Pinagpawisan ako ng malapot pagkakita sa makintab na handgun ni Valerio. He thinks that by having this, kaya niya nang manipulahin ang moral at prinsipyo ko sa ngalan ng buhay kong nanganganib niyang kitilin.
"Practice teacher man ay 'teacher' pa rin ako, Mr. Russo. 'Wag mong minamaliit ang paninindigan ko sa propesyong napili ko. Concerned ako sa kapakanan ni Massimo pero kailangan ko ring isaalang-alang ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanya. Hindi ba tayo pwede mag-meet halfway?" giit ko.
Kaswal niya kinagat ang dulo ng tobacco, pinasindihan 'yon sa nagkusa at natitira niyang hitman.
"You're brave, Samantha. I like that about you." He smoked. "But I make the call. Hindi ikaw ang maglalatag ng mga kondisyones kundi ako. If you won't speak a word about Massimo no one would know."
"At na saan ka ro'n? Ikaw ang pamilya niya pero ikaw 'tong walang ginagawa para talagang tulungan siya. Anong klase kang kapatid?" tumaas na ang boses ko.
"Like I said I have my own way of doing things."
I nodded, napipikon na. "Naiintindihan ko na."
"Maigi kung gano'n, Binibining Saman—"
"Ilang teachers na ba ang tinakot mo sa baril na 'yan sa harapan natin, Mr. Russo?" pabalang kong pagputol sa kanya.
"What?"
"Nakatulong ba sa kapatid mo 'yang pananakot mo sa'min? Itong ginagawa mo convenient lang 'to sa'yo dahil hindi mo ina-address 'yung talagang ugat ng problema— 'yung dahilan kung bakit nagrerebelde si Massimo. Alam mo kung ano ka? Pabaya kang kapatid." buong diin kong litanya.
Nag-iwas siya ng tingin, tiimbagang na inupos ang tobacco sa ashtray na wari'y nawalan na siya ng ganang manigarilyo.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa'min. Para 'yong malamig na tubig na binuhos sa kanina'y nagbabaga kong galit at tapang, at habang tumatagal ay naaapula na ang tapang na 'yon at bumabalik sa'kin ang takot. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko kay Valerio na sala sa init, sala sa lamig.
"I gave you generous time to speak your sentiments. Now it's my turn," he said, deadly. "Ito ang mga pagpipilian mo: ititikom mo ang bibig mo o uuwi ka ngayong gabi na nakakahon."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. After everything I said and points I made wala man lang siyang pinakinggan kahit isa. Sarado talaga ang isip niya.
"Stop biting your lip, Samantha." angil niya.
"H-Huh?" hindi ko napansin na kinakagat ko na pala ang labi ko kaya tinigil ko na.
Napahilamos siya sa mukha. Nahiya ako bigla. Hindi ko naman talaga sinasadya. I did it out of habit sa club. Ang sabi kasi ni Madam kapag ninenerbyos ka ikagat labi mo lang para imbis na magmukha kang ninenerbyos ay magmukha kang sexy.
"I-Itigil na natin 'to, Mr. Russo." pagputol ko sa katahimikan. "Kanina pa tayo nag-uusap pero sa p*****n pa rin pala ang uwi natin. Wala ka ba talagang alam gawin kundi gumamit ng dahas?"
"May iba pa kong kaya gawin." pagpapakahulugan niya, matipunong umupo nang nakabukaka.
"Hindi 'yang ipinagmamalaki mong etits ang ibig kong sabihin."
"Etits?" may accent niyang bigkas.
"Etits as in..." Ngumuso ako sa umbok sa pantalon niya. Ginaya niya 'yung pagnguso ko para malaman kung saan ako tumuturo. Lihim akong natawa.
"Etits is thigh?" hula niya.
"Baliktarin mo 'yung word na etits."
"Stite?"
Napasampal ako sa noo ko. "Mali, mali. Tanggalin mo 'yung letter 's'."
"Tite," mabilis niyang sagot.
Natawa 'yung natitira niyang hitman. Sa takot nito na mapag-initan nang panlisikan ng mga mata ni Valerio ay agad din itong sumeryoso.
"Samantha, what's tite?" impertinente na niyang tanong.
"Hindi mo pa rin alam? Filipino na 'yan."
Kumunot ang makinis niyang noo.
"Okay, fine. Etits is p*nis," sagot ko.
Napaisip siya. "So, you're not interested in my p*nis? Why?"
"Huh? Anong why? Dapat ba interesado ako sa etits mo? Teka nga, na-sa-sidetrack na tayo! Si Massimo ang pinag-uusapan natin!"
Sa isang kumpas lang ng kamay niya ay lumabas na ang hitman niya bitbit ang kasama nitong sugatan. Naiwan kami sa suite. Nabigla ako nang tumukod siya sa sandalan ng kinauupuan ko para ikulong ako sa magkabila niyang bisig at pakatitigan na para akong cute na rabbit na gusto niyang bilhin sa pet shop.
"Is it not thick enough for you? My p*nis, that is." he asked hoarsely.
"Bakit importante ang opinyon ko sa p*********i mo? Fragile ba ang masculinity ng Mafia Don? Tipong maiinsulto kung sasabihin kong maliit nga 'yung kanya?" panunudyo ko, sanay na sanay sa ganitong mga lalaki.
"My masculinity isn't fragile." depensa niya.
"Kung hindi bakit mo pa ko tinatanong?"
He casually shrugged. "I don't know. Survey?"
"Edi tanungin mo 'yung sexy maid mo."
He leaned closer. "Ikaw nga ang tinatanong ko."
"I refuse to answer." Hinanap ko 'yung tinutukoy kong maid, nahuli ko siyang nakasilip mula sa isang silid.
"Eyes on me, Samantha. Sa'kin ka lang tumingin."
"Pwede bang lumayo ka na? Baka magalit sa'kin 'yung babae m—" pagbaling ko sa kanya ay nagulat ako nang magtama ang tungki ng mga ilong namin. Sobrang lapit niya ay halos mahalikan niya na ako
"Samantha," pagaw niyang usal, titig na titig sa mga mata ko. "Your eyes, they're brown. They're like chocolate and almonds. Two of my favorites."
"Mr. Russo, 79% ng sangkatauhan brown ang mata. 'Wag kang umasta na parang rare ang akin. Let's get back to business, shall we? Pag-usapan na natin si Massimo." dedma ko sa kanya.
He swallowed hard. "Saan ba tayo naantala?"
"Papipiliin mo pa rin ba ako sa pananahimik o sa pag-uwi nang nakakahon?"
"Depende, ano bang pipiliin mo?"
"Alam mo bang pinangingilagan si Massimo ng mga guro niya? Wala silang pakialam sa kanya o sa sasapitin niya sa oras na mapatalsik siya sa Poblador Elementary School. Kung tutuusin mas masaya pa nga sila napag na-kick out ang kapatid mo."
"Why are you telling me this?"
"Para malaman mo na kapag inuwi mo kong nakakahon, tinanggal mo na rin ang kaisa-isang guro na concerned kay Massimo sa paaralan na 'yon."
Naninimbang siyang tumindig. "And you were saying na ikaw 'yon?"
"Oo."
"Seriously. Ikaw nga itong may balak maglaglag sa kapatid ko para mapatalsik siya tapos sinasabi mong concerned ka."
"Kung gusto ko talagang magsumbong umpisa pa lang edi sana ginawa ko na. Pero bakit ako nandito at nag-uubos ng laway para ipaintindi sa'yo na kailangan ko ng tulong mo para mapaganda ang buhay ni Massimo? Pinagtatakpan ko pa siya. I only ask that you participate in disciplining him, you know, as his older brother."
He was silent. Pursigido akong tumayo, kinuha ang mga kamay niyang naka suot ng leather gloves at pinisil 'yon. His hands felt tough.
"Palagi kang binabanggit sa'kin ni Massimo. Isusumbong niya raw ako sa'yo. He's that proud of you, do you know that? Alam kong mas pakikinggan ka niya kaysa sa'kin kaya tulungan mo ako, sige na, para sa kanya." pangungumbinsi ko pa.
"So, we're disciplining him?"
"Oo, gano'n nga."
"Na para tayong mag-asawa at siya ang anak natin?"
"Huh? A-Ah, oo? Parang gano'n."
"Fine, Misis. I'll help."