Chapter 6

1415 Words
HEAVEN Habang nasa kotse, tumawag ako kay Shera kung gusto niyang sumama sa akin para magnight out. Sadly, hindi siya available dahil may family date silang magpamilya kaya ako na lang kasama ng aking mga empleyado ang lalabas. Buti parating si Dianna bukas kahit paano may kasama ako sa pagnight out. "Heav, sigurado ka ba na pwede ka ng gumala. Sariwa pa ang threat sayo ng stalker mo eh," tanong ni Kuya Eric habang papasok kami sa loob ng bahay. Kanina pa ito hindi sang-ayon sa aking paglabas ngayong gabi. Napailing ako dahil paulit-ulit na lang ang tanong niya. Nag-aalala kasi ito na baka mapagalitan sila ni Miguel oras na malaman nito na gumala ako. "Naku, Kuya! Kung iisipin ko ang banta sa buhay ko. Magiging ermitanya na ako niyan lalo na kung mula kay Miguel maggagaling ang utos kung ano ang inyong gagawin. Don't worry, nariyan naman kayo na bantayan ako at I can protect myself. sayang lang ang itinuro mo sa aking self-defense kung di ko ito gagamitin," pagrarason ko sa kanya. Like they can stop me if I want to do anything. Napabuntong hininga ito nang malalim at nasa mukha niya pa rin ang pag-aalala. Hindi ko naman siya masisisi dahil malaking responsibilidad nila sa akin. Sila ang mananagot kay Miguel at sa aking kapatid kung may mangyari sa akin. "How about this... ako na lang ang tatawag kay Miguel upang ipaalam sa kanya na pupunta tayo ngayong gabi sa Mon Paradis kasama ng mga heads ko sa kompanya," suhesyon ko upang mabawasan ang kanyang problema. "Are you sure, Heav?" nagdududang tanong ni kuya Eric sa akin. Inirapan ko siya at kinuha ang aking cellphone. "I will call him in front of you para masigurado mo na tinawagan ko siya," mataray kong sabi sa kanya habang dinadial ang number ni Miguel. Ilang beses ko na kasi silang pinagsisinungalingan na tinatawagan si Miguel pero si Edward Mondragon na pinsan ni Miguel ang kausap ko dahil kaclose ko iyon, na isa rin sa boss nila. Hinintay ko na mag-ring para masagot ni Miguel ang tawag ko. Hindi naman ako nabigo dahil pagkalipas ng ilang ring ay sinagot nito. 'Yes, Heaven Louise?' I rolled my eyes when he mention my whole name. "You can always call me by my nickname right?" 'I know. What do you want?' "I going out tonight," straight to the point kong sabi sa kanya. 'NO!' matigas ang pagkasabi nito ngunit parang wala akong naranig sa sinabi niya. "Im not asking your permission, Miggy. Im just telling you," pasuplada kong tugon. 'Heaven!' may warning sa boses niya ngunit napangisi lang ako kahit hindi niya nakikita. He hates it when I call him 'Miggy' dahil si Lianna lang ang pinapayagan niyang tumawag sa kanya ng ganitong palayaw. "We will be at Mon Paradis bar, Ayala so if you want to join us you are free to go there tonight. Bye, Miggy!" Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Miguel dahil pinatay ko na ang tawag ko. Napangisi ako na humarap kay kuya Eric at kinindatan siya. Napailing na siya habang tinatanaw ako ng tingin. Tuloy-tuloy lang ako patungo sa aking kwarto upang maligo at maghanda sa pakipagkita sa aking kasamahan. Narinig ko ang pagvibrate ng aking phone pero hindi ko na ito pinansin at pumasok sa aking banyo para maligo. Pagkalipas ng halos kalahating oras sa banyo, fresh na fresh akong lumabas at pumunta sa aking walk-in closet para kumuha ng damit na aking susuotin. Hindi ko kailangan pangmaghanap ng masusuot dahil may sariling closet ang pang-party kong damit at halos hindi ko pa nagamit. Kinuha ko ang aking ternong underwear at isang silver maxi dress na talagang hapit sa aking katawan, kinuha ko rin ang terno nitong sapatos sa shoe rack, maging ang pouch na silver. I take my time wearing my clothes and shoes bago umupo sa aking vanity table para maglagay ng pampaganda sa aking mukha. Hindi ako mahilig sa makakapal na make-up, a simple foundation, lipstick, and eyeliners will do kaya hindi ako nagtagal sa aking vanity table dahil after ko patuyin ang aking buhok at maglagay ng alahas sa aking katawan, lumabas na ako sa aking kwarto. Napailing si Ariel nang makita ako. Nginisihan ko lang siya at dumeretso ako palabas ng aking bahay. Kahit hindi sila sang-ayon sa desisyon ko na lumabas ngayong gabi, wala rin naman silang magagawa dahil ako pa rin naman ang masusunod. Naghihintay na sina Kuya Eric sa labas ng kotse kaya mabilis lang niya akong pinagbuksan ng pintuan. Si Ariel na ang nagsarado ng pinto ng bahay bago ito pumasok sa driver seat dahil siya ang magmamaneho ng kotse. "Miguel called me. He is not pleased that you close the phone before he could speak and you didn't answer his calls afterward," sabi ni kuya Eric na aking ikinakibit balikat. Of course, he is going to call me again but I'm not in the mood to listen to his rant. Ganoon pa rin naman na pagbabawalan niya ako sa aking gagawin at hindi ko susundin ang gusto niya. I will enjoy it until I am no longer allowed to leave at night. "Alam niya naman kung saan tayo pupunta, guys so he is welcome to guard me too kung gusto niya. My employees are waiting so let's go ahead." Hindi na nagsalita pa si kuya Eric at tinanguan na lang si Ariel na paandarin ang kotse para makaalis na kami papuntang Mon Paradis. Kampante lang akong umupo at binuksan ang aking company tablet upang tingnan ang aking schedule para sa lunes. Nagreply din ako ng mga email ko habang sa byahe. Sanay na ako sa ganitong buhay kaya parang normal lang sa akin ag magtrabaho kahit sa byahe hanggat maari. Pagkalipas ng mahigit kalahating oras narating namin ang exclusive bar and restaurant ni Levi. Nakapagpareserve na ako kanina pa sa manager ng bar ng isang kwarto para sa akin at mga empleyado. Ariel and Max park the cars sa RdA members exclusive parking lot space. The logo of RdA on the windshields of my cars is enough to prove who I am. Bago ako bumaba ng kotse, pinaliwanag ni kuya Eric ang magiging set up namin sa loob. Napatango lang ako, I trust them at normal procedure na lang ito sa akin. "Good evening, Ms. Velasquez. Welcome to Mon Paradis. Your employees are waiting for you in the room, Ms." Magiliw na salubong sa akin ng Manager ng bar. Hinatid niya rin kami sa aking room kung saan masayang nag-uusap ang aking kasamahan. Masaya akong binati ng aking mga empleyado samantala sina kuya Eric at aking mga tauhan ay kakain sa pinareserve ko na mesa para sa kanila saka sila magbabantay. Pansamantala, dalawang security personnels ang nakatalaga sa pintuan ng room, papalitan lang ito nina Max at Alfred pagkatapos nilang kumain. "Thank you for inviting us here, Ms. Heaven." Napangiti ako sa aking accountant. "Gantimpala ko ito sa inyong kasipagan, guys kaya dapat lang nai-celebrate natin ito. Mag-enjoy lang kayo, okay? Next time company outing naman ang gagawin natin para maging ang ating mga empleyado ay mag-enjoy din at magrelax." Napahiyaw naman sila sa saya sa aking sinabi. "Magandang plano po iyan, Ms. Heaven! Excited tuloy akong mangyari ito. At siguradong matutuwa ang mga empleyado natin nito," tugon ng aking head designer at fashion expert. Ang pinaplano kong company outing ang unang outing na gagawin ko kasama ng branch ko dito. Masyadong naging busy kami these past few year dahil bagong bago ang kompanya at nakafocus kaming lahat sa pagpalago nito. I will plan the trip sa 5th-anniversary ng HsCreation upang makabonding ko sila at macelebrate namin ang anniversary na kami lang. We eat our dinner with gusto. Hinayaan kong mag-order ang aking mga empleyado ng mga pagkaing gusto nila. Napuno ng tawanan, kulitan at biruan ang aming mesa habang kumain. Naging komportable at palagay ang loob ng aking mga kasama sa akin. I want them to feel that way. Si Patricia lang ang kaclose ko sa aking mga empleyado at ito ang unang pagkakataon na magkasama kami outside work. After naming kumain, we decide to have fun. We joined the party on the dance floor and drink some ladies' drinks and tequila. My favorite hours of the night. It didn't last long though, we are in the middle of the dance floor when I saw the less person I want to see coming in our direction. Masisira na naman ang gabi ko. "Oh! The so-called 'wicked b***h' is here!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD