Kabanata 4

2332 Words
“Can’t we just buy a new one?” tanong ni Cece na as usual, hindi pa rin alam ang tradisyon ng kumpanya namin. Sa loob ng limang taon ko sa Summit, iisang bituin lang ang ginagamit namin para sa Christmas tree. Galing pa ito sa founder ng kumpanya kaya hindi ito pwedeng mapalitan ng kahit anong bituin! “Sino ang huling umalis ng function room kagabi?” Napatingin ang lahat sa entrance ng function room at dito nakita si Ma’am Wanda. Umuusok ang ilong nito habang papalapit sa amin. At dapat sana’y aatras ako gaya ng iba kung wala lang tumulak sa akin mula sa likuran. Tuloy ay ako ang naiwan sa harapan ni Ma’am Wanda. Nangudngod ako at napangiwi sa sakit nang tumama ang mga tuhod ko sa tiles. Pagtingala ko ay kumaway ako kay Ma’am Wanda. “Good afternoon po, Ma’am. Ang ganda po ng bangs mo. Matchy tayo,” gusto kong tampalin ang bibig ko pero huli na para gawin iyon.  Dating empleyado ng Summit si Ate Lea. Ako ang pumalit sa trabaho niya dahil lumipat siya sa sister company nito kung saan matagal na siyang manager ngayon. Si Ma’am Wanda ang tumulong sa kanya dahil magaling sumipsip si Ate. But I’m not like her. Masyado akong transparent para sumipsip sa taong hindi ko gusto. Kaya naman kahit ngising-aso ako sa harapan ni Ma’am Wanda ngayon, she knew I was faking it. “Si June po, Ma’am! Nakita ko pa pong bumalik siya rito kahapon!” sigaw ni Olivia. As expected of her. Kapag problema na, sa akin agad ang sisi. Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Ma’am Wanda. Ngumisi naman ako sa kanya but she was towering over me now. “Wala po akong alam sa pagkawala--” “Find it. You have an hour. Kapag hindi mo nabalik ang bituin sa oras, find yourself a more suitable job.” What?! Bakit naging kasalanan ko na bigla ang pagkawala ng bituin sa Christmas tree? Humiling lang naman ako rito kahapon ah! Sabi ko bigyan ako ng twist, hindi ko sinabing maglaho ito! Dahil tinalikuran na ako ni Ma’am Wanda ay wala na akong nagawa pa. She always has the final word. Ngayon ay wala akong choice kung hindi hanapin ang bituin ng Christmas tree kahit na hindi ko naman alam kung saan ito napunta. Nilibot ko ang buong function room at nagpatulong na rin sa mga interns namin. Kaya lang halos kalahating oras din namin itong ginawa pero wala kaming nakitang bituin. “Sumuko ka na lang, June. You will never find that star,” pangiinis ni Olivia. Papatulan ko na sana siya pero sayang ang oras kapag ginawa ko iyon. Come on star, you can’t bail on me! Hinilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha habang pilit inaalala kung ano ang nangyari kagabi at kailan ito posibleng nawala. Nakita ko pa kasi talaga ito bago ako umalis-- “That terrorist!” sigaw ko at napatingin lahat sa akin. Ilang minuto ko ring naiwang walang kasama ang teroristang iyon sa function room kagabi. Kaya malaki ang chance na may kinalaman siya sa pagkawala ng bituin sa Christmas tree namin. I can’t believe I almost forgot about that man! Ngumisi lang ako sa lahat bago patakbong lumabas ng function room. Hinanap ko agad si Joy sa receiving area kaya lang wala siya rito. “Miss, si Joy po?” tanong ko sa isang hotel attendant na nakita ko roon. Mas maaliwalas ang kanyang mukha kumpara kay Joy. “Ah naka leave po si Ms. Joy ngayong araw, Ma’am. How can we help you?” Alam kong hindi ako matutulungan ng hotel attendant na ito dahil wala naman siyang alam sa nangyari kagabi pero bahala na. I can use even the smallest information I could get from her. “May kilala kang tero—mali, Mr. Valderrama?” Ito ang natatandaan kong itinawag sa kanya ni Joy kagabi. Baka Mr. Valderrama ang tawag sa kanya rito. Nakita kong bumilog ang bibig ng kaharap ko na para bang nakilala niya agad ang tinutukoy ko kahit apelyido pa lang ito. Namula ang pisngi niya na para bang kinilig siya sa pagbanggit ko pa lang sa pangalan nito. Ganuon ba ito kasikat? “Pwedeng malaman kung saang room siya naka check in?” Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mukha niya. Siguradong hindi sila nagbibigay ng ganitong impormasyon tungkol sa guests kaya inunahan ko na siya. “I just need to meet with him before our event starts. May pinapaabot kasing document for urgent signing ang HR Director namin. Matatanggal ako sa trabaho kapag hindi niya iyon napirmahan ngayon din mismo.” Pinaramdam ko sa kanya ‘yong urgency ng kailangan ko. “Document? Nasaan ‘yong papapirmahan mo, Miss?” Napansin kong wala akong hawak na dokumento pero naalala ko ang hard copy ng contract ni Noah kaya agad ko itong inilabas mula sa bag ko para ipakita. Kukunin niya sana ito kaya lang itinago ko ulit sa bag. “Confidential kasi ito, Miss.” At mukhang kumpara kay Joy ay mas madali itong kausap kaya naman wala nang ibang tanong ay ibinigay din niya sa akin ang room number ni Mr. Valderrama. Hindi na ako nagaksaya pa ng segundo at mabilis na sumakay ng elevator papunta sa palapag na sinabi ng hotel attendant. Pagdating ko rito, patakbo kong hinanap ang numero ng kwarto. At kahit kinakapos ng hininga, nang makita ko ang kwartong hinahanap ko, nag door bell agad ako. Ilang beses ko rin itong ginawa bago ako napagbuksan. “Good—ooh lala…” Nalaglag ang panga ko nang tumambad sa akin ang pandesal ng lalaking kaharap ko. Napalunok ako. Pag-angat ko ng tingin, I recognized him as the man in neon blue suit last night. Dito ko nakitang naka-angat ang isang gilid ng labi niya, as if he was satisfied to see my reaction. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung ito ang sasalubong sa iyo pagbukas ng pinto? “Yes, Miss? How can my abs help you?” mahanging tanong nito na mabilis na nakapagpa turn off sa akin. Dito ako napatingin sa kanyang likod at nakita ang lalaking hinahanap ko. Wala rin itong suot na pangitaas at nang magpabalik-balik ang tingin ko dun sa lalaking nasa kama at sa lalaking kaharap ko, napasinghap ako sabay turo kay Mr. Valderrama. “Ninakaw ng lalaking ‘yan ang bituin ko!” The man in front of me burst out laughing. “He stole what?!” Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit lahat ng gwapo may boyfriend. “Bituin ko,” paguulit ko dahil baka hindi niya narinig ang sinabi ko. “Sigurado kang siya ang hinahanap mo?” “I’m one hundred percent sure na si Mr. Valderrama ang hinahanap ko,” seryoso kong sagot at hinawakan naman niya ang kanyang labi na para bang mas napaisip siya sa sagot ko. May nakita akong multo ng ngiti rito. “Bituin talaga ang ninakaw niya?” Magsasalita na sana ako kaya lang may karugtong pala ang tanong niya. “Bituin mo to be specific? When did it happen?” “I think last night. Lasing na lasing kasi siya noong magkita kami.” Bumilog ang kanyang bibig na para bang naunawaan na rin niya ako sa wakas. “Alam mo, may point ka naman. But I don’t think that man is really capable of stealing your star.” Nagtakip ng bibig ‘yong lalaking kaharap ko. Sinusubukan niyang itago ang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tingin yata niya ay nagbibiro lang ako. “Alright, alright. I just don’t think kaya niyang magnakaw ng bituin o ng kahit na ano mula sa ‘yo pero pagusapan natin ‘yan nang masinsinan pagkatapos kong maligo.” “Pero--” “Unless you want to join me?” Umiling agad ako. Ano bang akala niya sa akin? Humalakhak siya. Magsasalita pa sana ako nang igiya na niya ako papasok ng kwarto nila at pinaupo sa couch kung nasaan ang mga damit nila ni Mr. Valderrama. Sa dulo na ako umupo para hindi ito madikit sa akin. Malay ko ba kung paano nila inalis ang mga damit na ito kagabi. I have nothing against gays or homosexuality as a whole but I’m just not used to being exposed to this side of them.  “Relax. Pwede kang kumuha ng soda or juice dyan sa mini ref,” sabi pa niya bago ako iniwan.  Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba kami sa bituin na hinahanap ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang paubos na ang oras na binigay sa akin ni Ma’am Wanda. I know I can’t afford to wait for that man to return. Kaya naman inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Doing a quick scan of the room, sinubukan kong hanapin ang bituin na hinahanap ko. And to my dismay, I can’t seem to find it in this room as well. Pero imposible, si Mr. Valderrama na lang ang nag iisang pag-asa ko. Napasabunot ako ng buhok at napatingin kay Mr. Valderrama. Mahimbing pa rin itong natutulog sa kama dahil sa sobrang kalasingan. Siya naman talaga ang kailangan ko kung tutuusin pero duda akong may natatandaan siya sa mga nangyari kagabi. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kama. Sinilip ko ang paligid para sana makita kung nandito ‘yong bituin. Kaya lang nahinto ang mga mata ko sa mukha ni Mr. Valderrama. Unti-unting umangat ang magkabilang dulo ng labi ko. Ngayong nakikita ko siya sa liwanag, gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kagabi na may itsura siya. Hindi lang siya may itsura dahil ang gwapo niya! Mas gwapo pa siya kaysa roon sa lalaking nakaharap ko kanina. He seems to be the perfect man in all the romance books I’ve read before. Ang haba ng kanyang pilikmata, matangos ang ilong, at mamula-mula ang labi. Para siyang anghel na pinababa rito sa lupa. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit pamilyar siya sa akin. Para bang nagkita na kami noon. Umiling ako at tinampal ang mukha ko para magising. Focus, June! Hindi mo mahahanap ang bituin sa pagkahumaling mo kay Mr. Valderrama! Dahil sa magulo ang kanyang kumot at exposed ang itaas na bahagi ng kanyang katawan, pakiramdam ko nag heart-shaped ang mga mata ko. ‘Di hamak na mas maganda ang katawan nito kaysa sa lalaking nakaharap ko kanina kaya napakagat ako sa labi ko. Tinapik ko ulit ang mukha ko. June, maghunos-dili ka! Alam kong malabong matipuhan ako ni Mr. Valderrama. Lalo na’t may boyfriend na siya. His boyfriend trusted me kaya nga hinayaan niya akong pumasok sa kwarto nila and I can’t break his trust. Kaya kailangan kong respetuhin ang relasyon nila at ituon ang pansin ko sa paghahanap ng bituin ko. Imbes na tingnan pa si Mr. Valderrama, sinuyod na lang ng mga mata ko ang paligid niya. Bahagya kong inangat ang unan niya. Sumilip na rin ako sa ilalim ng kama. Hanggang ang natitira na lang na hindi ko natitingnan ay ilalim ng kanyang kumot. Napalunok ako. Para bang nanuyo ang bibig ko. Ayos lang kayang silipin ko ang ilalim ng kanyang kumot? Paano kung ibang bituin ang sumalubong sa akin? Nag init agad ang pisngi ko dahil lang sa naisip. Ang sarap sabunutan ng sarili ko para magtino pero hindi ko na ginawa dahil sayang sa oras. Hindi naman ako dating ganito pero kung bakit para akong wala sa sarili ngayong kaharap ko si Mr. Valderrama ay hindi ko rin maintindihan. Ang harot mo ngayon, June! Huminga ako nang malalim. Sa tingin ko naman ayos lang ang balak kong gawin basta mabilis lang ang pagsilip. Tumango ako at tyaka tinapik nang ilang beses ang dibdib ko para pakalmahin. “Ayos lang ‘yan June. Kailangan mong makuha ang bituin.” Pigil hininga, hinawakan ko ang laylayan ng kumot sa bandang tyan niya at bahagya itong inangat. Lumapit ako nang kaunti para sumilip dito. Dahil gumalaw siya ay nabitawan ko ang hawak ko. Para akong naestatwa at nagdasal na sana ay hindi ko siya nagising. Nang makita kong hindi na siya kumilos ulit ay tyaka lang ako nakahinga nang maluwag. Lumunok ako at inulit ang ginawa ko kanina. Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko na. Pagsilip ko sa loob ng kumot niya, nanlaki ang mga mata ko dahil nakita kong malapit sa hita niya ‘yong bituin na hinahanap ko! So he was really the one who stole the star on our Christmas tree! Kukunin ko na sana ito nang yakapin ako ni Mr. Valderrama! Ramdam ko ang init ng katawan niya sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Pinagdikit ko ang labi ko imbes na sumigaw dahil ayoko namang magising siya at mapurnada pa ang balak kong pagkuha sa bituin. Ngayon pang alam ko na kung saan ito makukuha. “Gi…” Nilukot ko ang noo ko. May pangalan siyang sinasabi nang paulit-ulit. Tinatawag yata niya ang boyfriend niya. Siguro’y ito ang endearment nilang dalawa. Mahal na mahal siguro nila ang isa’t isa kaya ganito na lang ito ka-clingy. Kahit tipo ko si Mr. Valderrama ay masaya naman ako para sa kanila ng kanyang boyfriend. It’s just that— I’ve never been this close to a man before. Kaya naman pilit kong inunawa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kahit iba ang preference niya, babae ako at lalaki pa rin siya. Kaya normal lang na maramdaman ko ito. And while I was trying to remain calm, my eyes widened in shock when I heard his boyfriend. “I’ll be done in a few minutes!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD