Chapter 5: Released

1429 Words
Natauhan lang ako kung gaano kapanganib ang lalaking kaharap ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Tinanong ko siya kung pa'no niya 'yon nalaman pero ang tanging namutawi sa mga labi niya ay, "Mga koneksyon ko." Suot ang red, sexy lingerie, kaligtasan na lang nina Itay at Inay ang inisip ko habang mapanghibong sumasayaw sa dance pole. Pinipigilan kong maiyak kahit hindi ko maatim na u***g at hiwa ko na lang ang natatakpan ng karampot na telang suot ko. Naghuhubad ako sa dilim pero hindi pa ako nakapagsuot ng ganito. Mayroon pa palang ibababa ang lipad ko, akala ko ay wala na. Nagdaramdam ako habang nakapokus kay Valerio na umiinom ng brandy. Namumula ang mga labi niya sa lamig ng yelo pero ang mga mata niya'y wari'y nilalagnat sa kinukubli nitong pagnanasa. Nanatiling nag-aapoy ang tingin niya sa'kin kahit sumisimsim siya ng alak, akala mo'y interesante akong sugal na hindi niya matanggihang paglustayan ng buo niyang atensyon. Lalaki siya at wala pang lalaking hindi tinitigasan sa'kin. Kung sa trabaho ay maipagmamalaki ko 'yon, dito ay hindi. Nagtaas siya ng kamay para bigyang hudyat ang mafiosos na lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa sa loob, isang nang-aakit para sa buhay niya at isang naglalaro ng apoy sa ngalan ng pagdudumina; kapwa ay binubuhay ng makaluma at maiyag na musika. "Halika rito." utos niya. Tumigil ako sa pagsasayaw at bumaba ng entablado para tumayo sa harapan niya. "On your knees." "Ano?" "Lumuhod ka. Hindi ka ba nakakaintindi ng Ingles?" "Hindi ako inutil. Magiging guro ako kaya pa'nong hindi ako nakakaintindi ng Ingles?" "Oh." Sh*t hindi ko dapat 'yun sinabi. Ngumisi siya. "Wala pa akong karanasan sa guro, sa mga kagaya mo na kung umasta ay parang birhen na palaging tapat at makatarungan sa napili niyong propesyon. Interesado ako. Ipakita mo sa'kin ang tinatago mong kulo, Binibining Samantha." Binitawan niya ang hawak na kopita para magbigay daan sa pagbabaklas niya ng sinturon. Pagbukas ng pantalon niya ay kumawala agad ang nagngangalit niyang ari na 'singhaba ng ulo ko at 'singtaba ng kamao ko. He's enormous. Ito na ang pinakamalaking nakita ko at parang hindi ko 'to kaya isubo. "Get on your knees." pag-uulit niya. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Pagtama na pagtama ng tuhod ko sa carpet ay iniangat niya ang mga labi ko para siilin ako ng halik. Nahalina ako sa tamis at pait ng dila niyang dulot ng kanina pang pag-inom. I needed that. 'Yung kalasingan para makalimutan ko ang lahat ng ito. "Uhm!" namilog ang mga mata ko nang painumin niya ako ng alak galing mismo sa bibig niya. Sa bawat paglunok ko ng likido ay para akong tuyong disyerto na nadiligan. Alam kong hahanap-hanapin ko na ang lasang 'yon galing sa mga labi niya mula ngayon. Pagkalas niya sa'kin ay naiwang nakabuka ang bibig ko sa harap na nang tungki ng namumula niyang ari. "Shove it down your throat, Ma'am Samantha." tuso niyang komando. MALALAKI ANG HAKBANG ko habang tinatahak ang school grounds dalawang linggo matapos ang pagdukot sa'kin ng Familia Biviano. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng kuta nila, ang naaalala ko lang ay nagising akong nakahiga sa bangko sa parke at doon pinagchichismisan ng matatandang nag-zu-zumba dahil naka lingerie pa rin ako. Habang nagtuturo sa mga bata ng Paaralang Elementarya ng Poblador, dumarating sa'kin na nananariwa ang kapangahasan ng Mafia Don no'ng gabing 'yon sa katawan ko. Tinutulak ko na lang agad pabalik sa pinakatatagong sulok ng isip ko 'yung alaala para hindi na ako gambalahin pa nito. Kalaunan ay nakalimutan ko na lang din ang mga nangyari, 'yun ang naging coping mechanism ko sa trauma. "Grade 3 Narra." inisa-isa ko ang mga silid sa buong corridor. Hinahanap ko ang classroom ni Rubianne na kagaya ko ay practice teacher din dito sa Poblador. Nang matunton ko 'yon ay kumatok ako sa pinto para kunin ang atensyon ng sertipikadong guro na nag-su-supervise sa kanya— si Mr. Soriano na kilalang Mr. Poblador 2020. Matipuno siya, guwapo, at batang-bata pa. "Good morning, Sir." bati ko sa kanya. Atubili siyang bumaling sa mga mag-aaral. "Oh, class, anong sasabihin niyo kay Ate Ma'am?" Ate Ma'am ang tawag nila sa'ming mga intern. Masiglang tumayo ang mga bata, binati nila ako sa tonong pang elementary na organisado at mabagal. "Magandang umaga, Ate Ma'am Rodriguez!" "Magandang umaga rin sa inyo." matamis akong ngumiti. "Magpapakabait kayo kay Mr. Soriano ngayong araw, ha? Wala si Ate Rubianne para tumulong sa kanya sa pagbabantay sa inyo." "Na saan po si Ate Ma'am bakit hindi siya pumasok?" tanong ng mataba at makulit na si Gab. "Nasa university siya," sagot ko. "Nag-aaral para maturuan niya rin kayo. Gusto niyong matutunan pa'no maging doktor at pulis, hindi ba?" "Pa'no po ako gusto ko maging seaman?" tanong ng isang bata. "Tsaka ako po nurse!" nagtaasan na sila ng mga kamay. Mas tumamis ang ngiti ko. Maganda na bata pa lang ay mayroon na silang mga pangarap. "Kaya 'yon ituro ni Ate Rubianne sa inyo pagbalik niya." "Aah." "Ako po gusto ko maging pilot!" "Wow, grape!" nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. "A-Ang ibig kong sabihin great! M-Maganda 'yan mag-pilot ka!" "Ubas ka raw, Ian." biruan ng mga bata. "Maasim kasi kilikili mo." "Hahahaha." Pinamulahan ako ng pisngi. Fazebook pa more, Samantha! Nawiwili akong nilapitan ni Mr. Soriano dala ang sample lesson plan na pinasusuyo ni Rubianne dahil naiwan niya. "Marunong ka rin palang magbiro," aniya, binigay na 'yong lesson plan sa'kin. "S-Sorry, Sir. Nabigla lang ako. Parang nangati dila ko na sabihin 'yon." "Naiintindihan ko. Muntik ko na nga ring sabihin kanina naunahan mo lang ako." "Ay." Nagkatawanan kaming dalawa. Halos magka-edad nga lang pala kami kaya parehong nakasasabay sa uso. "Tsaka 'wag na Sir ang itawag mo sa'kin, Samantha. Soriano na lang." dagdag niya. "Pero—" naputol ang sasabihin ko nang may estudyanteng nambato ng pencil case kay Ian. Kumalabog ang case sa ulo niya, masama ang pagkakatama lalo pa't yari 'yon sa metal. "Ian!" "Aray!!" Humangos kami ni Mr. Soriano para daluhan siya. Laking takot namin nang makitaan siya ng pagdurugo sa sentido. Kumuha agad si Sir ng panyo para lapatan 'yon at pigilan ang pagdurugo. Hindi ko alam ang gagawin kaya wala akong maitulong. Natataranta ako dahil hindi maimulat ng bata ang isa niyang mata. "Ian, nahihilo ka ba?" tanong ni Mr. Soriano. "'Yung mama ko! Gusto ko 'yung mama ko!" humagulgol lang ito at hindi na makausap ng maayos. Sa galit ko ay binalikan ko 'yong batang nambato sa kanya. "Bakit mo 'yon ginawa kay Ian?" kompronta ko rito na patay-malisya lang, mala senyorito pang nakataas ang mga paa sa mesa ng kaklase niya. "Kinakausap kita. Anong pangalan mo?" Hindi siya sumagot at sa halip ay dinura lang ang bubblegum niya sa paanan ko. Nag-init ng husto ang ulo ko. "Halika, sumama ka sa'kin." binuhat ko siya mula sa kinauupuan niya. Kinarga ko siyang parang baboy hanggang sa labas. "Let go off me! Isusumbong kita sa kuya ko!" nagpupumalag siyang parang bulate. "Bitawan mo sabi ako hindi mo ba ako naririnig?!" "Samantha!" hinabol kami ni Mr. Soriano. "Hindi kita ibababa hangga't hindi ka nadidisiplina sa Guidance Office. Pananagutan mo ang pananakit mo kay Ian!" sagot ko sa bata. "You'll regret this!" "Ikaw ang magsisisi! Maling manakit ng kapwa!" nawalan na ako ng composure, parang bata na akong nakipag-away. Pagdating namin sa Guidance Office ay iniwan ko na siya sa loob kasama ang Counselor. Nagbantay pa rin ako sa labas ng pinto para lang makasigurado na hindi siya biglang tatakas. Pawisan na si Mr. Soriano nang makarating sa'kin. "I'm sorry sa ginawa ko, Sir, pero kailangan ng disiplina ng batang 'yon." inunahan ko na siya. "I know, I know, naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo." Nagulat ako, akala ko talaga pagagalitan niya ako. "Naiintindihan mo?" "Oo, sakit talaga sa ulo si Massimo, Samantha." maingat siyang nagbaba ng boses. "Pinangingilagan 'yan ng mga kaklase niya at maski ng mga guro rito. Walang bumabangga sa batang 'yan." "Kahit ikaw?" naintriga ako. "Kahit ako." "Pero bakit?" Nagtanggal siya ng salamin, doon ko lang napansin ang eyebags niya at pagod sa pagtuturo. "Galing sa prominenteng pamilya ng Russo si Massimo. Makailang beses na siyang na-expell dahil nam-bu-buuly ng kaklase. No'ng may batang ma-ICU dahil sa mga kalokohan niya ay ayan, wala nang private schools na tumanggap sa kanya kaya dito siya sa public dinala." "Kilala namang mabubuting negosyante ang mga Russo. Bakit gano'n si Massimo?" "Hindi ko rin alam." Tinapik niya ako sa balikat. "Pero ikaw pa lang ang nagtangkang magdisiplina sa kanya. Hanga ako sa tapang mo, Samantha." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD