Umasa ako sa tulong na sinabi ni Valerio. Hindi namin napag-usapan kung pa'no partikular na didisiplinahin si Massimo pero dahil wala siyang naging paramdam no'ng mga sumunod na araw ay in-assume ko na lang na pinangangaralan niya ang kapatid kapag nasa bahay sila. Wala kaming klase ni Rubianne kaya tumambay kami sa hilera ng study table sa Poblador Elementary School para do'n muna gumawa ng requirements namin sa university. Nag-uumapaw sa paperworks ang mesa namin; ang hirap talaga pagsabayin ng pagtuturo at pag-aaral. "Nabalitaan mo 'yung engkwentro ro'n sa may Red Flamingo kagabi?" tukoy ni Rubianne sa motel na katapat ng pinagtatrabahuhan kong club— sa mismong motel na pinagdadalhan sa'min ng mga parokyano. "Hindi, anong nangyari?" "May buy-bust operation daw na nangyari do'n tapos