Pagka alis ng mga kaibigan ko sakto namang tapos nang magkape Si Drai sa labas. Hinatid ko ang mga kaibigan ko sa labas ng gate pero bago yon. Nilapitan muna ni Patricia ang lalaking katatapos lang mag kape sa maliit na lamesa sa labas. "Hi. I'm Patricia Manzano. Shin's best friend" Kinikilig na pakilala nang kaibigan ko Tinanguan lamang siya ni Drailan "And this is Andy Perez" Hinila niya si Andy na halatang galit na galit na. Pfft Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng'to. Masyadong na aattract kay Drailan. Napa iling ako ng ulo at hinila na si Patricia na mukhang walang balak tumigil na kausapin si Drailan. "Tara na, hatid ko na kayo" Sabi ko sabay hila kay Patricia sa braso. Pinigilan niya ako at agarang nilahad ang kamay sa harap kay Drailan. Tinaasan siya ng kilay ng la