Kabanata 2

2191 Words
A ghostwriter is hired to write books, articles, and such for another person who will then claim to be its author. The ghostwriter will receive money as payment but not an official credit for his or her work. Marami na akong naisulat para sa iba’t ibang tao noon. Dahil bago ako naging HR assistant, nagtrabaho muna ako ng dalawang taon bilang isang freelance writer. Masasabi kong hindi ito naging madali pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, I was contented and happy. Sumali ako sa iba’t ibang freelancing sites para makakuha ng writing jobs. And when I realized that I was not getting enough compensation for my works, I created my own blog where customers can reach out to me directly to avail my writing services. Dahil sa mga karanasan ko, alam ko ang ibig sabihin ng pagiging isang ghostwriter. Wala itong pinagkaiba sa nangyari sa pagitan namin ni Cece. I did the work but she got all the credit. Kaya nga hindi ko alam kung saan nanggagaling ang excitement na nararamdaman ko ngayon dahil lang sa email na natanggap ko. Marahil ay matagal na rin kasi mula noong huli akong nakatanggap ng ganitong klaseng email. “June, may nag email lang sa ‘yo. Para kang sira!” Hindi ko napigilang kausapin ang sarili. Naupo muna ako bago binuksan ang email. Kailangan kong malaman kung spam lang ba ito o talagang totoong job offer.   SUBJECT: Ghostwriter For Hire Hi Ms. June B., This is Noah Courtney. I came across your blog site, June Between the Lines, and was impressed by your writing. I specifically enjoyed your stories and novels because they felt raw and real. And I guess I was really lucky to find out that you’re offering writing services through your blog as well. It’s actually the reason why I reached out to you. My sister needs a good writer and I think you’re perfect for the job.   We are interested to hire you as my sister’s ghostwriter. Your job is to write my sister and her fiance’s love story and turn it into a book for her personal use. When’s the best time to call you? I’d like to give you more details about this job offer. Hoping to hear from you soon. Thank you! Best, NOAH COURTNEY Binukas-sara ko ang mga mata ko. Siguro’y mga tatlong beses ko ring binasa ang email na natanggap ko. I was flattered because of his favorable comments about my writing. Madalas na si Sunny lang kasi ang pumupuri sa akin. Natural lang ito dahil siya lang din naman ang pinagpapakitaan ko ng mga gawa ko. Isang beses ko pa itong binasa bago napabulalas sa kawalan. “Gagawin kong libro ang love story ng kapatid niya at fiancé nito?” Napakamot ako ng ulo dahil sa sobrang pagtataka. I was not expecting someone to hire a ghostwriter for something as personal as this. Kung love story pala ito ng kapatid niya, bakit hindi na lang ito ang mismong magsulat? Isn’t it more heartfelt and sincere if she wrote it herself? Pero madaling sabihin ito para sa akin. Hindi ko pa kasi naririnig ang buong kwento. May rason naman siguro kung bakit kailangan nila ng ghostwriter para gawin ito. Noah Courtney… hindi ko alam kung saan ko narinig ang pangalang ito pero pamilyar sa akin… Kung gusto kong malaman ang buong detalye ng job offer, ang sabi naman ni Noah ay gusto niya akong tawagan. Hindi pa ako sigurado kung tatanggapin ko ang offer niya. Alam kong hindi ako papayagan nila Mama at Ate Lea oras na malaman nila ang tungkol dito. Sila rin naman kasi ang nagpahanap sa akin ng ‘totoong trabaho’ noon para mapilitan akong itigil ang pagsusulat. But out of curiosity, I decided to respond to his email with my contact details. Pwede naman niya akong tawagan kahit kailan basta wala ako sa banyo. “’Wag mo lang akong masaktuhang jumejebs.” Napahagikgik ako sa sariling kalokohan. Siguro’y ilang minuto rin ang lumipas nang ipadala ko ang reply ko sa email. Pagkalagay ko ng phone sa bulsa ng bag, nagulat ako nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. “Ooh lala, that fast?” Nakatitig ba ang Noah Courtney na ‘yon sa email niya? I cleared my throat. Nilabas ko agad ang cellphone ko para sagutin ang tawag. Pagtingin sa screen nito, nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Sunny pala ang caller! Dahil alam kong maniniguro lang siya na pauwi na ako, tumayo na ako para umalis. Tinalikuran ko na ang madilim na function room at dapat sana’y sasagutin na ang tawag, nang mabangga ang mukha ko sa dibdib ng kung sino. Sa tigas ng dibdib nito, kahit na madilim para makita ko siya ng maayos ay nasigurado kong lalaki ang kaharap ko. “Ay sorry,” umatras ako at bahagyang pinagpag ang damit niyang natamaan ng mukha ko. Pasalamat siya dahil siya pa ang unang inalala ko imbes na ilong kong muntik pang mabawasan ng wala sa oras. Pero imbes na makita niya ang concern ko, mabilis niyang hinuli ang kamay ko. “Smash them…” he mumbled with a deep voice. “What?” “Launch attack!” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napangiwi ako. “Double kill!” Parang nalaglag ang puso ko. Pilit kong binawi ang kamay ko at nagtagumpay naman bago pa niya madurog. “Baliw ka ba?!” Mabuti at hindi ako napilayan. Tinulak ko siya palayo at nagulat dahil natumba siya agad kahit hindi ko naman nilakasan. Hindi ko alam kung umaarte lang ba siya pero nagalala naman agad ako. “Ano ba kasing sinasabi mo?” tanong ko bago siya nilapitan para tulungang tumayo. Kaya lang ay ang bigat-bigat naman niya. Hell, yeah! Nakapa ko pa lang ang muscles sa mga braso ng lalaking ‘to, halatang this man works out! Dahil malapit ako sa kanya, dito ko siya naamoy. Lumukot ang noo ko dahil ang lakas ng singaw ng alak mula sa kanyang katawan. Mukhang nakainom pala siya kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi. Bumuntong-hininga ako. Pilit kong inaninag ang mukha ng lalaking kaharap kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya. I’m not sure if it’s just the darkness pero mukhang may itsura ang lalaking ito. Sinubukan ko ulit siyang itayo. Ngunit dahil ang tangkad niya, nahirapan talaga ako. Pakiramdam ko doble ko ang binubuhat ko. Gaano karami kaya ang nainom niya para malasing ng ganito? He’s obviously so wasted! Iniakbay ko siya sa akin at sabay kaming tumayo. “Makisama ka naman!” pakiusap ko. Nang makatayo ay agad niyang inalis ang pagkakaakbay sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at agad inilayo sa kanya. “Initiate retreat!” sigaw pa niya bago binitawan ang pagkakahawak sa akin. Dito siya muling bumagsak sa sahig kaya hinawi ko patalikod ang buhok ko bago napasabunot dito. Mukhang uulit na naman ako sa simula. Kaya lang bago ko siya lapitan para muling tulungan, napaisip ako sa mga sinasabi niya. “What the hell are you saying?” Kinutuban ako ng masama. Tuloy ay kung anu-anong ideya ang pumasok sa isip ko. “Pulis ka ba? Sundalo? Spy?” Napatakip ako ng bibig. What’s with the words ‘attack’ and ‘retreat’? Napasinghap ako sabay turo sa kanya. “Terorista ka ba? Sinisimulan niyo na bang sakupin ang Pilipinas?!” Ang OA pero mas maganda nang sigurado! Sa panahon ngayon, wala nang imposible! Isla nga natin ay bigla na lang napunta sa mga singkit sa isang iglap lang! Wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya. Kaya naman dumoble ang kaba ko nang makita kong may kung ano siyang hinuhugot mula sa likod ng kanyang pants. Sa takot na madamay ay madali kong kinuha ang gamit ko at patakbong lumabas ng function room. I guess I can’t save a whole country but I can save myself for now. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. It rarely happens for someone to have that close encounter with a terrorist! At siguro’y malapit na ako sa exit ng hotel, nang maalala ko kung saan ko iniwan ang teroristang iyon… “Miss, ayos ka lang?” tanong ng isang hotel attendant sa akin na nagulat pa sa bigla kong pagsigaw. “Our Christmas setup!”  Napabalik ako ng tingin sa function room. Paano kung dahil sa kalasingan ay masira niya lahat ng pinaghirapan namin para sa Christmas party bukas? Paano kung dito pa sila manggulo? I couldn’t even imagine the chaos! Kung balak nilang sakupin ang bansa, siguro naman magpapasko muna sila bago gawin iyon ‘di ba? Nag-ring ulit ang phone ko at dahil alam kong si Sunny lang ang makakasagot sa tanong ko ngayon, sinagot ko agad ito. “Help!” “What’s wrong?!” “May terorista sa hotel!” Nanlaki ang mga mata nung hotel attendant na ayaw pa rin akong iwanan. Tuloy ay may niradyo na siya bago umalis sa harapan ko. “What?! Seriously, June? Isa na naman ba ito sa mga books na nabasa mo? Stop kidding me or else I’d kill you right now.” “No! I’m saying the truth. He’s drunk but he said all these threatening words to me earlier! I just got lucky that I realized it soon enough!” “Ano ba ‘yong mga sinabi nung lalaki?” Pilit kong inalala lahat at mabuti na lang maganda ang memorya ko. “Smash them, launch attack, double kill, at tyaka initiate retreat! Ibig sabihin ay may plano silang umatake ng kung sino mang kasama niya, mga dalawang tao ang balak niyang patayin, pero dahil nabisto ko siya, kinailangan nilang umatras! Natahimik sandali si Sunny sa kabilang linya kaya mas lalo lang akong kinabahan. Mukhang malalim ang iniisip nito. “What should I do, Bestie?!” Sumabog bigla sa tawa si Sunny. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa sa mga sinabi ko. “Bestie naman e! It’s a life-and-death situation! I need you to be serious!” “I’m sorry, Bestie! Ang cute mo kasi! Writer ka nga, palaging pang out of this world ang mga naiisip mo.” “Cute? Fine. Okay lang maging cute kung makakatulong ‘yon para mapigilan ko ang pagsakop ng mga terorista sa bansa natin.” “Well yeah! Have you seen the terrorist’s face? Gwapo ba?” “What?! Are you insane? Why do I have to care kung gwapo ang teroristang ‘yon?” “Alam mo, hindi na talaga ako magtataka kung bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon.” “Bakit naman napunta tayo sa love life ko bigla?” “Tinatanong mo ko kung anong gagawin mo ‘di ba?” “Yes? May magandang ideya ka ba?” “Subukan mong i-date ang teroristang ‘yon. Malay mo kapag na inlove siya sa ‘yo, imbes na sakupin ang bansa ay mas gustuhin niyang magpasakop sa ‘yo!” “Sunny!” Ang lakas ng tawa ni Sunny mula sa kabilang linya kaya dapat ibababa ko na ang tawag. Pero dito ako napatingin sa function room na pinanggalingan ko kanina. May lalaking nakasuot ng neon blue suit ang pumasok dito. He’s good looking pero mukhang babaero ang dating. Ang lakas ng tawa nito na para bang may magandang nangyari sa kanyang araw at sobrang saya niya. Ilang sandali lang ay may ilang security guard nang lumabas galing sa function room. Hindi ko alam kung kailan sila nagpunta rito pero kasama nilang lumabas ‘yong lalaking naka neon blue. May inaalalayan silang lalaki at dito ko napansing ito ‘yong teroristang iniwan ko! Imbes na ilabas ng hotel ay dinala pa nila ito sa elevator! Nababaliw na ba sila? Bakit bibigyan pa nila ng magandang accommodation ang teroristang iyon? Sisilipin ko sana ng mabuti ang mukha nito nang may humarang sa harapan ko. “Are you still there, Bestie?” tanong ni Sunny na hindi ko napansing nasa kabilang linya pa pala. “Tawagan ulit kita,” sabi ko sa kanya bago binaba ang tawag. Binuksan ko agad ang camera ng phone ko at itinapat ito sa harapan ko. Umusod ako para maitapat ito sa mukha ng terorista at makuhanan ng picture. Kaya lang bago ko pa ito magawa ay may kumuha na ng phone ko. “Ano ba?!” reklamo ko at pag angat ko ng tingin, dito ko nakita ‘yong hotel attendant kanina! Nakataas ang kilay nito sa akin na daig pa ang nanay ko kapag pinagbabawalan akong lumabas ng bahay. Narinig ko rin ang pag-ring ng phone ko na siguradong si Sunny na naman. “Ibalik mo sa akin ang phone ko.” Humalukipkip ito sa harapan ko. Pareho naming naririnig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD