Chapter 4: Boss of all bosses

1028 Words
Kwestyonable kong tiningnan ang mga kalalakihan na wala man lang imik sa kanya-kanya nilang upuan. Kung panoorin nila akong matakot at magtago ay para akong nakababagot na palabas sa telebisyon na hinihintay na lang nilang matapos... o maging kapana-panabik. May umilaw na spotlight sa kabilang gilid at itinanghal no'n ang isang dance pole. Doon ko lang naintindihan ang nangyayari. Dinukot nila ako para sa salo-salo na ito, para magbigay aliw sa kanila tulad ng palagi kong ginagawa sa trabaho. Bakit pa nga ba ako magtataka? Kahit sino pa 'yan o kahit ano pang katayuan niyan sa buhay, kriminal man o hindi, men will always be men. Gusto nila ng live, sexy performance, puwes 'yon ang ibibigay ko sa kanila. Palaban kong pinunit ang pencil skirt ko para lagyan 'yon ng mahabang slit. Sa paghantad ng maputi kong hita ay tumatangong nagbulungan ang mga kalalakihan. "Kapag ginawa ko 'to, patatakasin niyo ako ng buhay." Nakaiintimidang tumayo ang bigotilyong nasa harapan ko. Minata niya ako mula ulo hanggang paa na para akong mansanas na pihikan niyang hinahanapan ng mantsa. "Let me make this clear. Ikaw, inuutusan ako?" Nilakasan ko ang loob ko. "Magsasayaw lang ako kung mangangako kayong pakakawalan niyo ako pagkatapos." "Ako ang mafia boss ng Familia Biviano. Dinidiktahan mo ba talaga ako kung anong dapat kong gawin? Nagmamadali ka bang mamatay?" Siya na ang mafia boss, ang tinutukoy nilang pagreregaluhan nila sa'kin. Nagpakatatag ako. "K-Kailangan niyo ako para magbigay aliw sa inyo." "Hindi lang ikaw ang babae sa mundo." "Pero ako lang ang babae rito." Impertinente siyang umakyat sa stage, dumukot ng baril, kinasa 'yon, at itinutok sa lalamunan ko. "Wala na kapag binutas ka ng bala ng baril ko." Nangatal ang mga kamay ko sa takot. Nanumbalik sa isip ko sina Itay at Inay, at ang mga alaala namin mula pagkabata ko. Pa'no na sila kapag wala na ako? Sino nang susuporta sa kanila? Ganito pala ang pakiramdam kapag nakaharap ka na kay kamatayan, manlulumo ka na lang at ihahanda ang sarili mo sa masaklap na kapalaran. Napahugot ako nang hininga nang marinig ang gatilyo na kaunting diin na lang ay puputok na. "Napoleon." natigilan kaming lahat sa makapangyarihang tinig na nagsalita. Bumukas ang double door at iniluwa no'n ang isang matipunong binata na nakasombrero, leather gloves, at may hawak na pusturiyosong baston. Pagtanggal niya ng sombrero ay napaawang ang mga labi ko sa Italyano niyang mukha. Pumiksi ang mga labi niya nang mapansin ang reaksyon ko, sa pagkapahiya ay kinagat ko ang sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya at gano'n din siya sa'kin. "D-Don Valerio." agad na inalis ng boss ang baril sa leeg ko. Kung nangangatal ako sa takot sa kanya kanina ay siya naman ngayon sa presensya ng Italyano. "Hindi namin alam na dadaan ka. Walang pasabi ang Consigliere." "Abala ang kanang kamay kong si Gaetano. Wala siyang oras para sa mga dagang nagdiriwang sa kutang ito." Tila asong nabahag ang buntot ni Napoleon nang lapitan niya si Valerio para halikan sa kamay. Yumukod din ang mga tauhan niyang mafioso sa binata na nanatiling matayog ang tindig habang nakatanaw pa rin sa'kin sa entablado. Ang ganda ng mga mata niya. Mapilik at nakakaakit. Napailing ako. Hindi, mali ang iniisip ko. Kriminal ang lalaking 'to kahit kaaya-aya pa ang itsura niya. Siya lang ang lalaking hindi nakamaskara rito kaya siguro naninibago lang ako. "Maupo kayo, Don. May maganda akong balita." atubiling giniya ni Napoleon si Valerio sa pwesto niya kanina— sa upuang pandangal. "Nabawi na ng Familia Biviano ang kanlurang bahagi ng siyudad at pinalalawi—" Nagulat ang lahat nang bigla siyang patumbahin ng dalawang hitmen. Sa lakas nila ay basag agad ang ilong niya pagbagsak sa sahig. Walang nagawa maski ang mga mafioso niya para tulungan siya. "Hindi ka pa pinahihintulutan ng Don na magsalita." sapilitan siyang pinatingala ng hitman sa binata. "What are you doing to the woman?" parang musika sa kalamnan ang boses ni Valerio; pagaw at malalim. Kung babae ka sa kama niya, siguradong sa boses pa lang niya ay sasaktan ka na ng puson. "T-Tinuturuan ko lang siya ng leksyon dahil ayaw niya sumunod, Don." "At?" "Tinutukuan ko siya ng baril." Nilahad ni Valerio ang kanang kamay niya. Binigyan naman siya ng hitman ng baril na walang anu-ano'y itinutok niya sa ulo ni Napoleon. "You're an underboss, Nap. I put you second in command. Minsan nang naagaw sa'yo ang Kanluran at alam mo kung bakit? Dahil mahina ka at babae lang ang kaya mong gipitin." "P-Pasensya na, Don. Hindi na ako magpapabaya sa susunod." "Kumusta ang pinaliligpit ko sa'yo?" "G-Ginagawan ko na ng paraa—" malakas na bang! ang bumingi sa'kin sa malapitang pagpapaputok ng baril ni Valerio. Pinatay niya ang mafia boss na akala ko'y siyang pinakamalakas sa lahat. Nahindik na lang ako sa pagbulagta ng wala nang buhay niyang katawan sa harapan ko. "Clean the carpet." utos ni Valerio. Kaagad siyang sinunod ng mga mafiosong kanina lang ay si Napoleon pa ang pinaglilingkuran. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Nabawasan ang tensyon siya ere nang tumugtog ang '50s music sa turntable. Inari ni Valerio ang upuang pandangal sa harapan ko at doon ay inasikaso siya, binigyan ng tobacoo pipe, at sinalinan ng alak. "Ipagpaumanhin mo ang inasal ni Napoleon. Papalitan ko na siya." sa dami ng tao sa paligid niya, kung makatitig siya sa'kin ay parang bulag siya sa iba at tanging ako lang ang nakikita niya. "P-Papalitan mo talaga dahil pinatay mo siya!" "Kaya nga." Napatanga ako, hindi makapaniwala na napakakaswal niya ukol sa pagpatay sa kasama. "Balewala lang ba talaga sa inyo ang buhay ng tao? Habang humihiling ng mahabang buhay ang Itay ko, kayo naman ay basta na lang kumikitil. Wala ba kayong konsensya?!" "Mamamatay tao ang pinaslang ko. He almost killed you." "Pero kahit na!" Mataman niya akong tiningnan. "Marapat lang na bumaon sa ulo niya ang balang 'yon. Walang maaaring humawak sa babaeng pagmamay-ari ko. Ang akin ay akin lang." "Hindi mo ako pag-aari." "Hawak ko ang buhay mo." humithit siya sa pipa. "At nila." makahulugan niyang tukoy sa mga tauhan. "Pakakawalan kita ng buhay kung mapaliligaya mo ako ngayong gabi. Ngayon, sumayaw ka, Samantha. Sayaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD