to give the project in Milan fashion show to my designer dahil sa kanilang mga designs naman ang i-show case sa winter fashion show na gaganapin doon ngayong taon. Kailangan ko munang iwasan ang bansang iyon dahil taga-Italy ang major stalker ko. "So far okay na rin dahil makafocus ako sa wedding planning ng kasal ni Shera at Rence." Ako ang nagdesign ng damit pangkasal ni Shera maging para sa mga abay. Mahigit isang buwan na lang at ikakasal na sila. "I'm planning to have a Philippine Fashion Show para hindi muna ako maka-alis." "Sino ang mga model ang kukunin mo, Heav? Please bring James in the country," tanong ni kuya Eric sabay request na ibalik sa Pilipinas ang kanyang boyfriend. Kuya Eric and James are different dahil naging model ko lang si James sa tulong ni kuya Eric and they are already in relationship at that time. Sa ibang agency kasi si James noon at nagdesisyon siyang lumipat ng agency dahil balak siyang gamitin ng baklang manager niya. Nakilala niya minsan si kuya Eric sa New York Fashion Show nagkamabutihan at nagkaroon ng lihim na relasyon. James become my group of models for HsCreation. Tinaasan ko siya ng kilay. "How could I do that, kuya Eric; if James has commitment in defferent country this year. Tomorrow my model has pictorial in Canada and fashion show doon. Ilang buwan din bago sila makabasyon muli." Lumaylay ang balikat nito . Wala din naman siyang magagawa dahil alam niya ang nakasaad sa kontrata ng kanyang nobyo. Unless of course if I have something to do with it. "Ganoon ba. Then I have to wait for his contract to end then." Nasa boses ni kuya Eric ang konting disappointment sa sinabi ko. Matagal na kasi na balak nila na lumagay sa tahimik, kahit doon na lang sa Pilipinas ipagpatuloy ni James ang kaniyang modeling career. I guess, I have to plan a surprise for him and James, one day. Hindi rin naman kasi naging problema o nakakaepekto ang kasarian ni kuya Eric sa kanyang trabaho. His men respect him and treat him the same like when they haven't found out his true personality. After more than sixteen hours of travel, my private plane reach the Luisa Airlines airport terminal safely. May naghihintay na agad na mga CSA agent at bulletproof cars para masakyan ko papunta sa aking bahay. My male best friend, Enrique Jake Smith is patiently waiting for me. Siya ang una kong tinawagan ng uuwi ako sa Pilipinas dahil sa nangyari. Pahapyaw ko lang kasi na ikweninto sa aking mga best friend na sina Dianna at Shera ang rason ng aking pag-uwi. Ayaw ko kasing madagdagan ang kanilang pag-aalala. Mabilisa akong niyakap at hinalikan ni Jake sa noo nang makarating ako sa kanyang pwesto. "Are you alright?" nag-aalalang tanong nito. matiim niya akong tinitigan. Napatango ako at humilig sa kanyang dibdib. Aren't he sweet? Marami talaga noon ang nag-aakala na boyfriend ko siya dahil sa closeness naming dalawa at matibay naming relasyon sa kabila ng aming layo sa isa't isa mula noong nag-aral ako sa France. We never see each other as couple, even though we like to pretend as one sometimes to ruins women's dream to have him. Little they didn't know, iba ang aming lihim na gusto. Natigil lang ang ideyang iyon sa isipan ng ibang tao noong nag-umpisa ng magkagirlfriend si Jake at kung sino-sino ako nakikipagdate. "I'm fine, best." Being near my family and friends give me strength to face any obstacle that comes to my way. Mabuti na lang nakapagdesisyon akong umuwi. "Good to hear, love. Let's go home." Pinagbuksan ako ni Jake ng pintuan sa backseat para pumasok at kasumunod siya. Hinintay namin na paandarin ni Ariel ang sasakyan. Siya ang driver ko ngayon, kasama niya sa harapan ng kotse si kuya Eric. Samantala ang dalawa ko pang bodyguard ay sumama sa ibang kotse na sumundo namin. Naiwan naman sa private plane ko ang pilot at dalawang steward para magreport sa Luisa Airlines office. Masaya naming pinag-uusapan ni Jake ang mga ginawa naming kalokohan. Well, more of mine, lalo na ang panghimasok ko sa buhay pag-ibig nina Shera at Rence, na ngayon ay ikakasal na. Naging kasabwat si Jake sa desisyon kong iyon dahil nagawa naming mapapirma ang kanyang ama at maging sina Shera at Rence sa marriage contract na kanyang ginawa, five years ago. Huling alas ko iyon kung sakaling hindi sila makatuluyan ang dalawa, huli ko na inamin sa kanila ang ginawa kong iyon ng masigurado ko na mahal na nila ang isa't isa. I never regret my decision to meddle lalo na kung ang nakasalalay at ang future ng aking pamangkin noon. Marami akong kalokohan na sinupurtahan ni Jake, mga ginawa ko na kanyang pinagtakpan sa press at aking pamilya. Kaya nga minsan, maging ako agree that I'm wicked and manipulative witch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD