"S-Sinaktan? Hindi ko sinaktan si Massimo! I-I mean, na-Judo ko siya pero hindi ko naman sinasadya dahil ipinagtanggol ko lang 'yung batang binu-bully niya!" depensa ko bago pa siya humugot ng baril o kung ano pa man para tapusin ako.
"Marunong ka mag-Judo? Wait." mahina siyang natawa, nabigla ako. "Napaiyak mo ba siya?"
"H-Hindi, ma-pride ang kapatid mo hindi 'yon iiyak basta-basta."
"He's grown some balls, I see." Nangingisi siyang napadila sa labi.
Hindi ko nagustuhan ang reaksyon niya. Parang proud pa siya sa inaasal ng kapatid niya.
"Isantabi muna natin na Mafia Boss ka. Kausapin mo ako bilang guro ni Massimo," matapang kong saad. Napalingon na siya sa'kin sa pagkakataong ito.
Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.
"Kung proud ka pa kay Massimo puwes may mali na sa'yo. Alam mo bang nambato siya ng pencilcase sa ulo ng kaklase niya? Nitong nakaraan lang may ninakawan siya ng pera sa likod ng eskwelahan. Bilang pamilya niya sana naman disiplinahin mo siya. Kapag nalaman 'to ng Guidance Office mapapatalsik na naman siya. Kahit gaano pa karami ang pera niyo wala nang ibang eskwelahan pa ang tatanggap sa kanya, Mr. Valerio Russo." kunot noo kong litanya.
"That's why we're here. To discuss about that." Prente siyang nag-krus ng mga hita.
"Kung gusto mo 'tong pag-usapan ng maayos bakit kailangan mo akong ipadukot?" tumaas na ang boses ko. "Ibaba niyo ako ngayon din."
"I'm dealing with you on my own terms, Samantha. Kung gusto mong bumaba, bababa ka ritong bangkay." pagbabanta niya. "Now be quiet. Ako ang pipili ng lugar kung saan tayo mag-uusap."
Napakuyom ako ng palad, napilitang tumahimik at sumunod na lang dahil mahirap galitin ang kagaya niyang walang pagkilala sa buhay. Wala siyang pakundangan kung kumitil na lang basta-basta at ayoko maging biktima niya.
Tinahak namin ang mahabang underground tunnel. Wala masyadong kotse pero kung mayroon man, puro mamahalin lang din kagaya nitong amin. Kinakabahan ako habang minememorya ang lansangan. Hindi na ako pamilyar sa lugar na 'to kaya nanalangin na lang ako sa isip ko na sana makauwi ako ng ligtas pagkatapos ng lahat ng ito.
Paglabas sa tunnel ay parang ibang mundo na ang bumungad sa'min. Glamoroso ang nagtataasang mga gusali rito, marami ring casinos, gambling sites, martial arts arena, wrestling dome, drag racing tracks, at iba pa. Para itong isang buong siyudad ng mga mafioso para sa illegal nilang mga gawain.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa destinasyon namin— sa isang glass skyscraper na ang rangya ay maihahalintulad sa nagtataasan at abot langit na mga gusali sa Dubai.
Sapilitan akong dinala ng mga hitmen ni Valerio papasok sa isang private elevator. "A-Anong lugar 'to?"
"I can't tell you what this tower is specifically." pagdidismisa ni Valerio sa tanong ko.
"Pero itong siyudad? Ano 'to?"
"This is the Underground City. This is where mafiosi, gangsters, syndicates, and hooligans live. Kinokonsidera rin itong taguan ng maimpluwensyang mga criminal at politiko dahil walang nakagagalaw sa kanila rito."
"Bakit wala?" Luminga-linga ako sa salamin ng elevator kung saan matatanaw ang buong siyudad. "Wala bang pulis dito?"
"Walang batas na umiiral dito, Samantha."
Pagtunog ng elevator ay tinulak ako ng mga hitmen palabas. Sinundan namin si Valerio papunta sa isang mala penthouse suite na silid. Pag-upo ni Valerio sa couch ay pinaupo rin ako no'ng mga hitmen na nanatiling nakabantay sa likuran ko.
"Let's talk about Massimo, shall we?" panimula niya. May dumating na sexy-ng babae na naka-maid outfit at dinalhan siya nito ng champagne. Kinuha pa nito ang kamay niya para pilya siyang papisilin sa hita bago umalis.
Naasiwa ako sa kanila at nag-iwas ng tingin. Pagbaling ko uli kay Valerio ay titig na titig na siya sa'kin.
"Samantha, you look differen than the night we—"
"Pag-usapan na lang natin si Massimo para matapos na 'to." pagputol ko sa kanya, ayaw nang maalala ang nangyari sa'min.
Bigla akong namutla nang makarinig ng pagkasa ng baril sa likuran ko. Nang itutok 'yon sa'kin ng hitman ay nanigas na ako sa kinauupuan ko.
"'Wag kang sasabat kapag hindi pa tapos magsalita ang Don." babala ng hitman.
Laking gulat ko nang impertinente bumunot ng baril si Valerio at walang pusong pinaputukan 'yong hitman dahilan para tumilapon ang baril nito at mamaluktot ito sa sakit ng nagdurugo niyang kamay. Nanginig ako sa takot at parang nakalimutan ko huminga; dumaan 'yung bala sa harapan ko.
"This woman is Massimo's teacher. Walang nagbigay ng pahintulot sa'yo na tutukan siya ng baril." Mapagparusang tumindig si Valerio.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya, pinigilan siya bago pa man mauwi ang lahat sa p*****n. "T-Tama na, Valerio. Pag-usapan na natin si Massimo. Mas importante siya higit kanino man sa silid na 'to, hindi ba?"
Napatiimbagang siya, nanatiling mainit ang tingin sa pinabagsak na tauhan na parang inisiip kung palalagpasin niya ba ang kapangahasan nito o hindi.
"K-Kanina kasama ko siya sa seesaw. Mahilig pala siya sa Gundam." kuwento ko para malihis ang atensyon niya.
"Gundam?" kuryoso siyang bumaling sa'kin.
"Oo, laruang robot. Nakita niya nga itong keychain ko kanina tuwang-tuwa siya. Kaya lang galit pa siya sa'kin kaya hindi rin kami nakapaglaro." Binigay ko sa kanya 'yung robot na keychain. Pinagmasdan niya 'yon sa parehong kuryosidad tulad ng ginawa ng kapatid niya.
"I didn't know he's into these things." ang liit ng keychain sa malapad niyang kamay.
"May usapan kami ni Massimo. Hindi ko sasabihin sa Guidance Counselor ang ginawa nilang magkakaibigan na pagnanakaw ng pera sa kamag-aral nila sa kondisyon na hindi na nila 'yun uulitin. Bakit hindi mo siya imotiba na magpakabait na sa pangangako na ibibili mo siya ng robot na laruan?" suhestiyon ko.
"Gusto mong suhulan ko siya para magbago siya?" baritono niyang tanong.
"Mr. Russo, bata ang pinag-uusapan natin dito hindi gangster. Reward system ang sina-suggest kong gawin mo hindi blackmail o bribery."
Pinakatitigan niya ang keychain. "And if he happened to break the agreement then what."
"Kung gano'n pasensya na pero kailangan ko na siyang isuplong sa Guidance Office alang-alang sa mga batang maari niya pang mabiktima sa hinaharap."
Naningkit ang mapilik niyang mga mata. "In short, you're threatening my brother."
"Mr. Russo, intindihin mo na hindi lang ako guro ni Massimo. Guro rin ako ng ibang mag-aaral at kailangan kong mamagitan, maging niyutral. Kaya nga tayo nag-uusap, 'di ba? Para hindi na humantong ang lahat sa gano'n. Kung maaari lang ayoko ring mapatalsik si Massimo pero—"
"Then don't tell a d*mn human about what you know." mapagbanta niyang nilapag ang baril niya sa gitna namin.