Kabanata 3

2264 Words
“Miss, sa susunod please check the facts,” sabi ng hotel attendant na kaharap ko. “Facts? Hindi ba siya terorista?” Nagkamali ba ako? Hindi siya sumagot at pumikit lang na para bang nauubusan na ng pasensya. Mabuti na lang kung ganuon. Makakahinga na kami pareho ng maluwag. “Sorry naman! Pero at least, ligtas tayo kung hindi nga siya terorista. Good job!” Ngumisi ako sa kanya at makikipag high five sana pero hindi niya ako ginaya. Binaba ko na lang ang kamay ko at tikom na ngumiti. Halatang hindi siya naginhawaan gaya ko. Mas gusto ba sana niya kung terorista nga talaga ito? “Dapat kasi hindi po kayo gumagawa ng kwento.” “Sino po ba kasing may sabi na makinig ka po sa usapan nang may usapan po?” Hindi ko na napigilan ang pagtataray at dito umigting ang kanyang panga. “Now could you please give me back my phone?” Hahablutin ko sana ang phone ko pero mas lalo pa niya itong inilayo sa akin. Umatras siya nang subukan kong tumingkayad para makuha ito mula sa kanya. Tiningnan ko ang pangalan niya sa nameplate at tinandaan – Joy. Ngumiti ito sa akin kahit halatang gaya ko ay inis na inis na. “I'm really sorry kasi nagkamali ako. Pero pwede bang ibalik mo na ang phone ko?” Tumigil na ang pag ring ng phone ko kaya mas nanggigil ako. “Muntik nang maaresto si Mr. Valderrama dahil lang sa ginawa mong kwento, Miss. Kung nangyari ‘yon, pareho tayong malilintikan.” masungit nitong sinabi bago binalik sa akin ang phone ko. Magsasalita pa sana ako kaya lang tinalikuran na niya ako. Nalaglag ang panga ko. Napairap na lang ako sa kawalan at agad naglakad palabas ng hotel.  Tatawagan ko na sana ulit si Sunny kaya lang dito ko nakitang may isang missed call ako hindi galing sa kanya kung hindi galing sa isang unknown number. Naalala ko si Noah Courtney at awtomatikong napasapo sa noo. Pwede ko bang sabihing jumebs lang ako? Dumoble ang pagkadismaya ko nang makatanggap ng text message. SUNNY: I’m sorry for making fun of you. Halata lang kasing sobrang busy mo sa trabaho at hindi ka na updated sa mga bagay bagay. Those words are from a game, silly! He’s probably a gamer kaya kahit lasing na lasing ay laro pa rin ang nasa isip niya. So please, can you stop worrying about a country that’s not even worrying about your future? Kalmahan mo lang. Love yah, Bestie! *** “Hello? Is this Noah Courtney?” “Yes. Speaking.” Medyo malat ang boses nito pero halatang fluent sa Ingles. “This is June B., I’m sorry I wasn’t able to answer your call last night.” “It’s fine! Late na rin naman akong tumawag. Gusto ko lang sana maipaliwanag agad ng maayos ‘yong offer ko para mapagisipan mo rin ng tama.” Nakahinga ako nang maluwag dahil nagtatagalog naman pala ito. Akala ko ay mapapalaban ako ng Ingles gayong kaunti lang ang baon ko ngayong araw. At base sa boses niya, mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. “I believe you were able to read my email last night?” “Yes. Nabasa ko naman.” May nakakabaliw na nangyari nga lang pagkatapos. At dahil doon, buong gabi akong tinukso ni Sunny. Paano’y inakala kong terorista ang isang gamer. Aba malay ko ba sa mga salitang maririnig mula sa online games. Hindi naman ako kahit minsan nagkaroon ng interes sa mga ganitong bagay. I guess I have met a happy-go-lucky man. Siguro’y wala itong matinong magawa sa buhay niya kaya bukod sa puro paglalaro lang ang inaatupag, nagagawa pa nitong magpakalasing. “Ms. June?” “Oh yes, nakikinig po ako.” “As I was saying. Confidential ang trabahong ito.” “Confidential lang naman ito? Hindi iligal?” Noah cracked up. Hindi ko alam kung ganito lang talaga kababaw ang kanyang sense of humor at ang lakas ng tawa niya sa tanong ko. “Yes. This is not an illegal job. Gusto lang namin masiguro na hindi makakalabas sa publiko ang tungkol dito.” “Okay. Naintindihan ko. So can you give me more details about this job offer? Ang sabi mo sa email kailangan kong isulat at gawing libro ang love story ng kapatid mo at fiancé nito. Kailangan kong malaman kung bakit, para maisulat ko ito ng maayos.” Maaga akong gumising kahit wala na kaming pasok ngayong araw. Lumabas ako at nagsabing bibili lang ng tinapay sa bakery shop malapit sa amin para hindi magduda sina Mama at Ate Lea. Pero bago bumalik ay huminto muna ako sa parke at naupo sa playground slide para tawagan si Noah. Ito ang naging payo sa akin ni Sunny kagabi nang dapat sana ay tatawagan ko na siya agad pagkakita ng missed call niya. Ang sabi niya’y magpakipot man lang daw ako para naman hindi ako baratin ng kliyenteng ito. Pero kahit na ito ang sinabi niya, noong malaman niya ang tungkol sa job offer ay talagang na-excite siya para sa akin. Siguradong nakatutok na siya sa kanyang cellphone at naghihintay ng kwento ko. “Gaya ng sinabi ko sa email, my sister needs a good writer to write for her. Kailangan niya ng tutulong sa kanya sumulat ng libro na naglalaman ng istorya nila ng kanyang fiancé—actually, let me correct myself, it’s ex-fiancé.” Ex-fiancé na pala ng kapatid niya, bakit kailangan pa nito ng libro tungkol sa love story nila? Masokista ba siya? “Ang kapatid ko sana ang mas magandang magkwento sa ‘yo but just to give you a brief background, almost a year ago, naghiwalay sila ng kanyang fiancé dahil kinailangan niyang mangibang bansa para sa trabaho. And I think it would sound too cheesy for you but she still loves him and she wants him back.” “At tingin niyo makakatulong ang librong pinapagawa niyo sa akin para magkabalikan sila?” Naghiwalay sila nang dahil sa pag-alis ng kapatid niya? Ayaw siguro ng lalaking ‘yon ang long distance relationship. “Hopefully. She wants to show him her sincerity. Gusto rin niyang ipaalala sa kanyang fiancé lahat ng pinagsamahan nila. At ang librong gagawin mo ang makakatulong sa kanya para magawa iyon.” “If they broke up because she left, hindi ba ang mas magandang gawin para magkabalikan sila ay umuwi siya rito sa Pilipinas?” “Yes. Alam niya ‘yon. Kaya nga hanggang three months na lang siya sa Australia. Babalikan niya ang kanyang ex-fiancé. But she can’t go back to him with an empty pocket. And knowing her ex-fiance, a simple gift or a letter of apology will not be enough to win him back.” Ang dami ko pa sanang tanong pero alam kong tama siya, ang kapatid niya ang mas dapat na magkwento sa akin. Kaya naman dahil hindi pa ako sigurado kung tatanggapin ko ang trabahong ito, hindi na ako nang usisa pa. “So since this book will be used for personal use, this will not be reproduced right? Hindi naman ninyo balak pagkakitaan?” Ito na naman ang pagtawa niya nang malakas. Kung wala akong masyadong baong Ingles, siya naman ay maraming baong tawa. “Right. Gagamitin lang niya ito bilang regalo.” Then I guess it’s okay not to be credited if it will only be used to resolve a personal issue. “Ano ang terms and conditions?” “We don’t have to make this agreement so formal. Simple lang naman ang gusto namin, isulat mo ang love story ng kapatid ko at ng ex-fiance nito. Bibigyan ka namin ng tatlong buwan para gawin ito.” Three months? I can write that book in a month! “And during those months, my sister will give you enough information that you can use. At the same time, you are required to stay in Batangas for research purposes.” “Bakit sa Batangas pa?” Hindi ko napigilang magtanong dahil alam kong malabo ang gusto niyang mangyari. Hindi ako pwedeng mag leave sa trabaho ng tatlong buwan. “Pwede naman akong magsulat kahit nasaan ako, just give me the information--” “Gaya ng sinabi ko sa ‘yo, you’re writing felt raw and real. Iyon ang gusto namin para sa librong ito. At dahil nasa Batangas ang ex-fiance ng kapatid ko, we want you to stay there and observe him to add a personal touch in your work.” Ang ganda sana ng offer nito dahil malalayo ako sa magulong mundo ko kahit tatlong buwan. Matatakasan ko pa ang pamilya ko na araw-araw ay halos isumpa ako. Pero paano naman ang magiging expenses ko? Saan ako titira? I am not that well-off. “Kami ang bahala sa board and lodging mo kaya wala kang dapat problemahin.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. Parang nabasa niya ang tanong sa isip ko. “How much will be my payment?” “10,000 Australian dollars--” “Dollars?!” Napalunok ako. Oo nga pala’t nasa Australia nga raw ang kapatid niya. “Yes. Kapag nabigay mo sa amin ang first draft ng libro, we will give you half of your payment. Kapag tapos na ang libro, doon namin ibibigay ang kabuuan. We will also give you a bonus once they finally get back together.” This writing job is too good to be true. Kadalasan ay binabarat kasi ang writer na tulad ko pero pagdating kay Noah, may pa-bonus pa! Saan pa ako makakahanap ng ganito kagalanteng kliyente? Bukod pa rito ay mukhang madali lang ang pinapagawa nila sa akin! “Pero habang nasa Batangas ka. Hindi pwedeng malaman ng ex-fiance ng kapatid ko na nanduon ka to conduct research. Mas lalong hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa sinusulat mong libro. Be as invisible as possible. Kaya mo ba ‘yon?” “Invisible ba kamo? Talent ko ‘yan! Araw-araw ay invisible ako sa bahay namin.” Tumawa ako pero mukhang may pagka-competitive ito pagdating sa pagtawa at mas nilakasan pa niya ang kanya. Sa totoo lang, kung mayroon mang award para sa taong magaling maging invisible, sa tingin ko ay ako na ang makakakuha noon. Sa bahay namin, si Ate Lea lang ang nakikita ni Mama. Si Ate Lea na lang palagi ang magaling, may alam, at may future. “I will draft a contract for your review and signature. Kapag nagdesisyon kang tanggapin ang job offer na ito at okay ka na rin sa kontrata, I will ask my sister to talk to you directly.” Dito na natapos ang usapan namin ni Noah. Tumawag naman agad si Sunny na hindi ko muna sinagot dahil kailangan kong makapag isip-isip. Mukhang kailangan ko na naman manghingi ng sign kung dapat ko bang tanggapin ang trabahong ito o hindi. Pagbalik ko sa bahay, dito ko naabutan si Ate Lea at Mama na naghahain na ng pagkain. “Bibili ka lang ng tinapay inabot ka na ng tanghali? Ayaw mo talagang tumulong sa gawaing bahay ‘no?” mataray na bungad ni Ate Lea sa akin. Talagang gustong-gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong silbe. “Maupo ka na,” sabi naman ni Mama sa akin. Wala itong kaamor-amor sa akin kaya nga minsan ko na ring naisip na baka hindi niya ako totoong anak. Ampon lang kaya ako? Pwede rin naman. Tapos nawawalang tagapagmana pala ako ng isang mayamang pamilya. At pagbalik ko sa kanila, lulunurin nila ako sa pera at pagmamahal. Tapos doon ko mahahanap ang lalaking makakatuluyan ko at-- “Stop daydreaming, June.” Masama ang tinging ipinukol ko kay Ate Lea dahil ang hilig-hilig niyang sumira ng imagination. “Narinig ko ang tungkol sa announcement ng promotion sa department niyo mamayang Christmas party. Siguro naman ikaw na ‘yon?” “Oo. For sure, ako na ang mapo-promote--” “Alam mo, kung inayos mo lang kasi ang trabaho mo noong unang taon mo sa Summit, siguradong paborito ka na ni Ma’am Wanda ngayon at matagal ka nang manager.” “Kumain na tayo,” sabi ni Mama at pinuno ko na lang ng kanin ang bibig ko para hindi ko na kailangan pang sumagot sa kanila. Hindi maalis sa isip ko ang job offer ni Noah. Pero paano kung ako nga ang ma-promote mamaya? Hindi ba mas maganda kung tatanggapin ko na lang iyon? Baka matuwa na sa akin sina Mama at Ate Lea. Baka kahit isang beses ay ipagmalaki rin nila ako. But being a manager isn’t my dream. Gusto kong maging writer gaya ni Papa. *** Pagdating ng hapon, natanggap ko agad ang kontrata galing kay Noah. I printed it out and brought it with me on my way to the hotel. Dumiretso na ako roon dahil mas maaga ang department namin para sa Christmas party. Kailangan namin masiguradong maayos na ang lahat bago dumating ang ibang empleyado. Kami naman kasi ang naka-assign sa event na ito taon-taon. Pagdating ko sa hotel, nagtaka ako kasi nagkakagulo ang lahat malapit sa Christmas tree. Nakapalibot sila rito at para bang problemadong-problemado. Noong una ay hindi ko alam kung bakit. Pero nang makita ko ang tuktok nito, nalaglag ang panga ko nang malaman ko rin sa wakas ang dahilan. “Sinong kumuha ng star sa Christmas tree?!” sigaw ni Olivia na para bang makakatulong ito sa malaking problema namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD